Chapter 27: Strumming Fingers
DESTINY
My jaw just dropped out of control and so Lorenz.
"A-Ano po?" nahihiyang tanong ni Lorenz.
"Nagbibiro lang ako, Hijo," bawi naman agad ni Daddy sa kaniyang sinabi.
Napatawa rin sila maging sina Yaya Cha at Pia na abala sa kusina.
Napabuga naman ako ng hangin sa pagluwag ng pakiramdam ko. Geez ko Lord lang talaga kapag nagkataon.
***
Mag-isa kong tinahak papaakyat ang attic pagkatapos kong tulungan si Ate Dani'ng magligpit ng mga pinagkainan namin. Iniwan ko na rin muna si Lorenz at Dad na seryosong naglalaro ng chess. Mukhang nagkamabutihan naman na siguro sila which is good.
Umupo ako ngayon malapit sa bintana ng attic kung saan direkta kong natatanaw ang buwan. Nakadekuwatro ako ng upo habang ang siko ay nakapatong sa lamesa at salo-salo naman ng palad ko ang pisngi ko.
Napabuntonghininga ako. Pagkuwa'y napunta ang tingin ko sa ibang direksyon. Sakto namang tumama ang paningin ko sa maliit kong speaker na nakatabi lang sa may gilid ng lamesa ko ngayon kaya naman akin itong kinuha at paikot-ikot itong pinagmasdan sa kamay.
Matagal na rin pala no'ng huli ko 'tong ginamit. Makapagpatugtog nga.
Hinila ko ang drawer sa ilalim ng lamesa ko at kinalkal ang mga abubot nito sa loob. Agad ko namang nakita ang USB na ilang buwan ko nang hindi nagagamit. Sana naman ay gumagana pa ito.
Kinabit ko ito sa speaker. Dahil alam kong bagong palit lang ang battery ay ito'y akin nang in-on. Sunod ko nang pinindot ang switch button nito para makapili ako ng maayos na kanta. Sa kalagitnaan naman ng pamimili ko ay napalingon naman ako sa hagdan ng attic nang may marinig na mga yabag na papaakyat. Unti-unting sumilay ang katawan ni Lorenz.
Oh? Akala ko umuwi na si Lorenz.
"Oh, Lorenz?" gulat kong tanong.
"Yup?" Tumaas ang dalawa niyang mga kilay sa 'kin habang nakatiim ang kaniyang mga labi.
"Akala ko umuwi ka na. Wala ka bang night shift?"
Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid ng attic bago sumagot. "Meron."
"Meron pala, eh. So ano pang ginagawa mo rito?" Nagpatuloy pa rin ako sa pagpindot sa speaker. Ang tagal mahanap ng aesthetic na kantang gusto kong marinig pampa-relax.
"Ba't parang pinapaalis mo naman ako? Ayaw mo ba akong nandito?" tanong niya pabalik sa 'kin.
Kaagad ko namang napagtanto ang kaniyang sinabi. "Hindi naman sa gano'n ang thought. Nagtatanong lang naman ako. S'yempre naman, gusto kitang nandito, 'no."
"'Yon naman pala, eh. Then don't worry about my work. "Sinilip niya ang kaniyang suot na relo. "I still have two hours vacant," dugtong niya.
"Ah . . ." tango-tango ko naman. Samantala ay nang marinig na ang gusto kong tugtog ay itinabi ko na ang hawak kong speaker sa gilid ng lamesa saka tumayo patungo sa mga art materials kong nakahilera.
"What are you doing?"
Namili muna ako ng maayos na canvas bago ko siya sagutin. "Magpipinta ako. Gusto mong i-try?" alok ko ngunut tinanggihan naman niya ito.
"It's not my cup of tea."
"E'di 'wag," wika ko na lang.
Hindi ko na siya kinibo at bumalik na ako sa lamesa ko para umupo at gawin ang pagpinta. Hindi ko rin naman na kailangan ng easel gayong kahit sa lamesa ay okay lang naman.
Sa gilid naman ng mga mata ko ay nahagip kong inikagay ni Lorenz ang kaniyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon. Patuloy pa rin sa paglilibot ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng kuwarto ko na para bang namamangha.
Nagsimula na rin akong gumawa at napag-isipan kong magpinta na lang ng mata para simple at minimalist ang datingan. Ginawan ko naman border muna 'yung gilid ng canvas gamit ang washi tape para kung sakaling madaplisan ay hindi naman lalagpas at makakaapekto sa ganda ng subject ko. Gamit ang lapis ay sinimulan ko ang pagguhit ng maninipis na linya bilang gabay.
"What are you doing?" dinig ko namang tanong ni Lorenz nang tumabi sa 'kin at tingnan ang ginagawa ko.
"Kumakain," pamimilosopo ko. "Malamang nagdo-drawing."
"Hindi. What I mean, what are you going to draw?"
"Mata," tipid kong sagot.
"Ah . . ."
Pagkatapos kong malinyahan ang canvas ko ay binalik ko na ang aking ginamit na lapis sa organizer rack ko. Kulay na lang ang kulang.
Mula rito sa gilid ay walang kahirap-hirap kong inabot ang white acrylic paint maging ang simpleng brush kong gagamitin.
Sinimulan ko ito sa gitna. Simple lang naman at madali lang ito. Paulit-ulit lang naman. Kada parteng makulayan ay kuha ulit ng pintura sa pallet at gano'n ulit. Huli ko nang napansing hindi na pala tumutugtog 'yung speaker kaya naman kinuha ko ito para buksan ulit ngunit lowbat na. Nakakapagtaka lang pero siguro ay na-drain ang battery sa loob sa kadahilanang matagal ko itong hindi nagamit.
Samantala, bumalik naman ako sa 'king ginagawa. Nasa tabi ko pa rin si Lorenz na matiyagang nanonood sa ginagawa ko hanggang sa matapos ko na ang simple ko. Maliit lang siya actually. Mga postcard size lang siguro.
"Wait . . . Is this your guitar?"
Mabilis naman akong napabaling kay Lorenz ang atensyon ko nang kuhanin niya ang gitarang nakasabit sa tabi ng divider ko. Namamangha naman niya itong tinapunan ng kaniyang tingin na para bang ngayon lang muli nito nakakita o nakahawak.
Napabuntonghininga ako.
"Hindi. Kay Kuya 'yan. Dito niya lang naisipang ilagay since wala ng space sa kuwarto niya," tugon ko.
"Can I borrow this?"
"Go lang," pagpayag ko. Hinayaan ko lang siyang umupo sa lapag at iposisyon ang kaniyang sarili bago kalabitin ang mga strings nito.
"Tugtugan kita gusto mo?"
"Sanay ka?"
"Yup. Listen."
Nagsimula siyang mag-pluck at kalabitin ang mga strings muli ng gitara. Ako nama'y nanatili lang nakaupo habang pinagmamasdan siya. Tahimik lang akong pinapanood siya sa kaniyang ginagawa dahil wala akong kaalam-alam sa paggigitara. Sa pagtingin ko sa kaniyang mukha ay nakita ko ang bahagyang pagkurba ng kaniyang labi na para bang tuwang-tuwa sa ginagawa.
Inaamin kong magaling siya maggitara. Wala akong alam sa mga ganitong bagay pero freestyle lang ang kaniyang ginagawa at maganda ito sa tengang pakinggan. Ngayon ko lang nalaman na may tinatago pa siyang talento sa paggitara kaya naman deep inside ay namamangha ako sa kaniya.
"I miss playing guitar when I was still in my country."
Bumalik lang ako sa kamalayan ko nang matapos na siya. Nabitin pa ako nang kaunti.
"P'wede ko ba makita 'yung pininta mo?"
Hindi naman ako nakapagsalita at basta na lang tumayo para tumungo sa canvas na nakapatong sa easel. Mukhang kaya naman na kaya naman tinanggal ko na ang washi tape sa apat na gilid nito bago ipakita kay Lorenz. Tinanggap naman niya ito st sinuri.
"Wow . . . Ang ganda," puri niya bagay na akin namang ikinangiti. "P'wedeng akin na lang?" Napakamot pa siya ng kaniyan ulo na para ban nahihiya.
"P'wede naman."
I'm glad he appreciates my small craft. Nakakagaan ng puso.
"Nice. Thank you so much," aniya. Ilang saglit pa'y sinilip niyang muli ang kaniyang at mabilis na nagbago ang expresyon ng kaniyang mukha. "Seems like I need to go home. Need ko nang mag-prepare sa work ko," pagpapaalam niya.
"Sige, uwi ka na. May work ka pa, eh," sabi ko.
"Uwi na ako, ha? Salamat din dito. I-display ko 'to sa k'warto ko," tukoy niya sa kaniyang hawak. "So ano, alis na ako. Bukas na lang." Pagkasabi'y tuluyan na siyang humakbang at nagmadaling bumaba ng attic.
Naiwan akong mag-isa sa kuwarto. Sa puntong 'yon, naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya naman lumapat ang dalawa kong mga palad dito. Dagdag pang parang may kung ano sa dibdib ko na mahirap ipaliwanag.
Oh my geez. Hays. I just hope he'll take care of my small painting.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top