Chapter 38: Letters and Numbers

DESTINY

"Step, step, step, stop, and pose. Perfect. Ikot isa. Step, step, step, step, pause, harap, and pose. Perfect. Then balik. That's good," paulit-ulit na wika ng baklang mentor na siyang gumagabay sa bawat paglakad namin nang tama.

Muli akong bumalik sa puwesto ko at pinosisyon ang katawan gaya sa ibang mga kalahok. Ako kasi ang huling maglalakad sa batch namin.

Actually, kaming apat kami ngayon rito pero kalaban din namin ang mga senior high students. Bali labing-anim kami sa kabuuan.

Batch ng mga boys ang nauna kanina kaya kaming girls ay naka-standby muna sa likod. Sa mga kalalakihan, nauna ang Yellow Monarch. Sumunod naman ang Blue Marine. Pumangatlo si Lorenz na siyang representative ng Red Torch. Huli naman si Cam na siyang sa Green Archer. Gano'n din ang pagkakasunod-sunod sa 'ming mga girls. Nauna nga lang ang mga senior high bago kaming mga college. Sa totoo nga lang ay excited ako sa araw na 'to pero mabilis nasira ni Kendra ang mood ko sa ka-OA-han niya sa pag-cheer kay Lorenz e hindi rin naman siya pinapansin kaya nagmukha lang siyang tanga ro'n.

"All of you did great today, especially sa inyo, mga girls. Just keep practicing your work walk, pose, facial expression, and gestures, okay? So that's all for today. P'wede na kayong magpahinga. Bukas naman," mahabang paalala ng aming mentor.

Lahat naman kami'y napabuga na lang ng hangin sa sayang tapos na ang mahigit apat na oras naming pagte-training. Kaagad kaming dumiretso ng mga kapuwa ko babae sa dressing room para kunin ang aming mga gamit do'n. Mabuti na lang na wala namang eksena ngayon 'tong si Kendra kaya naman dali-dali ko nang sinukbit ang aking bag at kinuha ang aking thumbler bago nagpaalam sa mga kasama ko.

"Mauna na ako. Ingat kayo sa pag-uwi," wika ko't tinanguan naman nila ako.

Minadali kong umalis gayong medyo creepy na rin na kaunti lang ang tao rito sa university gayong Sabado ngayon at kami lang mga trainees ang nandito. Kaninang alas dose nagsimula ang training namin at ngayong alas singko lang natapos. Inaaya ko pa nga si Lauren para samahan ako't manood siya sa 'kin pero tinatamad daw siya habang si Cam naman ay hindi man lang tinapos ang training. Bandang alas kuwatro ay umuwi na siya dahil may birthday party pa raw silang pupuntahan kaya ang ending, ako lang tuloy uuwing mag-isa. Si Lorenz naman, bahala na siya ro'n kay Kendra.

"Destiny!"

Lumingon naman ako sa pamilyar na boses na tumawag sa 'kin. Speaking of him, here he comes.

"Destiny," pagtawag niya ulit sa 'kin.

"Oh, Lorenz," tugon ko pagkahinto niya sa harapan ko habang sukbit ang kaniyang bag.

Dapat si Kendra ang kasama niya, ah? Weird.

"What's up?" kibit-balikat niya at malimit na ngumiti sa 'kin.

Sa isip-isip ko'y gusto ko na lang mapairap. Napabuntonghininga ako. "Tired."

"Huh?"

"Pagod ako," tipid kong sagot na bahagyang nilakasan ang boses.

"Okay... I get it na."

Tumalikod na ako't humigpit ang pagkakahawak sa strap ng aking bag saka pumangalumbaba ang ulo sa damog nilalakaran. Walang pasabing nagbukas ako ng panibagong usapin. "You should be with Kendra right now. 'Wag mong aksayahin ang oras mo sa 'kin."

Lumaki ang hakbang niya para maging magkatabi kami sa paglakad. Sa gilid ng mga mata ko'y nakita kong nangunot ang kaniyang noo. "Wait? Why did Kendra get involved? She's not belong here," aniya. "May ipapasa pa siya yata sa office kaya hindi kami magkasabay ngayon, at hindi rin ako nag-aaksaya ng oras sa 'yo, 'no."

Instead of retorting for what he assured, I asked another topic again. "Nagustuhan mo ba 'yung regalo ko sa 'yo?" Sa puntong ito ay hinarap ko siya. Hindi ko naman inaasahang magtama ang aming mga tingin. Nasilayan ko lang ang pagtaas-baba ng kaniyang lalagukan.

"110 percent yes," sagot niya nang nakangiti. "Ginagamit ko na siya. Nakatono na rin 'yung mga strings kaya hindi na ako nahirapan itama 'yon. The guitar was nice. I like it. Thank y---" Hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin nang umuwis ako matapos niyang itaas ang kaniyang kamay para guluhin na naman ang buhok ko bagay na kadalasan niyang ginagawa sa 'kin.

Napailing na lang ako't nagpatuloy sa paglalakad kahit na 'tong katabi ko ay alam kong napahiya.

"Ahm... By the way, how's your study?"

"As usual, nakaka-stress pa rin."

"Why?"

"Kasi nakaka-stress," kaswal kong pag-uulit.

I can't understand myself anymore. It's just one day, we're slowly getting unattache with each other. He don't have any idea how much I miss out bonding together, but now that he's here with me, I feel like I'm not that much interested talking to him just like the past that I am.

"Ikaw? Kamusta naman pag-aaral mo?" Ako naman ang nagtanong this time.

"I'm motivated."

"Malamang. Nand'yan si Kendra, eh," bulong ko.

"What did you say?"

"Wala. Malamang kako nag-e-enjoy ka kaya ka rin motivated."

"Maybe," sabi niya. Huminto siya saglit bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "I wonder why did you join pageant. May I know why?"

"Ano'ng pake mo?" sarkastiko ngunit pabiro kong tanong. "Joke lang," bawi ko agad. "Wala lang. Trip ko lang," pagdadahilan ko na lang sa kadahilanang tinatamad akong magsalita nang marami.

"Because of Kendra's father."

"Ha?"

"Kendra wants to join the pageant the day that it was announced and she wants me to be her partner so thats why she pleased her father to please me also. Hindi nga ako sasali pero makulit talaga ama ni Kendra. I don't have such big amount of money for some expenses. My allowance is just enough for my bills and daily needs but Kendra is so makulit talaga. Her father talked to me and when we talked, he promised to give me 20 thousand pesos if I'll join to be his partner. 20 thousand pesos is a big money so I left no choice but to grab that opportunity," mahaba niyang paliwanag.

"Is this your first time joining in the pageant?"

"Second time," pagtatama niya. "My first time experience is when I was in my teenage years. Unluckily, I lost."

Huli na pala naming namalayan nang namalayan naming pareho na pala kaming nasa ilalim ng waiting shed. Ginamit ko na itong pagkakataon para humakbang nang malaki para magkaroon ng pagitan sa 'ming dalawa. Nanatili lang akong nakapirmi sa 'king kinatatayuan habang papalit-palit ang ulo ko sa magkabilang direksyon ng kalsada kung may padaang cab.

"Are you going home by yourself? Where's Lauren? Where's Cam?" sunod-sunod niyang tanong.

"Oo. Ako lang. Wala namang problema ro'n."

"Then where's Lauren and Cam?"

"May nakita ka ba? Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito? Umuwi ka na rin. Padilim na rin maya-maya," kaswal kong lintaya.

"Destiny." Bigla na lang niyang hinigit ang kamay ko.

"Ano ba?" Nagpumiglas ako. Sinubukan kong kumawala ngunit masyadong mahigpit ang kamay niya sa braso ko. "Bitawan mo nga ako."

"Can you please stop? Baka akalain pa ng mga tao e hina-harass kita."

"Totoo naman, ah?"

"Punyeta naman, oh. I know you have a problem with me, but I'm trying my best even though I don't have any idea what is it yet I also feel like that there is. I'm sorry for the past days when I'm ignoring you. I'mreally sorry kung hindi na tayo nagkakasabay pumasok. I'm sorry. Babawi ako kahit ngayon pa mismo," asik niya saka tuluyang binitawan ang pagkakahawak sa 'kin.

"Ngayon? Kahit 'wag na."

"Hey. 'Wag ka na magtampo, oh. Babawi na ako. I promise. Kaya nga ako nandito, eh. I'm finding some ways. Kung ngayon, tanungin kita kung libre ka ba ngayon para pumunta sa dorm ko. Bumili tayo ng ice cream," pangungumbinsi niya pa. "Sa motor ko na ikaw sumakay."

"Pasalamat ka na lang at alam mo karupukan ko." Napabuga na lang ako ng hangin. "Okay."

***

"Just enjoy eating your ice cream. Akyat lang muna ako sa taas," aniya at pasintabing umalis papunta sa taas sa kuwarto niya.

Gamit ang motor ni Lorenz, naisipan naming kumain ng ice cream sa kaniyang dorm. Tig-isang malaking tub an binili niya para sa 'ming dalawa at nakakalahati niya pa lang ang sa kaniya nang mabusog na siya habang ako naman ay mukhang nakukulangan pa rito sa kinakain ko. Sinisimot ko na nga lang 'yung iba.

Matapos maubos ito at ako na ang nagligpit ng mga pinaggamitan namin saka ito nilinis. Nang matapos ay sinilip ko ang aking phone kung sakaling may nag-message at may nakita nga ako. May message si Kuya Dwayne sa 'kin.

Dwayne Javier Hendrix

Dwayne Javier
Wala ka rin kami sa bahay. Chinat ko na rin si Lauren pero wala ka naman daw ron sa kanila. Nasa dorm ka ni Lorenz no?

Destiny Sierra
Oo. Bakit?

Dwayne Javier
Wala naman. Nagbake kasi ng mga cookies dito. Baka maubusan ka.

Joke

HAHAHAHAHA!

Saka mag 7 na. Uwi ka na.

Destiny Sierra
Maya konti kuya. Papaalan lang ako

Dwayne Javier
Papahatid ka ba sa kanya?

Destiny Sierra
Di na. Pagod na yon sa rehearsal namin kanina

Dwayne Javier
Sige lang. Uwi ka na. Ingat.

I left him a seen and didn't bother to reply. Inayos ko na ang aking sarili pagkalagay ko ng aking phone sa 'king bag. Sa pagtalikod ko ay ro'n ko nakita ang isang papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nakatupi ito at medyo lukot na nang aking kinuha. Dala ng kyuryosidad sa kung ano'ng nakasulat dito ay akin itong binuksan.

Huh?

Gano'n na lang ako magtaka nang makitang puro mga letra at numero lang ang nakita ko ro'n na para bang kombinasyon. Habang tumatagal ako sa pagtitig dito ay bigla kong naalala na ito siguro 'yung papel na sinusulatan niya no'ng mga panahong semi-tutor niya ako. Pamilyar lang sa 'kin dahil sa kalumaan nito at ito rin 'yung mga hindi nagamit naming mga papel bilang scratch niya sana. Ito nga 'yon. Nagkibit-balikat na lang ako nang pagmasdan ito.

"#4B0082 - #E6E6FA - #FFA500 - #8F00FF - #555D50 - #FFFF00 - #FFA500 - #120A8F #f0e130 - #555D50 - #F4C430 - #F28500 - #4B0082 - #727472 - #FFFF00"

Is this supposed to be code or something? I guess not? Maybe yes? Geez.

Sa tingin ko ay kalat lang din 'to kaya naman akin na itong itiniklop at isinilid sa 'king bulsa. Bago umalis sa bahay ay nagawa ko munang umakyat sa taas para magpaalam munannuuwi na ako ngunit sa bawat baitang na aking nahahakbangan ay siyang unti-unting paglakas ng boses ni Lorenz na tila may kausap yata sa kaniyang phone. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang sinabi niya.

"Destiny is here right now, but don't worry. She's fine there... What?" Natawa pa siya nang bahagya. "Hmm... Of course... You love me?" Huminto pa siya saglit. "Me too. Always take care of yourself. Te amo."

Hearing those words stunned me from where I'm standing right now for a while. Pakiramdam ko'y bigla na lang akong nanlata. Hindi ko alam kung ano'ng sumunod na nangyari dahil huli na nang matagpuan kong nagmamadali akong umalis sa dorm ni Lorenz nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top