Chapter 15: Unfair Judgement

DESTINY

Papikit-pikit pa ang mga mata ko nang magising ako. Unang bumungad sa 'kin ang madilim na paligid ng sala at ang tanging maaaninag lang ang siwang ng bintana kung saan may maliit na liwanag.

Ipinilig ko ang aking ulo subalit biglang natutop ako nang maramdamang kanina pa ako nakakanlong kay Foreigner guy. Sa gulat at hiya ay dagli akong napaatras. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko dulot ng ilang sa pagitan namin. Sumulok ako sa dulong gilid ng couch habang nakatiklop ang mga tuhod kong pinagmasdan si Lorenz na kasalukuyang natutulog. Huli ko nang napagtantong muntik nang rumatay ang katawan niya sa couch. Mabuti na lang at nanatili lang ang katawan niyang diretsong nakaupo. Dahan-dahan kong ibinaba sa malamig na sahig ang mga paa ko nang marinig ang mahihina niyang himig.

"Hmm..."

Hindi ko na alintana na basta na lang siyang nahiga sa couch nang direkta sa anggulo ko. Gustuhin ko mang tumayo subalit hindi ko magawa. Nakapatong na sa hita ko ang ulo ni Lorenz kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang pumirmi sa pagkakaupo at tumulala sa kawalan.

Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko at sinulyapan si Lorenz na ngayo'y mahimbing na natutulog. Nakatagilid ang kaniyang katawan kung saan nakaharap ang pagkaupo ko. Magkadaop ang kaniyang dalawang mga kamay na nakaipit sa pagitan ng kaniyang mga hita. Umakyat ang tingin ko papunta sa kaniyang guwapong mukha. Tulog na tulog siya. Natatakpan ng makapal at malambot niyang kilay ang wangis. Bahagyang nakaawang pa ang kaniyang bibig. Dama ko ang bawat malali niyang paghinga.

Bumuuntonghininga ako Sa hindi malamang dahilan ay kusang gumalaw ang kamay ko. Unti-unting gumalaw ang kamay ko hanggang sa lumapat ito sa kaniyang pisngi dahilan para magulat ako.

"Geez. Ba't ang init mo?" tanong ko sa gulat.

Kung sa kanina ay malimit lang ang pagdampi ko, ngayon ay idiin ko na. Magmula sa pisngi, noo, at leeg ay kinapa ko na. Ang init niya. Nilalagnat si Lorenz. Geez. Kaya pala kanina ay hindi siya masyadong nagsasalita o nagkikikilos man lang. Gayunpaman ay nag-aalala na ako dahil 'di ko alam kung paano at ano'ng mga gagawin ko.

"Hmm..." daing ni Lorenz. Pilit siyang nag-iinat para ibsan ang masamang pakiramdam.

Geez. Hindi ko abot 'yung electric fan. Ano'ng gagawin ko?

Muling napunta kay Foreigner guy na ngayo'y bahagya nang nanginginig ang mga braso. Napangiwi ako kasabay ng paglingon ko sa kanang bahagi't umatras at napunta sa hagdan pataas sa kaniyang kuwarto ang atensyon ko. Muli kong tiningnan si Lorenz.

Paano ko siya maiaakyat sa taas gayong inaapoy siya ng lagnat? Tulog pa 'tong isang 'to. Hindi ko naman siya puwedeng buhatin. Aish. Bahala na. Gigisingin ko na lang 'to.

"Lorenz," bigkas ko sa kaniyang pangalan at tinapik ang pisngi niya. "Uy, Lorenz, gising," pag-uulit ko ngunit wala pa rin itong imik. "Lorenz." Tumaas nang bahagya ang boses ko maging ang pagtapik sa kaniya. Sa ngayon ay ginalaw na niya ang ulo niya na tila ba ayaw niyang magpaistorbo. "Lorenz, gumising ka." Pero wala.

Wala na ibang choice. Suminghap ako ng hangin at gamit ang dalawa kong mga kamay ay iniangat ko ang ulo ni Lorenz. Medyo may kabigatan kaya nahirapan din ako nang paupuin ko siya. Hanggang ngayong nakaupo na kami ay tulog pa rin si Foreigner guy. Natataranta na ako sa totoo lang kung paano siya papaakyatin sa taas. Dahil dito ay napagpasiyahan ko na lang na tumabi sa kaniya at kinuha ang mabigat niyang braso saka inangkla ito sa 'king balikat. Ang weird naman ng mga foreigner kapag nilagnat. Ang hirap. Geez.

"Shit..."

Nag-ipon muna ako ng buweo at gamit ang buong lakas ay pinilit kong itinayo si Lorenz. Mabuti na lang at sa mga oras na 'to ay nahimasmasan na siya kahit kaunti. Nakamult na rin ang kaniyang mga mata. Pagkuwa'y nagsalita ako.

"Lorenz, you're sick. Umayos ka. Aakyat tayo sa k'warto mo," pigil-hiningang sambit ko't wala naman siyang tinugon dito.

Nagsimula na kaming naglakad. Mabigat ang bawat mga hakbang namin ni Lorenz dala ng pag-iingat upang hindi kami parehong matumba. Hawak ko ang kaniyang braso at katawan para gabayan siya sa paglalakad. Nang makalapit na sa hagdan ay mas dumoble pa ang pag-aalalay ko. Bawat hakban na kaniyang gagawin ay sinisiguro kong maingat ito. Ilang saglit pa ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa taas ng kuwarto niya.

Pagod na ako dahil kay Lorenz kung kaya nagmamadali na rin ako. Dumukwang ako habang nakahawak pa rin sa kaniya para buksan ang pinto. Nang mabuksan ito ay kaagad ko siyang ipinasok sa loob. Kagaya ng sa sala ay patay rin ang ilaw ng kaniyang kuwarto kaya naman inabot ko ito para i-switch. Nagkaroon na ng ilaw maging ang labas ng kaniyang balcony.

"Hmm... Hmm..." daing pa ni Lorenz.

"Geez, wait lang."

Para matapos na ay isang bugso kong inakbay si Lorenz sa kama niya. Akmang luluwagan ko na ang pagkapit sa kaniya para bitawan siya pahiga ay bigla na lamang niya akong nahagip sa leeg ko sanhi upang pareho kaming mahiga. Nakahilata si Lorenz at malayang nakatiwangwang ang kaniyang mga paa't kamay niya. 'Yun nga lang, heto ako, nakapatong ang ulo ko sa matigas niyang braso.

Pasimple akong tumayo kaagad dala ng pagkailang at baka magising ko pa siya. Umupo ako't napalingon sa mukha niya. Hinawi ko ang magulo niyang bugok at inayos ito. Ang himbing niya pa ring natutulog.

Bakit kaya siya nagkasakit gayong ang ayos-ayos naman ng pakiramdam niya kanina?

"Gagi ka naman kasi. Ba't ka ba nilagnat?" nag-aalala kong tanong sa pabulong na paraan. Kailangan kong makahanap ng gamot. For sure naman ay mayro'n siya rito sa kuwarto niya.

Tumayo ako at nagsimulang maghanap ng gamot sa kuwarto niya. Palingat-lingat ang tingin ko hanggang sa tumungo ako sa kaniyang closet. Doon ay sinimulan ko nang maghanap. Binuksan ko ngunit sandamakmak na mga damit lang ang nando'n. Bumaba ang tingin ko sa maliit niyang drawer kaya naman sinilip ko na rin 'yon ngunit gano'n na lang ako mapaupo sa sahig nang may makitang picture frame na nakataob. Dala ng pagtataka ay nawala  sa isipan ko si Lorenz at kinuha ito.

"Picture frame..." wika ko nang mahina. Bukod do'n ay may nabasa pa akong, "ILY" sa babang parte nito.

Tumagilid ako at hinarap sa 'kin ito.. Mukha agad ni Foreigner guy ang nakita kong nakangiti habang may nakahalik sa kaniyang... isang babae. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras nang kaunti dahil sa pagkabigla. Bata-bata pa si Lorenz at base sa 'kin ay ilang taon na rin siguro angnakalipas. Marahil ex-girlfriend niya ito or what. I'm just wondering kung sila pa ba or nasaan na 'tong babae sa larawan. Though I was questioning, hindi ako dapat mangielam pa sa buhay ni Foreigner guy.

Sa mga oras na 'to ay wala na kay Lorenz nakatutok ang atensyon ko kundi sa babae niyang kasama sa larawan. Hindi ko rin gaanong makita ang mukha ng babae dahil ang kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng kaniyang mahabang buhok.

Binaligtad ko ito sa muling pagkakataon nang huli nang mapansing may nakaipit ditong maliit na sticky note. Akmang bubuklatin ko na ito para basahin nang marinig ang boses ni Lorenz kaya naman dali-dali kong binalik ito sa drawer at nilapitan siya.

Geez. I almost forgot that I need to find him medicines. Shit.

"F-Frio..." bigkas niya.

Wala akong maintindihan. "Ha? Ano'ng sinasabi mo?" Ipinilig ko pa ang tenga ko sa kaniya at do'n ay hindi na siya kumibo. Ang tanging tugon niya lang ay maiinit at mabibigat na paghinga.

"C-Cold. It's cold," nanghihina niyang sabi.

Do'n ko pa lang siya naintindihan ang nais niyang sabihin kung kaya agad kong hinatak mula sa paanan niya ang makapal niyang kumot at tinapal ito sa buo niyang katawan. Bahagya namang naibsan ang kaniyang pagkalamig at tumigil na rin siya sa panginginig.

Napaupo ako pagkatapos n'on at kumanlong sa gilid ng kama niya. "D'yan ka lang. Baka nasa baba 'yung gam---" Hindi pa man ako natatapos magsalita nang may banggitin siyang pangalan.

"K-Kendra... Kendra..." halos hangin niyang sambit at wala akong maintindihan kung kaya lumapit pa akong muli.

"Lorenz, ano 'yun?" tanong ko ngunit walang tugon akong natanggap. Lumiyad pa ako at laking gult ko nang malimit na bumuka ang mga mata niya dahilan para maging blangko ang mukha ko. "Lorenz, wait lang. Kukuha lang ak—"

"K-Kendra..." wika niya't huli ko nang napagtantong dumampi na sa pisngi ko ang kaniyang palad. "K-Kendra... don't leave m-me..."

Gano'n n lang ako balutin ng panlalamig at kaba. "Lorenz, ahm... Hindi ako si Kendra," sambit ko at inalis ang pagkamay niya sa 'king pisngi.

"K-Kendra... I'm sorry..."

Pilit at alanganin akong napangiwi. "Lorenz, ano ba'ng sinasabi mo? 'Di nga ako si Kendra. Sino ba 'yon?

"K-Kendra... please..."

Buong akala ko ay titigl na siya pero hindi. Ang mas nakakagulat pa ay inambahan niya ako ng yakap papalapit sa mukha niya at marahil para mahalikan ako base sa postura ng mga labi niya. Sa pagkatuliro ko sa pag-iisip ay iniwas ko ang sarili ko sa kaniya gamit ang kamay ko.

"Kendra, please comeack..."

"Uy, Lorenz, 'di nga ako si Kendra. Ako 'to, si Destiny."

"Kendra..." huli niyang wika bago tuluyang pumikit ulit.

Sa hindi malamang dahilan ay may kung anong puwersa sa 'kin para mapatayo. Nang magkaro'n na ng distansya sa pagitan namin ni Foreigner guy ay kasabay n'on ang kaniyang pagtagilid nang pagkakahiga, patalikod sa 'kin.

"Hmm..."

Natagpuan ko na lang ang aking sariling humahakbang papaatras hanggang sa dumikit ang palad ko sa pinto. Napalunok ako't nagmadaling bumaba. Sinuot ko na ang sapatos konat isinukbit ang aking bag. Sunod na lang na nangyari ay wala akong kaide-ideya dahil wala rin ako sa sariling lumabas ng dorm at iwan ang nilalagnat na si Foreigner guy. I don't know what's going on.

Shit.

I admit that I felt a bit hurt for what he mentioned knowing I was the one who's with him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top