Chapter 25: Hidden Sport

DESTINY

"Sumama ka na sa 'kin," wika ni Ate Dani.

Bago ko pa man maibuka ang bibig ko para magsalita ay basta na niyang hinagit ang kanan kong kamay at hinatak patuloy sa ikalawang palapag kung saan naman talaga ang bagsak ko. Mabuti na lamang at nakapaa na ako dahil kundi ay paniguradong gagawa ako ng ingay rito. Kaya naman nang makaakyat sa taas ay hinarap na ako ni Ate.

"Sabi na, eh," asik niya sa paimpit na tono ng boses. "Alam mo ba kung pa'no ka katukin d'yan nina Mommy at Daddy? Sa'n ka ba galing, ha?"

"Hindi," walang emosyon kong tugon. "Saka wala na ako ro'n. Bahala kayo."

"Masasampal lang talaga kita kung hindi gabi ngayon," inis niyang pagtitimpi.

"Sinusubukan mo ba akong sindakin?" sarkastiko kong tanong. Sa mga oras na 'to'y nakakaramdam na ako ng kaunting inis. Imbes tuloy na makapagtimpi ako ay hindi ko na napigilan ang sarili ko para sumagot nang pabalang. "Alam mo naman ang dahilan, eh. Ba't parang kasalanan ko pa? Nanahimik ako, ah," giit ko't tumalikod para dumiretso sa kuwarto ko. "Bukas mo na lang ako kagalitan. Gabi na at wala ako sa mood. Inaantok na rin ako." Pagkasabi'y prente kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko saka siya pinagsarahan ng pinto si Ate Dani.

Gabing-gabi na ta's manenermon pa. Inaantok na 'ko. 'Tang ina.

***

Lauren Belle Delos Rios

Lauren
Cuz, san ka na? Bumaba ka na rito sa cafeteria. Sabay na tayong kumain

Maaga pala kami pinagbreak. Weird no? One in a million hahaha

Destiny
Tinatamad ako ahahahaha

Hindi kasi ako gutom ehh

Lauren
Pumunta ka na rito plsss. Samahan mo na lang ako.

Destiny
Oo na

W8 mo na lang ako jan

Lauren
Thnx

Cgeh cgeh

Hindi na ako nagtipa pa ng chat at ibinalik na ang phone sa bulsa ng coat ko saka tumuloy na pababa kasabay ang mga estudyanteng kakalabas lang din. It's lunch time actually.

Mabuti na lang talaga't ginanahan akong pumasok kanina paggising ko. Ang gagago kasi nila ro'n sa bahay. Nakakainis. Dagdag mo pa si Ate Dani. Bahala na lang sila ro'n.

Dumiretso ako agad ako sa cafeteria at pumasok sa loob. Nakasalubong ko naman agad si Lauren na nakaupo sa bakanteng lamesa na kasalukuyang umiinom ng shake. Kakatapos lang siguro nitong kumain gayong may plastic ng burger na nilamukos sa kaniyang gilid.

"Hoy, Lauren," wika ko. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tapat niya. "Aga n'yo namang pinalabas?"

"Oo nga, eh. Pero, Cuz, grabe ang dami naming inaaral. Sumasakit na ulo ko," tugon niya sa baritonong boses. "Kung alam mo lang. Ang dami naming kakabisaduhin," dagdag niya pa.

"Bakit?" kunot-noo ko namang tanong.

"Basta. Oh, gusto mo?" Inalok naman niya sa 'kin ang iniinom niya.

"Ano 'yan?"

"Shake malamang. Bobo lang?"

"Gaga, alam ko. What I mean, ano'ng flavor?" Pansin ko kasing kulay brown kaya malamang ay chocolate pero gusto ko malaman kung ano'ng klase ng chocolate. 'Yung iba kasi ang weird ng lasa.

"Rocky road. Want mo?"

"Masarap ba 'yan?"

"Bahala ka na nga. Ang arte mo. Akin na lang 'to," bugnot nitong sambit at inubos na ang natitirang shake sa isang sipsipan lang. Nang maubos ito ay tumayo na siya sukbit ang kaniyang bag. "Do'n muna tayo sa quadrangle. Mamaya pa naman klase ko."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Gaga 'to. Tinawag lang yata ako para panoorin siya uminom ng shake."

"Arte mo, eh," aniya. "Tara na. Do' muna tayo. 'Di ka pa naman nagugutom sabi mo."

Napabuntonghininga na lamang ako at hindi na umimik pa. Nagpatiunang maglakad si Lauren habang nakasunod naman ako sa kaniya. Pareho na kaming lumabas ng cafeteria at nagtungo sa quadrangle.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad ay sumalubong sa 'min ang tama ng araw kaya naman agad akong napatakip ng mga mata sa pag-aakalang mainit ngunit hindi naman pala.

"Cuz."

"Oh?"

"May nagba-badminton do'n. Baka gusto mong maglaro," turo niya sa dalawang babae na sa tingin ko'y sophomores din kagaya namin base sa coat nila na ngayo'y masayang naglalaro.

"Eh? 'Wag na, 'no. Nakakahiya. Hayaan mo na lang sila ro'n. Umupo na la—" Hindi ko na natapos pa ang aking dapat sabihin nang may biglang tumawag sa 'kin.

"Destiny!"

Magkasabay kami ni Laure'ng napalingon sa pinagmulan ng tumawag sa 'kin. Boses pa lang ay kilala ko na na si Foreigner guy ito. Manggugulo na naman ito panigurado kaya naman gano'n na lang maging blangko ang mukha ko nang masilayan si Lorenz kasama sina Tyson at Ryker na papalapit na sa 'min.

"What's up, girls?" bungad ni Tyson.

"Hello," tipig ko namang bati. Pagkuwa'y napunta naman kay Lorenz ang tingin ko. Pinaningkitan niya lang ako ng mga mata kaya naman gano'n din ako para patas.

"Why you're so . . . cute?"

"Masakit, ano ba?" daing ko.

Huli ko na namalayang dumapo na sa pisngi ko ang kamay ni Lorenz saka ito pinisil nang mariin. Dahil dito ay sapo-sapo ko tuloy ngayon ang namumula kong pisngi.

"Cute," mapang-inis pa niyang sabi saka humagikgik nang bahagya.

Nanatili lang akong tikom habang nanlalaki ang mga mata sa kawalan. Sa puntong 'yon ay naramdaman ko na lang na pinagtitinginan na pala nila akong apat.

Binasag naman ni Ryker ang nakakailang na katahimikan. "Awit. Nagba-blush ang isang Destiny," pilyo niyang sabi saka sumunod na tawa.

"Oo nga, Cuz. You're kinda red," gatong naman ni Lauren.

"Si Lorenz lang pala ang magpapa-blush sa isang Destiny," pagsingit naman ni Tyson na nagpaingay sa sentro naming lima.

"Mga gago 'to. Hoy, hindi, 'no," depensa ko ng aking sarili.

"Sige lang. I-deny mo pa." This time, si Lorenz na ang nagsalita. "Cute mo nga, eh. Para kang kamatis."

Hindi ko alam kung nang-aasar pa siya o nagsasabi ng compliment.

"Okay tama na." Wala na ako sa mood. Need ko i-shift ang topic. Nakakahiya.

Tumahimik naman ang lahat nang mapansin naming dumiretso si Lorenz doon sa dalawang babaeng naglalaro ng badminton. Kinausap niya ito saglit at laking gulat na lang namin nang hiniram niya ito bago bumalik sa 'min.

"Hoy, gago ka, Lorenz," ani Ryker.

"Loko-loko talaga 'tong lalaking 'to," sabi naman ni Tyson

"Inang 'yan. Ang kapal ng mukha, oh," ang wika pa ni Lauren.

Ako naman ay napairap sa kawalan. Ako nahihiya sa kagaguhan nitong si Lorenz. Ginamit na naman siguro nito ang kaguwapuhan niya para pahiramin siya. Geez ko, Lord.

"Pinahiram ako!" sigaw nito sa 'min na para bang proud sa achievement ng kakapalan ng kaniyang mukha. Bumalik na siya sa 'min habang dala-dala ang dalawang raketa at shuttle cock.

Buong akala ko pa nga'y isa kayla Tyson at Ryker niya ibibigay ang isang raketa pero hindi bagkus sa 'kin niya ito inilahad para alukin niya ako.

"Oh," alok niya.

"Ano nama'ng gagawin ko r'yan?" kaswal kong tanong habang nanatili pa ring nasa gilid ang dalawa kong mga kamay.

"Of course we'll play."

"Ayoko nga," tanggi ko.

"E ikaw gusto ko, eh. Bakit ba?"

Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Pakiramdam ko'y unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. "Ha?"

"I mean, I want you to be my playmate. Okay lang ba?" pagkumpira naman niya.

"Ayoko nga."

"Well . . ." Gano'n na lang ako mabigla nang kuhanin niya mismo ang kamay ko't pinahawak sa 'kin ito. Sunod ay hinatak niya ako para dalhin sa ilalim ng mga nagtataasang puno ilang metro ang layo mula kayla Lauren.

Basta na lang ako napakamot sa ulo ko't tiningnan silang tatlo sa gilid na ngayo'y tatawa-tawang tsini-cheer kami. Mga gaga talaga, eh.

"Pst. Ryker, Tyson, come here," utos ni Lorenz sa dalawa.

Mabilis namang lumapit ang dalawa at sumunod sa kaniya.

Bumaba ang tingin ko sa madamong lupa. Dito ko nakita na may mark palang white at yellow na nagsisilbing hati sa pagitan namin ni Lorenz habang nando'n siya sa kabila. Hinarap ko muli si Lorenz.

"The first one to get ten points will win. I'm pretty sure you know the basic rules of playing badminton so the winner will win a favor," he explained. "Deal?"

May gano'n pang nalalaman 'to.

"Anong favor na naman 'yan?" nagtatakang tanong ko.

"That will be a secret for now," sagot niya saka kinindatan ako para ba manindak. "Ready na?" tanong niya at ihinanda ang hawak nitong shuttle cock malapit sa kaniyang hawak raketa.

"Tsk. Oo na," tugon ko na lang.

Sanay naman talaga ako nito. Sa totoo nga lang ay ito ang nakahiligan kong sport imbes na volleyball kaya naman pinaikot ko na ang hawakan ng raketa at mahigpit itong hinawakan.

S-in-erve na ni Lorenz ang shuttle cock sa ere at kaswal niya lang itong hinampas papunta sa direksyon ko. Akin naman itong sinundan ng tingin at nang pabagsak na'y akin itong hinampas pabalik sa kaniya matapos itong matantsa. Nang papunta na ito sa kaniya ay bahagya pa siyang umatras para kumuha ng buwelo. Sa oras na babagsak na ang shuttle cock ay malakas niya itong hinampas dahilan para ang pabalik nito sa 'kin ay mabilis. Sinubukan kong saluhin ang shuttle cock ngunit huli na't bumagsak na iton sa lupa.

"Okay. One point for me!" anunsyo niya.

Umirap na lamang ako sa inis.

Sa kaniya ulit napunta ang serve dahil siya ang nakapuntos. Naulit lang din naman ang nangyari kaya naman sa puntong 'to ay ako naman ang nakakuha ng puntos.

"Galingan mo naman, Lorenz!" pagmamayabang ko sa pakay na gusto ko rin siyang asarin.

"Go, Cuz! Kaya mo 'yan! 'Wag kang magpapatalo kay Lorenz!" pag-cheer naman ni Lauren.

Hindi ko na nagawa pang lumingon at pinulot ang shuttle cock na pinasa niya sa 'kin dahil ako naman na ang magse-serve sa pagkakataong ito.

Sa pagpapatuloy ng laro ay mas sumeseryoso ang laro namin. Naging salit-salitan lang ang pagdagdag ng puntos namin maging sa pagkakaroon ng lamang na dalawa at isa na madali namang nahahabol naming dalawa hanggang sa dumating ang puntong parehong siyam ang puntos namin.

"Wow. Umiinit ang laban. It's nine-nine. Isa na lang. Sino kaya sa kanila ang magwawagi?" anunsyo ni Ryker na nagmistula namang referee.

"Go, Cuz! Isa na lang!" sigaw ni Lauren.

"Galingan mo, Lorenz. 'Wag ka magpatalo kay Destiny," gatong naman ni Tyson.

Heto naman ako at hingal. Pawis na pawis na ang mukha ko kaya panay hawi ako sa buhok kong humaharang sa 'king mukha. Mabuti na lamang at mukha ko lang ang pinagpapawisan pera hindi ang katawan dahil paniguradong mag-aamoy pawis ako pagbalik ko ng room. Instant baho ako.

Hawak-hawak ko ngayon ang sa kaliwang kamay ang shuttle cock para ihanda ang pag-serve dito gayong ako ang nakakuha ng huling puntos kanina. Pagkuwa'y humugot ako ng hangin at ihinagis na ito sa ere. Nang makitang nasa tama na itong anggulo ay hinampas ko na ito patungo sa direksyon ni Lorenz.

Sinalo naman niya ito pabalik sa 'kin at gayundin ako. Naging paulit-ulit lang ang nangyari ngunit sa oras na napansin kong libre ay papitik ko itong hinampas patagilid para aligagain si Lorenz. Inaasahan kong hindi niya ito masasalo ngunit gano'n na lang ako madismaya nang naabot ng hawak na raketa niya ito at mahinang hinampas kaya naman patakbo ko itong inabot saka binalik sa kaniya subalit sa oras na 'yon ay sinamantala niya. Ako naman ay huli ko na napansing pain ang ginawa niya sa 'kin kaya naman nang hampasin niya ito ay imposible ko na itong mahabol pa sa kadahilanang ilang hakbang ang layo mula sa kinatatayuan ko ito babagsak.

Sa oras na bumagsak ang shuttle cock sa lupa ay gano'n na lang ako napabuga ng hangin at mawalan ng gana. Humarap ako kay Lorenz na ngayo'y malawak ang ngiti sa 'kin habang tumatawa sa pagkapanalo.

"What the . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top