Chapter 37: A Present for Him

DESTINY

"Malapit na ang pageant mo, Destiny," ani Kuya Dwayne na ngayo'y nagmamaneho ng kaniyang kotse ngayon.

Dalawang araw ang nakalipas matapos ang meeting naming naganap, simula na ng training namin. Nagsasanay na kaming lahat mula sa pagsasalita, paglalakad, pagsuot sa mga damit, at iba pa. Nakalagay na rin pala sa bulletin board namin ang mga teams kahapon at napag-alaman namin ni Cam na sa Green Archer kami habang si Lorenz maging ang ka-partner niya ay sa Red Torch.

"Kaya nga, eh. Mas magte-training pa kami nito," pahayag ko pabalik.

Kasalukuyan kaming nasa biyahe para ihatid ako sa university. Weird lang na after ng engagement nila ni Ate Tiffany ay nagbago ang pakikitungo sa 'kin ni Kuya which is good naman kahit papaano.

"Galingan mo sa pageant mo. Next month na 'yon. 'Wag ka na ring mag-alala sa mga susuotin mo dahil maraming magagandang damit si Tiffany lalo na sa mga dress sa wardrobe niya. Kapag may free time ako, pumunta tayo sa kanila," mahaba niyang litanya. "'Yan 'yung una mong pageant na sasalihan kaya dapat na galingan mo. Much better kung manalo ka, pero bonus na lang 'yon," dugtong niya pa.

"Bahala na. Gawin ko na lang best ko."

"Good."

Dahil wala namang masyadong mga sasakyan sa kalsada ay maaga akong nahatid ni Kuya. Buong akala ko'y paghatid lang ang sadya niya pero hindi. Inutusan pala siya ni Daddy na siya ang magbayad ng ibang mga fees regarding sa pageant na sasalihan ko.

Matapos mai-park ni Kuya ang kotse ay magkasabay kaming bumaba. Pagkuwa'y hindi na ako umimik pa't basta na lang naunang maglakad patungo sa classroom namin. Maya-maya lang din ay naramdaman kong nasa tabi ko na siya.

"Ano'ng oras ang klase mo ulit?" tanong niya.

"7:30," tipid kong sagot ko.

Tahimik lang kami ng mga oras na 'yon habang naglalakad. Medyo kaunting lakad pa kasi ang layo ng parking lot hanggang sa quadrangle ng university. Sa kalagitnaan n'on ay 'di inaasahang nagsalita siya na bahagyang nagpailang sa 'kin.

"Sens'ya na these past few months kung palagi kitang inaaway. Gusto lang kitang protektahan. Ang kulit mo kasi," sambit niya.

Nanatili lang sa babang nilalakaran namin ang mga atensyon ko. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag. Naiintindihan naman kita kahit nakakainis ka minsan at kahit ang sarap mong tirisin," nakabungisngis kong tugon. "Hayaan mo na lang. Tapos naman na, eh. Kailangan mo lang naman palang ikasal para tumino ka," pahabol ko pa at natawa na nang tuluyan.

"Tarantado ka talaga. Tara nga rito." Pagkasabi niya ay biglang umangkla ang kaniyang braso sa balikat ko at sadyang nilapit sa kaniya. Hindi pa siya nakuntento at bahagya pa niya akong pinanggigilan.

"Bitiwan mo nga 'ko," pagpupumiglas ko. "Baka mamaya niyan e akalain pa nilang boyfriend kita. Ew lang." Pabiro akong napairap sa kaniya.

"Mas ew ka."

"Gago!" Hinampas ko na lang siya sa kaniyang braso dahilan para kapuwa kami matawa.

Sa oras na makaapak kami sa quadrangle ay ro'n na kami naghiwalay ng nilalakad. Kasabay ng kaniyang pag-alis ay siya namang pagtunog ng phone ko. Nang akin itong kuhanin mula sa 'king bulsa ay nakita kong nag-message sa 'kin si Lauren.

Lauren Belle Delos Rios

Lauren Belle
Cuzzz

Papunta na ako sa univ. Nandiyan ka na ba? Dumiretso ka na muna kaya sa cr. Don mo ko hintayin

Destiny Sierra
Teka teka lang naman

Bat kailangan pang sa CR kita hintayin e pwede namang dito na lang sa quadrangle? Gaga ka ba?

Lauren Belle
Naiihi ako

Destiny Sierra
E bakit hindi ka kasi umihi sa bahay nyo? Hindi yung kung kelan ka na aalis saka ka ngayon naiihi.

Lauren Belle
Di ko na kasalanan yon. Di ko hawak pantog ko. Kanina di ako naiihi pero ngayon naiihi na ako.

Pumunta ka na ron.

Destiny Sierra
Jusq...

Lauren Belle
Dali na. Libre na lang kita ng ice cream mamaya

Destiny Sierra
Sabi mo yan ha? Walang bawian

Lauren Belle
Oo nga

Don't u trust me?

Destiny Sierra
Owshi. Nice

Ito na papunta na

Pinatay ko na ang phone ko't lumingon sa sa direksyon kung saan nando'n ang karatula ng pambabaeng CR. Pumanhik na ako ro'n saka sabay na rin nakaramdam ng pagkaihi kaya naman napagpasiyahan kong magbanyo na rin. Mabilis din naman akong natapos at lumabas agad para maghugas. Pagkasara ko naman ng gripo ay hindi ko naman sinasadyang masagi ang isang maliit na pouch ng babaeng katabi ko. Nalaglag 'yon sa sahig maging ang nilalaman niyong mga make up. Kaagad ko naman itong kinuha at isa-isang binalik sa lalagyan at nang akman ibabalik ko na ito sa kaniya nang gano'n na lang ako matutop nang mapag-alamang si Kendra pala an kaharap ko ngayon.

"Look who's here," maarte nitong pagtukoy sa 'kin.

Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko sa kaniyang sinabi. Gayunpaman ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Sorry, Kendra. Hindi ko sinasadya." Ibinalik ko na lang ang kaniyang pouch sa gilid ng lababo at nagsimula nang maglakad papaalis ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang higitin niya ang braso ko. Ramdam ko ang tulis ng kaniyang mga kukong bumaon pa nang bahagya sa balat ko. Inis na akong humarap sa kaniya. "Ano ba'ng problema mo?" nakasinghal kong tanong.

"Ikaw ang problema ko," sagot naman niya.

"Ako?" turo ko sa 'king sarili. "Bakit ako? Wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah?"

"Wow..." sarkastiko niyang tugon. Pumalakpak pa siya na para bang sinasadya akong inisin dahilan para pagtuunan kami ng pansin ng ilang mga tao rito sa loob ng CR. "Can you please avoid Lorenz? You keep getting his attention."

Gano'n naman mangunot ang noo ko sa hindi makapaniwala niyang sinabi. "At bakit naman? Sino ka ba?"

"I'm Kendra, and don't even dare to go near with Lorenz. Itigil mo 'yang kalandian mo," diretsuhan niyang sagot na siyang nagpapaubos ng pasensiya ko.

Napangisi ako para itago ang takot na magkaeskandalo. "See? Girlfriend ka ba niya at gan'yan ka kung makaasta?"

Do'n siya natigil saglit. Naging matagal bago siya kumibo. "Hin---"

"Hindi naman pala, eh," pagsingit ko agad. "Ano'ng hinihimutok mo ngayon d'yan? Saka hindi ako malandi para sabihin ko sa 'yo. Kung p'wede lang din, laklakin mo nang buo si Lorenz."

"What the hell?" Sa inis niya ay umangat na ang kaniyang kamay at aamba na ng sampal sa 'kin ngunit umatras lang ako nang kaunti saka nanatiling nakapirmi.

"Sige, sampalin mo 'ko," panghahamon ko. "Gawin mo 'yan. Ipakita mo sa mga tao rito kung ano 'yang ugali mo. Transferee ka lang rito. 'Wag masyadong mayabang," babala ko. "Halata naman na gan'yan ang ugali mo no'ng una pa lang kitang makita. Sa totoo lang, hindi ko gusto presence mo, pero 'di ako attention seeker kagaya mo. Ang hinhin ng mukha mo. Mukhang mabait, pero mukha lang." Pagkasabi'y tinuro ko ang kamay niya. "Bago mo rin idampi 'yang kamay mo sa mukha ko, make sure na naghugas ka muna. Lastly, wala akong pake kay Lorenz or any romantic feelings sa kan'ya dahil magkaibigan lang kami kaya kung may gusto ko man sa kan'ya, wala rin akong pake."

Tuluyan na nga siyang hindi nakakibo. Unti-unting bumaba ang kaniyang kamay. Sa oras na 'yon ay napaikot ang kaniyang tingin sa paligid namin at gano'n na lang siya makaramdam ng hiya kaya naman dali-dali niyang hinablot ang kaniyang pouch saka umalis. "I'm not done with you."

"Same," kaswal ko lang sambit.

Ilang saglit pa ang lumipas ay sumunod na ako sa labas. Sakto namang pagkalabas ko ay siyang pagdating ni Lauren. Patakbo siyang lumapit sa 'kin.

"Nandito ka lang pala," habol-hininga niyang sabi.

"Malamang. Sabi mo rito tayo magkita? Sa'n ka ba galing?"

"Do'n sa kabilang CR." Tinuro niya ang bandang likuran. "Gaga ka, Cuz. Hinintay pa kita e 'di ka naman dumating."

"Malay ko bang nasa kabila ka."

"E ba't gan'yan mood mo? Para kan may nakaaway. Nakita ko rin si Kendra na nakasinghal 'yung mukha pagkalabas, eh."

"Siya nga. Nagkasagutan kami. B'wisit. Lumabas na tunay na baho ng gagang 'yon," inis kong wika. Napansin kong magkasabay na pala kaming naglalakad

"Bakit? Ano ba'ng nangyari sa inyo sa loob?"

"Kanina kasi, 'di ko naman sinasadyang masagi 'yung pouch niyang naglalaman ng kan'yang mga make up ta's no'ng ibabalik ko na e nagsimula na ng kung ano-ano. Kung ano-ano 'yung mga pinagsasasabi. Basta. 'Di ko ma-explain. Ayaw ko na lang magsalita. Hindi naman siya girlfriend ni Lorenz," mahaba kong paliwanag. "Kung gusto niya si Lorenz, e'di isaksak na niya sa large intestine niya. B'wisit na maldito 'yon."

"Totoo?"

"Sayang naman ang effort ko kung gagawa ako ng k'wentong hindi naman pala totoo," sarkastiko kong sagot.

"'To naman, eh. Ay, oo!"

"Bakit?" Nangunot ang noo ko kay Lauren.

"Birthday nga pala ni Lorenz ngayon," aniya dahilan para manlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.

"Weh? 'Di ko alam, Sis."

"Oo nga. Binati ko nga kanina sa chat, eh."

"Legit talaga?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Bakit? 'Di mo alam?"

Blangko ang mukha kong umiling.

"Luh?"

Geez. Birthday niya pala ngayon pero wala man lang nagsabi ni isa sa 'kin. 'Di bale. Pagkatapos ng klase ko, pupunta agad ako sa mall para bumili ng munting regalo para sa kaniya. I just hope he will like it.

***

Napag-alaman kong hindi pumasok sa kaniyang klase kaya naman tumakas na ako sa paglilinis ng room para bumili ng maireregalo sa kaniya sa mall. Mula kanina ay wala ako sa wisyo para makinig sa klase dahil sa pag-iisip ng maaaring iregalo sa kaniya.

"I miss playing guitar when I was still in my country."

I remember that he misses playing guitar when he's still in his country. Matagal-tagal na rin daw no'ng huli siyang naggitara kaya naman ito ang naisip kong ireregalo sa kaniya. I just hope na hindi gaanong kataas ang presyo ng mga gitara ngayon.

Pagkauwi ko pa lang ng bahay ay dali-dali na akong nagpalit ng damit pang-alis maging ang halaga pera na maaaring magastos kung sakali.

Dumiretso na kaagad ako sa guitar shop sa loob ng mall. Pagpasok ko pa lang sa loob ay tumambad na sa 'kin ang iba't ibang mga klase ng gitara magmula sa laki, hugis, kulay, at uri ng mga ito na nakasabit sa pader. Nasa ilalim nito ang kanilang pangalan na hindi ko naman masyadong maintindihan. Lahat naman sila'y may mga strings kaya iisa pa rin silanf mga gitara.

"Welcome to our shop, Ma'am," bati sa 'kin ng lalaki sa harapan.

"Sa'n po rito 'yung simple lang po na gitara?" kaswal kong tanong.

"'Yung classic guitar po ba, Ma'am?"

"Gano'n nga po," tango ko.

"Sundan mo po ako, Ma'am."

Sinundan ko naman ang lalaki at dinala niya ako sa mga nakahilerang mga gitara na siyang tinutukoy ko base sa 'king naiisip. Napakaganda ng iba't ibang mga disenyo nila kaya naman hindi ako masyadong makapili kahit na isa akong artist.

"Interisado po ako ro'n sa kulay brown, Kuya," turo ko ro'n. "Magkano po 'yon?"

"Six thousand siya, Ma'am."

Napangiwi naman ako nang bahagya matapos marinig ang presyo. "Wala na po bang mas mababa kahit three thousand man lang? Ipangreregalo ko lang po kasi, eh."

"Magkano po ba ang budget n'yo?"

"Mayro'n lang po akong dalang five thousand ngayon," sagot ko.

"Then p'wede po itong may marble na design, Ma'am. Ang pinagkaiba lang naman po kasi nilang lahat base sa presyo e 'yung uri ng kahoy na ginagamit. So far e pare-parehas lang naman sila ng tunog," litanya niya.

Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. "E'di 'yan na lang po, Kuya. Maganda rin naman."

Kinuha naman ni Kuya ang nakasabit na gitarang bibilhin ko. "Sundan n'yo na lang po ako sa counter area for receipt."

"May lalagyan na rin po ba 'yan 'yung kulay black?"

"Actually, nakahiwalay siya. Binibili rin siya optional pero bigay ko na lang sa 'yo ng free since una kitang customer this week," nakangiti niyang saad sa 'kin.

"Thank you po, Kuya," pasalamat ko. "Matumal din po ba ang benta, Kuya kaya ako ang first customer mo?"

"Oo, eh. Matumal din. May mga pumupunta rito kaso hanggang tingin lang. Inquire lang, gano'n," aniya. "Ang s'werte ko naman sa 'yo."

"Wala 'yun. Buti na lang din po, Kuya na makatulong ako."

Inayos na ni Kuya ang gitara kong binili matapos ko itong bayaran. Halos malaki rin ang nagasta ko pero hayaan na labg gayong magugustuhan naman ito panigurado ni Lorenz.

Gamit ang cab ay tumungo naman ako sa kaniyang dorm na tinutuluyan. Walang patid ang ngiti ko sa pagkasabik na iabot ito sa kaniya bilang regalo sa kaniyang kaarawan ngayon. Nang makababa sa tapat ng pasikyo ay dumiretso na akong maglakad papunta sa mismong kuwarto n'ya habang bitbit ang gitarang nakalagay sa loob ng black na case sa 'king likod ngunit gano'n na lang maglaho ang kurba ng aking labi nang makitang naka-padlock ang pinto nito kaya naman agad kong kinuha ang aking phone mula sa 'kin sling bag saka siya m-in-essage.

Lorenz Aldous

Destiny Sierra
Lorenz, happy birthday.

Birthday mo pala ngayon. I'm sorry kung ngayon ko lang nalaman.

Nandito ako sa labas ng dorm mo para ibigay sana tong regalo ko sayo kaso nakasara tong pinto at wala ka. Nasan ka ngayon?

Naghintay pa ako nang ilang minuto bago siya mag-reply.

Lorenz
Hola, Destiny. Yes, it's my birthday today. Gracias.

I've already expected that you'll come to my dorm. I'm sorry too for not telling you. Nawala na sa isip ko sa sobrang busy sa pag-aaral ko.

I'm sorry if we can't celebrate my birthday together. I'm here at Kendra's house. Her father invited me to their house and I can't decline their invitation. I'm sorry, Destiny.

If you want, you may leave your gift in front of the door so you can leave now. Thank you for understanding.

Hindi ko alam pero basta na lang may kumirot sa 'kin matapos kong mabasa ang kaniyang mga replies. Dahil do'n ay wala na akong ibang nagawa kundi ang ilapag na lang sa tapat ng kaniyang pinto ang bagong biling gitarang regalo ko para sa kaniya saka tuluyang umalis.

Okay lang kung masayang ang pera ko, pero sana naman hindi ang regalo ko para sa kaniya. Happy birthday, Lorenz. May you enjoy your day with Kendra.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top