Chapter 22: Siblings' Quarrel

DESTINY

Nanatiling nakapirmi sa mga mata ko ang tingin ni Kuya Dwayne. Sa hindi malamang dahilan ay basta na lamang akong natutop kasabay ng paglamon sa 'kin ng kaba. Nanunuya ang lalamunan ko nang ako'y mariing lumunok habang papalit-palit ang sulyap sa kanilang dalawa. Dala ng pagtataka ay kunot-noo akong nagtanong.

"What?"

Walang naging tugon si Kuya. Seryoso pa rin ang kaniyang pagtingin sa 'kin na para bang may ginawa akong mali. Pagkuwa'y bigla niya akong nilapitan bagay na aking ikinatigil sa paghinga. Hindi ko na alang ang susunod pang nangyari. Natagpuan ko na lang na hawak niya ang kamay ko habang hinihila ako papasok ng bahay. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin at dama ko ang iilang kuko niyang bumabaon sa balat ko.

"Kuya, ano ba? Bitawan mo nga ako," palag ko. Nagpupumiglas ako para kaniya akong mabitawan subalit sadyang malakas si Kuya.

"Dwayne, nasasaktan si Destiny," suway naman ni Ate Dani na sumunod sa 'min.

"Kuy—" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang pabigla niya binuksan ang pinto at marahas akong ipasok sa loob hanggang sa maupo ako sa couch. "What's wrong with you?" Napansin ko na lang na tumaas ang tono ng pananalita ko. Sinubukan kong tumayo subalit patulak niya akong pinaupo muli.

"You just sit there, Destiny. Why are you with that guy?" magkasalubong ang mga kilay niyang tanong.

"E ano naman ngayon? Ano'ng pake mo?" balik kong tanong. "Kaklase ko naman siya at kilala siya nila Mommy," pagdadahilan ko pa.

"Talagang may pake ako. You shouldn't be with that guy. Paano kung may gawin siyang masama sa 'yo? Ha, Destiny?"

Hindi ko mawari kung ano'ng mararamdaman ko ngayon. He's overreacting. Nakakabanas.

"'Yan ba ang dahilan mo kaya ka nanggagalaiti r'yan?" Sa puntong 'yon ay tuluyan na akong napatayo at dumistansya papalayo ilang hakbang mula sa kaniya. "Ano ba'ng ikinagagalit mo sa kan'ya? I don't get you!" sigaw ko na lang dala ng pagkainis. I can't explain this sudden feelings. "'Wag ka ngang umaktong parang kilalang-kilala mo si Lorenz. Napaka-cringe mo," dagdag ko pa.

Samantala ay nasilayan ko naman ang pagkuyom ng kaniyang mga kamay dala ng pagtitimpi. "Shut up!" asik niya't napahilamos ng mukha. "Basta 'wag ka nang lalapit sa lalaking 'yon."

"What?"

"Dwayne, Destiny, 'wag nga kayong mag-away," awat pa ni Ate Dani na nanatili lang nakatayo sa may gilid habang pinagmamasdan lang kami.

"No!" pagdidiin pa ni Kuya. Humarap siya sa 'kin. "You," duro niya. "From now on, hindi ka na lalapit pa sa lalaking 'yon. Lumayo ka lang sa kan'ya, Destiny. Makinig ka sa 'kin," tunog nagbabalala niyang wika.

Naging malalim ang bawat paghinga ko. Sumisikip at parang kumikirot ang dibdib ko sa mga sinasabi ni Kuya. Nakakainis lang dahil 'di ako makapagsalita sa sobrang kabiglaan gayong kakauwi ko pa lang at ni hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Uniform pa 'tong suot ko.

Binasag ulit ni Ate Dani ang katahimikan. "Umayos ka lang, Dwa—" Natigil siya sa pagsasalita.

"What's going on here?"

Kaming tatlo ay kaagad na napatingala sa taas. Mula roon ay matatagpuan si Daddy na nagtataka kaming tinitingnan. Pagkuwa'y bumaba siya't lumapit sa pagitan namin. Dahil dito ay tuluyan nang nanumbalik ang paghinga ko't gumaan ang tensyon.

"Ano'ng problema? Ba't nagsisigawan kayo?" tanong niya sa 'min.

Walang kumibo ni isa sa 'min.

"Nako, Daddy, ang kulit nitong si Dwayne. 'Yan, nagtatalo sila ni Destiny," sumbong ni Ate Dani makalipas ang sandaling umilang ang sentro naming apat.

"Shut up. Isa ka pa, eh," angil naman ni Kuya.

"Dwayne, ano 'to?" Humarap siya kay Kuya.

Isang malalim na buntonghininga naman ang kaniyang pinakawalan bago sumagot. "'Yan, kung kani-kaninong lalaki sumasa—"

"Kaklase ko nga lang 'yon, Kuya!" putol ko sa dapat niyang sabihin dala ng bugso ng emosyon. "OA mo naman!" galaiti ko pa.

"Kahit na! Bakit ba kasi ang kulit mo, ha? Basta 'wag ka nang lalapit sa lalaking 'yon."

"Teka nga." Maya-maya'y hinarang ni Daddy ang kamay niya para magaang hawiin si Kuya't tumigil siya saglit. "Sino ba'ng tinutukoy mo, Dwayne?'

Ako na ang sumagot agad. "Si Lorenz po." Matapos kong sabihin ang pangalan ng tinutukot niya ay mas tumindi pa ang pagtingin sa 'kin ni Kuya.

Napahagikgik tuloy si Daddy nang 'di namin inaasahan. "What's wrong about him, Dwayne? Mabait na bata si Lorenz. I know he'll be a good friend and influence to Destiny. Ano'ng problema?" kaswal niyang tanong.

"Iyon ang alam n'yo, Daddy," mariing wika ni Kuya sa kaniya at humarap ulit sa 'kin. "Lalo ka na."

Gano'n na lang din kami mapapitlag nang may pasigaw na nagsalita ulit.

"Dreverent!" tawag ni Mommy kay Daddy sanhi para maagaw niya ang atensyo naming apat. Kagaya rin ni Daddy ay bumaba siya mula sa taas at lumapit sa 'min. "Ano'ng nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigawan?" nag-aalala nitong tanong na alintanang may hindi maganda kaming pinagdidiskusyunan. "Ang lalakas ng mga boses n'yo. Dinig ko ro'n hanggang sa taas. Nag-aaway ba kayo?"

"Hindi," mabilis na sagot ni Kuya.

"Opo," pagtaliwas ko naman bagay na ikinanlaki ng mga mata ni Kuya. "Si Kuya kasi, eh." Sa mga oras na 'to'y nagsisimula nang manubig ang mga mata ko.

"Oh? Ano'ng pinag-aawayan n'yo, Dwayne. Saka ba't ngayon ka lang nauwi, Destiny? Nawiwili ka na."

Pabalang na sumagot si Kuya. "So ako na naman? Inilalayo ko lang 'tong makulit na si Destiny ro'n sa Lorenz na 'yon."

"E bakit mo naman pinapalayo? Wala naman akong nakikitang problema sa lalaking 'yon?" Nagtataka naman si Mommy kay Kuya.

"'Yan kasi ang alam n'yo. Gago ang lalaking 'yon!" giit niya pa bagay na aking ikinabigla.

"Kuya, tama na nga!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko para masigawan siya. "Hindi ko alam kung bakit ang OA mo magmula nang makilala ko si Lorenz." Dahil dito ay tuluyan nang tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na luha. "Kung makapagsalita ka e parang kilalang-kilala mo 'yung lalaking 'yon. Kapal ng mukha mo. Pasalamat ka't wala rito girlfriend mo kundi sinupalpal ka n'on sa gan'yang asta mo," mahaba ko pang litanya.

Natutop naman si Kuya't hindi na siya nakakibo pa.

"What's with the sudden behavior, Dwayne? Ako man e hindi kita maintindihan. Kilala mo ba si Lorenz?" Maging si Daddy ay napatanong na rin. "Ano ba'ng problema mo?" Sa mga oras na 'to ay sumeryoso na ang pananalita ni Daddy.

"Dre—" Sinubukang pumagitna ni Mommy sa kaniya ngunit mabilis siyang inawat ni Daddy.

"No, Delany."

Patulot pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Inaamin kong nakakaramdam ako ng paninikip ng aking dibdib kasabay ng pagkalabog ng puso ko. Hindi rin ako mapakali dahil sa pagkailang. Hindi ko maiwaliwang ang nararamdaman ko pero nasasaktan ako.

Ilang saglit nanaig ang nakakabingi at nakakailang na katahimikan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagsalita si Kuya.

"Hindi ko man kilala 'yang si Lorenz, basta layuan mo siya, Destiny. Magtigil-tigil ka lang d'yan. Makinig ka na sa 'kin. Nakapaharot mo masyado sa lalaking 'yon." Talagang diniinan niya pa ang kaniyang mga sinabi bago siya nagsimulang maglakad papaalis. Sinadya niya pa akong banggain sa balikat at tumungo sa labas saka iniwan ang malakas na pagsara ng pinto.

Napadaing naman ako nang bahagya at sinulyapan si Lorenz na ngayo'y nasa labas na ng bahay. Sinubukan pang tawagin siya nila Daddy pero parang wala lang siyang narinig at 'di nagpatinag.

Dahil dito ay napatakip na ako ng aking mukha at napaiyak na. Nasa ganoon akong asta at nang makabawi na'y hinawi ko ang mga luha gamit ang manggas ng aking damit saka patakbong nagtungo papunta sa taas.

"Destiny!" Sinubukan din ni Ate Dani'ng tawagin ako ngunit parang wala lang akong narinig. "Destiny!"

Nang makaakyat sa taas ay dali-dali akong dumiretso sa kuwarto ko. Pabalagbag kong binuksan ang pinto at binato sa kama ang bag sabay sara nang malakas sa pinto dahilan para kumalabog ito.

Ilang sandali ay narinig ko ang mga yabag ni Ate Dani na kakaakyat lang para sundan ako. Kumatok siya't tinangkang buksan ang pinto ngunit naka-lock na ito. Wala man lang akong naging tugon sa pagtawag niya sa 'kin hanggang sa magsawa na siya't iwan akong patuloy pa ring lumuluha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top