Chapter 40: Crowned at First Try

DESTINY

Remaining weeks have passed, our foundation day ended and the pageant has come to start. Ngayong gabi na 'to magsisimula ang patimpalak. Ilang minuto na lang at isasagawa ko na maging ang mga kasama ko ang lahat ng aming mga sinanay at hinasa. Though excited ako ngayon, mas nananaig pa rin ang pagka-pressure ko't kaba.

Kasalukuyan kaming nasa dressing room sa likod ng stage dito sa annex building. Itong kuwarto na 'to ay nahahati sa walo base rin sa apat na grupo kung saan kami napapabilang. Kasama ko ngayon sa tabi ko si Cam na panay lang ang pagtingin sa maliit na salamin niyang hawak na paulit-ulit tinitingnan ang kaniyang buhok na nakahawi pataas habang ako nama'y nakahalukipkip lang matapos maayusan. Nasa tabi lang namin isang metro ang layo ng isa pang pares na mga kalahok mula sa senior high department. Walang humpay sa pagkabog ang puso ko ngunit pasalamat na lang akong kasama ko si Lauren kaya naman kahit papaano ay naiibsan ang hindi komportable kong nararamdaman.

Nakasuot ang mga kalalakihan ng shorts na puti habang ang kanilang pang-itaas ay depende kung ano'ng kulay ang kanilang grupo samantalang kaming mga kababaihan naman ay nakasuot ng buckle shorts na puti rin at ganundin ang kulay ng pang-itaas namin kung saan kaming grupo nakapabilang.

"Ilang minuto na lang at magsisimula na, Cuz," sabi niya kasabay ng paglapat ng kaniyang kamay sa 'king balikat at bahagya itong tinapik para pakalmahin ako. "'Wag ka masyadong kabahan. Okay lang 'yan. Normal lang 'yan, Cuz. Galingan n'yo ni Cam," dugtong niya pa.

Suminghap ako ng hangin bago magsalita. "Grabe. Kinakabahan na talaga ako," ani ko't kinalabit si Cam. "Geez, Cam, gabayan mo 'ko."

"Pa'no kita gagabayan?" kaswal niyang tanong.

"Baka kasi magkamali ako, eh."

"'Wag mo kasing isipin na magkakamali ka. Gawin natin pareho 'yung mgatinuro sa 'tin. Focus then just inhale and exhale. 'Wag ka magpalamon sa kaba kasi masisira talaga ang lahat. Enjoy-in na lang natin kasi saglit lang naman 'to," bilin niya sa 'kin.

"Sabi mo 'yan, ha?"

"Yup."

Mula rito pa lang sa kinauupuan namin sa dressing room sa likod ng stage ay rinig na ang mga halu-halong ingay ng mga tao sa labas which is actually UOL's students who both their tickets yesterday for tonight. Alam kong maganda ang production ngayong gabi dahil saksi ako kung paano nagtulong-tulong ang mga teachers at staffs para mag-ayos sa mismong venue ng pageant. Talagang pinaghahandaan nila every year ang ganitong klaseng event.

"Ilang minuto na lang?" tanong ko kay Cam.

Tumingin naman siya sa kaniyang phone na hawak. "Six minutes."

Lumipas pa ang ilang mga minuto ay narinig na naming nagsalita ang emcee bilang hudyat. Dahil dito ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa labas maging ang pagtibok ng puso ko. Bukod p ro'n ay doble-doble na ang panlalamig ng dulo ng mga daliri ko.

"Iyan na, iyan na," nananabik na wika ni Lauren.

Tumayo na kam pareho ni Cam maging ang iba pa naming mga kasama at isa-isa nang lumabas ng kuwarto. Sa kinamabutihang palad ay hindi ko nakita sina Lorenz maging si Kendra dahil nauna kaming lumabas at marahil nahuli sila. Pagkalabas nami'y dumiretso na kami sa likod ng stage kung saan na kami naghiwalay ni Cam para tumungo siya ro'n sa kabilang entrance. Nakahiwalay kasi ang entrance naming mga babae sa mga lalaki kaya sa pagtawag ng emcee ay magsasalubong kami sa harapan ng mga tao.

Habang naghihintay ng hudyat, hindi ko naman naiwasang mapabaling sa 'king likod at gano'n na lang matikom ang bibig ko nang makita ang pagsunod nina Lorenz at Kendra sa pila. Sa oras na sila'y naghiwalay ay nakasunod pa rin kay Lorenz ang mga mata ko sa kadahilalang hindi ko maialis ang atensyon ko sa kaniya. Kahit na gano'n ang nangyari sa 'min ilang linggo na ang nakakalipas, inaamin kong talaga ngang guwapo siya sa ayos at maging sa suot niya ngayon. Hindi na nga ako naabala masyado ng hitsura ni Kendra dahil alam ko namang mas maganda siya kaysa sa 'kin kaya hindi na ako gano'n ka-impress. Ito lang kay Lorenz.

Nagsalita na ang emcee at nagsimula nang lumabas ang naunang mga kalahok sa harapan namin kaya naman sa entrance ko na lang tinuon ang atensyon ko. Sa ngayon ay mas lumalakas na ang pagtibok ng puso ko dala ng kaba subalit inaalala ko na lang ang sinabi sa 'kin ni Cam. I just hope that everything will goes well.

Nauna nang tawagin isa-isa ang mga kalahok sa senior high department sa pagkakasunod-sunod ng Blue Marine, Yellow Monarch, Red Torch, at Green Archer. Paglabas nila sa stage ay tutungo kami ro'n sa harapan para magpakilala kaya naman habang pinapakinggan ko sila ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa mga posibleng mga mangyayari. Gayunpaman, hinahanda ko na lang ang sarili ko.

"Kayo na ang susunod," wika ng staff na siyang umaasikaso sa 'min dito sa likod ng stage. Hawak niya ang isang notebook habang tinitingnan ang pagkakasunod-sunod namin. "Blue, yellow... Destiny, palit kayo ni Kendra. Green ka, eh ta's red siya. Pausad na lang," utos niya bagay na walang anu-ano'y ginawa ko naman sa pamamagitan ng pag-usad habang si Kendra naman ay bugnot lang na pumalit sa puwesto ko. "Kayo rin, Cameron at Lorenz," sabi niya rin sa dalawa at kaagad naman nila 'tong sinunod.

Sa oras na tinawag ng emcee ang natitira pang mga kalahok sa college department kung saan kami ang mga kasali, roon na ako nagseryoso nang umakyat na nang sabay ang representative ng Blue Marine. Pumangalawa sa kanila ang Yellow Monarch kaya naman hindi na ako mapakali't napalingon ako kay Cam. Sakto namang nakatingin din siya sa 'kin.

"Kaya mo 'yan," tangi niyang sambit saka nag-thumbs up para pakalmahin ako. Nginitian niya pa ako para ipahiwatig na magiging maayos ang lahat.

Tumango lang ako.

Ilang saglit pa ang nakalipas ay tinawag na ang pangalan nina Lorenz at Kendra kaya naman magkasabay silang pumasok sa entrance ng stage. Gano'n na lang kalakas ang hiyawan ng mga tao kumpara sa mga nauna. Marahil bet sila ng karamihan. Hindi na nakakapagtaka.

"And lastly, Green Torch!" sigaw niya sa madla.

Mariin akong napalunok. Sa oras na marinig ko ang pangalan ng grupo namin ay nagkatinginan muna kami ni Cam bago pumasok sa stage mula sa likod. Saktong pagkalabas ko ay puro hiyawan ng mga tao ang bumungad sa 'kin. Napakarami nilang manonood at higit pa rito ang inaasahan ko. Hindi ko na alam kung ano'ng nararamdaman ko ngayon dahil pakiramdam ko'y kusa na lang gumagalaw ang katawan ko kung ano'ng nakatatak sa utak ko. Gayunpaman ay nangingibabaw pa rin ang nerbyos at kaba sa 'kin.

Kagaya ng tinuro sa 'min rehearsal, sinimulan kong hinakban ang mga paa ko. Siniguro kong nasa tamang postura ako ng paglakas maging sa kung paano ko igalaw ang aking ulo sa mga hurado at sa mga madla. Tanaw ko sina Ate Dani at Ate Tiffany na may hawak pang banner para sa 'min ni Cam. Dala nito ay kahit papaano'y naging natural sa labi ko ang pagngiti at nakabawas sa hindi komportableng nararamdaman ko.

Pagkarating sa gitna ay nando'n ang dalawang mga mikroponong nakalagay sa tripod boom. Naunang nagsalita si Cam.

"Amelio Cameron Yanto, Green Archer," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili sa baritonong boses na pamamaraan dahilan para magsigawan ang mga tao sa baba.

Sumunod naman ako pagkatapos niya. "Destiny Sierra Hendrix, Green Archer," pormal kong pagpapakilala rin ng aking sarili bagay na resulta ng mas malakas na hiyawan.

Nag-iwan ako ng isang matamis na ngiti bago magkasabay na tumalikod kasama ni Cam sa mga manonood. Sa pag-ikot ko ay sa mga kandidatong nakatayo sa likod namin na ngayo'y kakalabas lang mula sa backstage napunta ang atensyon ko subalit mas naagaw na naman ito ni Lorenz. Hindi ko naman inaasahang magtatama muli ang aming mga tingin kaya gano'n na lang ako mabilis na mapaiwas ng tingin kahit na gano'n din ako kadaling lamunin ng pagkailang. Rumehistro na lang sa utak kong nasa pageant ako ngayon kaya naman winakli ko na lang ito sa 'king isipan at nagpokus na lamang pagkapunta sa puwesto ko at pinosisyon nang tama ang katawan.

"Go, Destiny!" pahabol na sigaw pa ng kung sino.

"This is our University of Linvillia's delegates 2021! Introducing... Blue Marine, Yellow Monarch, Red Torch, and Green Archer!" masigabong huling pag-aanunsyo ng emcee nang matapos kaming lahat sa pagpapakilala dahilan para mapuno ang buong venue ng mga palakpakan ng mga tao. "We'll be back in a minute for will be having our delegates' another show. Are you ready?" tanong pa nito sa madla.

"YES!" sabay- sabay na sagot ng mga tao.

"This is University of Linvillia's delegates 2021 talent portion!"

Sa magkabilang gilid ng stage ay nando'n ang mga staff na patagong sumemtas sa 'min para bumalik na sa likod ng stage para mag-prepare sa susunod na parte ng pageant na talent portion. Nahati ang amig pag-exit hanggang sa makaalis na kaming lahat sa stage at dali-daling dumiretso pabalik sa dressing room para mag-ayos ng sarili.

"You only have 5 minutes to prepare. Double time po tayo," paalala ng staff sa 'min.

Geez. I hope that I'm able to do my production number well and right for three minutes. Bahala na.

***

Makalipas ang ilang minuto, talent portion na. Ang pagkakasunod-sunod din ng mga magtatanghal ay base lang din kung ano-ano ang pagkakasunod kanina ngunit sa oras na 'to, lalaki muna lahat bago ang mga babaeng matitira. Senior high school department pa rin naman ang mauuna.

"Tama 'yung ginawa mo, Sierra. Gano'n lang. Enjoy mo lang 'yung pageant ngayon para 'di ka kabahan," sambit ni Cam sa 'kin pagkapasok namin sa wardrobe namin.

"Oo. O siya, bilisan mo nang magpalit ta's prepare mo na 'yang gagamitin mo."

Wala na siyang kibo pa't inanyayahan muna akong lumabas saglit para magpalit siya ng damit bagay na akin namang sinunod. Makalipas lang ang ilang mga minuto ay lumabas siya nang suot-suot ang dark green formal suit na siyang tumerno sa kabuuan niya.

"Ayos ba?"

"G'wapo mong tingnan," puri ko.

"Naks. Salamat sa compliment."

"Anyway, sana pinapunta mo sana kahit isa sa mga magulang mo rito. Wala ka tuloy kasama," nanghihinayang kong sabi.

"Sabi ko, manood na lang sila rito sa labas. Kaya ko naman na ang sarili ko. Besides, may mga stylists naman at 'yon 'yung mahalaga," paliwanag niya bagay na akin namang naintindihan. "O siya, ikaw rin. Magbihis ka na. Punta lang muna ako ro'n," turo naman niya sa isang tabi.

"Sige lang. Bihis na rin ako."

Hindi ko naman ko naman alam ang mga ginawa ng mga naunang kalahok sa senior high school department dahil nanatili lang ako sa loob ng dressing room habang sinisigurong kumpleto lahat ang mga gagamitin ko. Pagkatapos nilang lahat ay ro'n lang ako tumayo sa gilid para panoorin ngayon ang mga kalahok sa ilalim ng college department.

"Cuz, okay na mga gagamitin mo? Sure na 'to?" pagsisiguro ni Lauren.

"Yes. Tulungan n'yo na lang akong maglagay sa stage," sagot ko.

Siya lang kasi ang kasama ko ngayon dito. Iisa lang kasi ang allowed na kasama ng isang contestsnt para hindi masikip sa loob.

"Nood muna ako ro'n, Cuz. Iwan muna kita."

"Go lang." Tinanguan ko siya.

Nang magsalita ang emcee at tawagin ang susunod na kandidato, wala na akong ibang ginawa kundi ang panoorin sila sa isang tabi na para bang isa rin ako sa mga taong nanonood sa baba ng stage. Sinasamantala ko na lang ang mga oras na 'to para ihanda ang sarili dahil ako ang huling magpe-perform.

Naunang nag-perform ang male delagate from Blue Marine. Sumayaw siya ng Cariñosa kasama ang ibang mga extra. Punangalawa sa kaniya ang Yellow Monarch at pagma-magic show ang kaniyang ginawa. Though hindi ako masyadong fan ng mga ganito dahil karamihan ay paulit-ulit na lang, kakaiba 'tong ginawa niya at makabago kaya naman gano'n na lang ang lakas ng impact sa mga manonood mula simula, gitna, hanggas sa dulo. Sumunod naman si Lorenz na mula sa Red Torch at gano'n na lang ako mapabuga ng hangin. Gayunpaman ay napangiti naman ako nang makitang dala-dala niya ang gitarang niregalo ko sa kaniya. Kakamta pala siya.

"'Yung mga mata ng isa, oh," nananadyang pagpaparinig ni Kendra nang 'di inaasahan. "'Yung mga mata, please lang."

Nakakunot naman ang noo ko nang humarap ako sa kaniya. "Ako ba ang pinapariggan mo?" kaswal kong tanong.

"May iba ka bang alam na iba?" sarkastiko niyang tanong pabalik sa 'kin.

Napabuntonghininga na lamang ako't nagtimpi. "Ano na naman ba'ng problema mo?"

"Ikaw. Ikaw ang problema. 'Wag ka ngang gan'yan tumingin kay Lorenz. Kanina ka pa, eh," singhal niya.

"Ano na naman ba 'to, Kendra, ha? Nasa kalagitnaan tayo ng pageant ngayon, 'wag kang magmaldita, kahit ngayon lang," may halong pang-iinis kong sabi naman sa kaniya.

"No. You should stop."

Napaangat naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "E ba't naman? Kanina pa ako nanonood dito ta's hindi mo naman ako pinapakielaman. Nang si Lorenz na ang magpe-perform, nagmamaldita ka na naman." Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Girlfriend ka ba niya?"

Hindi siya nakaimik at sinamaan lang ako ng tingin.

"Ano?"

"Shut up."

"Shut up mo mukha mo," sabat ko agad. "Tumig---" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang may biglang sumingit sa pagitan namin.

"Ano'ng nangyayari dito?" tanong ng babae mula sa Yellow Monarch. "Nag-aaway ba kayo?"

"May away?" Sumunod naman ang isa pang babae mula sa Blue Marine.

"Wala naman," pagsisinungaling na sagot ni Kendra.

"Meron," pagsalungat ko naman. "Ito kasing babaeng 'to, ang gaga palagi. Hindi ko naman inaano pero ang hilig magmaldita. Nagbubunganga kasi akala aagawin sa kaniya si Lorenz e hindi naman sila mag-jowa. May saltik yata 'to sa utak, eh," inis kong litanya. "Nananahimik ako rito, eh."

Mabilis namang naintindihan ng dalawang sumapaw sa 'min ang nais kong ipahiwatig.

"Tara na, Kendra. Lumayo ka na. 'Wag nang makipag-away," awat ng babae mula sa Blue Marine. "Tara na ro'n."

'Di na ako nagsalita pa't tumalikod na lang at pinagpatuloy ang panonood sa ngayo'y nagsisimula nang si Lorenz. Kasalukuyan siyang nakaupo habang nakahanda na ang tuhod bilang patungan ng kaniyang gitara at ang kaniyang mga kamay sa pagtugtog gamit ang kaniyang mga daliri. May mikropono pang nakatapat sa gitna ng gitara at sa kaniya para talaga rinig ang bawat pagkalabit ni Lorenz sa mga string maging ang kaniyang boses.

"This song is dedicated for everyone. If you feel lonely and alone, just remember that you can do it. If you know the song, you may sing along with me," wika ni Lorenz dahilan para umingay na naman ang mga manonood.

Sinimulan na niyang kalabitin ang mga strings. Habang ginagawa niya ito ay unti-unting tumahimik ang mga tao hanggang sa ilapit na niya ang kaniyang bibig sa mic at sinagawa ang pagkanta.

Sa unang linya pa lang ng kaniyang kinanta ay nagsigawan na ang mga tao. Napakalamig ng kaniyang boses sa pagpapatuloy niya na animo'y nagpapahele. Sa totoo nga lang niyan ay nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ganito siguro kapag maganda ang boses ng kumakanta.

Lumipas pa ang ilag sandali ay tuluyan ko nang hindi namalayang natapos na pala sa production number si Lorenz. Kanina pa kasi ako nakatingin lang sa kaniya at nag-aasam na mas marami pa ngunit tapos na siya. Napagtanto ko na lang na napuno muli an venue ng mga palakpakan at boses ng mga tao.

Sinundan ng atensyon ko ang pagbaba ni Lorenz. Saktong pagbaba niya ay napalingon siya sa 'kin dahil nasa bukana ako ng pinto. Ako na ang mabilis na nag-iwas ng tingin dala ng pagkailang saka umatras nang bahagya para makapasok siya. Wala naman siyang sinabi at dumiretso lang pabalik kay Kendra sa loob ng kanilang wardrobe.

Panghuli si Cam na nag-perform. Lumabas siya nang naka-ready na sa gitna ang piano niya kaya naman bago pa siya makapagsimula ay nilabas ko na ang aking phone para kuhanan siya ng video. Tahimik lang akong nanonood sa kaniya kahit na sa loob ko'y namamangha ako. Umabot sa mahigit tatlong minuto ang pagtatanghal niya bago niya natapos. Sa oras na bumaba siya ay sinalubong ko agad siya sa likod ng stage para puriin.

"Ang galing mo, Cam."

"Thanks. Ayos lang ba ginawa ko?"

"Oo naman," sagot ko. "Tingnan mo nga, oh. Ang lakas ng sigaw at palakpak ng mga tao sa 'yo."

"Naks. Tara na. Balik na tayo ro'n sa wardrobe. Evening gown at suit na mamaya. After n'on e question and answer portion na," paalala ko.

***

Naubos ang oras ko sa pananatili lang sa loob ng wardrobe. Nabugot na kasi ako kaya pinili ko na lang na hindi na manood. Hinihintay ko na lang na tawagin ako gayong handa na ako. Nakasuot na kasi ako kanina pa ng puting long sleeve shirt at pants na pinaibabawan ng kulay lilang apron. Hindi naman talaga ako makalat na artist pero wala, dagdag kaastigan sa suot ko.

"Ikaw na ang susunod pagkatapos ni Kendra," wika ni Cam na ngayo'y inaayusan ng makeup sa mukha at buhok ng mga stylists.

"Lapit na. Ilang minutes na lang," tugon ko. "Ano pala ginawa nila? Ikaw lang nanood, eh."

"'Yung sa Blue Marine, nag-ballet. 'Yung sa Yellow Monarch, dramatic poetry. Ito namang si Kendra, sand art sa light table. Almost two minutes na ang nakalipas. Mag-ready ka na," litanya niya bagay na akin namang ikinatango.

"Ready na ako ro'n."

"Galingan mo. Panoorin kita after nito. Saglit na lang naman na 'to."

"Sige lang."

"Good luck."

Lumabas na ako sa dressing room. Saktong paglabas ko ay siyang pagbaba ni Kendra mula sa stage nang nakangiti kasabay ng pagpalakpak at sigawan ng mga tao sa baba. Nagkatapat pa kami at nagkatinginan ngunit mas pinili ko na lang iwakli siya sa paningin ko't dumiretso na sa bukana ng entrance sa likod ng stage. Sa sandaling tawagin ng emcee ang pangalan ko ay ro'n na ako lumabas. Bumungad na naman sa 'kin ang walang humpay na mga hiyawan ng mga tao.

"Go, Destiny!"

"Go, Green Archer!"

"Destiny, galingan mo!"

"Go, Green!"

Iba't ibang mga boses ang naririnig ko na todo kung sumigaw para maipakita ang kanilang pagsuporta sa 'kin kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong hindi mapangiti nang dumiretso sa gitna kung saan ako magtatanghal.

Apat na malalaking canvas na nakalagay sa tig-iisang easel ang nasa harapan ko ngayon sa ibabaw ng parisukat at malaking tela kasama akk. Nasa baba ang nakahanda nang mga kagamitan na siya namang tinuunan ko ng pokus. Madilim ang kapaligiran ngayon at tanging sa 'kin lang ang katamtamang ilaw para bigyan ako ng sapat na spotlight sa oras na 'to.

Para maiba naman, ginamit ko ang matagal na panahon para makapag-isip ng makabagong gagawing hindi lang basta magpipinta sa harapan nila kaya naman sa oras na marinig kong nagsimula ang tugtog ay dali-dali kong kinuha ang brush ko at ang basong kong mga gagamitin.

Kung sa puwesto ko ay kita at naaaninag ang ginagawa ko, sa kanila ay hindi. Marajil ay para sa kanila, parang tanga ako. 'Yon kasi ang nangyayari ngayon. Tahimik lang sila kasi parang wala naman akong ginagawa ngayon dahil puti pa rin 'tong nasa harapan nila. Iyon naman ang pinlano ko.

Nagmamadali ako sa bawat canvas gaya ng ginawa ko nang ako'y magsanay. Pagkatapos ko sa isa ay kaagad akong lumilipat sa kabila. Bawat segundo ay aking sinusulit. Bawat dampi ng brush sa canvas ay aking dinadama. Habang ginagawa ko ito ay kahit papa'no'y napapalitan ang kaba ko ng pagkasabik para makita nila ang magiging resulta ng gawa ko.

Lumipat ulit ako sa mga natitira pang canvas at inulit ang proseso hanggang sa huling canvas. Nang marinig na malapit nang matapos ang kanta ay nagmadali akong yumuko para kunin ang tub na naglalaman ng kulay itim na glitters. Bago matapos ang kanta ay dumukot na ako nito sa 'king palad at pinamudmod ito sa apat na canvas na nasa harapab ko. Ang kaninang ginagawa ko no'ng una ay pagbahid ng glue sa mga canvas na siyang pinagkapitan ng mga glitters na ngayo'y unti-unting bumubuo ng imahe.

Matapos mabuo ang mga imahe ay isa-isa ko silang pinagbali-baligtad at pinagdikit-dikit hanggang sa lumabas na ang tunay na resulta. Kahit ako'y nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

I never expected that my art would be stunning and surpring like this.

Mukha ng isang babae ang aking ginawa na namumulaklakan ng maraming mga bulaklak sa kaniyang mukha ang aking ginawa. Gano'n na lang ako mabigla sa pagkapulido ng gawa ko. Mas pulido pa ito kaysa sa mga pr-in-actice ko sa bahay.

Sa pagharap ko sa mga tao natapos ang kanta kasabay ng pagyuko bilang pagtatapos. Sinundan 'yon ng malalakas na palakpakan at sigawan.

"Destiny!"

"Ang ganda!"

"Ang galing mo!"

"Go, Destiny! Green Archer kami!"

Green Archer! Green Archer! Green Archer!"

'Di ko na alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon maging kung paano ko ito ipapaliwanag dala ng halo-halong mga emosyon.

Evening gown and suit portion na ang susunod. Question and answer naman pagkatapos. Kaunti na lang, Destiny.

***

Kung tatanungin ako, itong evening gown at suit portion ang paborito ko sa lahat ng mga portions nitong pageant. Kasama na ngayon dito sina Kuya Dwayne, Ate Dwayne, at Ate Dani nang magpalit na ako ng isusuot ko.

"Para kang prinsesa, Destiny," puri ni Ate Tiffany.

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang patuloy pa rin ang pag-a-apply ng mga stylist ng mga makeup sa mukha ko at hairspray sa 'king buhok. Nakasuot ako ng kulay dark green na long puffy sleeves gown habanf ang buhok ko naman ay naka-waterfall braid hairstyle. Totoo nga ang sinabi ni Ate Tiffany na para akong prinsesa sa suot ko. Masaya ako na ito ang napili kong dress sa mga fashion designer na tinawagan ni Daddy at talagang nagustuhan din ito ni Ate Tiffany. Gayong model siya, strikto talaga siya sa mga damit na isusuot at laking tuwa ko na pareho kami ng nagugustuhan.

"Okay ka na, Sierra?" maya-mayang tanong ni Cam sa tabi ko na marahil kakatapos lang maayusan.

"Malapit na," tipid kong sagot. Ilang saglit pa ang nakalipas ay natapos din ako ayusan. Tumayo agad ako at pinagmasdan ang kabuuan ni Cam. "Ganda ng suot mo. Tumerno mga damit natin. Pareho pang dark."

Suot naman ni clark ang dark green na tuxedo na may tail sa kaniyang coat sanhi para mas nakakapanibago itong tingnan. Gano'n din ang kulay ng kaniyang necktie, vest pang-ibaba, at mga sapatos. Naiba nga lang sa panloob na sleeve na kulay puti.

"Enjoy mo lang, okay? Mukha ka talagang prinsesa sa suot mo."

"Mukha ka namang CEO," biro ko sa kaniya.

Natawa lang kaming pareho habang hinihintay ang signal ng mga staff sa likod ng stage. Nagsasalita pa rin kasi ang emcee. Of course, para libangin ang mga tao para hindi sila maburyong at para makapag-prepare kami.

"Be ready. Galingan mo sa paglakad. For sure unexpected nila 'yang suot mo. Ganda, eh," aniya pa.

Wala na akong kinibo pa't naghintay na lang para sa pagtawag sa 'min. Makalipas ang ilan pang mga minuto ay sumenyas na ang staff na lumabas na kami. Kagaya kanina, mauuna ang senior high school department bago ang college department. Mauuna lahat ng boys then proceed sa mga girls.

"Ready n'yo na ang mga sarili n'yo. Kayo na ang susunod," muling paalala ng staff sa 'min.

Pinilit kong sa bukana ng entrance lang ng stage ako tumingin dahil alam ko, anumang oras ay makikita ko sina Lorenz at Kendra subalit sadyang makulit ang mga mata ko. Sa aking pagtalikod ay nakita ko si Lorenz na nakasuot din ng tuxedo'ng kulay pula. Mayroon pang nakaibabaw na mahabang coat sa kaniyang likod na nagmistulang kapa kaya naman tunay ngang kakaiba. Inaamin kong mas maganda ang suot niya kaysa kay Cam. Para tuloy siyang model kagaya ni Ate Tiffany.

"Excuse me. 'Wag humarang sa daan," sarkastiko't biglang sambit ni Kendra pagkasunod niyang pumili.

Nagulat naman ako sa biglaan niyang pagsulpot. "I'm sorry," paumanhin ko't umusad nang kaunti para bigyan siya ng espasyo para sa pila namin.

Ngayong nakatililod na siya, hindi ko rin naiwasang hindi pagmasdan ang kaniyang dress na suot. Habang tinititigan ko ito ay mas prinsesa si Kendra'ng tingnan kumpara sa 'kin kahit na may pagkamaldita. Nakasuot siya ng pulang beaded ostrich feather gown na bumagay rin sa pula niyang lipstick. Nakalugay lang ang kaniyang buhok at bagay ito sa kaniya kung ilalarawan ko siya sa 'king normal na paningin.

"Ladies and gentlemen, presenting... University of Linvillia's evening gown and suit portion under senior high school department, starting of... Blue Marine," anunsyo ng emcee sa madla, hudyat na simula na kasabay ng pagtugtog ng musika.

Gano'n pa rin naman ang energy ng mga tao magmula kanina. Bawat kandidatong lalabas para magtanghal ay pinapalakpakan kaya naman talagang nakaka-boost din ng confidence lalo na sa mga sumaling mahiyain.

"Sierra," pukaw ni Cam sa 'kin mula sa kabilang gilid.

"Ano?"

"Malapit na. College na sunod," aniya.

"Nakakakaba."

Umisding naman siya kasabay ng pagwagayway ng kaniyang kamay. "'Wag kang kabahan. Enjoy mo lang." Ngumiti pa siya sa 'kin kaya naman pati ako ay nahawa na rin sa pagngiti.

Tumango ako at nag-thumbs up lang.

Mabilis lang lumipas ang sandali. Namayan ko na lang na lumabas mula sa harap ng stage ang babaeng kalahok mula sa Green Archer.

"Tayo na next," sabik na saad ng babaeng kalahok sa harapan naming mula sa Blue Marine.

"And last, presenting our University of Linvillia's evening gown and suit portion under college department startig of... Blue Marine."

Sa oras na matawag na ang unang kalahok sa ilalim ng college department ay tuluyan na akong nagseryoso. Minuto lang ang tinatagal ng paglakad ng bawat sa stage kaya naman mabilis din ang pag-usad namin hanggang kami nang mga babae ang huling tatawagin para irampa 'tong mga suot namin.

"Red Torch," tawag ng emcee sa kasunod na si Kendra.

Pagkalabas pa lang ni Kendra ay talagang malakas ang impact niya sa mga manonood kaya naman gano'n na lang ako ka-tense gayong ako ang huli. Hinihiling ko na lang na mairampa ko nang maayos 'tong damit ko't hindi ako matapilok sa suot kong heels kahit na hindi naman 'to gaano kataas.

Nakatuon lang ang atensyon ko sa exit sa kabila at hinihintay ang paglabas ni Kendra. Iyon na kasi ang hudyat ko. Wala pa yatang minuto nang makita ko ang anino niya kaya naman kaagad na akong humarap sa bukana ng entrance papunta sa stage at hinintay na lang na tawagin ng emcee ang pangalan ng grupo ko bago lumabas.

"And lastly, Green Torch," pormal nitong pagkakasabi.

Mariin na lang ako napalunok at lakas-loob na lumabas ng stage. Kagaya ng tinuro sa 'min kung paano maglakad nang naaayos sa suot namin ay aki ginawa. Hindi ko naman inaasahan mas malakas pang mga palakpakan at mga hiyawan ang matatanggap ko kumpara kay Kendra kanina. Gayunpaman ay para akong bingi na tila ba sinusulit ang oras sa paglalakad habang pabalik-balik sa mga hurado'y manonood ang aking tingin.

Nang mapansing lumalapit na ako sa gitna ay hinawakan ko sa magkabilang gilid ang mismong palda ng aking dress saka kumuha ng tamang tiyempo bago isinagawa ang pag-ikot kasabay ng pag-pose at hawiin ang buhok dahilan para muli na namang mag-ingay ang mga tao. Sa pagtalikod ko ay siyang paglabas ng iba pang mga kalahok para sa huling pagpapakita namin sa madla.

"Once again... Ladies and gentlemen, University of Linvillia's delegates 2021!"

Namayana muli ang palakpakan at ingay ng nga tao.

Nanatili lang kami sa puwesto namin para sa susunod na sasabihin ng emcee. Ngayong inabot na sa kaniya ang card para sa top 4 finalists which is parehong tig-apat mula sa male and female delegates, tatawagin na ang mga uusad para sa huling parte ng pageant na question and answer portion. Kung susumahin lahat, may tig-walong mga lalaki at mga babae ang nakatayo ngayon sa stage kabilang na ako. This time, apat ang tatawagin randomly sa mga lalaki at babae kahit sa ano'ng department kaya kung sino ang mga apat na pinakaangaangat, sila ang uusad. Kung hindi naman ako matawag ay ayos na sa 'king gayong napakagandang experience na 'to para sa 'kin. Kung matawag man, then good for me. Sana naman ay madali lang ang itatanong nang sa gayo'y makasagot ako agad.

"Who among of our 16 delagates will make it for the final round of our competition?" tanong niya sa madla dahilan para painitin ang presensya kompetisyon. "I'll be announcing our two top 4s from male and female delagates where they will have their own spotlight. Finalists may came from any of the department but I will call the department first before their team. I will call the four finalists from male delagates followed by the four finalists from female delagates. Tabulated by our respective judges, here are the top 4 finalists in random order from male delagates..." Huminto siya saglit para kumuha ng buwelo. "Under college department, our first male finalist is from... Red Archer!" pagtawag niya sanhi para mag-ingay ang mga tao sa saya.

Nakita kong napangiti si Lorenz matapos pag-anunsyo ng emcee. Naglakad na siya sa harapan bago tumungo sa isang gilid.

Mabuti na lang at naintindihihan nila kung paano ang kalakaran ng mga finalists. Kung unang sasabihin ang department mo kung saan ka pabilang, wala ng chance ang mga kalahok sa hindi ilalim ng department na 'yon. Kung college department unang sinabi, then therefore, mga kalahok lang sa department na 'yon ang tatawagin. Wala na sa senior high department. Vice versa lang din.

"Under college department again, second finalist to advance to the next round is from... Yellow Monarch!"

Gano'n lang din ang naging reaksyon ng mga manonood kagaya kay Lorenz. Gayong dalawa na ang tinawag, hinihiling kong sunod sana tawagin si Cam.

"Under senior high school department, our next finalist is from... Green Archer!"

Pagkarinig ko pa lang ng unang sinabi ng emcee ay gano'n na lang ako madismaya kahit pa pangalan ng team namin ang tinawag. Isa na lang at sana naman si Cam ang tawagin. Kahit naman hindi ako direktang nakatingin sa kaniya ay alam kong nangangamba rin siya.

"Under college department, our last finalist is from... Green Archer!"

Halos muntik na akong pasigaw nang tawagin siya. Natagpuan ko na lang ang sarili kong malawak na nakangiti habang pumapalakpak. Sinundan ko lang ng tingin si Cam at sakto namang lumingon siya sa 'kin.

"Go," labi ko sa kaniya at sumentas na dumiretso na sa harapan.

Though I feel bad for the four left delagates, alam ko namang deserve nilang lahat. 'Yun nga lang, mas deserve ng apat na mga natawag ang spot.

"I'll be calling now our four finalist from femame delagates," sabi ng emcee kaya naman natutop na ko't bumigat ang bawat paghinga. "Under college department, our first female delegate to advance to the final round is from... Green Archer!"

Hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko matapos tawagin ang pangalan ng team kung saan ako napabilang. Nag-aalangan pa nga ako kung tutuloy ako dahil hindi ko naman inaasahang ako ang unang tatawagin. Napansin ko na lang na binibigyan na ako ng signal ng staff sa baba para dumiretso na sa harapan.

Mariin akong napalunok at dumiretso na sa harapan. Todo hiyaw ang mga tao sa 'kin sa mga sandaling 'yon. Segundo lang ang pagtayo ko sa gitna saka tumungo ja sa kabilang gilid. Sa ngayon ay nakahinga na ako nang maluwag.

"Under senior high school department, the second female delagate finalist is from... Red Torch!"

Palingon-lingon lang ako sa 'king likuran habang isa sa mga nakikipalakpak.

"Under college department, the next finalist is from... Red Torch!"

Inaasahan ko nang isa si Kendra sa tatawagin kaya hindi na ako nabigla nang isa rin siya sa matawag ng emcee kaya naman hindi na ako nag-atubiling hindi na siya palakpakan.

"Under senior high school department, the last finalist to make it for the final round is from... Blue Marine!"

Nakumpleto na ang dalawang top 4 finalists sa mga lalaki at mga babae kabilang kami ro'n ni Cam. Sobrang saya ko at sa kabilang dako ay kinakabahan din sa maaaring itanong sa 'kin. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ang nga staffs na hinahanda na ang mga headphones. Isa-isa na silang tumungo sa likuran namin para ihanda kami. Madali ko namang napagtantong iisa lang ang itatanong sa 'min at kung sino ang pinakamagandang sagot ang mananalo.

"Ladies and gentlemen, here are our top 8 finalists! Who among them will take home the crown?"

Napuno ng palakpakan ang venue.

"The question and answer portion happens right now. The finalists will be given the exact same question. While the delagate is answering, the waiting others will wear a soundproof headphones. You have 30 seconds to respond and if you go beyond that, you will hear this sound." Timigil siya sandali para iparinig ang tunog ng bell na siyang hudyat na tapos na ang oras ng pagsagot. "Alright. This is your last chance to prove yourself deserving for the crown. The judges will listen to your answer to determine the winner in this competition. The male delagates will be asked first. The question begins with Green Archer under college department. The remaining delagates, headphones on."

Isa-isa nang nilagay ng mga staffs ang headphones sa standby na mga male delagates. Kami naman ay nanatiling wala pa ring takip sa 'ming mga tenga.

"Green Archer, please join me."

Pinanood ko lang naglakad si Cam patungo sa emcee'ng ngayo'y nasa gitna na.

"Are you ready?" tanong niya kay Cam.

Tumango naman siya.

"Here's your question: What is the key to success?" tanong niya.

Kaagad namang sumagot si Cam nang walang paligoy-ligoy. "I believe that the key to success is no other than trusting yourself... that you are willing to perservere, work hard, and sacrifice for the things in order to achieve those goals in your life. This kind of mindset that I've been putting myself into and now... I'm slowly taking a step to reach my own success. Thank you," sagot niya na siyang nagpahanga sa 'kin maging sa madla dahilan para palakpakan siya.

"Thank you, Green Archer."

Bumalik na si Cam sa kaniyang puwesto at kasabay naman n'on ang pagtanggal ng headphone sa katabing susunod na kalahok.

"Green Archer again, join me here."

Lumapit na sa emcee ang kasunod ni Cam. Sa oras na handa na siya ay parehong tanong din ang kaniyang binigay rito.

Medyo matagal bago siya sumagot. Marahil nag-iisip pa. "W-When we learn from our mistakes because..." Nauutal-utal siya sa kaniyang pagsagot. Nilalamon siya ng kaniyang kaba't nakakaapekto ito dahil may oras lang ang kaniyang pagsagot. "Because success c-comes in different ways and we learn from our mistakes to do better..." Muli na naman siyang huminto para mag-isip ng kasunod niyang sasabihin. "And if we learn from our mis---" Hindi na nga niya natapos pa ang kaniyang dapat sabihin nang biglang tumunog ang hudyat na tapos na ang kaniyang oras.

"Thank you, Green Archer."

Nakukuha ko naman ang nais ipunto niya kaya lang ay hindi ito klaro. Ramdam ko ang awkwardness niya pagkatapos n'on.

"Yellow Monarch, proceed here in front."

Tinanong din ang naunang tanong sa naunang dalawa. Kaniya naman itong sinagot agad.

"For me, the key to success is the education. As a sophomore student who aspires to be an educator someday, I see education as a key to make anybody successful in any field. So by education, we are taking a step to move for a better society and I think that's the key to success. Thank you."

His answer ate with no crumbs. Ang ganda ng sagot niya at agree din ako ro'n. Lakas tuloy ng mga palakpakan ng mga tao sa kaniya. Baka siya pa ang manalo.

"Thank you, Yellow Monarch. Red Torch, you're last."

Tinanggal na ang headphones sa kaniyang ulo. Kalmado lang siya sa kaniyang paglakad hanggang sa makapunta sa gitna. Sa oras na ibigay sa kaniya ang tanong ay ro'n ko nakitang nagseryoso ang kaniyang mukha.

"Success is very a complex word to define. It comes in different ways and fields. People have their own views for what success is, but if I'm going to answer it in my own, it would definitely be your character. Character is the key to success because it says a lot about the whole in every individual-the determination, passion, hardworks, efforts, and discipline. Believing in yourself is a big factor as well and that's how would you express yourself. And tonight, I'm proving you that I may neither not win or win the crown, but this experience is such a big success for me. I hope that I could inspire others to achieve their own success. That's it. Gracias. Thank you," ang kaniyang sagot dahilan para yumagundong ang venue sa ingay ng mga tao.

"That's a great answer, Mr. Red Torch. Thank you."

Napaawang na lang ang bibig ko sa kaniyang sinagot. Buong akala ko'y wala nang makakaangat sa sagot ng lalaking kalahok mula sa Yellow Monarch, mayro'n pala at siya si Lorenz. I never expected that. Siya pa yata ang mananalo, ah.

"We now heard their final answers and it's time for or female delagates," anunsyo niya. "The remaining candidates except for Blue Marine, headphones on. Blue Marine, please join me here."

Naramdaman ko na lang na nilagay na ng mga staff isa-isa sa 'ming tatlo ang mga headphones. Sa oras na mailagay sa 'kin ito ay wala na akong narinig kundi ang nakakabinging katahimikan. Nakatingin lang ako sa kalahok na tinawag. Hindi ko maitatangging habang pinagmamasdan ko siya maging ang mga taong manonood ay walang humpay sa pagtambol nang malakas ang puso ko. Iniisip ko na lang na kung nandito na ako ngayon sa sitwasyon ko ay paano na lang siya maging ang mga nauna kanina.

Saglit lang bago natapos ang naunang tinawag. Hindi naman gano'n kalakas ang impact sa tao base sa nakikita ko. Ang pangalawang tinawag ay saglit lang ang sinagot na sa tingin ko'y dalawa o tatlong pangungusap lang yata kaya naman pumalakpak lang ang mga tao sa kaniya. Sunod na tinawag si Kendra at pinanood ko lang siyang sumagot kahit wala naman akong naririnig. Gano'n na lang din ako makaramdam ng pressure nang makitang naghiyawan lahat ng mga tao matapos niyang sumagot. Muntik na ngang mawala sa isipan kong ako na ang susunod kaya naman paulit-ulit akong huminga nang malalim hanggang sa lumuwag ang aking dibdib at inalala ang habilin ni Cam na 'wag magpalamon sa kaba. Sana naman ay madaling tanong lang ang ibigay sa 'kin kagaya ng kayla Cam nang sa gayo'y madali ko lang 'yon masagot gaya niya.

"Green Torch, please join me here," tawag ng emcee sa 'kin.

Agad naman akong tumungo sa tabi niya.

"Are you ready?"

"Yes," tango ko.

"Here's your question: Our world is becoming more advance in every generation. For you, what's the best invention from the past and why?"

Matapos marinig ang tanong ay saglit akong napatulala sa kawalan. Para sa 'kin ay madali lang itong tanong base sa mga napanood kong mga tanungan sa pageant sa mga social media at napakaraming bagay ang best invention para sa 'kin kaya naman napaisip ako.

Ano'ng bagay ang naimbentong nagagamit ko hindi lang sa pagiging artist kundi sa personal kong buhay? Ano'ng bagay ba ang nagbibigay sa 'kin ng ngiti kapag ginagamit ko ang bagay na 'yon? Ah!

"When it comes of invention, the first thing that comes to my mind is the technology. I think the best invention from the past is the polaroid camera," panimula ko bagay na pinalakpakan ng iba kaya naman mas nadagdagan ang kumpiyansa ko sa 'king sarili. "As an artist, I've been using this to take not just a picture, but a memory wherever I go or if there was a good moment that needs to be captured. I feel like it's more aesthetic that we see the photo in our hands or we display it in every corner of our room. To be honest, it's been one year that I haven't use this kind of invention so if ever that I have it with myself, I'll make sure to take a lot of pictures in this moment so I could remember that this first experience that I had in the pageant will remain in my heart all the time. Thank you so much."

Sa sandaling matapos ako sa pagsasalita ay hindi ko inaasahang malalakas na mga hiyawan at palakpakan ang magiging reaksyon ng mga madla sa 'king sagot. Tuluyan na akong nakahinga nang maluwag.

"Thank you, Green Torch."

***

Bumalik kaming lahat sa stage habang hinihintay ang resulta ng mga mananalo ng mga judges. Sabi ng mga staff ay wala pang five minutes ay lalabas din kami agad para sa last walk namin bago ianunsyo ang mga nanalo.

Kanina, lumapit ako kay Cam dahil sa kyuryosidad ko kung ano'ng mga sinagot ng naunang mga kalahok. Sagot niya, 'yung Blue Marine daw ay pera ang sinagot dahil nabibili niya lahat ng gusto niya. Si Kendra naman ay libro. Pinaliwanag daw niyang maigi ang kahalagahan n'on sa bawat isa. 'Yung pangatlo naman ay kotse dahil doon lang daw sila nagkakaroon ng bonding ng kaniyang pamilya sa tuwing may pupuntahan sila gamit 'yon. Dagdag pa niya'y mga sagot lang namin ni Kendra ang angat kaya sinuman sa 'min ang magwawagi. Gayunpama'y hindi na ako umaasa dahil paniguradong si Kendra na panalo. Itong experience naman na 'to ay sapat na para sa 'kin.

"Ready na kayo. Final walk n'yo na. Pila na dali," paalala ng staff sa 'min kaya naman isa-isa na kaming umayos.

"Ladies and gentlemen, introducing our University of Linvillia's 2021 from male and female top 4 delegates' final walk. Under senior high school department, starting of... Blue Marine."

Isa-isa na ngang nagsisiusaran ang mga kalahok para sa kanilang huling paglakad maging ako. Kagaya ng kanina ay nauna pa rin ang mga lalaki hanggang sa mga babae. Nang college department na ang susunod ay mabilis din naman ang nangyari hanggang sa huling tawagin ng emcee ang pangalan ng team ko.

"And lastly, Green Archer."

Lumabas na ako sa entrance ng stage at nagsimulang maglakad sa mahabang stage. Kalmado lang ako sa bawat paghakbang at talagang sinusulit ang bawat sandali habang pinapalakpakan ng maraming mga tao. Sa oras na 'to ay hindi na ako umikot pa't bumalik na rin sa gilid pagkatapos kung saan gano'n din ang puwesto namin no'ng question and answer portion. Sumunod naman sa 'min ang babae at lalaking kasalukuyang may hawak ng titulo ngayon na silang magpapasa ng panibagong korona sa 'min. Ngayong oras na ng pinakahinihintay ng lahat. Idedeklara na kung sino ang nagwagi.

Inuna muna ang mga special awards. Sa mga male delagates, Best in Arrival, Best in Talent, and Best in Evening Suit ang nakuhang mga special awards ni Lorenz. Hinakot niya na lahat habang si Cam naman ay Most Photogenic ang nakuha. Sa 'min namang mga female delagates, nakuha ko ang Best in Arrival at Best in Talent. Si Kendra naman ay Best in Evening Gown. Ang Most Photogenic naman ay napunta sa Blue Marine. Hindi na ako magtataka dahil sa photoshoots namin ay siya ang may pinakamagandag kuha.

Either win or lose, this pageant is such a great experience. Congratulations sa 'kin sa pagharap ko sa maraming mga tao at siyempre sa totoong mananalo.

"Ladies and gentlemen, after waiting for so long, we already reached this point. Two delagates will be crowned tonight. The results are finally tabulated and now in my hands," panimula niya. "I'll be announcing the runner ups and winner from the male delagates first." Huminto siya para bigyang sandali ang mga tao maging kami para kabahan. "The third runner up is... Green Archer from senior high school department!" anunsyo niya bagay na kahit papa'no'y naglagay ng pangamba sa 'kin.

Matapos kong marinig ang pangalan ng team namin ay una kong inakala na si Cam 'yon at gano'n na lang ako madismaya gayong maganda ang sagot niya kaya hindi nakakapaniwala, ngunit sa pagpapatuloy ng pagdeklara ng emcee ay nakahinga naman ako ng maluwag. Nawala na sa isipan kong dalawa nga palang kalahok ang mula sa iisang team.

Tumungo siya sa gitna para sabitan ng sash at binigyan din ng maliit trophy. Ngayong lumipat na siya sa kabila at ia-announce na ng emcee ang second runner up, doon ko na naisip na baka kay Cam ito mapunta gayong mas angat pareho ang sagot nina Lorenz saka n'ong Yellow Monarch.

"The second runner up is... Green Torch under college department!"

As expected. Gayunpaman ay pumalakpak pa rin ako dahil kahit hindi man siya nanalo ay proud ako sa nagawa niya.

Katulad sa mauna ay sinabitan din siya ng sash at binigyan ng trophy na mas malaki nang kaunti sa nauna.

"I'll now announce the winner of Mister Linvillia's 2021 that will be crowned by our reigning king from Blue Saphire 2020. The first name that I'll be calling is our new Mister Linvillia." Naging matagal ang kaniyang paghinto na para bang sinasadyang bitinin ang lahat. "Our new Mister Linvillia 2021 is..."

Wala akong natitipuhan sa dalawa gayong si Cam ang gusto kong manalo subalit alam kong kahit sino sa kanilang dalawa ang magwagi ay talagang walang tapon. Kabilaan ay may sumisigaw na, "Red Torch" at, "Yellow Monarch." Mainit talaga ang pakiramdam ngayon dahil hindi na makapaghintay ang mga tao.

"Red Torch!"

Sa oras na banggitin ng emcee ang nanalo ngayong taon ay sabay-sabay na napatayo ang mga manonood kasabay ng paghiyaw at palakpakan. Mula sa taas ay may pumutok pang confetti.

"And our first runner up is Yellow Monarch. Congratulations!" pahabol pa niya.

Magkasabay silang nagtungo sa gitna. Sinabitan lang ng sash at binigyan ng trophy na mas malaki ulit nang kaunti sa naunang dalawa. Si Lorenz naman ay kinoronahan ng panibagong korona ng reiging king pagkasuot ng sash at pagkaabot ng trophy na pinakamalaki sa lahat. Nakita ko pang may kasama ring puting sobra na paniguradong naglalaman ng pera sa loob.

"And now, I'll be announcing our runner ups and winner from female delagates. Tabulated by our judges, the results are now in my hands," pahayag niya sa 'min.

Ngayong sa 'ming mga babae na iisa-isahin ang mga awards. Hindi naman na ako nag-aasam ng korona at kahit runner up lang ay sapat na sa 'kin. Halata namang si Kendra na ang panalo. If ever mang ako ang manalo, then napakalaking award naman n'on para sa 'kin. As long as hindi pa natatawag ang pangalan ng team ko, may tsansa pa. Heto nga ako ngayon, kinakabahan at mabigat ang bawat paghinga.

"The third runner up is... Blue Marine!"

Pinalakpakan naman ng mga tao ang unang anunsyo ng emcee. Tatlo na lang kaming natira dito. Kahit sana second runner up e ayos lang. Ayoko namang kami ni Kendra ang maging last standing.

"The second runner is... Red Torch under senior high school department!"

Hiniling ko sa oras na matawag ang pangalang, "Red Torch" ay si Kendra sana ang maging second runner up nang sa gayo'y hindi kaming dalawa ang matitira subalit baligtad ang nangyari. 'Yung isa ang tinawag kaya naman kaming dalawa ang natira. Ngayong nabigyan na ng parangal ang second runner, iaanunsyo na ang mananalo ng korona.

First runner up is a great achievement after all, but now that Kendra and I are the last standing, I'm still hoping for the crown even though I have a small chance.

"The first name is will be the winner of Miss Linvillia's 2021 that will be crowned by our reigning queen from Green Alexandrite 2020. Are you ready, ladies and gentlemen?" tanong niya sa madla.

"YES!" sagot nila nang sabay-sabay.

"The winner is me, of course," rinig kong bulon ni Kendra sa tabi ko.

"Ikaw 'yan," kaswal ko na lang tugon pabalik. Wala na kasi ako sa mood dahil patapos naman na 'tong pageant at uwian na rin pagkatapos.

"The winner of Miss Linvillia's 2021 is..."

Bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

"Green Archer! A back to back win from green team!" masayang pagdeklara ng emcee dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat kasabay ng pag-awang ng bibig ko.

Is this for real? Tama ba ang narinig ko?

"And congratulations to our first runner up, Red Torch!"

Bumalik na lang ako sa 'king wisyo nang marinig ang pagputok ng confetti. Puro hiyawan ang mga tao. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil parang napako ako sa 'king kinatatayuan. Namalayan ko na lang na kanina pa ako binibigyan ng hudyat ng staff na pumaroon na sa gitna para koronahan. Nagulat pa ako nang kaunti dahil sa pagkawala ko sa 'king sarili bago ihakbang ang mga paa papunta sa gitna kasama ang iba pang mga kalahok maging ang mga kalalakihan. Marahil may picture takijg for documentation purposes.

"Green ulit panalo. Congratulations sa 'yo," masaya at nakangiting pagbati ng reigning queen sa 'kin saka ako niyakap saglit pagkasuot sa 'kin ng sash. Sabay niya ring inabot ang trophy kasama ang puting envelope sa 'kin na akin namang tinanggap.

Yumakap naman ako pabalik at kumalas din agad.

"Koronahan na kita, ha?"

Tumango naman ako habang nagpipigil ng ngiti. Humarap ako sa mga tao't naramdamang nilagay na sa ulo ko ang bagong korona. Kasabay n'on ang pagpalakpakan ng mga tao.

"Our Miss and Mister Linvillia's 2021... Red Torch and Green Archer! Congratulations everyone! Have a great night!"

"Congrats, Destiny," biglang pagbati ni Lorenz sa tabi ko.

Mabilis akong napalingon sa kaniya't natuliro kung magsasalita ba ako o hindi. "S-Salamat. Congrats din sa 'yo." Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ngayon pa lang kasi ay naiilang na ako, ano pa kaya kung makikipag-eye to eye ako sa kaniya?

Congratulations pa rin naman sa 'yo, Lorenz. Deserve mo 'yan.

***

Isa ako sa mga tumulong kayla Kuya Dwayne na magligpit ng mga gamit pagkatapos kong magpalit ng damit nang matapos na ang mga picture takings at mismong event. Naka-long sleeve crop top na lang ako na pinaresan ng trousers. Wala na rin ang aking makeup maging ang ayos ng aking bugok.

"Mauna na kayong pumasok sa kotse, Destiny. Maiwan muna kami nila Tiffany rito. Puno 'yung loob ng mga gamit mo. Balikan na lang kami rito," wika ni Kuya Dwayne sa 'kin.

"Sige, sige," tango ko. Nasa labas pa ako ng kotse habang hinihintay si Daddy nang maramdamang nagri-ring ang phone ko.

"Kanino 'yug tumatawag?" kaswal tanong ni Ate Tiffany.

"Sa 'kin, Ate," sagot ko. "Sagutin ko muna 'to," paalam ko pa bago tumungo sa isang sulok kung saan alam kong magiging mapag-isa ako. Sinilip ko ang aking phone kung sino ang tumatawag at gano'n na lang mangunot ang noo ko nang makita ang pangalan niya sa screen ng aking phone.

Lorenz is calling...

Nag-aalangan pa ako kung sasagutin ko ngunit mukhang dapat dahil hindi naman basta-basta tumatawag 'tong si Lorenz kung mag-aaksaya lang siya ng oras. This also means he already unblocked me. Tutal ay wala pa naman si Daddy ay sinagot ko na ito.

"Hello, Lorenz? Napatawag ka?" tanong ko agad pagkasagot ng kaniyang tawag.

"Hi, Destiny. Congrats nga pala ulit," tugon niya.

"Salamat. Congratulations din. Hindi na kita nakita kanina. Umuwi ka na raw sabi nila."

"Umuwi kaagad ako pagkatapos, eh. Nakakatakot sa daan kung magpapagabi pa ako. Naka-motor lang kasi ako," paliwanag niya. "Napatawag ako sa 'yo kasi nagkita pala kami ni Tito Dreverent kanina sa backstage. He invited me to come to your birthday party. He also told me that your brother and his partner will be married the same day of your birthday. Double celebration."

Bahagya naman akong nagulat sa sinabi niyang dahilan kung bakit siya napatawag. Balak ko pa naman sanang ako ang mag-imbita sa kaniya, eh. "Punta ka, ha? Birthday ko 'yon. Maraming handa ro'n."

"Yes, yes. Siguro naman ay hindi ako busy n'on, pero gagawa ako ng paraan if there will be an instant. I promise," paninigurado niya sa 'kin.

"Ikaw nagsabi niyan, ha?"

"Oo nga. So I think I need to end this call. Nangangati ako sa makeup at hairspray na nilagay sa 'kin. I need to take a bath," pamamaalam niya.

"Sige lang. Maligo ka na. Congratulations ulit," pahabol kong pagbati.

"Congratulations, too. Bye."

Nang patayin ni Lorenz ang linya ng pagtawag ay sinilid ko na kaagad ang phone ko sa 'king bulsa. Bumalik ako sa kotse namin at sakto naman ang pagdating ni Daddy. Uuwi na rin kami sa wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top