Chapter 33: Retraction

DESTINY

Nanatiling nakatingin sa baba ang ulo ko habang pilit na pinapakalma ang sarili isip sa mga nakakailang na mga mata ni Lorenz. Hindi ako komportable ngayon sa kinatatayuan ko ngayon.

"Hey..."

Tinaasan ko lang siya ng dalawa kong mga kilay pagkaharap muli sa kaniya.

"Are we okay now?" tanong niya.

Dahan-dahan lang akong tumango.

"It's nice too know that," aniya't napahagikgik nang bahagya. Pagkuwa'y laking gulat ko na lang nang dumapo sa ulo ko ang kaniyang kamay at kaswal na hagurin ang buhok ko dahilan para magulo ito nang kaunti.

Hindi naman ako kaagad napakapag-react sa sinabi niya gayong umurong na ang dila ko't basta na lang umunit ang mga pisngi ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Napaiwas na naman tuloy ako ng tingin sa kaniya at kahit hindi ko direktang nakikita ang mukha niya ay ramdam kong nakangiti siya sa harapan ko ngayon. Nakakainis.

"As I've said, babawi ako. So I'm asking if you're free to come with me. I'll take you to an amazing place," wika niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa pagkabigla. "Eh? Ngayon? As in ngayon mismo?" gulat kong tanong.

"Yeah."

"Hindi p'wede," tanggi ko.

"Why?" Bakas sa boses niya ang  panghihinayang sa pagtanggi ko.

"Gabi na saka hindi na ako papayagan nina Mommy at Daddy," sagot ko. "Mapapagalitan pa nila ako."

"Ipagpapaalam na lang kita."

'Di ko na alam kung ano'ng susunod na nangyari. Basta na lang niyang hinigit ang kamay ko at nagpatiuna na siyang naglakad papasok sa bahay namin nang hindi man lang nag-aalinlangan. Pagkapasok ay dumiretso siya sa dinning area namin kung saan kasalukuyang nando'n silang lahat na pasimula nang kumain ng hapunan. Huminto si Lorenz sa harapan nilang lahat habang ako naman ay nasa likod. Hanggang ngayon ay hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko at mukhang walang balak itong bitawan gayong mahigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. Nasa 'min tuloy ang atensyon nilang lahat kung kaya nakakahiya ngayon ang sitwasyon ko. Ewan ko na lang dito kay Lorenz.

"Oh, Lorenz, napadalaw ka?" nagtatakang tanong ni Daddy. "Umupo ka rito, oh," pag-anyaya niya pa ngunit tinaas lang ni Lorenz ang kaniyang kamay na senyas ng pagtanggi.

"Good evening po, Tito Dreverent," paunnang batid naman ni Lorenz sa kaniya. "Ahm, Tito, Tita," tango niya sa mga magulang ko maging kayla Kuya Dwayne at Ate Dani. "Ipagpapaalam ko lang po sana 'tong si Destiny. May gusto lang po kasi akong puntahan at gusto ko rin pong kasama siya. P'wede po ba?" magalang at nahihiya nitong tanong.

Alam kong hindi naman ko ang nagsasalita pero ako 'tong nakakaramdam ng hiya sa ginagawa ngayon ni Lorenz. Puwede naman kasing ako na lang ang magpaalam kung bakit ba masyado 'tong bida-bida.

Geez. The atmosphere is uncomfortable. This is awkward, for real.

Maya-maya pa'y biglang sumingit si Kuya Dwaynne. "Gabi na, Lorenz. Delikado na sa labas,."

"I know, but I promise that I would take care of Destiny," pagdadahilan ni Lorenz.

"Kahit na. Delikado pa rin. Ipagpabukas n'yo na lang 'yan," may halong inis na giit naman niya.

"It won't." Pagkuwa'y bumaling naman siya kay Daddy. "Tito, kahit ngayon lang po. Saglit lang naman po kami."

Tumawa lang nang bahagya si Dadd sanhi para mangunot ang noo ko. "P'wede naman. Alam ko namang pinagkakatiwalaan kita, pero ba't 'di ka muna sumama rito at makikain ka sa 'min?" pang-aalok niya pa.

"Kasi, Tito..." Mukhang nag-aalangan pa siya sa kaniyang sasabihin. "We can't."

"Bakit? Sa'n ba kayo pupunta?" This time, si Mommy naman ang nagtanong.

"I'll just take your daughter to an amusement park. Maganda po ro'n dahil gabi na't sigurado pong mae-enjoy siya ro'n. I'll just treat her," litanya ni Lorenz kay Mommy.

Matapos mainig ang kaniyang sinabi ay kusang nalaglag ang kamay ko mula sa kaniyang pagkakahawak. Binitawan na niya pala ako.

"How cheap," asik naman ni Kuya sa pabulong na paraang dinig ko naman.

"Dwayne..." suway naman ni Ate Dani sa kaniya.

"Please na po, Tito, Tito, kahit ngayon lang po sana, oh," pangungulit muli ni Lorenz. "Just for now."

Napabuntonghininga na lang si Daddy. "Fine. Just make sure na mag-iingat kayo lalo na ikaw sa pagmamaneho. Kapag may nangyaring masama kay Destiny, malalagot ka sa 'kin. 'Yun na rin ang magiging last mo," sang-ayon niya kalakip ang isang kondisyon.

"Daddy," seryoso namang nagpahiwatig si Kuya kay Dad.

"Thank you so much po, Tito," pasalamat niya saka tumango. Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis nang kinuha ni Lorenz ang kamay ko at isama ako papaalis ng bahay kasama siya. Doon niya pa lang ako binitawan nang makarating na kami sa labas ng gate katabi ang nakaparada niyang motor.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Dapat kas ako na lang nagpaalam," saad ko saka mahina siyang hinampas sa kaniyang braso.

"And?" Sarkastiko niya akong tinaasan ng isa niyang kilay. "Sa tingin mo ba e papayagan ka kung ikaw mismo ang magpapaalam sa sarili mo?"

Napabuga na lang ako ng hangn sabay kibit ng balikat. "'Di ko alam," tangi ko na lang sabi. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita muli. "Lorenz, wala kang pasok sa trabaho mo?" tanogn ko. Ganitong mga oras kasi ang duty niya palagi. "'Wag mo sabihing off mo ngayon, o leave ka na naman."

"I've already resigned," tipid niyang sagot dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Ha? Wait... Nag-resign ka na? Bakit?" sunod-sunod kong tanong.

"Don't worry. It's just a part-time job. Saka I already told them before I start my job, I would only work for a mean time, not for long term," paliwanag niya sa 'kin bagay na mabilis ko namang naintindihan.

"E saan na ngayon ang source of allowance mo? Paano ka na ngayon makakabayad sa mga bills mo? Sa rent? Sa food? Sa ibang mga gastusin?"

"'Wag mo nang isipin 'yon. I have my ways," paniniguro niya sa 'kin. "Thank you sa concern." Pagkasabi n'on ay sumakay na siya sa nakaparada niyang motor at tinanggal na ang pagkaka-stand nito. Sunod naman niyang tinanggal ang helmet na nakalagay sa manibela nito saka ito inabot sa 'kin na agad ko namang sinuot sa ulo ko. "Angkas na."

Akmang aangkas na ako nang may bigla akong mapagtanto sa sandaling kapkapin ko ang bulsa ko. "Geez, Lorenz. Wala pala akong dalang pera. Hintayin mo 'ko rito."

"'Wag na. Ako nang bahala."

"Sure ka?" nangangamba kong tanong.

"Yeah. Sakay na."

Hindi na ako nagsalita pa kundi ang sumunod na lamang. Umangkas na ako sa likod ng kaniyang motor at inayos ang pagkakaupo. Sa hindi naman malamang dahil ay napahagigik itong si Lorenz kaya naman nangunot ang noo ko sa kawirduhan nitong lalaking 'to.

"Thanks for your time. I really appreciate it, Destiny."

***

"Where do you want to start?" kaswal na tanong ni Lorenz habang ang dalawang mga kamay ay nakasilid sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon.

"Kahit saan," sagot ko na lang habang palingon-lingon sa bawat parteng makita rito sa amusement park ng Linvillia.

Medyo may kalayuan 'tong amusement park dito sa Linvillia. I've used to stroll here when I was a kid not until when my high school life came so that's why I don't have much time to go here again and so to bond with my family. Ngayon lang ulit ako nakapunta rito. Ang tanda ko'y dalawang taon na ang nakalipas no'ng huli akonng nakapunta rito. Kadalasan kasi'y nadadaanan lang namin ito kung may pupuntahan man kami pero hindi man nakakapasyal.

Maraming mga tao sa paligid as usual. 'Yun nga lang, mas nakakapanibago dahil maraming nagbago sa lugar lalo na sa mga nadagdagang mga rides at mga carnival games. Nakaka-excite tuloy. 'Di ko na alam kung ano'ng dapat simulan sa mga 'to, pero gutom talaga ako. Pagkain muna sana, hehe.

Nauuna ako sa paglakad habang nasa likuran ko si Lorenz na panay rin ang paglibot ng tingin sa paligid. Saglit pa ang lumpas nang magsalita siya para humarap ako sa kaniya.

"Destiny, wear this," aniya.

Sa oras na haharap pa lang ako ay huli na. Mabilis niyang natapal sa likuran ko ang kakahubad lang niyang makapal na jacket.

"Cool. You look cute," puri niya sa 'kin.

Bigo akong mapigilan ang sariling hindi mapangiti. "Thanks."

"Want to try the dart carnival game?"

"Tara," tango ko.

Agad na kaming tumungo ro'n. Mabuti na lang at walang masyadong naglalaro kaya paniguradong masosolo naminn 'to ngayon.

"Good evening, Ma'am, Sir. Welcome to our dart game. Simple lang naman po ang gagawin. Papaputukin n'yo po 'yung mga lobo gamit ang darts n'yo. MAs maraming mapaputok na lobo ay mas mainam po. Every popped balloons has an equivalent size of plushies," paliwanag ng babaeng carny sa 'min.

Nagkatinginan muna kami saglit bago bumalik sa carny ang atensyon namin.

"How much does the darts cost?"

"50 pesos per dart, Sir. If you're going to avail 200 pesos, may isang free dart po kayo. Bali lima na po silang lahat," sagot niya.

"Okay. Give me five darts," wika ni  Lorenz. Agad niyang nilabas ang kaniyang wallet mula sa kaniyang bulsa at dumukot ng dalawang daan mula rito saka ito ibinayad sa carny bagay na pagsukli ng limang mga dart.

Inilapit naman sa 'kin ito ni Lorenz pagkatanggap na inaanyayahan akong sumubok kaya naman kumuha muna ako ng isa. Nasa harapan ko ngayon ang malaking divider na may maliliit na grid at nasa loob n'on ang magkakaibang kulay ng mga lobo. Gayunpaman ay may naiibang kulay ng lobo which is 'yung kulay gold at kapag 'yon ang napaputok mo ay awtomatikong may big price ka nang makukuha. 'Yun nga lang ay medyo maliit ang puweso nito sa gitna kaya mababa lang din ang tsansa mong mapuntirya ito.

Bumuntonghininga ako saka kumuha ng buwelo. Inangat ko ang aking kamay sa ere sa lebel ng aking balikat at puwersang pinatama ito sa direksyon kung saan ko nais. Sa kinasamaang palad, sablay ito at walang napaputok.

"Aish," angil ko sa pagkadismaya sa unang pagsubok. Lumingon ako kay Lorenz ngunit binigyan niya lang ako ng senyas na subukan ulit bagay naman na aking ginagawa. Nag-asam ako na sana'y hindi na sumablay pero gaya pa rin ng una, bigo ako. "Ikaw na nga."

"Such a loser girl," natatawa niyang buska.

"E'di ikaw na ang winner." Pabiro ko siyang inirapan.

Kinuha na niya ang tatlong natitirang mga dart at nilaro-laro muna ito sa kaniyang mga daliri. Pumosisyon lang siya at basta na lang niyang  pinuntirya ang kaniyang target. Pagkabitaw niya sa dart ay walang kahirap-hirap niya itong natamaan at napaputok.

"That's one," nakangisi nitong sabi sa 'kin na para bang proud na proud.

"Dali na. Dami pang satsat, eh."

Just like he did, his second attempt didn't fail to pop a balloon. Dalawa na ang napaputok niya.

"That's two." Inangat niya pa sa harapan ko ang dalawang mga daliri niyang nakaangat.

Sa pangatlo at huli niyang dart ay naging matagal ang kaniyang pag-asinta. Nakasara kasi 'yung sa niyang mata at nakaningkit naman ang isa na para bang tinatansta ang puputuking target. Segundo ang lumipas ay pinakawala na niya sa kamay niya ang hawak nitong dart at gano'n na lang manlaki ang mga mata ko nang tumama ito sa golden balloon sanhi para mag-ring ang bell kasabay ng pagbagsak ng mga kulay gintong confetti.

"May nakapagpaputok na sa golden balloon! May maakakuha na ng biggest price!" anunsyo ng carny sa kaniyang hawak na mic kaya naman halos lahat ng mga tao sa paligid ay nasa 'min ni Lorenz ang kanilang mga atensyon. "Congratulations!" bati niya pa.

Kinakabahan ako ngayon sa sitwasyon namin kahit wala naman akong ginagawa habang itong si Lorenz ay panay lang ang tawa. 

"Galing ko, 'di ba?" maangas na tanong niya sa 'kin.

"Malamang. Wala ka kasing sakit."

Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang carny. Dali-dali na niyang kinuha ang kulay violet at malaking octopus na stuff toy saka ito ibinigay kay Lorenz. "Congratulations ulit, Sir."

"Thank you," sambit ni Lorenz pabalik dito.

Natagpuan ko na lang magkasabay na kaming naglalakad ni Lorenz habang yakap-yakap niya ang octopus na stuff toy nang bigla na lang niya itong ilahad sa 'kin na para bang pinamimigay niya.

"Sa 'yo na lang 'to."

Hindi ko naman iaasahang ibibigayniya sa 'kin ang stuff toy knowing na pera naman niya ang ginamit panglaro sa carnival game although nainggit ako kasi sobrang cute at lambot n'on kaya naman 'di ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko.

"Hey."

Nahihiya ko naman itong tinanggap. "Sure ka? Akin na lang talaga 'to?" pagkumpirma ko.

"Ayaw mo ba?" tanong naman niya pabalik.

"Hindi. SIge akin na 'to. Thank you, hehe." Nginitian ko pa siya nang kaunti upang maibsan ang awkwardness na nararamdaman ko sa pagbigay niya nitong octopus sa 'kin.

"Galing ko talaga sa mga gano'n,"  puri niyang muli sa sarili.

"Tsamba lang 'yun," paggatong ko naman.

"Tsamba lang pala 'yung tatlong magkakasunod? Wow."

"Oo. Sadyang s'werte ka lang," saad ko.

"Yeah. I'm lucky for you."

Mabilis namang nangunot ang noo ko kasabay ng pag-angat ng aking isang kilay pagkaharap sa kaniya. "Excuse me?"

"I'm just kidding,"  bawi niya agad. Pakatapos ay  basta na lang umangkla ang kaniyang braso sa balikat ko at mas inilapit pa sa kaniya. "Ano'ng gusto mong subukan natin sa susunod?" tanong niya. "Try natin mag-roller coaster?"

"Ayoko!" sigaw kong tanggi saka nagpumiglas na kumalas sa braso niyang nakaangkla sa balikat ko. "Ikaw na lang mag-isa pero ako, never," dugtong ko pa.

"Bakit naman?"

"Ayoko na ro'n. Natuto na ako. Ngsuka ako no'ng sinubukan ko 'yan no'ng kasama ko si Lauren. Like geez, may video pa siyang pinagtatawanan niya ako habang nagsusuka ako sa gilid," pagdadahilan ko.

"Then what should we do now?"

Nagkibit-balikat lang ako. "'Di ko alam."

"How about the ferris wheel? Kaya mo?"

Umangat naman ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng amusement park at tiningnan ang malakig ferris wheel sa taas na paniguardong matatanaw mo ang buong village ng Linvillia kapag nasa pinakataas ka. "Hindi naman 'to nakakatakot kaya sige. Try natin," sang-ayon ko.

"Tara."

Tumungo kaming pareho ni Lorenz sa ticket booth para bumili ng tig-isang ticket. 200 pesos kada isang tao kaya medyo mabigat ito sa bulsa pero walang pag-aalinlangang naglabas muli si Lorenz ng buong limang daan mula sa kaniyang wallet para ipambayad ito.

"Geez ka,Lorenz. Baka maubos na 'yang pera mo,"  sita ko sa kaniya.

"Wala 'to. 'Wag ka nang mag-alala."

Pagkabigay sa 'min ng dalawang ticket maging ang sukli niyang isang daan ay sumunod na kaming pumila sa mga taong nakahilera n isa-isang pumapasok sa bawat cab ng ferris wheel. Mabilis naman ang pag-usad kaya naman nang makapasok na kami sa loob ay laking tuwa ko lang nang malamang ilang minuto na lang din ay papandarin na ito.

Nanaig ang katahimikan sa 'min. Nakaupo kami ngayon sa magkabilang bahagi ng cab kaya magkaharap kami ngayon. Para hindi makaramdam ng pagkailang ulit ay tinuon ko na lang ang atensyon ko sa baba. Dinadama ko na ang bwat segundong unti-unting pag-angat nitong cab namin ngayon.

"Are you happy with me?" diretsahang tanong ni Lorenz nang 'di ko inaasahan dahilan para mabasag ang nakakailang na katahimikan.

Napunta naman sa kaniya ang atensyon ko ngayon. "No words can explain howI'm grateful for you tonight," tapat kong tugon.

Napaiwas naman siya ng tingin at palihim na kumurba nang kaunti ang kaniyang labi. Pagkuwa'y nilabas niya ang kaniyang phone at inanyayahan niya akong umupo sa tabi niya. "Come here. Let's take a picture."

Wala naman akong inimik at sumunod na lang. Tinaas na niya ang kaniyang phone at nagsimulang kumuha ng maraming litrato sa iba't ibang anggulo. Nag-video pa siya na para bang isa siyang vlogger na puro wacky lang naman ang mga ginawa namin. Maging ako'y nilabas ko na rin ang phoone ko para kumuha rin ng iilang mga litrato. Paniguradong tadtad na ng mga mukha namin ang gallery ng aming phone kaya naman nang makuntento na kami binalik na namin sa 'ming bulsa ito.

"Balikna 'k---" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko bago umupo sa kabilang bahagi ng cab nang pigilan  niya ako kaagad.

"Just stay here. The view is more pleasing here," sab niya habang nakatingin sa baba na tanaw ang kalawakan ng amusement park maging ang mga nagtataasang puno sa paligid na naliliwanagan ng mga lanterns at display lights.

Pinagmasdan ko na lang din ang baba at 'di na umangil pa gayong tama naman siya. Malapit na pala kami sa pinakatuktok ng ferris wheel.

"Pagpasens'yahan mo na ako kung minsan ay weird ako. I've noticed that these past few days, I'm hurting you indirectly na," malungkot niyang paumanhin sa 'kin bagay na nagpabago sa pakiramdam ng paligid maging ang sentro naming dalawa.

"Okay lang 'yun. Naiintindihan naman kita," sabi ko. Malalim akong humugot ng hininga. Gayong nasa tamang timing naman kami, sinamantaa ko na rin ang pagkakataon para magtanong. "Lorenz, sino pala si Kendra?" Huli ko na lang napagtantong hindi ko na napigilan ang bibig ko sa 'king tinanong.

"She's my friend," tipid nitong sagot.

"Friend? E ba't parang super close na kayo n'on? Kanina lang sa university e nakita ko nang magkasama kayo e sa pagkakaalam ko new transferee student siya?" Hiindi ko alam kung nanggi-guilt trip ba ako pero hindi ko naman intensyon na ipaalala sa kaniya direktang nagsinungaling siya sa 'kin no'ng umaga.

"She's just my friend, Destiny," pag-uulit niya. Bahagya pang nagbago ang tono nng kaniyang pananalita. "And now what? Are you jealous?"

I stopped breathing for a while after hearing those words. "H-Hindi..."

"'Yun naman pala. She's just my friend, okay? Stop na."

Hindi ko mawari kung saang parte ng katawan ko may kumirot na lang bigla. Hindi ako nakaimik pa't nanahimik na lang.

"After this, I'll take you home."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top