Chapter 39: Regretless
DESTINY
"Kuya, para po. Dito na lang po."
Pagkahinto pa lang ng cabna sinakyan ko ay kaagad ko nang inabot ang bayad ko sa kaniya. Minadali ko nang bumaba at halos nananakbong akong dumiretso sa gate papasok sa bahay. Sa oras na buksan ko ang pinto sa main door ay bigla na lang akong tumigil sa paghakbang nang bumungad sa 'kin ang tatlong hindi ko kilalang mga tao kasama sina Kuya Dwayne, Ate Dani, Ate Tiffany, Mommy, at si Daddy.
"Destiny," tawag ni Daddy sa 'kin.
Suminghap lang ako ng hangin sa pag-aakalang ito na yata 'yon. "Kanina pa ba kayo?"
"You're just in time." Si Ate Dani ang sumagot.
"Nandito na 'yung fashion designer at dalawang assistant na tinawag ni Tiffany. Hindi rin magagamit 'yung mga natipuhan mong mga damit sa wardrobe ni Tiffany dahil exclusive na green lang ang susuotin mo. Tinawagan ako n'ong teachers mong si Hero na bawal daw 'yon. Kung anong color ng team mo dapat, 'yon ang kulay ng mga damit mo," paliwanag niya.
"Hereo po," pagtatama ko.
"'Yon. Hereo nga."
Hindi muna ako nakapagsalita agad nang makita ang isang babae at dalawang bakla niyang kasama. Sabay-sabay silang ngumiti sa 'kin at kumaway.
"Ngayon na po ba ako susukatan?" tanong ko. Kahit naman papaano ay sa ganitong sitwasyon ay mababawasan ang bigat sa dibdib kong nararamdaman. "Sa'n po ba ako susukatan?"
Hindi pa man nasasagot ang tanong ko ay biglang sumingit si Kuya. "Daddy, may pupuntahan lang kami ni Tiffany," pagpapaalam niya. "May bibilhin lang kami sa mall. Kayo nang bahala r'yan."
Tumango naman si Daddy sa kaniya. "Sure. Umuwi rin kayo kaagad. May dinner pa tayo mamaya."
"Thanks."
Magkasamang umalis ang dalawa. Bago pa man sila makalabas ay nagawa pa ni Ate Tiffany'ng tapikin ang balikat ko na para bang nagpapahiwatig ng isang "good luck."
"Akyat din po muna ako sa k'warto ko," pagsingit din ni Ate Dani at tuloy-tuloy na tumungo sa taas sa kaniyang kuwarto.
Anim na lang kaming naiwan ngayon dito sa baba.
"Daddy, saan?" pag-uulit ko sa 'king tanong.
"Sa guestroom," tugon niya. "Diretso na kami ro'n kasi nando'n 'yung mga designs na na-draft nila‐--mga 'di pa nagagawang dress or casual clothes na baka magustuhan mo," litanya niya pa.
"Sige po."
"Tara na."
Lahat kami'y dumiretso sa loob ng guestroom. Pagpasok ko pa lang ro'n ay gano'n na ako mamangha nang makita ang iilang mga damit na nakahilerang pawang mga kulay berde. Iba't ibang mga uri at klase ito ng mga damit kaya naman nasasabik din ang aking artistic side lalo na nang makita sa tabing lamesa ang isang sketchbook na naglalaman ng iba pang mga drafts nitong fashion designer na kasama namin.
"First mo 'tong sasali sa pageant. Gusto naming maganda at presentable kang tingnan kaya h-in-ire pa namin 'tong dating mga designers ni Tiffany," ani Mommy bagay na mas nagpainteresado sa 'kin.
"Mapilit kasi kayo, eh," pabiro kong wika. "Kung hindi lang kayo makulit," pahabol ko pa.
Dahil sa sinabi ko ay lahat sila'y napahagikgik maging ang tatlo pa naming kasama. Kahit naman na napilit alng din akong sumali ay habang lumalaon ay sumasaya na akong magiging kalahok sa paparating a pageant.
"We just want to take the opportunity, at isa pa, sabi ng professor mo e wala naman daw balak sumali kaya naisipan ka naming isali ng daddy mo," paliwanag niya. "Dapat nga pasalamat ka pa, eh."
"Ba't naman?" kunot-noo kong tanong.
"S'yempre, makikilala ka."
"Mommy, 'di sa pag-aano, pero sikat na 'ko. 'Yung opportunity na sinasabi mo rin, ano 'yon? Scholarship?"
"Anak, sikat ka lang sa mga business owners kapag kapag may mga auctions tayong mga pinupuntahan, pero 'di ka kilala ng mga tao," saad niya sa 'kin pabalik. "Hindi rin scholarship ang habol namin do'n ng daddy mo kundi experience. We don't need that scholarship dahil kaya naming bayaran lahat ng expenses mo. Napag-aral nga namin mga ate't kuya mo, ikaw pa kaya?"
"Sabagay..." sang-ayon ko na lang. "By the way pala, Mommy, magpe-paint na lang ako sa talent portion ko habang may tumutugtog na music. Sinabi ko na po sa inyo 'to last week pa. Bili n'yo 'ko ng mga art materials," sabi ko sa kanila.
"Sige lang, Destiny." Si Daddy ang sumagot. "Bili na tayo mamaya ng mga gagamitin mo tutal wala naman na akong gagawin pagkatapos ng dinner."
Napangiti naman ako matapos marinig ang sinabi niya. Ang tagal na rin pala n'ong huli akong pumunta sa painting shop. Kasama ko pa n'on si Lauren.
"Magpalit ka na ng damit sa taas, 'nak," utos ni Mommy. "Pakibilisan mo lang."
"Sana pinabihis mo na ako kanina," suhestyon ko naman.
"Hayaan na. O siya, bihis ka na para 'di na 'to magtagal."
Tumango na lamang ako at nagmadaling nagtungo sa 'king kuwarto sa taas. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay binaba ko na ang aking kuwarto saka sunod na hinubad ang pang-itaas na uniform. Bago ko naman hubarin ang pang-ibaba ko ay nagawa ko pang i-check ang bulsa kung may naiwan bang kung ano nang maramdamang may papel dito. Muntik ko nang makalimutang ito pala 'yung sinilid ko kaninang papel ni Lorenz mula sa dorm niya. Muli ko na naman itong binuklat at pinagmasdan.
"#4B0082 - #E6E6FA - #FFA500 - #8F00FF - #555D50 - #FFFF00 - #FFA500 - #120A8F #f0e130 - #555D50 - #F4C430 - #F28500 - #4B0082 - #727472 - #FFFF00"
Naging matagal ang pagtitig ko rito na para bang nag-iisip kung code ba talaga ito o isang formula'ng hindi ko naman maintindihan. Gayunpaman, medyo nagiging pamilyar ako sa mga ganito dahil parang may nakita na akong ganito noon. 'Di lang masyadong malinaw sa 'kin kaya naman tinupi ko na lang ito at nilagay sa ibabaw ng kama ko pansamantala. Kasabay naman n'on ang pagtunog ng phone ko kaya naman agad ko itong kinuha para silipin. May message pala ako mula sa kaniya.
Lorenz Aldous
Lorenz
Destiny, umuwi ka na pala pero hindi mo man lang sinabi sa 'kin.
I could've fetch you to your house.
Hais...
Hindi ko na alam kung ano'ng mararamdaman ko. Pagkatapos kong mabasa ang kaniyang message ay nanibago na naman ang mood ko. Naaalala ko na naman.
Magtitipa na sana ako sa 'king pag-upo sa para reply-yan siya ngunit mabilis kong naalala na naghihintay pala sila ro'n sa guestroom kaya naman napabuga na lang ako ng hangin at hinayaan na lang na naka-seen ang chat niya sa 'kin. Nagmadali na lang akong nagbihis.
Geez. Mood ruined.
***
The time went briskly. After measuring my size, we took our dinner next. That time, Kuya and his soon to be wife were now in home. Daddy invited my stylists to join our dinner which they accepted. After that, Daddy and Kuya accompanied me to buy some art materials that I'll be using for my talent portion as well for my practices.
Kasalukuyan lang akong nag-iikot nang paulit-ulit sa 'king kama. Paulit-ulit ko itong ginagawa hanggang sa makuntento na ako sa kaburyongan ko. Sa kalagitnaan n'on ay muli na namang rumehistro sa isipan ko ang papel na naglalaman ng kombinasyon ng mga numero at mga letra kaya naman dali-dali kong inabot ang aking phone na ngayo'y nagtsa-charge. Ime-message ko sana siya ngunit sa oras na buksan ko to ay sunod-sunod na mga messages mula sa kaniya ang natanggap.
Lorenz Aldous
Lorenz
Shit. I guess I already knew it.
If you heard something or whatever from me, I'm very sorry.
Marami pa siyang sumunod na mga pinagmeme-message bukod dito na puro pagpapaliwanag lang naman ang kaniyang ginagawa bagay na 'di ko naman binabasa masyado sa pagkahaba-haba nito. Dala ng pagkabagot ay napabuntonghininga na lamang ako't binaba ang phone sa 'king tabi saka natulala sa kawalan na tila ba napaisip saglit. Tumagal ako sa gano'ng asta hanggang sa muli kong ibalik ang aking atensyon sa 'king phone para silipin muli ang mga message niya.
Lorenz Aldous
Lorenz
I just wanna talk with you.
Look outside your window.
Por favor. Come outside.
Gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko matapos mabasa ang huli nitong mga message sa 'kin. Dahil dito ay mabilis akong napatayo para tingnan siya sa labas. Pagdungaw ko sa bintana mula rito sa loob ng aking kuwarto ay nadatnan ko siya ro'n sa baba sa tapat ng aming gate habang eksaktong natitig din sa bintana kung saan niya ako inaasahang sisilip.
Segundo ang lumipas ay nakita ko siyang nagtipa na naman sa kaniyang phone kaya naman binalikan ko ang binitawan kong phone. Bago ko ito buksan ay nagawa ko pang tingnan ang orasan sa taas at napag-alamang mag-aalauna na.
Lorenz Aldous
Lorenz
Please, Destiny.
Dala ng pagkaubos ng pasensiya ko nang tuluyan ay napagpasiyahan ko nang bumaba at patingkayad na nagmadaling tumakbo pababa para makagawa ng ingay. Pagkababa ko ay inalam ko muna kung gising pa sina Yaya Cha at Pia. Sa kinamabutihang palad ay patay na ang lahat ng ikaw kaya alam kong tulog na sila sa kani-kanilang mga kuwarto. Ginamit ko na 'yong pagkakataon para lumabas at dumiretso sa gate.
Ang kaninang nagmamadaling pagtakbo ko ay naging nagbabagal na paglakad sa oras na papalit na ako nang papalapit kayla Lorenz.
Nakasuot siya ngayon ng itim na sumbrero, jacket, at shorts habang puti naman ang kaniyang shirt. Sinilid niya lang ang kaniyang mga kamay sa magkabilang mga bulsa ng kaniyang shorts saka tinanggal ang suot niyang sumbrero pagkalabas ko ng gate at pagkalapit sa kaniya. Bahagya pang pumangalumbaba ang kaniyang ulo.
"Destiny," tawag niya sa pangalan ko. 'Yung boses niya ay para bang kakagaling niya lang sa pag-iyak.
Alam kong alam naman na niya siguro ang dahilan kung bakit hindi na naman kami nagkaayos at kung bakit ako umuwi nang walang pasabi sa kaniya. Gayunpaman ay pakiramdam ko'y naiipit ako sa tuwing kaharap ko siya. Nakakailang na hindi ko maipaliwanag at gusto ko na lang magpalamon sa lupa dala ng hiya. Dagdag pa ang malamig na simoy ng hanging tumatama sa balat ko na siya ring nagpapahina sa mga tuhod ko.
"Ano pa'ng ginagawa mo rito?" kaswal kong tanong. "Gabing-gabi na, Lorenz. Paano na lang kung tulog na ako? E'di magdamag ka rito?"
"Why so cold?" He sounded really worried.
"Nagtatanong lang ako. Ano pa ba kasi'ng ginagawa mo rito e gabing-gabi na?"
"Destiny." Sinubukan niyang kunin ang kamay ko subalit bago pa man niya ito mahawakan ay umatras na ako nang bahagya.
"Ano?"
Bakas sa mukha niya ang hiya matapos ang kaniyang ginawa. "Destiny, alam kong narinig mo ang usapan namin ni Kendra kaya kung anuman ang narinig mo, lo siento. I'm really sorry."
"Sorry? Sorry na naman ba?" sarkastikong tanong ko pabalik sa kaniya.
"Destiny..."
"Lorenz, tama na. Alam mo naman na, eh. Tama na, please," wika ko.
"I'm just worried," aniya. Tinangka niyang muling kunin ang kamay ko pero gaya ng kanina ay umatras lang din ako.
Sa mga oras na 'to ay nakakaramdam na ako ng paninikip ng aking dibdib ngunit pinigilan ko ang aking sariling maging emosyonal sa harapan niya kahit na ako mismo ay may kamalayan nang alam niya.
"I don't need your worries or whatever." Unti-unting nanginig ang boses ko.
The fuck is this?
Hindi ko na alam pa ang mararamdaman ko. Pinipilit ko ang aking sariling magpakatatag na maging normal lang ang pagtingin ko sa kaniya bilang malapit na kaibigan pero hindi ko napigilan ang nararamdaman ko kahit anong subok ko. Sinusubukan kong iwakli itong pesteng nararamdaman ko sa kaniyasubalit habang lumalaon ay mas nasasaktan ako sa mga nangyayari. Inaamin ko nang ibang saya ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya pero nagbago ang lahat ng 'yon dahil dumating na si Kendra‐--ang pangalang binanggit niya matagal na panahon na ang nakakaraan.
"I'm not stupid, Destiny," walang emosyon niyang sambit.
Mabigat akong huminga. Sa oras na ipikt ko ang aking mga mata ay naramdaman kong may luha nang tumulo sa magkabila kong mga pisngi.
"Why? Do you have feelings for me?" diretsuhan niyang tanong na siyang nagpatigil sa 'kin sa paghinga.
Hindi ako nakasagot.
"Destiny, answer me."
Wala pa rin akong imik.
"Destiny," pag-uulit niya. Sa puntong ito ay tumaas nang bahagya ang kaniyang boses.
Mariin akong napalunok.
"Destiny, please an---"
"Oo," putol ko sa kaniyang dapat sabihin. Hindi ko na alintanang mas lumakas ang pagluha ko. "Oo na. May nararamdaman ako para sa 'yo... pero pinipigilan ko kasi hindi p'wede. Masyado ka kasing pa-fall kaya ako na-fall sa 'yo. Ano? Masaya ka na ba?"
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya sa gulat matapos kong umamin. Napailing pa siya nang kaunti sa kaniyang narinig mula sa 'kin. Ramdam ko ang pagkailang niyang naramdaman sa katahimikang sumentro ngayon sa pagitan namin.
Huminga ako nang malalim. "Tama na, Lorenz. Hindi p'wede 'tong nararamdaman ko sa 'yo. I'll just keep this feelings all by myself until I'm able to forget it," litanya ko. "Sige na. Umalis ka na. Kailangan ko nang matulog." Pagkasabi ko n'on ay tuluyan na akogn tumalikod at umalis saka siya iniwang mag-isa sa labas.
That night, I can't sleep. It took me for hours before I felt sleepy. Before I close my eyes, I've decided to check my phone if there was new message from him but the moment I was about to type, I only ended disappointed when I found out that he already blocked me.
Damn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top