Chapter 19: Rendezvous Beneath The Night

DESTINY

Mag-iisang oras na yata akongnakahiga habang katabi si Lorenz. Ngawit na ngawit na ko sa posisyon at puwesto ko subalit pinipigilan ko lang ang aking sariling 'wag gumalaw para 'di maistorbo ang pagtulog niya. Sa ngayon naman siguro ay tulog na siya gayong naririnig ko ang mahihina niyang mga hilik.

Inangat ko nang kaunti ang ulo ko at sinilip siya saka nakumpirmang tulog  na siya. Dahil dito ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at dahan-dahang tinanggal ang mabigat niyang brasong nakayakap sa 'king tiyan. Mabuti naman at hindi siya nagising.

Nang maging malaya na ang katawan ko para kumilos ay paupo akong bumangon sabay balik ng tingin ng sulyap kay Foreigner guy. Pagkuwa'y bumaba naman ang tingin ko sa bimpong nalaglag sa noo niya kaya naman kinuha ko ito at sinalat si Lorenz. Sa ngayon ay nabawas-bawasan naman na ang init niya't nahimasmasan na kahit pa'y walang laman ang kaniyang tiyan o gamot na ininom man lang.

Tumungo na ako sa maliit na palanggana at binanlawan ang bimpo nang maminsanan. Pagkabanlaw ay tinupi ko na ito at ibinaliik sa noo ni Lorenz. Bago ko naisipang umalis ay tahimik kong nilinis ang kuwarto niyang makalat at marumi. Pagkatapos ng gawain ay nag-iwan ako ng sulat sa tabi ng kaniyang lamesa na namaalam na akong umuwi saka tuluyan nang umuwi at iwan siyang mahimbing na natutulog do'n.

***

"B'wisit," inis kong sabi kasabay ng pagbato ng hawak kong lapis sa sahig. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa pagkabanas. Wala kasing pumapasok sa isipan ko kung ano ang dapat na i-drawing. Kanina pa ako nakatulala sa canvas ko pero hanggang ngayon ay blangko pa rin ito. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing ilalapat ko ang lapis e bigla na lang nawawala 'yung naiisip ko. Geez. Art block is real.

Dahil dito ay tumayo ako at dumungaw sa bintana sa labas mula rito sa attic. Madilim na kalangitan ang natanaw ko. It's already night. Apat na ang oras na nakakalipas nang iwan ko si Lorenz sa kaniyang dorm. I wonder what's he's doing. Sana naman ayos lang siya.

Dumapo naman ang atensyon ko sa bandang gilid ng aking kuwarto. 'Yung painting na ginawa ko kamakailan lang ang bumungad sa 'king mga mata. Lumapit ako rito para kunin ito at pinagmasdan ito nang maigi.

Tuyo na siya nang idikit ko ang mga daliri ko rito. Maganda ang texture niya at napangiti na lang ako bigla sa satisfaction na maganda ng kinalabasan ng pininta ko. Pirma ko na lang sa baba ang kulang kaso tinatamad pa ako at wala pa ako sa mood. Next time na lang siguro.

Ibinalik ko na ito sa lamesa at pumunta sa switch-an ng ilaw para patayin ito saka tumuloy papunta sa kuwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad sa 'kin ang phone kong nakapatong sa 'king kama. Dala ng pagkapagod at pagkabagot ay pabagsak akong humiga nang nakalapad ang mga kamay rito. Ilang saglit ako sa gano'ng posisyon nang umayos ako ng aking pagkakahiga para abutin ang naipit kong phone sa 'king tiyan. Nakatihaya ako ngayon para kumportabe ang katawan ko.

Binuksan ko ang phone ko para tingnan kung may updates o m-in-essage si Prof Hereo pero wala naman akong nakita. No'ng makalawa pa 'yung last chat niya't nagmukhang mga pogs ang seen icon sa GC. Ngayon nga lang ay gusto kong ka-video call si Lauren kaso three hours ago pa ang last active ng kaniyang status kaya naman binitawan ko muna ang phone ko't inabot ang kumot ko sa 'king paanan. Iyon nga lang ay 'di ko inaasahan na biglang magri-ring ang phone ko kung kaya dali-dali ko itong kinuha at tiningnan. Gano'n na lang manlaki ang mga mata ko sa nakita.

Lorenz is calling...

Geez. Akala ko may sakit 'tong lalaking 'to? Dapat natutulog 'to ngayon, ah?

Nagtataka akong sinagot ito. "Lorenz, ano'ng oras na? You shou—" Pinutol niya kaagad ako sa kalagitnaan ng pagsasalita.

"I'm already fine," aniya. Sa tono pa lang ng boses siya ay hindi na halatang may sakit siya 'di tulad kanina. "I'm okay na. Nabasa ko pala 'yung sulat mo sa lamesa. Kumain ako, ha? Ininit ko 'yung noodles na pinapakain mo sa 'kin kanina. Uminom na rin ako ng gamot ko," mahaba niyang litanya bagay naman na aking ikinatuwi.

"Buti naman," wika ko.

"Anyway, free ka ba?" tanong niya

"Para sa'n?" balik kong tanong sa kaniya.

"Basta. Free ka ba ngayon?" pag-uulit naman niya.

"Tsk." Napairap ako sa kawalan. "Free naman ako pero 'di ngayon kasi may pasok pa tayo bukas."

"There's no casses tomorrow. May meeting ang mga teachers. Nag-post sila two hours ago. 'Di mo ba nakita?"

"Ha? Totoo? Walang pasok bukas?" Hindi ko na naiwasang tumaas ang tono ng boses ko.

"Punyeta. Don't yell," suway niya. "Oo nga. Wala ngang pasok. O ano? So you're free na?"

"Oo na. Free na ako. Ano ba 'yon?"

"Tumingin ka sa labas," aniya.

"Ha? Ayoko," tanggi ko.

"Just look outside the damn window," inis niyang pang sambit.

"Oo na." Napabuntonghininga na lamang ako't tumayo par dumiretso papunta sa tapat ng bintana. Nang hawiin ko ang kurtina ay gano'n na lang ako mapaigtad at magulat sa nakita.

"Hey," rinig kong sabi niya sa kabilang linya.

Hindi na lang ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Si Lorenz, 'ayun sa baba, nakasandal nang bahagya sa kaniyang motor habang hawak ang phone niya't nakatapat ito sa kaniyang tenga. Nakangiti siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.

"Hey, bumaba ka na kaya?" Sumenyas pa siya na bumaba na ako.

"Geez ka, Lorenz. Gabi na. Ano ba kasing ginagawa mo r'yan?" tanong ko.

"Just go down here, Destiny," huli niyang litanya at nakita kong pinatay na niya ang linya ng tawag saka siilid ang phone sa bulsa niya.

Sisigawan ko pa sana si Lorenz sa baba pero buti na lang at nakapagpigil ako. Isiniksik ko na rin sa bulsa ko ang aking phone at lumabas ng kuwarto. Nauna naman nang natulog sila Kuya pati sila Mom kaya kampante akong sina Yaya Cha at Pia na lang ang mga nasa baba. Hindi nga ako nagkamali nang makababa ako.

"Destiny, gabi na, ah? Sa'n ka pa pupunta?" tanong ni Yaya Cha.

"May iche-check lang po ako sa labas. Saglit lang po. Don't worry," tugon ko. Inangat ko pa ang aking kamay, senyales na hayaan lang nila ako. "Saglit lang po ako. Matutulog na rin po ako pagkatapos nito." Sinada ko pang palambingin ang boses ko.

"Sige, sige. Balik ka kaagad."

Tumano na lang ako't 'di na nagpaligoy-ligoy pa saka nagmadaling lumabas ng bahay hanggang sa gate kung saan nakita ko ang kasalukuyang naghihintay na si Lorenz. Napako kaagad ako sa 'king kinatatayuan nang makalabas papalapit sa kaniya at mapagtantong nakasuot siya ng kaniyang working uniform sa pinagtatrabauhan niya sa ice cream parlor sa liko ng UOL.

"Lorenz," impit kong pagtitimpi sa kaniya. Pagkuwa'y kumuyom ang dalawa kong mga kamay sa 'king likod. "May sakit ka, 'di ba? Bakit ka pa papasok sa trabaho mo? Geez. Paano na lang kung mabinat ka? Ang kulit mo," asik ko sa kaniya.

Tanging mahihinang tawa lang ang tinugon niya.

"What's funny?"

"Nothing. I'm really fine now. Hours passed after you left, I woke up and I felt a little bit okay. I don't feel sick anymore. I can even take a bath. Of course, all thanks to you. I'm really okay as punyeta," ngisi niya pa at ngumuso na para bang gusto talaga akong inisin.

Napangiwi naman ako sa p-word niyang sinabi. "E what's the purpose why you're here? Gabi na kaya," bugnot kong saad.

"Come with me."

"Ba't naman ako sasama sa 'yo? Saka hindi na p'wede. Lagot ako sa mga yaya ko."

"May yaya ka pala?" namamangha naman niyang tanong na parang isang bata.

"Oo naman. Ano naman ngayon?" sarkastiko ngunit pabiro ko namang tanong.

"Wala naman. Tara na nga kasi." Sa isang iglap ay basta-basta niyang hinila ang kamay ko ngunit mabilis akong kumawala.

"Ayoko, Lorenz. Gabi na. Saka sa'n ba tayo pupunta?"

"Malamang, do'n sa pinagtatrabauhan ko. Sumama ka na kasi," pagpupumilit niya. Sinubukan niyang angkin muli ang kamay ko pero gano'n din ang ginawa ko no'ng nauna. "Ayaw mo?" Halata sa boses niya ang pagkadismaya.

Napaatras ako at umiwas. Wala akong naging imik.

Unti-unting nawala ang kasiglahan ng mukha ni Lorenz. Pumangalumbaba nang bahagya ang ulo niya at dahan-dahang naglakad patungo sa kaniyang motor.

"Fine. Ayos lang. Sige na. Bumalik ka na sa k'warto mo. Tulog ka na rin. Gooodnight," matipid niyang wika.

Sa hindi malamang dahilan ay natutop ako't nakaramdam ng kung anong kirot sa 'king dibdib. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso lalo na nang makita kong sinimulan na niya ang makina ng kaniyang motor. Akmang pipihitin na niya ang manibela nito ay nagsalita na ako.

"Lorenz."

"Oh?"

"Sige. Sasama na 'ko. Basta uuwi rin tayo aagad, ha? 'Di pa ako nakapagpaalam kayla yaya."

Mabilis namang kumurba ang kaniyang labi dahil sa sinabi ko. Napangiti siya. "It's nice to hear that. Tara na. Umangkas ka na. Suotin mona rin 'to," aniya at inabot ang dala-dalang helmet.

Kinuha ko naman ito at nag-aalangang sinabing, "E teka lang. Kukunin ko lang 'yung wallet ko sa ta—"

"No ned. Just hop here," putol niya sa dapat kong sabihin.

"Eh?"

"Ako na'ng bahala," panatag niya sa 'kin.

"Sure ka?" paniniguro ko naman.

"Punyeta naman. Papatagalin pa ba natin 'to?

"Oo na." Sinuot ko na ang helmet at umangkas na sa motor niya.

"Now, hug me tight," utos niya.

Napaismid naman ako. "Ayoko nga."

"Just kidding. Kumapit ka na lang nang maigi. Bobo ka pa naman," natatawa niya pang sambit bago niya paandarin ang kaniyang motor papaalis.

***

"Dito na tayo?" nakataas ang dalawang mga kilay kong tanong kay Lorenz habang nakatutok ang atensyon sa ice cream parlor. "Ano'ng gagawin natin dito?"

"Malamang, nandito na tayo," simpe niyang sagot. "Kakain tayo rito. Libre na kita ng ice cream mo. Tara."

Nagpatiuna na ako sa paglalakad habang nasa likod ko naman si Lorenz nang pumasok kami sa loob. Si Ava  na siyang cashier at si Evan ang tanging nando'n pagpasok namin. Kilala ko na rin sila at naging ka-close nang kaunti gayong suki na kami ni Lauren dito .

"Hey, Destiny. Magandang gabi," bati ni Ava.

Nakangiti naman akong tumango pati kay Evan. "Good evening din." Siyempre ay 'di ko pa rin maiwasang makaramdam ng hiya kaya naman napayuko at napahalukipkip ako sa tabi ni Lorenz.

"Mamaya pa shift ko kaya bigyan n'yo muna kami ng tig-isang bowl ng cookies and cream flavor ng ice cream," kaswal niyang sabi sa dalawa bagay na kanila namang ginawa. "Babayaran ko na lang mamaya." Pagkasabi'y humarap naman siya sa 'kin. "Sumunod ka sa 'kin."

Tumango lamang ako't sumunod sa kaniya hanggang sa pareho kaming maupo sa bakanteng puwesto. Pagkaupo naman naming dalawa ay pabirong nagsalita si Evan.

"Naks naman. Nanliligaw si Lorenz, oh. Binata na ang putotoy," natatawa niyang pang-aasar kay Lorenz kaya maging si Ava ay natawa rin.

"Punyeta. Hindi, 'no," giit naman ni Lorenz.

"Asus." This time, si Ava naman ang nagsalita.

"Manahimik kayo," ganti ni Lorenz.

"Lorenz," tawag ko naman sa kaniya pagkuwan. "Libre mo 'to, 'di ba?" medyo kabado ko pang tanong gayong wala akong dalang pera.

"Oo," tipid niyang sagot.

"Sige. Sabi mo, eh." Nakahinga naman ako nang maluwag sa pagkumpirma niya.

Minuto ang lumipas at lumabas na rin si Evan dala-dala ang isang tray. Nakapatong dito ang idalawang bowl ng ice cream na in-order ni Lorenz. Mabilis kong naramdaman ang paglalaway ko sa loonb ng aking bibig kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi magpigil ng sarili.

"Enjoy your date," malokong sabi nito bago inilapag ang mga ice cream.

"'Di 'to date, 'no," untag ko agad.

"Wala. Sabi ko lang enjoy your food."

"Hindi naman 'yan una mong sinabi, eh," giit ko pa.

Tawa lang ang itinugon niya saka bumalik na siya sa loob.

Ngayon ay nasa harapan ko na ang bowl ng ice cream ay hindi na ako nakipag-plastic-an pa'tt agad nang kumuha nito saka sinimulan nang kainin. Kami lang naman ni Lorenz ang customers ngayon kaya okay na 'to. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain. Iyon nga lang ay gano'n na lang ako mapahinto nang marinig ang tunog ng pagkuha ng picture sa 'kin ni Lorenz.

"'Wag mo nga akong kunan ng picture," naiirita kong saad sa kaniya at banayad na umirap.

"Memories lang, eh. Anyway, how is it? Does it taste good?"

"Hmm, hmm," tango ko sa kadahilanang 'di ko maibuka ang bibig ko gawa ng kasalukuyang nginunguyang ice cream. Dama kong sa bawat pagsubo sa kutsara ay sinisilip ako ni Lorenz bagay na siyang nagpapailang sa 'kin ngunit winakli ko na lang ito. Though gusto ko siyang kausapin habang kumakain, 'di ko naman alam kung ano ang ita-topic.

Ilang saglit kaming tahimik na kumakain hanggang sa magtanong si Lorenz. "Destiny, may first real kiss ka na?" bigla niyang tanong nang 'di ko inaasahan.

Natutop naman ako. Natigil ako sa pgnguya't umangat ang tingin sa kaniya. "Hindi pa," iling ko. "But I really don't think about it. 'Di ko muna siya iniisip. Kung magkakaro'n man ako ng boyfriend, sana siya at first kiss niya rin ako. Pero mas mainam e 'yung first kiss ko, mula sa taong mahal ko," mahaba kong litanya at muling lumantak ng ice cream.

"Oh... I see." He paused for a while. "Good to know."

Namalayan ko na lang na ubos na pala ang ice cream sa bowl ko. Umayos ako ng upo at nakaramdam na rin ng pagkabigat sa tiyan maging ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kaya napahikap na ako.

"Are you sleepy na?"

Inaantok akong tumango. "Oo."

"Gusto mo na bang umuwi?"

"Okay lang ba? Inaantok na rin ako, eh."

"Oo naman. Okay na sa 'kin 'yon tutal e na-treat naman kita. Did you enjoy naman ba?"

"Oo, s'yempr," simple kong sagot at bahagyang ngumiti habang kinukusot ang mapupuwing kong mga mata.

"That's good. Tara na. I'll take you home."

***

"Dito na lang ako, Lorenz. Baka mahuli pa ako," wika ko saka tinapik ang balikat niya.

Ihininto niya ang kaniyang motor sa gilid ng bahay namin nang ituro ko kung saan siya dapat huminto. Bumaba na ako kinalaunan. Hinubad ko na rin ang suot kong helmet at inabot ito sa kaniya.

"Lorenz, gabi na rin. Ano'ng oras ka uuwi?"

"After ng shift ko. Schedule lang ako para malinis do'n pagbalik ko ta's uuwi na rin ako pagkatapos. Hinatid na lang din kita," aniya.

"Sige," sabi ko na lang. "O siya, pasok na ako, ha? Mag-iingat ka."

Tumallikod na ako para pumasok sa gate ng aming bahay subalit nang hahakbang pa lang ako nang tawagin niya ako.

"Destiny."

"Ano?" labi kong tanong.

"Fist bump?" Inangat niya ang kaniyang nakakuyom na kanang kamay.

"Sure." Tinugunan ko ang kaniyang kamay.

"Before I leave, I just want to thank you for your time spending with me. Goodni—wait. Don't forget to check my message, huh?"

"Oo na. 'Di abot WiFi dito. Goodnight na. Ingat ka," nagmamadali kong sambit.

Sinuot na ni Lorenz ang kaniyang helmet at kinalauna'y umalis na rin. Nang hindi ko na matanaw ang ilaw ng kaniyang motor ay pumasok na ako sa 'ming bahay. Nang mayroon nang nasagap na internet connection ang phone ko ay binuksan ko ito at tiningnan ang mga chats niya. Puro pictures ko kanina ang mga nando'n.

"Nako, Lorenz," iling-iling kong bulong.

Suwerte naman ako nang pumasok ako ng bahay dahil walang katao-tao maging sina Yaya Cha at Pia. Sa gabing 'yon ay para bang may bagay na hindi ko maipaliwanag sa sarili kung bakit magdamag akong nakahiga sa kama. Bahala na nga. Siguro satisfied at nabusog lang ako sa kinain kong ice cream kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top