Chapter 35: Delegates
DESTINY
One week after, the university's staffs, officials, and teachers start preparing for our foundation day that will begin next week. By that, we've just finished our exams and other curricular activities so that we can meet our deadlines. Guess what, today will be the distribution of our test papers.
"Here's your test paper, Destiny. Congratulations," masayang pahayag ni Prof Hereo at ibinaba sa desk ng upuan ko ang test paper ko.
Dahil dito, ang kaba kong nararamdaman ay unti-unting nawala. Sa pagbaligtad ko nito ay gano'n na lang manlaki ang mga mata ko nang may makitang, "A+" sa taas na gilid ng papel. Hindi ko mawari kung ano'ng mararamdaman ko kaya naman agad akong bumaling kay Prof Hereo na siyang nginitian naman ako saka nagpatuloy sa pagbigay ng natitirang pang mga papel sa iba ko pang mga kaklase.
Napabuga na lang ako ng hangin saka tiniklop na ito baho ilagay sa 'king bag. Siyempre, palingon-lingon ako sa mga kaklase ko. Natatanaw ko rin ang marka nila sa kanilang papel ngunit mas nakakapansin ang ilang mababakas na sa mukha ang pagkadismayang marahil bumagsak sila o 'di kaya'y hindi umabot sa inaasahan nilang grado ang kanilang nakuha.
Nang matapos na ipamigay ni Prof Hereo ang mga test papers ay bumalik na siya sa kaniyan lamesa at nanatiling nakatayo. "Okay, class, eyes on me," pukaw niya sa 'min dahilan para sa kaniya mapunta lahatang atensyon namin. "Next week, the University of Linvillia will celebrate its 50th anniversary as well as our foundation and intrams which will be followed by another pageant competition that will begin next month. I'm very glad that our university will be marked as, "Golden" for its 50 years of existence and still ongoing," pauna niyang wika. "There's so many games and activities that our event has. I know that you're still not familiar with our university's event like this but you'll be categorized into four groups which are Red Torch, Blue Marine, Yellow Monarch, and Green Archer. In ball games, we only have basketball, volleyball, badminton, and table tennis. Other games will be announced soon. Sa ngayon, busy pa ang mga teachers sa pag-group sa inyo, pero once na okay na ang lahat, ipopost namin 'yon sa bulletin board. Laoag alam n'yo na kung saan kayong team, ang mga assigned officers na ang bahala sa inyo," pagpapatuloy niya ng kaniyang sinasabi bagay na aming naintindihan kaagad. "And last time, I've already asked all of you if there's anyone who's interested for joining our pageant. Isa rin ito sa napakahalaga. Sayang din ang scholarship na mapapalanuhan n'yo kung sakali. Therefore, we're thankful that we already found one here. Of course, may lalaki na ring magiging ka-partner ng participant natin kahit na ngayon ay wala pa ring release ang mga official." Huminto pa siya nang saglit para sa kaniyang huling sasabihin. "Again, one of our representative is no other than Ms. Hendrix," anunsyo niya kasabay ang paglahad ng kaniyang nakabukas na palad sa direksyon ko sanhi para mag-ingay ang buong kuwarto.
"Naks naman, Destiny!"
"Go, Destiny!"
"Des! Ti! Ny!"
"Go, Girl! Good luck!"
I didn't even get surprised when Prof. Hereo announced that I'll be one of the representatives. Since two weeks before, me and my parents talked about me joining the university's pageant. At first, I don't want to, but there were part of myself that I should try to even though it will be my first experience. Humantong pa nga sa puntong nagkaalitan pa kaming lahat sa sobrang gulo ng usapan. Sa huli naman pumayag pa rin ako ngunit isang kondisyon na bilhan lang nila ako ng mga bagong gamit ko sa pagpinta bagay na kanila namang sinang-ayunan nang hindi nagdadalawang-isip.
"Destiny, come here in front," utos niya.
Tumayo naman ako agad at saktong pagtayo ko ay ang kanilang pag-cheer na naman. Pumanhik na ako sa harapan at humarap sa kanilang lahat. I just wonder na hindi ako nakakaramdam ng kahit anong hiya o kaba ngayon. Weird.
"Again, class, she'll be one of the representatives," aniya pa sa mga kaklase ko saka muling humarap sa 'kin. "Destiny, sumama ka sa 'kin sa baba dahil may meeting kayo ngayon."
"Po?" Napaangat naman ang kilay ko sa kaniyang sinabi.
"May meeting," pag-uulit niya.
"As in ngayon na po mismo?" pagkumpirma ko pa.
"Yes." Bumaling muli siya sa mga kaklase ko. "Class, I'll just accompany Destiny to the meeting room. Quiet lang kayo."
Pagkahabilin niya ay lumabas na kaming dalawa sa classroom. Habang naglalakad pababa ay hindi ko naiwasang magtanong.
"Prof, sino po pala magiging ka-partner ko?" kaswal kong tanong.
"Kilala mo si Cameron Yanto? Siya magiging partner mo."
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko naman 'to inaasahan. "Si Cameron po?"
"Why? Kilala mo ba siya?"
"Yes po. Magkaklase po kami no'ng high school kami."
Tumango naman siya. "I see."
Tuluyan na kaming bumaba. Dumiretso na kami sa meeting room at pinauna na ako ni Prof Hereo. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagpasok ko sa loob ay nadatnan kong nakaupo sa isang gilid si Cameron habang abala sa paglalaro sa kaniyang phone.
"Cam," nagpipigil ng ngiti kong tawag sa kaniya.
Kaagad naman siyang napalingon sa 'kin. "Sierra?" hindi makapaniwala nitong tanong na hindi malaman kung maguguluhan o matutuwa.
"Totoo nga."
"Totoong what?" tanong ko.
"Na ikaw nga ang magiging ka-partner ko," aniya.
"Biruin mo 'yon?" Natawa ako nang kaunti. "This is my first time actually. Nakakapagtaka na hindi ako kinakabahan or what. Excited lang siguro ako."
"Same." Inilagay na niya sa kaniyang bulsa ang phone niya. "Dapat talaga hindi ako sasa---" Hindi na niya natapos pa ang kaniyang dapat sabihin nang sumingit ako bigla.
"Huh? Anong same? E nakadalawang pageant ka na nga no'ng senior high, eh," asik ko.
"Hindi. I mean na hindi na ako kinakabahan kagaya mo," pagklaro niya.
"Ah..." Napatango-tango naman ako.
"Iyon nga. No'ng nagpaalam ako sa tatay kong sasali ako, pumayag siya agad. 'Di man lang nagdalawang-isip sa gastusin kung sakali," kuwento niya. "Pero wala, eh. Supportive tatay ko," dagdag niya pang pagmamalaki. "E ikaw?"
"Anong ako?"
"Lutang ka ba? Ang ibig kong sabihin, buti napapayay kan sumali?" paglilinaw naman niya sa kaniyang tanong.
Napabuntonghininga ako. "Geez lang. Kung hindi lang sana mapilit sila Daddy, 'di ako sasali, pero may part din kasi sa 'king gusto ko ring i-try, saka sabi rin nila Daddy e bibili nila ako ng mga bagong art materials. Alam mo naman, marupok ako pagdating sa mga gano'n kaya go na," paliwanag ko sa kaniya.
"So parang napilitan lang?"
"Medyo? Ewan ko. First ko nga 'to. Wala akong kaekspi-experience," bugnot kong sabi sabay krus ng mga braso.
"E'di ito first experience mo sa pageant?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Malamang."
"'Wag ka nang mag-alala. Since ako naman ang ka-partner mo, e'di turuan na rin kita."
"Sabi mo 'yan, ha?"
"Oo nga."
"Weh?"
"Oo nga. Ang kulit mo."
Natawa na lang kami pareho sa kakuwelyuhan naming dalawa.
Lumipas pa ang ilang saglit ay may iilan na ring pinapapasok na iba pang mga representative. Base pa lamang sa kanilang mga hitsura ay talagang may ilalaban sila. Kasalukuyan na kaming nakaupo ngayon at nasa gitna namin ang mahabang lamesa. May isang pares na lang yata kaming hinihintay kasi dalawang upuan na lang dito ang natitira sa tapat namin ni Cameron.
Maya-maya pa ay may kumatok. Lahat tuloy ng atensyon namin ay napunta sa direksyon ng pinto. Ilang segundo lang ay bumukas na ito at isang lalaking pamilyar sa 'kin---si Lorenz kasama ang transferee'ng si Kendra.
Mabilis na nilamon ng pagkailang ang sistema ko. Pinagmasda ko lang silang dalawa hanggang sa pareho na silang makaupo sa tapat namin ni Cameron. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagtama pa ang mga tingin namin ni Lorenz.
Geez. This is really awkward.
Blangko lang ng mukha ko at walang mababakas na emosyon dito subalit lahat ng mga 'yon ay nagbago nang iangat ni Lorenz ang kaniyang braso at ilagay ito sa balikat ni Kendra na para bang sinasadya itong ipakita sa 'kin kahit wala namang dapat ikarason.
Labag man sa kaloobon ko ay kagat-labi akong napaiwas ng tingin at nagtimpi sa sariling isipan at tinuon na lamang ang buong atensyon sa tatlong mga guro na ngayo'y nagsasalita na sa harapan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top