Chapter 28: Cooking Pasta Dish
DESTINY
Kusot-kusot ang mga matang napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marindi ako sa sunod-sunod na pagtunog ng aking phone. Inabot ko ito at tinanggal sa pagkaka-charge bago ako bumalik sa ayos ng pagkakahiga. Nakalimutan kong i-silent mode 'tong phone ko.
In-on ko ito sa pag-aakalang si Lauren ang nang-iistorbo sa 'kin ngunit gano'n na lang manlaki ang mga mata ko nang mabasa ang kaniyang pangalan.
Geez. It's Lorenz.
Lorenz Aldous
Lorenz
Destiny.
Gising ka na ba?
Good morning.
Did you eat your breakfast na?
See this message.
Dali. This is the right time.
You owe me a favor right? Remember?
DESTINY!
HEEEY!!!
Destiny
Tangina ang ingay mo!
Kakagising ko pa lang gunggong ka. Ang aga aga pa e
Buti nga walang pasok kaya umabawi nga ako ng tulog tas iniistorbo mo naman ako
Lorenz
Good morning again.
Eat your breakfast na.
Destiny
Tantanan mo ko Lorenz.
Hindi ikaw yan
Don't me
Pafall ka naman
Don't don't don't.
Staph
Lorenz
No I'm not. Why would I?
But back to the topic. You owe me a favor. Now I need to tell you my favor.
Destiny
Kakagising ko lang
Lorenz
And what's the connection?
Destiny
Siguraduhin mo lang na kaya ko yan.
Pag yan kalokohan ha sinasabi ko sayo foreigner guy
Tangina mo
Lorenz
This is just easy.
Just accompany me to some grocery stocks and help me cook spaghetti.
Destiny
Gago ka ba? Isa lang. Saka di ka ba marunong magluto ng spaghetti?
Lorenz
Sanay naman ako. I just want someone together with me. I can't even eat all of those by myself.
But hey, I miss that "foreigner guy" thingy.
Destiny
Di ka naman miss
O siya. Sige na't inaantok pa ko.
Mamaya na lang.
Lorenz
Wait. I'll catch you up there?
Destiny
Just wait 40 minutes saka ka pumunta rito. Sa kanto ka maghintay ha?
Kakain pa ng almusal tas maliligo at mag-aayos.
Lorenz
Sure. You're wish is my command.
Destiny
Your*
Lorenz just left me a seen after that. Hindi na siya nag-reply pa kaya naman binaba ko na ang aking phone at humilata ng pagkakahiga.
Inaantok pa ako, eh. Hays. 'Di bale. Papalibre na lang ako ng ice cream sa kaniya.
***
Gaya ng napag-usapan ay sinundo ako ni Lorenz sa tapat ng kanto pagkabihis ko. Mag-aalmusal pa sana ako kaso nawalan ako ng gana at hindi naman na ako nagutom kaya dumiretso na lang ako sa pagligo. Uminom lang ako ng tubig.
Gamit ang kaniyang motor ay dumiretso kasi sa isan grocery store. Akala ko naman kung ano 'yung favor niya, ito lang pala 'yon. Heto kami at kasalukuyang magkatabi. Hawak-hawak ko ang pushing cart samantalang ang gunggong ay prente lang naglalakad.
"Kapal ng mukha, ah," pasadyang pagpaparinig ko kay Lorenz na ngayo'y sinisilip ang mga bibilhin sa papel na hawak-hawak niya.
"Just hold that thing," aniya.
Dahil sa sinabi niya ay mabilis kong inagaw ang hawak niyang papel. "Akin na nga 'yan," sabi ko saka binigay sa kaniya ang pushing cart. "Ikaw magtulak d'yan."
"Hey. Give it back to me," asik niya. Tinangka niyang agawin ito sa 'kin ngunit mabilis ko naman itong nailayo sa kaniya.
"Shh. 'Wag ka nang umangal. Ako na titingin dito," wika ko't tiningnan ang bawat nakalista. Sinimulan ko itong i-check mula sa taas hanggang sa baba at katamtaman lang naman ang mga bibilhin niya. "Pasta, tomato sauce, onion, garlic, cheese . . ." basa ko rito. Hinarap ko si Lorenz. "Sumunod ka sa 'kin. Do'n 'yon," turo ko sa isang column kung saan una naming bibilhin. "Hawakan mo 'yan." Pagkuwa'y nagpatiuna na ako.
"Hey. Wait for me."
"Sumunod ka. Bilisan mo."
"Ito na, ito na."
Napailing na lamang ako't palihim na natawa.
Mahigit isang oras ang aming tinagal bago kami matapos sa pag-iikot ni Lorenz para mabili lahat ng mga nakalista rito sa papel. Nang masigurong nasa cart na ang lahat ay dumiretso na siya sa cashier para pumila at bayaran ang kaniyang pinamili habang ako nama'y naghihintay na sa tapat para tulungan siya sa pagbuhat. So far ay dalawang malaking paper bag ito kaya naman tig-isa kaming ng binuhat papunta sa naka-parl niyang motor.
Naunang umupo si Lorenz at nilagay niya sa kaniyang harapan ang dala niya. Pagkaabot sa 'kin ng kaniyang helmet ay aki naman itong sinugod kaagad at pinagitna ang hawak ko sa pagitan namin nang ako'y umangkas.
"Humawak ka nang maigi."
"Oo na," bugnot kong sagot. "Umay sa 'yo. Wala kang bibiling ice cream."
"E'di ro'n na. Sungit."
Sino ba naman ako para hindi mapangiti agad kapag ililibre na naman ako ng ice cream ni Foreigner guy?
***
"Magluluto na ba agad?" tanong ko nang mailapag sa lamesa ang dala-dalang paper bag.
"Ikaw, kung ano'ng gusto mo," sagot niya.
"Luh? Ba't ako? Ikaw bumili nito, eh."
"Gutom ka na ba? Kung gutom ka na, e'di start na ako magluto ng spaghetti," aniya.
"Gutom ako pero gusto ko 'yung ice cream, pero p'wede rin 'yung spaghetti," sambit ko naman. "Masarap ka nang magluto?"
"Tsk. Of course," kampante nitong tugon saka hinubad ang suot-suot na jacket saka sinampay ito sa hagdan. "Tulungan mo 'ko. Magluto tayo pareho."
Tumango naman ako kaya naman kaagad na akong kumilos. Isa-isa ko nang nilabas ang mga ingredients na kakailanganin mula sa paper bag. 'Yung ice cream ay nilagay ko muna sa ref para hindi matunaw.
"Destiny, wear this."
Napalingon naman ako sa 'king likod at nakita ang apron'g hawak ni Lorenz na inaabot sa 'kin kaya naman kaswal ko itong tinanggap at walang-anu-ano'y sinuot din.
Kumilos na kaming dalawa. Sinabi niya sa 'kin na unahan ko nang pakuluin ang tubig saka lagyan ng ilang kutsarang mantika bago ilagay ang pasta na siya naman sinunod ko habang siya naman ang gagawa sa sauce. Sa totoo nga lang ay excited na siyang ipatikim daw sa 'kin ang luto niya. Magkakaalaman pa naman mamaya kung magugustuhan ko.
Habang hinihintay na lumambot ang pasta ay tinulungan ko na rin si Lorenz na maghiwa para mapabilis kami sa ginagawa. Nang mahiwa ko na ay naghintay pa kami saglit kaya naman nagkani-kaniya muna kami sa 'ming sariling phone. Makalipas ang ilang sandali ay nang balikan ko ang pasta ay malambot na ito't puwede na kaya naman hinango ko na ito saka dr-in-ain sa colander. Ngayon ay inaasikaso na niya ang sauce. Salit-salitan kami sa paghalo nito hanggang sa makalipas pa ang ilang minuto ay luto na ito.
Tinanggal na namin ang apron na suot-suot namin at nilagay ito sa gilid saka hinanda ang mga paggagamitan. Nilabas na rin ni Lorenz ang dalawang tub ng ice cream na binili namin kanina.
Paghahandaan ko na sana ang sarili ko nang laking gulat ko na lang na ang maghain para sa 'kin. Imbis kasing ibigay niya sa 'kin ang isa pa niyang pinggan ay nagtungo lang siya sa sala.
"Hoy, sa'n sa 'kin?" asding ko ngunit 'di niya ako pinansin kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya hanggang sa maupo ako sa kaniyang couch.
Basta na lang niyang nilapag ang dalawang pinggan sa lamesa na naglalaman ng spaghetti at 'yung dalawang tub ng ice cream na may tig-isang kutsara. Pumunta ulit si Lorenz sa kusina at bumalik na lang na may dala-dalang dalawang baso na naglalaman ng malamig na tubig. Binaba niya rin ito sa lamesa at tumabi sa 'king naupo kasabay ng pagpindot niya sa remote ng kaniyang TV.
Kinuha ko na ang pinggan at hinayaan lang si Lorenz na mamili ng maganda papanooring movie nang hindi man lang ako tinatanong. Mabilis akong binalot ng pagkailang dahil sa pagiging tahimik niya kaya sa oras na malasahan ko na ang kaniyang nilutong spaghetti at hindi ako gaanong nakakibo para purihing masarap nga ang luto niya. It tastes unique. Hindi naman dahil si Lorenz ang nagluto pero . . . basta.
What's with the sudden change of mood, Foreigner guy? Geez.
Sa gilid ng mga mata ko ay nasilayan kong nagsisimula na ring kumain si Lorenz. Pinaikot-ikot niya ang tinidor sa pasta bago niya ito simulang kainin.
"Does it taste good?" tanong ni Lorenz dahilan para mabasag ang nakakailang na katahimikan.
Tanging pagtango lang ang nagawa ko. Dahil din do'n ay napangiti naman si Lorenz bagay na ikinalitaw ng maliit niyang mga dimples at maningkit ang kayumanggi niyang mga mata.
"Nice to hear that."
Natutop lang ako't tinuon ang atensyon sa harapan ng TV.
"I'm glad you liked it. Thanks for accompanying me," aniya pa.
By that, I smiled secretly. I'm overwhelmed not because of his words but because he appreciates me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top