Chapter 18: Cuddles

DESTINY

Ang init ng katawan ni Lorenz ay bumalot sa 'king katawan nang siya'y yakapin ko. Patuloy pa rin ako sa pagluha sa kaniyang matigas na dibdib at dama ko ang bawat malalim niyang paghinga.

Ilang saglit pa ay ungat ang tingin ko sa kaniya at 'di k inaasahang magtatama ang pareho naming mga mata. Madilim man ay kita ko ang bahagyang paglalapit ng kaniyang kilay. Tumikhim muna siya bago ginalaw ang kaniyang mga kamay para hawakan ang mga braso ko't may puwersang pinapalayo niya ako sa kaniya kasabay ng pag-iwas ng kaniyang paningin dahilan para matutop ako saka agad nang nakaramdam ng hiya sa sarili. Hind na dapat ako magtaka kung masama ang loob niya sa 'kin.

Dumaop ang mga kamay ko't isa-isang naghalukipkip ang mga daliri. Napasinghap na lang muli ako at sinulyapan si Lorenz na ngayo'y nakakapit na sa gilid ng hagdan. Nahihirapan siya.

"Lorenz," tawag ko sa kaniya." Mabilis akong lumapi sa kaniya ngunit hindi ko man nahahawakan ang kaniyang kamay ay hinawi na niya ako.

"'Wag. Punyeta," pabulong niyang asik at dinig ko naman ito.

Mariin akong napalunok at nagpigil ng nagbabadyang luha. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan si Lorenz na humakbang ngunit gano'n na lang ako mapaigtad sa kinatatayuan nang mapadaing siya't mapahawak sa kaniyang sintido.

"Uy!" Sa gulat ko'y kaagad akong kumilos para siya'y alalayan. Wala na akong pake kung ano man ang maging reaksyon niya sa gagawin ko. "'Wag ka nang maarte. Hayaan mo na ako," giit ko pa. Narinig ko na lang ang pag-isding at pagbuntonghinga niya.

Pareho kaming umakyat hanggang sa maidala ko siya sa tapat ng kaniyang kuwarto. Ako na ang nagbukas ng pinto. Gano'n na lang ako magulantang nang bumungad sa 'king harapan ang marumi at makalat na kuwarto ni Lorenz.

"Geez."

Napailing na lang ako sa sarili at 'di na nagtagal ay pinasok ko na sa loob si Loren saka pinahiga sa kama. Paglapat pa lang ng katawan niya sa tela nito ay patagilid na siyang humiga.

"Stay there. Kukuha lang ako ng bimpo," sabi ko. Nang bumalik ang atensyon ko sa marumi at makalat niyang kapaligiran ay napabuga na lamang ako ng hangin. Bumaba na ako dala-dala ang bimpong kinuha ko mula sa drawer ni Lorenz.

Tumungo ako sa kusina para kumuha ng palanggana at lagyan ito ng tamang dami ng tubig. Dito ko binabad ang bimpo. Bago ako umakyat sa taas ay naghanap din ako ng kaniyang puwedeng kainin na mainit at may sabaw. Mabuti na lang at marami siyang stock ng cup noodles dito kaya naman nagpakulo na rin ako ng tubig. Habang 'di pa ito kumukulo ay umakyat na muli ako dala-dala ang palangga.

Pagpasok ko muli a kuwarto niya ay ibinaba ko ang mga ito sa katabing lamesa. Pagkuwa'y piniga ko ang bimpo at nang masigurong okay na ay bumalik na ako sa kaniya. "Lorenz." Tinapik ko ang balikat niya ngunt 'di siya tumugon. "Lorenz," pag-uulit ko pero wala pa rin. Dahil do'n ay napilitan na akong ihiga siya nang nakaharap sa kisame.

Sa mukha niya ako kaagad tumingin. Maya-maya pa'y lumingon siya sa 'kin. Siyempre, makakaramdam ako ulit ng hiya kaya naman napaiwas ako agad.

"Destiny..." tawag niya sa pangalan ko.

"Oh?" kaswal kong tugon. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at nilapat na sa mukha niya ang basang bimpo para siyay mahimasmasan. Gayunpaman ay hindi ako tumitingin sa mata niya nang direkta. "Punasan na kita. Ang baho mo na. Ang asim din," natatawa ko pang sambit.

Pagkatapos kong punasan ang kaniyang mukha ay binanlawan ko muli ang bimpo saka sinunod ang kaniyang magkabilang braso. 'Yon nga lang ay kinakabahan ako sa susunod kong sasabihin.

"Lorenz, kaya mo bang magpalit ng pang-taas mo?" nakangiwi kong tanong dala ng hiya. Gayunpaman ay tinanguan naman niya ako't pinilit niyang umupo.

Itinaas niya ang kaniyang damit at tuluyang naghubad. Bago ko pa man makita ang kaniyang katawan ay tumayo na ako para pasimpleng ibsan ang pagkailang sa pagitan namin.

"Kumain ka na. Kailangan mong magpalakas," nakatalikod kong wika sa kaniya. Bumaba na ako para asikasuhin ang pinapakulo kong tubig.

***

"Lorenz, ibuka mo 'yang bibig mo," utos ko habang nasa kamay ang kutsara na naglalaman ng mainit na sabaw ng cup noodles.

"Ayoko. Wala akong gana," bugnot niyang pag-iling.

Binaba ko ang kutsara kong hawak pabalik sa mangkok. "Ano ba, Lorenz? Hindi p'wede. 'Wag ka nang makulit," sabi ko pa. Hinalo ko nang maminsanan ang noodles at inilapit sa bibig niiya ang kutsarang naglalaman ng mainit na sabaw subalit ayaw niya pa rin. "Paano ka iinom ng gamot niyan kung walang laman ang t'yan mo, ha?"

"Basta ayoko," pagpupumilit niya.

"Anoo ba, Lorenz? Kung pino-point out mo 'yung pag-iwan ko sa 'yo no'ng makalawa, e'di sorry. Sorry na nga, eh. Kumain ka na," giit ko pa.

"Ayoko nga. Punyeta naman, eh," asding niya sabay talukbong sa kaniyang makapal na kumot. "I don't need to eat. Ayos naman na ang pakiramdam ko. Ikaw 'yung kailangan ko noon pero iniwan mo 'ko," dugtong niya pa sanhi para manlaki at matutop ako.

Tama ba ang narinig ko? Geez.

"Shut up. Ano ba kasing pumasok sa isipan mo't muntik mo na ako mahalikan, ha? Guto mo pang makapuntos sa 'kin, eh."

Hindi siya kumibo. Naging matagal bago siya muling magsalita. "I'm sorry. 'Di ko sinasadya."

Kumurba naman nang kaunti ang labi ko dahil sa sinabi niya. Bumuntonghininga ako. "Ayos lang. Hayaan mo na lang 'yon," ani ko. "Ano bang ginawa mo no'ng iniwan kita?" tanong ko pa.

"I kept thinking about you starting that night. I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya," litanya niya't tinanggal na ang pagkakatalukbong ng kumot sa kaniyang sarili. "Hindi rin ako pumasok saka kanina kasi sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Pasens'ya na kung magulo 'yung k'warto ko. 'Di ko rin alam bait ako nilgnat. Sorry din kung gano'n ako atakihin ng sakit. Gano'n kasi ako, eh," mahaba niya pang paliwanag. "Lilinisin ko na lang kap—"

"No need. 'Di na kailangan," pagputol ko sa dapat niyang sabihin. Bagaman hindi na ako natutuliro ay may kung ano pa ring kumikirot s dibdib ko. Napakamot tuloy ako sa 'king ulo at bahagyang napayuko. "Sorry kung iniwan kita. Nabigla lang talaga ako n'on. Alam kong masama loob mo sa 'kin. I'm really sorry talaga. Huli ko nang nalalaman na ikaw rin pala aang nag-uwi sa 'kin sa bahay no'ng nagpaula at nagkasakit ako. I'm sorry talaga," paumanhin ko. "Ang unfair ko lang kasi. Pero hayaan mo na kasi nandito naman na ako. Mukhang ayos-ayos na rin naman na ang pakiramdam mo. Okay ka na ba?"

Tumango naman siya nang malimit. "Konti."

"Bakit ba kasi ayaw mong kumain para makainom ka na ng gamot para um-okay ka na?"

"Ayoko nga kasi."

Napabuntonghininga na lang ako. "Sige, sabi mo, eh," usal ko na lang. Inilibot ko ang paningin ko sa kuwarto niya bago bumaling sa labas ng balkonahe. "If you feel well na, p'wede ka na sigurong pumasok. Kahapon ka pa hinahanap nina Tyson at Ryker. Hindi ka raw kasi nagre-reply sa chats nila sa 'yo."

"Walang battery ang phonr ko. Tinatamad akong i-charge kasi nasa baba 'yung charger ko," bugnot niyang sambit.

Lumipas ang ilang sandali ay binalot kami ng katahimikan. Walang nagnais na magsalita ang isa sa 'min habang kapuwa kami nakatulala sa kawalan.

Maya-maya lang ay binanggit niya ang pangalan ko. "Destiny."

"Oh?" tugon ko naman pagharap ko nang nakataas ang parehong mga kilay.

"I'm feeling sleepy. P'wede ba akong matulog?" kaswal niyang tanong.

"Go ka lang. Matulog ka na. Ako na lang maglinis ng mga kalat mo rito. Uuwi na rin ako pagkatapos, ha? Right after."

"No," tanggi niya agad.

"Bak—" Hindi pa man ako natatapos magsalita ay hinila na niya ang braso ko para maphiga ako't tumabi sa kaniya. Patagilid akong nahiga at gayundin si Lorenz sa likod ko. Dama ko ng init ng kaniyang hininga sa bandang batok ko na bagay na siyang napapakiliti sa 'ki nang bahagya. "Lorenz, b-b—"

"Shh... I'm sleepy. I want to both of us sleep in this position for a while if it's okay." He sighed. "Gan'to muna tayo. 'Wag mo muna akong iwan. Mami-miss kita, eh," parang bata pa niyang pagmamaktol.

Do I heard him right? Geez. My cheeks are starting to warm again. Even though Lorenz can't see my face, I'm worried if I'm turning red. I don't know why he's acting like this. Shit. What's more confusing is that I'm not breaking myself free and I'm still letting him to hug me. Oh my God, my heart is beating faster.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top