Chapter 24: Bad Timing

DESTINY

"Hey. How's your sleep kako?"

Napaigtad ako mula sa pagkakatulala nang marinig ang boses ni Foreigner guy. "H-Ha?" Ngayon ko lang napagtantong kanina pa pala siya nagsasalita kaya medyo gulat-gulat pa ako.

"Look, you're not listening. How's your sleep last night?" pag-uulit niya sa kaniyang tanong.

Napatango naman ako nang ito'y maintindihan. "Ayos naman. Bakit?"

"Tinanong ko lang," aniya naman. Napahagikgik pa siya nang bahagya't umiwas ng tingin.

"Bakit nga?"

Humarap lang siya sa 'kin at inosente ang mukha akong tinapunan ng tingin. Inangat niya ang kaniyang daliri at itinutok ito sa kaniyang labi na para bang sinesenyasan ako.

Kumunot naman ang noo ko at nagtatakang dinampi ang hinlalaking daliri sa 'king labi. Umangat pa ang dalawa kong mga kilay na para bang sinisigurong nakukuha ko ang ibig niyang sabihin kaya nang may maramdaman akong magaspang ay mabilis ko nang napagtanto ang nais niyang ipahiwatig sa 'kin. Dahil dito ay agad akong napatayo para dumiretso sa lababo para magmumog at tanggalin ang natuyong laway sa gilid ng aking labi. Sa kalagitnaan naman n'on ay rinig ko ang kaswal na pagtawa ni Lorenz.

"Tulo ang laway, ah?" nananadya niyang tanong sa pabuskang paraan.

"Tsk," isding ko na lang sabay irap sa kaniya. Muli akong bumalik sa lamesa pagkatuyo ng bibig gamit ang tissue sa taas ng kaniyang refrigerator.

"Ang tagal mong matulog. 11 na kaya," kaswal niya pang sambit. "Tapos na rin pala akong kumain. Kainin mo na 'yan." Pagkuwa'y iginalae niya ang pinggan papalapit sa 'kin na naglalaman ng mainit na pancake na pinaibabawan ng sandamakmak na chocolate syrup. "Kain ka na."

"Sus. Ikaw nga e ang lakas maghilik. Nagising kaya ako kaninang madaling araw. Ingay mo," ganti ko naman bago humiwa ng piraso ng pagkaing nasa harapan ko saka ito kinain.

"Weh? Totoo?" Nanlaki pa ang mga mata niya sa 'kin na para bang manghang-mangha na naghihilik siya nang malakas.

"Oo nga," giit ko.

"Pasens'ya naman. Gano'n talaga ako," sabi na lang niya't napakamot ng ulo dala ng hiya.

Natawa lang kaming pareho ng mga oras na 'yon. Anong oras na rin ako nagising kanina. Paggising ko kay ay natagpuan ko na lang na maliwanag ang kuwarto habang mag-isa ako roon. Nang bumaba ako ay natagpuan ko si Lorenz na kakatapos lang ng nilulutong almusal na nilalantakan ko ngayon.

Sa totoo lang ay nakakapagtaka kung bakit hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagdadalawang-isip o kaba gayong dito kayla Lorenz ako natulog. Siguro naman aakalain lang nila akong nagkulong sa kuwarto ko nang magdamag kung sakaling kumatok sila't walang magbukas sa kanila ng pinto. Kahit naman na iyon ang nakasanayan ko ay 'di ko maitatangging mapaisip na gamitin nila ang duplicate key ng kuwarto ko pero bahala na lang. May rason naman ako.

"Saktong may dumating pala kaninang parcel. Um-order ako online," nakangiti namang saad ni Lorenz sa 'kin nang siya'y yumuko't may kunin sa ilalim ng lamesa. Nang iangat niya ang kaniyang ulo ay nasilayan ko na ang kahon na kaniyang ipinatong sa taas ng lamesa.

"Ano 'yan?" kaswal kong tanong habang ngumunguya.

Nagkibit-balikat lang siya na para bang wala siyang ideya sa kung ano'ng laman ng nasa kahon. Pagkuwa'y inabot niya ang gunting sa tabi saka ginunting ang mga bubble wrap at mga tape na nakabalot dito.

"It's a kite," tugon niya at kinuha ito para ilahad sa 'kin.

"Oh? Ano nama'ng gagawin ko r'yan?" Hindi ko alam kung tunog sarkastiko ba ako.

"Tayo," sagot niya. "Punta ulit tayo ro'n sa dagat. Sa east. Do'n tayo magpalipad nitong saranggola.

"Sige." Tumango na lamang ako't inubos na ang natitira pang pancake at sinimot ang mga chocolate syrup na nasa gilid. Hindi na ako kumibo pa't sa isip-isip ko'y gusto ko ulit pumunta ro'n sa dagat gayong 'yung ice cream ang habol ko ro'n.

***

Mabilis na tumakbo ang oras at ngayo'y pahapon na. Mula rito sa kuwarto ni Lorenz ay tanaw na ang labas na sigurado kong hindi na mainit kung masinagan ng araw.

Kakatapos ko lang maligo bago si Lorenz at nagpapatuyo na lang ako ng buhok. Kasalukuyan lang akong nakaupo malapit sa study table niya habang tahimik na gumuguhit nang marinig ang pagtawag niya sa 'kin.

"Destiny, bumaba ka na!" tawag niya sa 'kin.

Kaagad ko nang sinara ang notebook ko at itinabi ang mga gamit sa tabi matapos niya akong tawagin. Bumaba na ako mula sa taas at nadatnan siyang nakaayos na ang katawan habang suot ang simpleng shirt, long pants, at rubber shoes.

"Okay ka na?" paniniguro ko.

"Yup," tango niya.

Pinatay niya lahat ang mga ilaw na nakabukas maging ang saksakan ng TV at electric fan. Matapos masigurong ayos na lahat ay lumabas na kaming dalawa at tumungo sa motor niyang nakaparada sa gilid ilang metro ang layo sa kaniyang mismong dorm.

Gamit ang kaniyang motor, umalis kami papuntang east ng Linvillia, sa Leviqueton Beach. Dala niya ang kaniyang biniling saranggola na in-order niya online. Maging ako'y nananabik din masubukan muling magpalipad ng isang saranggola. Bata pa kasi ako no'n no'ng huli akong magpalipad nito sa bukirin.

Medyo malayo nang kaunti ang Leviqueton Beach pero parang mabilis din naman kaming nakarating dala ng wala namang trafficb at wala naman masyadong mga sasakyan ang nakakasabay namin. Gaya ng unang punta namin rito ay sa kaparehong lugar lang i-p-in-ark ni Lorenz ang kaniyang motor saka kami magkasabay na bumaba.

Mas malamig ang simoy ng hangin ngayon kumpara ng unang bisita namin dito. Mula pa lang sa sementadong hagdan na nilalakaran namin ay tanaw na ang medyo mabilang na mga tao sa tabi ng dalampasigan.

"Let's go," aniya.

Nang makaapak na ang mga paa ko sa buhangin ay basta na lang kumaripas ng takbo si Lorenz habang kasa-kasama ang unti-unti nang pinapalipad na saranggola. Natagpuan ko na lang na tinatawag ko ang pangalan niya para hintayin ako.

"Hoy, wait lang!" Nagsimula na akong tumakbo kahit mabilis na siyang nakarating do'n sa kalayuan. "Hoy, Lo—" sinubukan ko ulit siyang tawagin ngunit gano'n na lang ako magulat nang ako'y matisod sa nakausling bato sanhi para ako'y mapatumba't tumama ang tuhod.

Dala ng hiya gawa ng maraming tao sa paligid ay minadali kong tinayo ang sarili ko at mabilis na sinulyapan ang tuhod na ngayo'y namumula na. Mabuti na lamang at walang dugong lumabas ngunit nabalatan ito nang kaunti. Gayunpaman ay mahapdi ito pero kaya naman. Geez.

"Hey, are you okay?"

Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na agad si Lorenz nang umangat ang tingin ko sa kaniya kasabay ng pagpagpag sa sarili. Dahil dito ay mahina ko siyang hinampas sa kaniyang balikat.

"Luh?"

"Gago ka. Natisod tuloy ako," asik ko't pabiro siyang inirapan.

Tinawanan niya lang ako. "So sino ang tanga?"

"Malamang ikaw. Iniwan mo kasi ako. Ambilis kasing tumakbo. Puta kasi," angil ko pa.

"Sorry na. Masyado lang akong nag-enjoy. Na-miss ko lang talaga magpalipad ng saranggola. I always do this in my spare time when I was still in my own country," paliwanag niya. "'Asan na ba? Patingin nga." Pagkuwa'y sinilip niya ang tuhod kong namumula. "Maliit lang pala. Malayo 'yan sa bituka. Teka lang."

Nanatili lang sa kaniya ang atensyon ko. Gano'n na lang ako mamangha nang makitang may band aid na naman siyang inilabas mula sa kaniyang wallet at ginamit ito para itapal sa maliit na nabalatang parte ng tuhod ko. Buong akala ko'y roon na ito nagtatapos ngunit laking gulat ko na lang nang idampi niya ang labi niya rito bagay na ikinalaki ng mga mata ko.

"Hoy, puta ka! Ano'ng ginagawa mo?"

Nginitian niya lang ako ngunit ang kaniyang atensyon ay nanatili pa rin sa baba. "Iyan, okay na. I've already kissed it so it won't hurt anymore," litanya niya't pilit na nagpapa-cute sa 'kin.

"Gago!" isding ko na lang at marahan ulit siyang hinampas sa kaniyang matigas na braso.

"Anyway, do you want to try this ba?" pag-aalok niya't sadyaing ilihis ang usapin bagay na sinang-ayunan ko na lang.

"Sure thing," sagot ko naman.

"Good," kaswal niyang wika. "Please don't take it seriously for what I did. It's just the way I treat my close friends just like you. If you found it uncomfortable, I'll stop. Sorry," pagpapatuloy niya pa.

Parang nakonsensiya naman ako pagkatapos niya magsalita kaya naman pakiramdam ko'y umatras ang dila ko. "Ayos lang."

"Bilhan kita ng ice cream pagkatapos nito, okay?" Nginitian niya muli ako as sign of assurance.

"Libre mo? Sure 'yan, ha? Wala nang bawian."

"I assure you. 75 pesos lang 'yon," saad niya. "Ice cream lang pala katapat mo, eh."

Napairap na lang ako sa kawalan.

He really knows my karupukan.

Sa buong maghapon na 'yon ay puro pagpapalipad lang ng saranggola ang aming ginawa. Nakakapagod ito pero worth it naman at the same time. Sulit at maganda ang timing namin gayong mahangin kaya hindi na kami nahirapang magpalipad nito. Iyon nga lang ay saglit lang talaga ang itinagal namin dahil pagabi na kaya napagpasiyahan na naming ibaba ito at bumili ng makakaing ice cream. Nilibre niya ako ulit at sabay kaming kumain.

Pagkatapos ng iba pang mga kaganapan ay kapuwa naming napagpasiyahang umuwi gayong may pasok pa nga pala si Lorenz sa kaniyang trabaho sa ice cream parlor. Doon ay sinabi kong madaling araw ako uuwi para saktong tulog silang lahat bagay naman na sinang-ayunan ni Lorenz. May mga susi naman ako kay no worries naman.

"Just lock the door before you leave the dorm but leave the light outside open, okay?" bilin niya sa 'kin.

"Noted. Ingat ka."

"Ingat ka rin sa pag-uwi. Chat mo 'ko kapag nakauwi ka na," huli niyang usal bago ako tuluyang iwang mag-isa sa kaniyang dorm.

Habang naghihintay magmadaling araw ay magdamag lang akong nakatunganga sa tinatapos kong drawing na naudlot kaninang tanghali. Kasalukuyan kong pinagpapatuloy ang paglalagay ng mga detalya sa mukha kong ginuguhit.

Ilang oras pa ang mga nakalipas ay mabilis ko naman itong natapos. Saktong pagtingin ko sa orasan sa phone ko ay eksaktong alas tres ng madaling araw kaya naisipan ko nang umuwi.

***

Patay na ang ilaw nang makapasok ako sa gate ng bahay. Naging mabigat ang bawat paghinga ko. Sana naman ay tulog na sila para hindi nila ako mahuli. Kung may makakita man sa 'kin, bahala na.

Dumiretso ako sa loob ng aming bahay na patay na ang mga ilaw at tanging mga ilaw sa maliliit na lamp shades lang ang itinira.

Mariin akong napalunok at nagmamadaling humakbang habang bitbit ang bag patungo sa taas ng kuwarto ko ngunit sa oras na ihahakbang ko na ang paa ko sa baitang ng hagdan ay gano'n na lang ako manigas at mapako sa kinatatayuan nang may marinig akong boses.

"Sa'n ka galing, Destiny?"

Boses ni Ate Dani ang aking narinig. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko kasabay ng panlalaki ng mga mata.

"Humarap ka sa 'kin. Sa'n ka galing, Destiny?" pag-uulit niya ng kaniyang tanong.

Oh . . . no . . . I'm dead . . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top