Chapter 41: Terrible Trouble
DESTINY
"Congrats, Bro."
"May asawa na si Dwayne. Parang kailan lang e umiiyak pa no'ng hiniwalayan siya ni Tiffany."
"Napag-iwanan na tayo ni Dwayne."
"Sino next na ikakasal?"
Tatlong linggo ang nakalipas pagkatapos ng pageant, tuluyan nang kinasal sina Kuya Dwayne at Ate Tiffany kasabay sa kaarawan ko ngayon. Double celebration. Talagang pinaghandaan ang araw na 'to kaya naman hindi na nakakapagtakang maraming tao rito reception venue.
"Tumigil nga kayo," natatawang sambit ni Kuya Dwayne na kasalukuyang nakaupo sa gilid habang abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Sa susunod, kung sino ang isusunod na ikakasal, bibilhan ko ng motor. Promise 'yan," dagdag niya pa.
"Loko!" bulalas naman bigla ni Ate Tiffany at mahinang binatukan ang katabing si Kuya Dwayne. "Kung makapagsalita ka e akala mo namang marami kang pera. Marami ka bang pera?"
"Oo naman," kampanteng sagot sa kaniya ni Kuya.
"Wala ka ngang ginastos sa kasal natin. Lahat sagot ng tatay mo, 'no," prangka namana niya pabalik.
"'Wag mo nga ako siraan sa mga kaibigan ko. Nagbigay rin ako ng pera kayla Daddy, 'no." Umismid siya at muling binalingan ang mga kaibigan. "Basta, kung sino ang isusunod na ikakasal sa 'tin, bibilhan ko ng motor. Wedding gift ko," paniniguro niya.
Ilang metro ang layo ko sa kanila subalit dinig na dinig ko ang kanilang mga pinag-uusapan kaya naman hindi ko mapigilan ang aking sariling para mahinang matawa sa kanilang lahat. Masaya ako ngayon dahil bukod sa nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko, kasal na si Kuya at paniguradong susunod na si Ate Dani kung nagkataon. 'Yon nga lang ay kung magkaka-boyfriend siya agad knowing na hindi naman siya in relationship ngayon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inilibot ang tingin sa buong paligid. Tamang-tama lang 'tong nirentahang venue nila Mommy gayong may kasamang swimming pool sa tabi ng mismong hall. Ngayon ay may nag-e-enjoy nang mga batang inimbita sa paglalaro sa swimming pool. Sa bandang gilid ay makikita ang iba't ibang mga pagkaing nakahanda sa mahabang lamesa. Sa kabilang banda naman ay may maliit na photoboot do'n kung saan may mga nakapila para mag-picture as remembrance.
Abala sina Ate Dani, Mommy, at Daddy sa mga bisita. Dahil wala naman akong magagawa at busog pa rin naman ako, pasimple akong naglakad sa gilid ng hall saka tumungo sa itaas para magmuni-muni. May maliit na kuwarto kasi sa taas nitong hall na kasama rin sa binayaran nila Daddy at baka rito pa kami matulog dahil aabutin kami ng madaling araw kung uuwi pa kami sa bahay pagkatapos ng event.
Pumasok ako sa loob at binuksan ang ilaw. Nagpakawala ako ng buntonghininga bago nagpatuloy sa maliit na balcony. Hinawi ko ang glass door at dinama ang malamig na simoy ng hangin pagpatong ng mga braso ko sa railings. Nagmuni-muni muna ako saglit bago hugutin mula sa bulsa ang aking phone para magtipa ng message kay Lauren.
Lauren Belle Delos Rios
Destiny Sierra
San ka na Lauren?
Pagkatapos kong i-message si Lauren ay sunod ko namang m-in-essage si Lorenz gayong wala pa rin siya maging sina Tyson at Ryker.
Lorenz Aldous
Destiny Sierra
Lorenz, anong oras kayo pupunta rito?
Kanina pa kayo wala. Late na kayo.
Naupo na lang ako sa tabing gilid ng balkonahe pagkatapos. Active naman ang status niya pero hindi man lang ako sini-seen. Usually kasi e pagka-send ko pa lang ng chat ko e nire-reply-an niya agad.
It's my birthday today, pero sa totoo lang, hindi ko dama gaano. I mean, dama ko naman kaso parang may kulang na dapat i-fulfill. Parang normal nga lang ng araw na 'to. Naging magarbo lang dahil sinabay ang kasal nila Kuya Dwayne sa birthday ko.
"Cuz? Destiny?"
Mabilis namang napukaw ng atensyon ko ang pamilyar na boses na tumawag sa 'kin. Sa paglingon ko ay nakita ko si Laure'ng nakatayo sa pinto. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at lumapit na sa 'kin saka yakapin ako.
"Happy birthday sa 'yo. 20 ka na, Destiny," masaya niyang pagbati.
Tumagal kami sa gano'ng posisyon bago ako kumalas sa kaniyang pagkakayakap. "Thanks," tugon ko nang nakangiti. Kahit papa'no'y nabawasan ang pag-iisip ko. "Ba't ngayon ka lang?" kaswal kong tanong.
"E, Cuz, sina Papa at Mama kasi e ang dami pang arte sa katawan. Ang babagal nilang magsikikilos. Sabi ko nga e mamamasahe na lang ako para hindi ako ma'late pero ayaw naman nila. Nakakainis," paliwanag niya bagay na mabilis ko namang naintindihan.
"Lagi naman, eh," pabiro kong singhal nang maupo kaming pareho sa kama.
"Oo, Cuz. Totoo." Nasalo niya pa ang kaniyang noo. "Oh, gift ko nga pala, Cuz. Baka makalimutan ko pa." Binigay niya sa 'kin ang isang paper bag na kulay itim. "Sana magustuhan mo," pahabol niya pa.
Akin naman itong tinanggap. "Nag-abala ka pa talaga, pero salamat." Ang hawak ko ngayon ang aking pinagmasdan. Sinilip ko kung ano'ng nasa loob nito at nakita ko ang isang box. Nilabas ko ito at tinanggap ang lid ng kahon. Gano'n na lang lumawak ang kurba ng aking labi nang makitang isang sapatos ito. "Hala, thank you!" Hindi ko na tuluyang napigilan ang sarili ko para ako naman ang yumakap kay Lauren this time. "Thank you, Sis," pag-uulit ko. Kumalas na rin ako ng pagkakayakap para hawakan nang direkta ang sapatos. "Geez, ang ganda!"
"Ako? Totoo. Maganda talaga ako."
Bigla na lang akong tumahimik at blangko ang mukhang tinapunan siya ng tingin. "Sapatos ka ba?" sarkastiko kong tanong.
"Sapatos ba tinutukoy mo? Akala ko ako, eh. Sayang. Sorry."
"Gaga."
Kapuwa kaming natawa sa kalokohan namin.
"Cuz, may isa pa akong regalo," aniya.
"Ano?"
Tumungo siya sa gilid para abutin ang maliit na kahon saka 'yon inabot sa 'kin.
"Ano naman 'to?" Inalog-alog ko pa ito at may narinig na matigas na bagay sa loob.
"Gaga ka. Buksan mo kaya."
"Sabi ko nga." Agad ko naman itong binuksan sa pagkakabalot hanggang sa makita kong isang perfume ang bumungad sa 'kin.
"Ayos ba, Cuz?"
"Sis... I'm speechless. Geez, ang ganda." Hindi maalis sa mata ko ang hawak-hawak ko ngayon. Ang ganda kasi at ang cute niya kaya naman tinanggal ko ang takip nito at nag-spray nang isang beses para maamoy ito. Hindi naman ako nadismaya nang maamoy kong amoy cotton candy siya at talagang napakabango nito. "Ito na gagamitin kong pabango. Ambango niya. Salamat ulit."
"Wala 'yon. Enjoy mo lang ang gabinng 'to," sabi nniya. "O siya, baba muna ako saglit. Kakain muna 'ko. Kanina pa 'ko nagugutom."
"Go lang. Kumain ka na 'ron."
Tanging pagtango na lang ang iginawad sa 'kin ni Lauren at lumabas na rin siya kinalauan. Tinabi ko na muna pansamantala ang regalo niya at nilinis ang mga pinagkalatang mga papel saka ito tinapon sa kalapit na basurahan. Ilang minuto ang nakalipas ay muli kong sinilip ang aking phone kung may reply na ba si Lorenz at gano'n na lang ako manghinayang nang makitang wala pa rin hanggang ngayon.
Aldous Lorenz
Destiny Sierra
Isiseen mo ba ako o isiseen?
May parte sa 'kin na gusto ko siyang tawagan ngunit mas pinili kong hindi na lang. Hindi ko alam kung nananadya ba siya or what. Ayaw ko lang ma-disappoint ang sarili ko gayong siya na rin mismo nagsabing pupunta siya. Ilang beses na ring hindi niya sinagawa kung ano ang sinabi niya kaya naman mas mainam siguro kung puntahan ko siya sa kaniyang dorm. Malapit-lapit lang naman dito sa venue ang dorm niya.
Tumayo na ako para lumabas. Sa oras na hawakan ko ang seradula ng pinto ay siya namng pagbukas nito at bumungad sa 'kin si Mommy.
"Oh, Destiny. Nandito ka lang pala."
"Mommy, pupuntahan ko lang po si Lorenz. Kanina pa po kasi siya wala. Malapit lang naman po rito 'yung tinutuluyan niyan dorm," paalam ko agad.
"Gabi na, Destiny. Papunta na rin 'yon."
"Mommy, malapit lang dito 'yung dorm niya. Saglit lang naman po ako. 'Di ako matatagal. D'yan lang 'yun, eh," pagpupumilit ko pa.
"Nako, Destiny, malalagot ka sa daddy mo."
"Mommy, naman, oh. Sige na please."
Napaismid na lang siya. Segundo ang itinagal bago siya sumagot. "I'm only giving you 20 minutes. Dapat nandito ka na agad," payag niya.
Mabilis namang sumilay ang ngiti sa 'king labi. "Thanks, Mommy."
"Bumalik ka rin agad. Papunta na rin mga pinsan mo rito. Sigurado akong hahanapin ka nila."
"Saglit lang po ak," ang sabi ko na lang. Ihahakbang ko na sana ang paa ko para lumabas nang marinig ko na namang magsalita siya.
"Ipapahatid kita kay Uncle Bernard mo," pahabol niya.
"Mommy naman," angil ko.
"Mamili ka, ipapahatid kita o mag-stay ka na lang dito?"
"Oo na." Napabuntonghininga na lang ako at palihim na napairap sa kawalan.
***
Dahil wala na akong ibang mapagpipilian, si Uncle Bernard na ang naghatid sa 'kin patungo sa dorm ni Lorenz. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse habang nilalamon ng malalim na pag-iisip. Nag-aalala ako sa totoo lang.
Sa'n na ba kasi 'yung gunggong na 'yon?
Matagal-tagal na rin no'ng huli akong nag-message sa kaniya. Kanina pa ako silip nang silip sa phone ko na para bang 'di mapakali subalit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang replies sa chats ko. Active naman ang kaniyang status ngunit hindi man lang ako ma-seen. Kumbaga e parang nananadya siya knowing na 'di naman siya ganito unless na lang kung sobrang busy siya. Pero magsasabi naman 'yun. I don't have any idea what's going on.
Dala ng pagkainip ay muli akong nagtipa ng message sa kaniya. I'm hoping that he'll reply this time.
Lorenz Aldous
Destiny Sierra
Lorenz, kelan mo ko balak iseen? Gago ka. Kanina pa namin kayo hinihintay ron. Bahala kayo sa buhay nyo mga bwiset. Maubusan sana kayo ng pagkain.
No choice. Pupuntahan kita. Kala mo ha
Isiseen mo ba ako o isiseen? Nakakainis ka naman ehhh
Hoy!!! Birthday ko ngayon kaya wag mo kong iprank. Kaloka to
Iyon na lamang ang huli kong tinipa. Sa inis ay labag sa loob kong pinatay ang phone saka nilagay ito sa 'king bulsa. Pagkuwa'y napansing pamilyar na ang dinadaanan ay umangat ang tingin ko rito. Malapit na kami. Sana naman nando'n siya.
"Uncle, do'n n'yo na lang po ako ihinto," turo ko sa may eskinita. Binigyan ko na lang ng senyas si Uncle para ihinto na ako malapit sa poste sa tapat ng apartment na tinutuluyan ni Lorenz.
Huminto naman ang kotse sa isang gilid eksakto kung saan ang itinuro ko. Kaagad na akong lumabas ako ng at lumapit sa bintana ng kotse saka kumatok nang tatlong beses. Pinagbuksan naman ako ni Uncle.
"Uncle, 'wag n'yo na po akong hintayin. Mauna na po kayo," habilin ko. "Baka matagalan pa po ako rito, eh."
"Nako, 'di puwede. Malalagot ako sa Mom mo nito. Hintayin na lang kita rito," tanggi niya. "Ano pa ba'ng gagawin mo ro'n? Akala ko ba may susunduin ka lang?" pahabol pa nitong tanong.
"Matatagalan pa ako, Uncle. May gagawin pa kami kaya mauna na po kayo," pagdadahilan ko. "Kaya ko na po sarili ko, Uncle."
"Nako, Destiny. Lagot ako nito sa mom mo. Mapapahamak pa ako," giit niya pa.
"Sige na, Uncle, oh. Dali na. Saka after naman nito, babalik din naman kami agad," pangungumbinsi ko pa't umaktong bahagyang nagmamakaawa.
"Sigurado ka ba talaga? Nako lang, Destiny. Ang kulit mo. Paano pagbalik mo? Wala kang pamasahe."
"Meron po ako," tugon ko naman.
"Sigurado ka?"
"Opo."
"Bahala na. Sabihin ko na lang ang kulit mo," bugnot niyang pagsuko sa pagpupumilit ko. Napabuga siya ng hangin saka unti-unting sinara ang windshield ng kotse. 'Di na siya lumingon sa 'kin at niloko na ang kaniyang sasakyan.
Sa puntong 'yon ay naiwan na akong mag-isa sa gilid ng poste. Sinundan ko lang ng tingin ang kaniyang kotse hanggang sa tuluyan siyang makalayo. Nang hindi ko na 'yon matanaw ay napabuntonghininga na lamang ako sa kawalan.
Humarap na ako sa pasilyo ng apartment na tinutuluyan ni Lorenz ilang segundo ang nakalipas. Madilim do'n at tanging ang maliit na bumbilya na halos mapundi na ang nagbibigay liwanag sa daan.
Mariin akong napalunok. Gano'n na lang magsimulang bumabalot sa 'king dibdib ang hindi komportableng pakiramdaman. Dala nito ay binasa ko ang aking labi bago at nagsimulang maglakad.
Dumiretso lang ako. Sa bawat hakbang ko ay nabubuo ang mga yabag na tunog na ume-echo sa buong pasilyo na. Sa pagpapatuloy ay kusa namang huminto ang paglakad ko sa tapat ng pinto ng apartment unit ni Lorenz. Ilang segundo rin akong tumagal sa gano'ng posisyong nakatulala bago ko inangat ang kanan kong kamay para kumatok ngunit gano'n na lang ako magtaka. Unang lapat pa lang ng aking kamay ay bumukas na ito. Hindi ito nakatarangka at naiwang nakabukas. Biglang namilog ang mga mata ko habang nakakunot ang noo.
Why would he leave his door open knowing he always locks it? Weird.
Wala sa sariling hinawakan ko ang seradula ng pinto at dahan-dahang binuksan ito nang patulak. Unti-unti kong inawang ang pagkakabukas ng pinto upang 'di makagawa ng anumang ingay hanggang sa tuluyang makapasok na ako sa loob. Laking gulat ko lang nang puro bote ng mga alak, balat ng mga sitsirya, mga tissue, nagkalat na mga pinggan, at mga basura ang kaagad bumungad sa 'kin pagpasok ko. Sobrang kalat at dumi ng sala.
Bumaling naman sa couch ang aking atensyon at laking gulat ko lang nang makita ang kaniyang naiwan na phone. Dahil dito ay mas malawak ko nang nabuksan ang pinto. Namamawis ang kamay ko nang kinuha. Kinakailangan ng passcode para mabuksan ito. Tadtad ng mgaD chats ko mula kanina ang kaniyang phone.
Dumapo naman sa hagdan ang tingin ko hanggang sa itaas kung saan nandoon ang kuwarto ni Lorenz. Dahil sa pag-aalala ay minadali kong umakyat patungo ro'n.
Sa bawat hakbang ko ay mas bumibilis ang pintig ng aking puso. Sa bawat apak ko sa mga baitang ay pansin kong bumabagal ang mga paa ko. Nang makarating sa taas ay sa kuwarto niya ako unang tumingin. Halos tumigil na ako sa paghinga at napako sa kinatatayuan dahil sa nakita.
Deep inside, I was thinking that he's doing some pranks on me. Well, I was too assuming. I regret why did I go here. I'm more surprised more than I've expected. Unfortunately, it's to late not to stop myself from crying.
"Lorenz..."
Sa loob ng kuwartong 'yon, nando'n si Lorenz na nakaupo sa kaniyang kama habang nasa ibabaw ng hita niya si Kendra na ngayo'y nakapalupot ang kaniyang mga kamay kay Lorenz. Ngayon, kasalukuyang magkadikit ang kanilang mga labi at bawat segundong dinadamdam ang bawat isa.
Dala ng emosyon, hindi ko na alintana ang naging kilos ko. Napagtanto ko na lang na huli na nang namalayan kong nasanggi ko ang dust pan sa gilid. Tumumba ito dahilan para matigil sila sa kanilang ginagawa at maagaw ko ang kanilang mga atensyon.
"Destiny?" Sabay pa silang hindi makapaniwala nang makita ako.
Maging ako'y nagulat at nataranta sa kung ano'ng gagawin ko gayong nakita nila ako. Natagpuan ko na lang ang aking sariling kagat-labing umiling saka nagmadaling bumaba ng hagdan at lumabas ng dorm. Tuloy-tuloy lang ako hanggabg sa makalabas sa pasilyo. Sakto pang paglabas ko, kasalubong ko lang ang kakarating na sina Tyson.
"Hey, Destiny," tawag niya sa 'kin.
Hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko nang may marinig na tumatakbong mga yabag. Si Ryker pala ito na sumunod kay Tyson.
"Tyso‐--Oh. Hi, Destiny. Happy bir---Hala. Ba't ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Ryker.
"Wait. Umiiyak siya? Shit. 'Di ko napansin," wika naman ni Tyson. Lumapit siya sa 'kin para silipin ako. "Gagi, ba't ka umiiyak? Ano'ng nangyari sa 'yo? May ginawa ba sa 'yo si Lorenz?"
Mabilis akong umiling na para bang wala lang nangyari. Dala ng hiya ay dali-dali akong tumakbo papalayo. Hinayaan ko na lang kung saan ako dalhin ng mga paa ko kahit na alam ko sa sarili kong malayo na ang aking tinatakbuhan. Nais ko lang maibsan itong nararamdaman ko.
Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Gayunpaman, dala ng pagkahingal ay unti-unting bumagal ang bawat pagtakbo ko hanggang sa tuluyan akong tumigil at maghabol ng hininga. Namalayan ko na lang na nasa kalagitnaan ako ng madilim na lugar. May mga street light naman sa gilid ngunit halos mapundi na ito at napakalayo ng agwat nila sa isa't isa.
Sa huling saglit ay bumaling ako sa 'king likod na halos hindi ko na rin maaninag ang tinakbuhan ko. Niyakap ko na lang ang aking sarili para kumalma. Kailangan ko nang bumalik. May mga tricycle naman siguro dito. Mamasahe na lang ako.
Habang naglalakad, kaagad kong napansin ang dalawang lalaking lasing na kapuwa walang saplot pang-itaas sa gilid habang abala sa pag-inom ng kanilang alak. Ilang metro lang ang layo nila mula sa 'kin at rinig ko na ang kanilang mga boses na nakakatindig-balahibo. Natataranta ako na baka makita nila ako subalit gayundin ang aking mga paa kung kaya dala ng pagkataranta ay gumawa ng kaluskos ang mga paa ko sanhi para lumingon sila sa 'king dalawa.
"Hoy, babae," ang sabi ng isang lalaki na may hawak-hawak na bote.
"Gabing-gabi na, baby girl. Ano pa'ng ginagawa mo rito?" maloko nitong tanong saka sumubo sa kinakain nilang pulutan.
Ang kaninang sakit na nararamdaman ko ay mabilis na napalitan ng takot at kaba sa dalawang taong lasing na kaharap ko ngayon. Mabilis akong binalot ng panlalamig. Ramdam ko na ang pamamawis ng mga kamay ko.
Yumuko lang ako at hindi na sumagot saka nagpatuloy gayong natatanaw ko na ang karatula kung saan nando'n ang mga nakaantabay na mga tricycle. Sinubukan kong lumihis ng direksyon para makalayo sa kanila subalit magkasabay silang tumayo. Halos lumundag ang puso ko sa takot.
"Babae, 'wag kang bastos 'pag kinakausap ka namin."
'Di ko alam ang aking gagawin lalo na nang lumapit pa sila sa 'kin. Napako ako sa 'king kinatatayuan at diring-diri silang tinapunan ng tingin. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita. Amoy na amoy ko ang mabahong amoy ng alak mula sa kanilan hininga. Nasusuka ako.
"Ikaw lang ba'ng mag-isa rito?"
Imbis na sagutin sila, sinubukan ko na lang silang lagpasan pero sabay silang umusad para harangan ay dadaanan ko.
"Sa'n ka pupunta, Miss? Dito ka muna."
Peke akong tumawa sa likod ng takot. "Kuya, kailangan ko na pong umuwi. Hinahanap na po ako ng mga magulang ko." Pinilit ko lang magpakatatag para sabihin ang mga salitang 'yon. Sa oras na ito ay mas nilakihan ko pa ang bawat paghakbang ko subalit gano'n din ulit ang nangyari.
"Samahan mo muna kami rito, babae," pigil sa 'kin ng lalaki saka marahas na dinakma ang braso ko.
"Kuya!" Tinangka kong iwakli ang kamay niya sa pagkakahawak sa 'kin subalit napakahigpit ng mga kamay niya. "Bitawan mo po ako, Kuya!" impit kong sigaw at pagmamakaawa sa takot.
"Nako, Para, napakagandang blessing naman nitong babaeng 'to," nakangisi nitong sabi na siyang nagpanindig-balahibo sa 'kin.
Nilamon ako ng panghihina dahil sa narinig. Gano'n na lang manlaki ang mga mata ko nang pinagtulungan nila akong hawakan sa braso at hilahin papunta sa kanilang puwesto kung saan sila nag-iinumang dalawa. Pinilit kong kumawala at sumigaw subalit wala namang nangyayari. Talagang napakalakas nila't nasasaktan ako sa paghawak nila sa 'kin.
"Tulong! Tulungan n'yo 'ko!" sigaw ko. "Tulong! Tul---" Hindi ko na nagawa pang sumigaw nang may isang kamao ang tumama sa 'king tiyan dahilan para mamilipit ako sa sakt at hindi makahinga.
"Subukan mo pang sumigaw, Miss. Masasaktan ka talaga. Tumahimik ka na lang. Paniguradong masasarapan ka rin."
Panay ang paghagilap ko sa hangin. Hindi ko alam kung ano'ng uunahin ko sa 'king sarili. Sobrang nandidiri na ako ngayon at nahihirapan na ako manlaban gayong nanghihina na ako.
Pilit na pinapahiga ako sa maruming sahig ng lalaki habang ang isa naman ay abala sa kug paano ako huhubaran. Sinubukan kong igalaw nang malakas ang mga paa ko para hindi niya ako mahawakan subalit nakatanggap na naman ako ng suntok sa 'king tiyan kaya naman halos mamilipit na ako sa sakit. Mangiyak-ngiyak akong napapikit at ininda ito.
"'Wag ka na ngang pakipot. Pakipot ka pang puta ka, eh. Masasarapan ka rin. Ako na ang nagsasabi sa 'yo," walang-hiyang wika ng lalaking nasa paanan ko ngayon. "Masarap siguro 'to, Pare."
"S'yempre. Dalian mo na. Ako ang susunod."
Gamit ang aking natitirang lakas, pinilit long sumigaw at magwala. "Tulo---" Natigil na naman ako sa ikatlong pagkakataon nang isang malakas na sampal naman ang natanggap ko mula sa lalaking nasa uluhan ko ngayon.
"Tumahimik ka nga! Napakaingay mong babae! Paki---AH!"
Bigla na lang akong nakaramdam ng bahagyang ginhawa nang nang lumuwag ang pagkakahawak at puwersa sa 'kin. Laking pagtataka ko sa kung ano'ng nangyari at basta na lang may humatak sa lalaking nasa uluhan ko. Dahil dito, natigil ang isa pang lalaki sa 'king paanan at natuon ang atensyon sa kasama niya. Hindi ko naman inaksaya ang pagkakataong 'yon para igalaw ang aking ulo hanggang sa makita ko ang pamilyar na lalaking pinapaulanan ng mga sapak ang lalaki na kaniyang hinatak.
"Isa ka pa!"
"T-Teka la---AH!"
Hinang-hina man ako, kitang-kita ko naman kung paano kalakas hinampas ni Cam ang mga lalaki gamit ang tubo niyang hawak. Walang awa niya rin ang mga itong pinagtatadyakan at pinagsusuntok sa mukha. Nang makita niyang tumba na ang dalawang mga lalaki ay ro'n lan siya nakuntento para tumigil bago ako lapitan para tingnan.
"Destiny," aligaga niyang sambit ng pangalan ko. Dali-dali niyang hinubad ang kaniyang jacket at agad itong tinapal sa 'king katawan.
Hirap na hirap ako ngayon. Sobrang sakit ng aking katawan lalo na ang aking tiyan. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay ako ngayon.
"Destiny, naririnig mo ba 'ko?"
Gabi man ngayon ay naaaninag ko naman ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
"Cam..."
"Hey, Destiny. Please wake up." Natataranta pa siyang tinapik-tapik ang pisngi ko.
"T-Thank... you..." Iyon na lang ang huli kong nasabi bago unti-unting lamunin ng kadiliman ang aking paningin hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top