Chapter 20: Future Event Announcements

DESTINY

"Destiny! Tawag ka ni Daddy!"

Kasalukuyan akong nasa tapat ng salamin habang nagsusuklay ng basa kong buhok nang marinig kong tinawag ako ni Ate Dani.

"Oo, wait lang!" sigaw kong tugon pabalik mula rito sa kuwarto ko.

"Dalian mo! Naghihintay sa baba 'yung kaklase mo!"

"Sino?"

"Bumaba ka na lang!"

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ate Dani na may naghihintay sa 'kin. Dahil sa pagmamadali ay bumaba na ako mula sa kuwarto nang hindi man lang natatapos ang pag-aayos ng buhok.

Bitbit ang bag ko ay nakasabit ito sa kabila kong braso at bumaba. Dumiretso ako sa kusina kung saan ako nagulat sa nadatnan. Para bang may kung anong puwersa ang nagpatigil sa 'kin para mapako sa kinatatayuan. 'Yung antok ko magmula kanina e nawala na lang bigla.

Ano'ng ginagawa niya rito?

"Lorenz? Ano'ng ginagawa mo rito?" bungad kong tanong. Lumibot ang tingin ko't nakita sina Mommy at Daddy na katabi ni Foreigner guy.

Sumingit si Daddy. "Is that the right way to greet a visitor? Come on, sit here," nagbibiro namang sambit niya.

Napairap na lang ako sa kawalan at sumamang umupo sa dining table sa tabi nina Mommy at Daddy. Nasa harapan ko ngayon si Lorenz na halatang bagong ligo pa lang dahil sa mamasa-masa niyang buhok.

"Ba't ka ba kasi nandito?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magtanong. Pumeka pa ako ng tawa.

"Ahm..." Napakamot pa siya ng kaniyang ulo't pumangalumbaba ang mukha.

Nasilayan ko namang nagkatinginan pa silang tatlo. Nang bumaling ako sa kanan ay nakita ko si Ate Dani'ng umiinom ng kape. Nagkibit-balikat lang siya. Wala yata si Kuya Dwayne ngayon.

"Tito Dreverent, nahihiya po ako," nahihiya niyang wika.

Napabungisngis naman si Daddy. "Go lang. You can do it."

Napatingin lang muli ako kay Lorenz at pinagmasdan siya. Tumukhim muna siya bago ulit magsalita.

"You told me last time that you're only by yourself when you're going to university so that's why I've asked you if I can be your service but you didn't answer my offer," mahaba niyang litanya.

"Wow, English," pabiro kong usal para maibsan ang pagkaseryoso ng paligid. "Kaya ko naman kasing mag-commute kaya seen-in lang kita no'n."

"Ang tagal na kaya nating magkaibigan. Saka isa pa e medyo malapit lang din naman ang bahay ko sa bahay mo ta's madadaanan pa kita. Kaya nga inaaya kitang nagsabay na lang tayo, eh," paliwanag naman niya.

Pumagitna naman si Mommy. "Wait, matagal na kayong magkakilala? I mean, magkaibigan?"

"Opo, Tita." Si Lorenz ang sumagot.

Pagkuwa'y humarap naman si Mommy sa 'kin. "Oh, 'nak? Ba't 'di mo man lang pinakilala si Lorenz sa 'min? Sana inaya mo man lang siya rito."

"Aba malay ko," kibit-balikat kong tugon. "Saka baka magalit din kayo."

"No. Bakit naman kami magagalit ng daddy mo?"

"Okay. That's enough," putol sa 'min ni Daddy. "Mukha namang mabait si Lorenz at alam kong mabuti naman siyang kaibigan."

Maya-maya pa'y nagsalita rin si Lorenz. "Wait lang po. Ano'ng oras na po ba?" pagsingit niyang tanong.

"Mag-e-eight," sagot ko. Male-late na kami nito.

"Hala, Tito. 8:15 po ang klase namin. Baka ma-late pa po kami kung magtatagal pa po kami rito," nag-aalinlangan niya pang batid.

"O sige, sige. Destiny, from now on, si Lorenz na ang service mo, okay?" He sound as if he was making it funnier.

Mariin na lang ako napalunok. No choice na ako nito. Geez.

Basta na lang kami nagsabay ni Lorenz tumayo at nagkasalubong ang mga mata. Mukhang alam na namin ang gagawin. Maya-maya lang din ay narinig namin ang boses ni Kuya Dwayne. Shit. Akala ko pa naman wala siya.

"Anong service?" pagsingit niyang tanong.

Huminto ako at napabaling sa kaniya. Hndi siya nakatingin sa 'kin bagkus ay kay Lorenz na para bang naninibago. Parang may kung ano. Kasi naman, blangko naman talaga lagi ang awrahan ng mukha ni Kuya Dwayne pero parang galit siya na ewan.

Samantala ay yumuko na lang si Lorenz at nagpatuloy na lumabas. Dahil dito ay sumunod na rin ako sa kaniya. Sa sobrang laki ng mga hakbang niya ay kaagad na siyang nakarating do'n sa labas ng gate namin kung saan kasalukuyang nakaparada ang kaniyang motor. Nagmadali akong tumakbo.

"Uy, Lorenz," tawag ko sa kaniya.

Hindi niya ako kinibo bagay na aking ikinapagtaka. Binigay niya lang sa 'kin ang hawak niyang helmet. "Oh. Suotin mo na."

Tinanggap ko naman ito at sinuot na. Kasabay naman n'on ang pag-angkas niya sa kaniyang motor. Sumakay na rin ako pagkaayos ng pagkakasukbit ng aking bag.

"Hold tight," aniya. "Before I forgot, from now on, I'll be your service."

Napabuntonghininga na lang ako sa sinabi niya. Gayunpaman ay hindi nawala sa isipan ko ang hindi pagtataka nina Mommy at Daddy kay Lorenz gayong isa siyang foreigner na nag-aaral sa isang university na pawang mga Pilipino ang mga estudyante rin kaya naman nagtanong ako sa kaniya. Sinagot niya lang ay maaga siyang pumunta sa 'min at naglakas loob lang. No'ng una pa raw ay nahihiya siya at natatakot sa mga magulang ko pero nang makausap ay nawala na raw ang mga 'yon. Habang nasa taas pa raw ako at nag-aayos ay ro'n na raw siya nagpakilala ng kaniyang sarili kaya naman pala no'ng bumaba ay gano'n lang ang reaksyon nina Mommy at Daddy. Wow lang. Lakas naman niya.

***

Lunch break na namin ngayon at gutom na gutom na ako. Hindi ko na kasi nagawang mag-recess kanina kasi sabi ni Lorenz ay hintayin ko raw siyang sunduin ako sa room naman ngunit hindi naman siya sumipot. Well, ayos lang naman kasi hindi pa ako natatapos sa mga ginagawa pero gayunpaman e gutom talaga ako.

Dahil lunch na ay m-in-essage ko siya na sabay na kaming kumain kaso mukhang malabo niyang i-seen ito sa kadahilanang isang oras na ang nakakalipas nang huling active ang kaniyang status.

Dala ng pagkainip ay napagpasiyahan ko nang bumaba na. Pagkababa ko sa quadrangle ay bigla na lang pumasok sa isipan kong puntahan siya sa kaniyang room. Dahil dito ay kaagad na akong tumungo sa West Division. Pagkaakya ko sa pangatlong palapag ay minadali ko nang puntahan ang kuwarto niya. Doon ay nakabukas ang kanilang pinto dahol isa-isang lumalabas ang mga kaklase niya. Sumilip ako sa gilid at naabutan siyang abala sa ginagawa sa papel habang nagdo-drawing.

"Lorenz!"

Agad siyang napatingn sa 'kin at tinigil niya ang kaniyang ginagawa. Tinabi niya ang mga ito sa ilalim ng kaniyang upuan. Pagkuwa'y lumabas na siya at lumapit sa 'kin.

"Destiny, I'm sorry. Hindi kita nasundo kanina no'ng recess. Masyado akong busy. As you can see, hindi pa ako matapos sa ginagawa ko. Special activities ko lang 'yon sa mga absent days ko kaya dapat agad ko na siyang maapos. 'Di rin ako nakapag-recess din, eh," paliwanag niya agad. "Kumain ka ba kanina? Sorry talaga."

"Ayos lang. 'Di rin naman ako kumain kasi hinihintay kita. Pero ayos lang," panatag ko sa kaniya.

"Aish. Ba't 'di ka kumain? Sorry talaga."

"'Wag ka nga. Hindi rin naman kasi ako gutom n'on," pagdadahilan ko na lang.

"Sure ka?" paniniguro niya.

"Oo nga. Ang kulit mo," sagot ko naman.

"Hayaan mo na. Kumain na tayo. Gutom na rin ako. Tara na," wika ko

"Pero 'di pa 'ko tapos sa ginagawa ko, eh," nag-aalangan naman niyang saad.

"P'wede naman 'yang mamaya, 'di ba?"

Napabuga na lang siya ng hininga, senyales ng kaniyang pagsang-ayon.

Magkasabay kaming bumaba ng West Division hanggang sa makarating sa quadrangle. Naglakad na kami papunta sa cafeteria subalit nakasalubong naman namin si Lauren kasama sina Ryker at Tyson.

"Destiny!" Isang yakap ang sinalubong ni Lauren. "Cuz, buti okay na kayo ni Lorenz?" namamangha niyang tanong. "Hi, Lorenz," bati naman niya at lumiyad nang kaunti.

Bumaling naman ako sa likuran ko kung nasa'n si Lorenz. Malimit lang siyang kumaway pabalik.

"Hello," bati niya rin.

"Bakit? Ano'ng meron?" tanong ko kay Lauren.

"May announcement, eh. May nakadikit na sa bulletin."

"Bulletin? Announcement?" nagtataka ko namang tanong muli.

Si Ryker ang sumagot this time. "Oo. Announcement. 'Di ko rin alam kung ano 'yon pero parang event yata." Pagkuwa'y mahinang binatukan nito si Lorenz. "Hoy, Lorenz. Ba't 'di ka man lang nagtsa-chat sa 'min, ha?"

"Punyeta naman, oh. 'Wag ka nga nambabatok," asik naman niya habang ang kaniyang kanang kamay ay nasa batok niya.

"Kaya nga," gatong naman ni Tyson. "Baka mamaya niyan e may something na kayo ni Destiny, ha?" tunog nanunukso niyang tanong.

"Hoy, hindi!" depensa ko agad.

"Gago lang?" Gayundin si Lorenz.

Nagkatinginan lang kami ni Lorenz. Bago pa mahuli ay nagsalita na ako. "Ew lang, 'no. Yuck."

"Wow. Nanggagan'yan ka na?" hamon niya. "Ikaw kaya ang yuck dito."

"Ikaw kaya."

"Luh? Ikaw kaya, 'no."

"Ikaw," pagmamatigas ko.

"Tama na nga 'yan," awat naman ni Lauren. "Sumama na kayo sa 'kin. 'Yun, oh!" Itinuro niya ang mga nagkukulumpungang mga tao sa malaking tarpaulin na nakakabit na sa bulletin.

"Tara na nga," ani Ryker.

Wala na kaming ibang ginawa kundi kaming lima ay nagsitakbuhan papunta ro'n.

"Yuck si Destiny!" buska ni Lorenz.

"Kaysa naman sa foreigner na hilaw!" ganti ko naman.

Tanging tawanan lamang naming lima ang namayani hanggang makarating kami ro'n.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top