Chapter 42: Truth Hurts

DESTINY

Napakaliwanag ng paligid nang ako'y magising. Pakurap-kurap kong minulat ang aking mga mata dala ng pagkasilaw hanggang sa masanay ang paningin ko.

Nakaratay ako ngayon dito sa malambot na higaan. Masakit ang aking katawan nang gumalaw lang ako nang kaunti. Kumikirot din ang bandang likuran ko kung kaya dahan-dahan akong bumaling sa gilid para hindi ako mahirapan.

Naging malalim ang bawat paghinga ko kasabay nang pagkatulala nang ilang sandala para kumuha ng lakas. Ilang sandali pa ang nakalipas ay napagdesisyunan kong bumangon. Isang buntonghininga ang aking pinakawalan saka buong lakas na bumangon. Bahagya pa akong napangiwi nang indahin ang sakit. Huli ko nang napagtantong nasa sarili ko pala akong kuwarto.

Wala sa sariling napunta ang atensyon ko sa 'king mga kamay. Saka ko lang naalala ang mga nangyari kagabi nang may iilang mga pasa at mga sugat akong nakita rito. Unti-unting tumulo ang mga luha ko nang manunbalik ang takot sa 'king isip. Gusto kong makita sila Mommy.

Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa kalahati ng katawan ko at maingat na inusad ang katawan para tumayo mula sa kama. Hindi naman ako gaanong nahirapan hanggang sa magawa kong maglakad at makalabas sa kuwarto ko.

Pinunasan ko ang aking mga luha at suminghap ng hangin. Bumaba ako sa hagdan at pumanhik papunta sa sala kung saan ko nadatnan sina Kuya Dwayne, Ate Dani, at si Lauren. Lahat sila'y abala sa kani-kanilang ginagawa subalit agad din silang tumigil sa oras na makita nila ako.

"Destiny," wika ni Lauren.

Nanatili lang akong nakatayo sa 'king kinaaapakan hanggang sa naramdaman ko na lang na isa-isa na nila akong niyakap para aluin ako.

"Sorry..." Iyon na lang ang aking sinabi at buong lakas na nagtimpi para hindi umiyak.

"Shh. Ayos lang. 'Wag kang mag-sorry," sambit ni Ate Dani.

Naninikip ang dibdib ko ngayon. Hindi ko alam ang aking gagawin gayong bigo na rin akong pigilan ang aking sarili para hindi maluha. Sa totoo lang ay naiinis ako sa 'king sarili dahil ngayon ko lang napagtanto ang mga sinabi sa 'kin ni Kuya Dwayne noon. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit gano'n na lang siya sa 'kin 'pag dating kay Lorenz. Dahil sa kapabayaan ko, muntik na akong magahasa.

"Tahan na, Destiny. Tahan na," aniya pa't hinagod-hadog ang likod ko bago kumalas sa pagkakayakap. "Upo muna tayo."

Tumango lang ako kasabay ng pagpunas ko sa 'king luha. Naupo kaming pareho ni Ate Dani habang nanatili lang nakatayo sina Lauren at Kuya.

"Nasa'n sila Mommy?" kaswal kong tanong.

"Umalis sila kanina. Inaasikaso 'yung muntik nang manggahasa sa 'yo. Nakakulong na rin sila ngayon," sagot naman niya bagay na nagbigay luwag sa 'king damdamin.

Walang anu-ano'y umiwas ako ng tingin. Unti-unti kaming nilamon ng nakakailang na katahimikan. Nakapamgalumbaba ang tingin ko habang hinahayaan lang silang nakatingin sa 'kin.

"Naniniwala ka na ba sa 'kin?" pagbasag sa katahimikang tanong ni Kuya.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Kuya..."

Bumuntonghininga lamang siya at napahilamos sa sarili. "I already know what happened. Nakausap ko si Cam. Kin'wento niya sa 'kin kung ano'ng mga nangyari. I'm sorry," pauna niyang salita bagay na nagpatutop sa 'kin dala ng hiya. "Since the begging, I warned you. Pinagsabihan kita na layuan mo si Lorenz, pero makulit ka. Akala ko okay na ang lahat kaya napag-isip-isip kong hayaan ka na lang, pero hindi pa rin pala. Akala mo ba noon e trip ko lang na maging gano'n ka-protective sa 'yo? Hindi."

Mariin lamang akong napalunok sa bawat sinasabi niya. Hindi ko naman siya masisi kung sinisermunan niya pa ako dala ng nangyari sa 'kin. Ako rin naman ang may pagkakamali.

"Binalaan na kita, 'di ba?"

Malimit lang akong tumango.

"See? Bakit hindi ka kasi nakikinig? May gusto ka ba sa tarantadong lalaking 'yon?" Unti-unting nagbabago ang tono ng kaniyang boses.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang tanong. Mabilis akong nakaramdam ng hiya kung kaya napakagat-labi na lamang ako.

"Sumagot ka," mariin niyang pilit.

Hindi pa rin ako sumagot at nanatiling tahimik lang.

"Sumagot ka, Destiny," pag-uulit niya. Sa pagkakataong ito'y nagbago ang awra ng mukha niya.

"Dwayne!" biglang sigaw ni Ate Dani. "'Wag mo ngang sigawan si Destiny. Kita mong kakagaling niya lang sa troma kaya umayos ka," nagtitimpi niyang suway. "Intindihin mo muna siya, Dwayne. Dahan-dahanin mo lang. Ayusin mo pakikipag-usap mo sa kaniya."

Walang emosyon ang mukha ko nang titigan ko si Kuya sa kaniyang mga mata. Napabuntonghininga na lamang siya nang siya naman ang masermunan ni Ate.

"Fine, I'm sorry," pagbawi niya agad. "Pero, Destiny, may gusto ka ba kay Lorenz? May nararamdaman ka ba sa lalaking 'yon?"

Pakiramdam ko'y sa buong buhay kong nakakaranas ng pagkailang, ito na ang pinakagrabe. Hindi ko man lang magawang magsalita dahil umurong na ang dila ko gayong kahit tanungin man nila ako o hindi, halata na kaya wala nang patutuguhan pa kung magsinungaling ako. Mas pinili ko na lang manahimik.

"I guess silence means 'yes,' 'di ba? Halata naman. I already knew it from the very beginning."

"Dwayne," suway naman muli ni Ate.

"Alam ko, Ate," tugon naman niya't muling humarap sa 'kin. "I know he's a very good man, pero natatakot ako para sa 'yo. Hindi mo pa siya gano'n kakilala. Ako man hindi ko alam kung bakit 'yan sanay magsalita nang Tagalog e Espanyol 'yan. Wala kaming alam nila Mommy kung bakit 'yan napunta rito. Hindi naman alam ang family background niya. Ikaw ba? May alam ka?"

Umiling lang ako.

"'Di ba? You know nothing. Kahit gaano na kayo kalapit, hindi niya pa rin nagawang magsabi sa 'yo."

Damang-dama ko ang bawat sinasabi ni Kuya. Sa bawat litanya na kaniyang nilalabas ay isa-isa kong napagtanto ang bawat kamalian kong nagawa sa 'king parte.

"Kilala mo si Kendra, 'di ba?"

Sa oras na 'to, ro'n lang ako nagkaroon ng lakas para ibuka ang aking bibig at magsalita. "Oo. Kai---"

"Kaibigan? Sigurado ka?" pagtatapos niya ng aking dapat sabihin sa patanong na paraan. "Hindi lang basta kaibigan ni Lorenz si Kendra, Destiny. Ex-girlfriend niya 'yon at sigurado akong nagkakamabutihan na ulit sila," pagtatapat niya dahilan para manikip ang dibdib ko.

I was in shock for a moment. Hindi ko na alintana ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ko.

"Halos tatlong taon silang magkarelasyon, Destiny. Nagkagulo lang lahat nang napabayaan na ni Lorenz ang kan'yang pag-aaral kaya halos lahat ng mga subjects niya ay bumagsak siya. Humingi siya ng pabor kay Kendra na kailangan muna niya ng break pero hindi siya pinagbigyan hanggang sa napag-isip-isip niyang makipaghiwalay sa kan'ya," mahaba niyang paliwanag. "Alam kong matalino si Loren, pero triple pa ang talino ni Kendra kumpara sa kan'ya. She's a consistent honor student. Magmula ng araw na 'yon, hindi na pumasok si Kendra hanggang sa nalaman ng lahat na unti-unti siyang nabaliw to the point na muntik na siyang magpakamatay sa sarili niyang condo. Kung hindi ako nagkakamali, bumisita ang mga kaibigan niya sa kaniya at nadatnan nilang isasabit na sa leeg ni Kendra ang lubid. Mabuti na lang at naagapan kaya naligtas pa." Huminto siya saglit para sa susunod niyang sasabihin. "Dumating ang mga magulang ni Kendra mula US papunta rito sa Pilipinas para sunduin at ipagamot siya ro'n. Kalat na kalat ang isyu na 'yan sa school noon at nang mabalitaan ni Lorenz na dinala na si Kendra sa US, hindi na rin siya pumasok. Hindi nga siya kasama sa mga gr-um-aduate," pagtatapos niya ng kaniyang pagkuwento.

"Pa'no mo alam ang lahat ng mga 'to?" tanong ko kaniya. "Gawa-gawa mo lang ba 'to para mas siraan siya?"

"Pa'no ko alam? Magkaklase kami ni Lorenz noon. Magkasing-edaran lang kami. Mas matanda lang ako nang isang taon sa kan'ya. 27 na 'ko't 26 na siya. 24 naman yata si Kendra. Dapat nga e tapos na 'yang mga 'yan sa college at nagtatrabaho na, eh."

Ayaw rumehistro sa utak ko ang mga sinabi sa 'kin ni Kuya kahit pa malinaw ko naman itong narinig. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Sinubukan kong pagtagpi-tagpian ang lahat hanggang sa mapagtanto ko ang mga ito. Dahil dito ay hinarap ko si Lauren.

"Ito ba 'yung rason kung bakit gano'n din reaksyon mo sa kan'ya, Lauren?"

Tumango naman siya. "Kaibigan ko sina Tyson at Ryker. Hindi ko rin alam kung paano nila naging kaibigan si Lorenz pero nakilala ko lang siya dahila sa kanila. Kinuk'wento lang nila sa 'kin."

Hinarap ko naman si Ate. "Ikaw, Ate, alam mo rin ba 'to?"

Nagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin niya ako. "Yes."

Tuluyan na lang akong napayuko sa 'king mga kamay at hindi alam kung ano'ng mararamdaman matapos malaman ang lahat. Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang aking mga luha sa oras na lumabo ang aking paningin. Dala siguro ng aking emosyon, wala sa sarili akong napatayo at nagmadaling tumakbo papunta sa kuwarto ko.

"Destiny!"

"Cuz!"

"Destiny!"

Hindi ko sila pinakinggan hanggang sa tuluyan akong makapasok sa loob ng aking kuwarto at padabog itong sinara saka ni-lock.

Magdamag lang akong nakaratay sa 'king kama habang nakatalukbong sa makapal na kumot at nakayakap sa malambot kong unan. Patuloy pa rin ang pagluha ko hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras na gumabi na. Wala akong kain mula kanina kaya panay na lang ang katok nila Mommy nang sila'y makarating para pakainin ako subalit hindi ko pa rin sila pinagbuksan.

***

Ilang oras na akong nakatulala sa kawalan, direkta sa kalangitan na napapalibutan ng maliliit na mga butuin. Kanina ko pa pinipilit na matulog pero kahit ano'ng mga gawin ko ay wala pa ring epekto kaya heto ako ngayon at hinihintay na dalawin ng antok.

Habang nakatulala ay walang anu-ano'y bumaling ako sa 'king study table. Para bang may puwersa na nagtulak sa 'kin para lumapit do'n bagay na akin namang ginawa. Umupo lang ako at kinuha ang papel na nakaipit sa 'king mga libro na nakuha ko mula sa dorm ni Lorenz.

Binuklat ko ito at pinagmasdan ang mga letra at mga numerong nakasulat dito. Baka sa pagkakataong 'to ay malaman ko kung ano'ng ibig nitong sabihin gayong pamilyar ang pagkakaayos ng mga ganitong mga letra at mga numero.

"#4B0082 - #E6E6FA - #FFA500 - #8F00FF - #555D50 - #FFFF0,0 - #FFA500 - #120A8F #f0e130 - #555D50 - #F4C430 - #F28500 - #4B0082 - #727472 - #FFFF00"

Napakatagal ko itong tinitigan na pilit iniintindi kung ano ito. May 15 combinations dito kaya siguradong may ibig itong sabihin kung sakaling ma-decode ko ito. Alam ko 'yung mga ganito, eh. Kaunti na lang.

"Hmm... Color codes? Geez, oo nga," nanlalaki ang mga mata kong bulong sa sarili sa oras na mapagtanto ang mga ito. Kabisado ko ang iilan sa mga 'to ngunit hindi lahat kung kaya hinila ko ang drawer ng aking study table at kinuha ang manipis na libro kung nando'n ang chart ng mga color codes.

Sulat kamay 'to ni Lorenz, eh. For sure, this has to be something.

Pumunit ako ng papel sa notebook ko at kinuha ng ballpen saka kinopya ang nakasulat sa papel.

"#4B0082 - #E6E6FA - #FFA500 - #8F00FF - #555D50 - #FFFF00 - #FFA500 - #120A8F #f0e130 - #555D50 - #F4C430 - #F28500 - #4B0082 - #727472 - #FFFF00"

Sa oras na malipat ko na ito ay binuklat ko na ang libro ko para isa-isahin ang bawat kombinasyon. Medyo may katagalan pero unti-unti, mabilis ko namang nakukuha agad. Bawat kulay na nirerepresenta ng kombinasyon ay sinusulat ko rin hanggang sa mailista ko na silang lahat.

"Indigo - Lavender - Orange - Violet - Ebony - Yellow, Orange - Ultramarine - Dandelion - Ebony - Saffron - Tangerine - Indigo - Nickel - Yellow"

Nakakunot ang noo ko ng pagmasdan ko ito nang matapos ko silang malista. Parang may kulang.

Hmm. Initials siguro?

Sinulat ko silang lahat isa-isa subalit gano'n na lang ako magtaka bandang una pa lang hanggang sa matapos ito.

"I - L - O - V - E - Y - O - U - D - E - S - T - I - N - Y"

What the geez?!

Nagsimulang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napatakip na lang ako sa 'king bibig.

This is impossible.

Dali-dali akong napatayo sa 'king puwesto para kunin ang aking phone na kasalukuyang nagtsa-charge para i-message si Lauren at ipaliwanag sa kaniya ang nalaman ko subalit sa oras na pagkabukas ko pa lang nito ay bumungad na kaagad sa 'kin ang message ni Lorenz.

Lorenz Aldous

Lorenz
I already knew what happened to you. I'm really reallt sorry, Destiny. It's my fault. I ruined not only your birthday but even your brother's honeymoon with her new wife. I even promised that I'll come to your party but I disappointed you. I'm so sorry. I'm very drunk that night that I didn't know what I'm doing. As much as I want to apologize personally, I can't knowing your parents especially your brother are really upset. Still, I want you to know that Kendra isn't in her stable state and she needs me. Plesse don't blame her. It's all under my responsibility. Again, I'm sorry. Lo siento, Destiny.

Matapos kong basahin ang kaniyang mensahe ay ganon na lang ang naging reaksyon ko dulat sa halo-halong mga emosyon. Napakasikip ng dibdib ko at parang wala na rin akong malabas na luha dahil ubos na mula pa kanina. Mugtong-mugto na ang mga mata ko at sobra-sobra na 'tong nangyayari sa 'kin.

Nakatitig lang ako sa 'king hanggang sa nawala ang message button na nangangahulugang binalik na naman niya ako sa pagkaka-block.

Hindi ko alam kung ano'ng problema sa 'kin. I don't know why this is happening.

Napayakap na lang ako sa 'king mga tuhod at nahiga sa kama ko. Sa mga oras na 'yon, hindi ko na yata namalayang dinalaw na ako ng antok at tuluyang nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top