Chapter 23: Late Night Talks
DESTINY
Gamit ang palad, madiin kong pinunasan ang mga luha kong halos manlagkit na sa 'king magkabilang pisngi. Ilang segundo muna akong nakasandal sa pader bago ko naisipang lumipat sa kama at marahang umupo habang malalim na humihinga dulot ng paninikip ng dibdib. Patuloy pa rin ang pagtulo ng iilang mga luha kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.
Saglit pa ang nakalipas ay bumaling ako sa salamin ng closet ko. Muli ko na namang naalala ang mga sinabi ni Kuya. 'Tang ina niya.
Habang nakapirmi ay paningin ko rito ay basta na lang may kung anong ideya ang pumasok sa 'king isipan. Kumuyom ang dalawa kong mga kamay sa bed sheet saka tumayo papalapit dito.
Mula sa itaas ng closet ay kinuha ko ang isang bag na walang laman. Pagkuwa'y binuksan ko na ang closet ko't kumuha ng damit na pampalit ko sa suot ko ngayon gayundin sa isang pares ng damit na walang pag-aalinlangan kong pinasok sa loob ng bag maging ang iba pang mga kakailanganin. Bumalik na ako sa kama't agad na tinawagan si Lauren.
Alam kong mali ito pero wala na akong ibang choice. Mas lalo akong maiinis kung mananatili ako rito. Kahit ganito kami nina Mommy at Daddy ay 'di pa rin kami ayos saka 'di ko pa nakakalimutan 'yung pagbenta nila sa painting ko nang labag sa loob. Dumagdag pa 'tong si Kuya. Geez lang. Nakaka-puta silang lahat.
d-in-ial ko na ang numero ni Lauren subalit out of the line siya. Marahil naka-off siguro ang kaniyang phone. Sinubukan ko pa ulit pero wala talaga.
Buwisit. Ba't ayaw nilang maki-cooperate?
Sa kadahilang wala na akong mapagpipilian ay mukhang wala na akong ibang magagawa pa kundi ang maghintay hanggang madaling araw.
***
"Dito na lang po, Manong. Para po," wika ko nang makita ang poste.
Bitbit ang aking bag ay kabado akong bumaba ng taxi pagkabayad. Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko nang umalis na ang taxi at naiwan na akong mag-isa. Kasalukuyan na akong nasa tapat ng pasilyo papunta sa dorm ni Lorenz.
Sobrang dilim ng paligid at mga ilaw sa poste ang mga naiwang nakabukas. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin na nagpapatayo sa mga balahibo ko.
Mariin akong napalunok at nagpakawala ng hangin bqgo dumiretso sa loob ng madilim na pasilyo. Sa bawat paghakbang ko ay rinig ang bawat yabag na ume-echo sa kapaligiran. Dahil sa pagkapraning ay mas nilakihan ko pa ang mga hakbang ko't nagmadali hanggang sa makaabot na ako sa tapat ng pinto ni Lorenz.
Nang makarating ay nalimot ko pa ang dapat gawin. Naging blangko ang takbo ng isipan ko sa mga sandaling 'yon. Huli ko na lang mapagtantong nagsisimula na namang uminit ang mga mata ko. Natagpuan ko na lang ang aking sariling wala sa wisyong kaswal na kumakatok.
"Lorenz..." tawag ko sa pangalan niya. Nilakasan ko pa ang bawat pagkatok ko. "Lorenz..." pag-uulit ko. Muli akong kumatok ngunit wala pa rin akong tugon na narinig gaya ng mga paang humahakbang mula sa hagdanan. Para bang nawawalan na ako ng pag-asa gayong kailangang-kailangan ko pa naman siya ngayon.
What should I expect? Malamang tulog 'yon sa mga oras na 'to. Napakatanga ko talaga.
"Lorenz..." huli kong bigkas sa pangalan niya. Kung hindi pa siya lalabas, wala na akong choice kundi ang bumalik na lang sa bahay.
Minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya lumabas.
I'm so stupid.
Hinarap ko ulit ang pinto ng kaniyang dorm nang ihahakbang ko na ang mga paa ko para umalis subalit ganoon na lang manlaki ang mga mata ko nang may marinig na langitngit na pagbukas ng pinto.
"Who's—Destiny?" hindi makapaniwalang tanong nito sa gulat.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali ko na siyang sinunggaban ng yakap. Doon na ako nagsimulang lumuha ulit.
"Hey, Destiny. What happened? Why are you crying?" He really sounds worried.
'Di ko nagawang makaimik. Mas dumiin pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko naman ang kaniyang kamay na dumapo sa likod ko't marahan itong itinaas-baba para pakalmahin ako.
"Hey."
Ilang saglit pa'y ihinarap niya ako sa kaniyang sarili. Hinawi naman niya ang mga luha ko gamit ang kaniyang daliri at kaswal na napabuga ng hangin. Kahit madilim man ay naaaninag ko naman ang kaniyang nag-aalalang mukha sa 'kin.
"What happened? Tell me. I'll listen," aniya pa.
Pinagdiin ko lamang ang labi ko para pigilan ang sarili. Dahil dito ay hindi ako nakatugon sa kaniya.
"Okay, okay. Pumasok ka muna rito. Upo ka," pag-anyaya niya sa 'kin at pinatuloy ako sa loob ng kaniyang dorm.
Binuksan niya ang ilaw ng sala nang maupo sa kaniyang couch. Sa mga oras na 'to'y kumalma naman na ako. Napatulala naman ako sa kawalan.
"Oh, tubig. Uminom ka muna, Destiny." Inabot niya sa 'kin ang baso.
Mabilis namang bumalik sa reyalidad nang masilayan ang baso na ngayo'y hawak-hawak ni Lorenz. Kinuha ko ito ay dali-daling ininom. Naramdaman ko namang tumabi siya sa 'kin sa mga oras na 'yon hanggang sa maubos ko ang tubig at ilapag ang baso sa lamesa.
"P'wede ko ba malaman kung ano'ng nangyari?" malumanay niyang tanong.
Lumalam ang tingin ko sa bagong gising niyang mukha. Gulo pa nang bahagya ang kaniyang buhok at tila ba istorbo pa ako sa kaniyang pagtulog.
"I'm sorry. Sorry kung naistorbo kita," nakapangalumbaba kong wika.
"No, no," pang-aalo naman niya kaagad. "It's okay. Just tell me whay happened. Maybe I can help."
Naging matagal bago ako sumagot. "S-Si Kuya kasi..." Nagsimula na naman akong mangiyak-ngiyak. Dala ng hiya ay pinunasan ko agad ito gamit ang aking palad.
"Oh? Si Dwayne? What did he do to you?"
Tumango ako. "Nag-away kami," tipid kong sagot.
"Then?"
"Ano ba'ng pinag-awayan n'yo?"
Nang dahil sa sumunod niyang tanong ay parsng umurong ang dila ko. Sumagi sa isipan ko ang rason kung bakit nagalit si Kuya Dwayne kanina. Ayaw niya kasi akong palapitin kay Lorenz without a valid reason.
Umangat ang tingin ko sa kaniyang kayumangging mga mata. "Basta," sambit ko'y mabilis na umiwas ng tingin.
"Tell me. Sabihin mo na."
"Basta nag-away kami," pag-uulit ko lang. "I'm sorry. I think I need to g—" Hindi ko na natapos pa ang dapat kong sabihin nang magsalita siya.
"No. Masyadong madilim. Punyeta ka buti na lang walang nangyari sa 'yo. Mag-aalas dos na. Baka may mangyari pa sa 'yo kung aalis ka. I know you're sleepy so let's talk about this tomorrow," mahaba niyang litanya.
"Namura pa ako, oh."
"Just an expression. By the way, umakyat ka na sa taas. Iwan mo na lang muna bag mo rito."
Bumalik sa kaniya ang atensyon ko. Isang maliit na kurba ng nangyari sa 'king labi at dahan-dahang tumango.
***
"Are you okay there?" tanong ni Lorenz.
"Oo. Dapat kasi ako na lang d'yan sa lapag. Ikaw rito sa kama. Nahihiya tuloy ako sa 'yo."
Hinayaan lang kasi ako ni Lorenz na mahiga sa kama at siya sa lapag. Sa una'y tumatanggi pa ako dahil talagang nakakahiya sa kaniya gayong kuwarto niya ito's nang-istorbo lang ako pero sadyang makulit si Lorenz. Ang endin, ako rito sa kama at siya naman sa lapag. Nakaka-guilt tuloy.
"You know, Des—"
"Hindi."
Tumahimik lang siya. Palihim tuloy akong napahagikgik habang nakabalot sa mabango at makapal niyang kumot.
"Joke lang. Sige go. Continue," sabi ko nang nakangiti.
"Tsk. 'Wag na." Napahinto siya saglit. "Is it okay if I turn off the lights? I can't sleep kasi when the lights is on."
"Sige lang. Mas gusto ko rin namang patay ang ilaw kapag matutulog.
"Pareho tayo."
Binalot ng kadiliman ang paligid nang kalabitin ni Lorenz ang switch ng ilaw para i-off ito. Tanging liwanag lang mula sa labas ng balcony ang naaninag ko.
Nanatili lang diretso ang tingin ko sa taas ng kisame. Hindi ko man kita ang mukha ni Lorenz at rinig at dama ko ang malalim niyang paghinga kasabay ng pagtalukbong ng kumot sa maniyang sarili.
"If you have a problem or anything you're dealing with, please don't hesitate to talk with me. I won't judge you. I'll listen... always," wika niya.
Hindi naman ako nakapagsalita dala ng biglang pagkailang.
"Goodnight, Destiny."
"Goodnight din," ang tangi ko lang nasambit pabalik.
Nang gabing 'yon ay mabilis na nakatulog si Lorenz nang magsimula siyang humilik. Hindi pa ako inaantok ng mga oras na 'yon kaya naman naisipan kong tumagilid ng pagkakahiga at binalot din ang sarili ng kumot saka ipinikit ang nga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top