Chapter 14: Moment
DESTINY
"Foreigner guy! Hoy!" habol-hininga kong tawag sa kaniya. Pagkuwa'y tumigil ako't napayuko kasabay ng paghawak sa mga tuhod habang humihinga nang malalim. Ang laki kasi ng hakbang ni Lorenz. Bawat isa ay dalawang hakbang katumbas sa 'kin. Kanina pa ako nagtatanong kung saan kami pupunta pero hindi naman niya ako sinasagot hanggang sa natagpuan ko na lang na nasa parking lot na kami ng UOL kung saan nakaparada ang kaniyang motor.
Huminto lang siya para hugutin ang susi mula sa kaniyang bulsa at buksan ang upuan ng motor. Kinuha niya ang helmet sa loob at sinara na ito. Sunod siyang sumakay pagkatanggal ng stand ng motor at pinihit na ang susi rito para paandarin ang makina. Humarap siya sa 'kin saka iabot ang hawak niyang helmet. "Aqui."
Nakakunot naman ang noo ko itong tinanggap. "Ha? Pinagsasasabi mo?"
Bakit kasi nagsasalita ng kung ano-ano 'tong si Foreigner guy? As if naman na maintindihan ko siya. Ni hindi ko nga alam kung anong nationality at pinagmulan niya, eh. Though I'm still wondering if he's a half race or what dahil nga nakakapag-Tagalog siya nang diretso, pero sa tingin ko isa siyang Latino. Geez.
Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. "Wala. Suotin mo na 'yan," bugnot niyang tugon. "What are you still looking at? Sumakay ka na."
Mariin na lamang akong napalunok at napabuga ng hangin. Wala ako sa sariling lumapit na sa kaniya ngunit pagsampa ko pa lang ay muli na naman siyang nagsalita.
"Don't you dare to hold backwards. Yumakap ka sa 'kin," paalala niya pa.
Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Basta na lang may kiliti akong naramdaman sa 'king dibdib kasabay ng pag-init ng aking mga pisngi. Nakakapagtaka na kung bakit kailangan ko pang yumakap sa kaniya gayong puwede naman na sa likod. 'Di naman ako mahuhulog. Geez.
"Ba't kailangan ko ang pang yumakap sa 'yo?" tanong ko.
"Punyeta. S'yempre, kapag nahulog ka, kasalanan ko pa," untag naman niya.
"Kaya nga may helmet nga ako, 'di ba?"
"Hindi sapat 'yan. And please lang, stop arrguig with me. Yumakap ka na. Tapos," pagdidiin niya pa.
"Bakit ba gusto mong yumakap ako, ha? Gusto mo lang makaisa, eh," asik ko naman. "Umandar ka na, Lor—" Hindi ko na natapos pa ang dapat kong sabihin nang magsalita na naman siya.
"Uno."
Ba't siya nagbibilang?
"Dos."
Ano na naman 'to?
"Punyeta. Bahala ka." Pagkasabi niya'y basta ko na lang namalayang dinakma niya ang dalawa kong mga kamay para ipalupot ito sa kaniya dahilan para mabilis akong makaramdam ng kabaat panlalamig sa katawan lalo na nang mahawakan ang matigas nitong tiyan na panigurado'y may abs. "Ang dami mo pang sinasabi. 'Wag mong tanggalin 'yang mga braso mo."
Sa mga oras na 'yon ay natikom na lang ako't wala nang nagawa pa. Hinayaan ko na lang na nasa ganoon akong posisyon habang nakadikit ng mukha ko malapit sa kaniyang balikat. Amoy na amoy ang bango ng kaniyang damit.
"Don't ask me again kung saan tayo pupunta dahil bibili tayo ng ice cream." Pagkuwa'y pinaandar na niya ang kaniyang motor nang mabilis dahilan para mapapikit ako't humigpit ang pagkakahawak sa kaniya.
"Dahan-dahan lang!" sigaw ko.
"I told you, hug me tight."
***
Matapos mai-park ang motor ni Foreigner guy ay agad kaming tumungo sa pasilyo papunta sa kaniyang dorm. Nasa harapan ko siya habang nasa likod naman niya ako. Ume-echo sa buong paligid ang yabag ng aming mga yabag sa paligid. Kasalukuyan niyang bitbit ang mga ice cream na nasa tub na nakalagay sa plastic.
Huminto siya sa paglalakad maging ako nang matapat na kami sa pinto ng kaniyang dorm Nilabas niya ang kaniyang susi mula sa bulsa niya. Buong akala ko'y bubuksan na niya ang pinto ngunit iniwan lang nitong nakatarangka ito sa doorknob.
Hinarap niya ako nang nakapamewang siya. "Change the mood, Destiny," inis pa niya. Hindi pa siya nakuntento at pinindot pa ang ilong ko. "What's with the face?"
"Gago lang?" sarastiko kong tanong pabalik.
"Bakit nga kasi?" Natatawa pa siya habang nakangisi.
Umirap lamang ako.
"Aish." Napailing na lang siya saka tuluyang binuksan ang pinto para makapasok na kami. Tatawa-tawa pa siyang nagpaparinig sa 'kin para mas lalo pa akong mainis.
Sumunod naman ako sa kaniya at naabutan ko siyang nilagay ang mga ice cream sa loob ng kaniyang ref saka tumungo siya sa ikalawang palapag ng kaniyang unit.
"Last na talaga 'yon! Hinding-hindi na ako aangkas sa 'yo!" bulyaw ko sa kaniya. Mabuti na lang at nakasara ang pinto dahil kundi ay maririnig pa ng mga tao sa kabilang dorm ang boses ko.
"Punyeta! Ambastos mo!"
"Hoy, Foreigner guy! Ano'ng bastos do'n?"
"Wala! 'Wag ka na nga magalit. Sa 'yo na lang 'yung dalawang tub ng ice cream sa ref. Akin na lang 'yung isa. Magbibihis lang ako," sambit niya.
Is that his way to apoligize? Hmm... Apology accepted.
Kasalukuyan akong nakaupo sa couch habang nililibot ang paningin sa paligid ng sala ng dorm na nirerentahan ni Lorenz. Tahimik at tanging tunog lang ng kakabukas ko lang na bentilador ang naririnig habang hinihintay ko siyang magbihis. Maya-maya lang ay may sumagip sa isipan ko sa isang iglap.
It's been a month already since I went here together with Foreigner guy. Matagal-tagal na rin pala. 'Di ko napansin. I mean, here in this place actually.
Makalipas pa ang ilang sandali ay narinig ko na ang yabag ng mga paa ni Lorenz. Madaling naagaw niya ang atensyon ko at gano'n na lang manlaki ang mga mata ko sa nakita.
Nakasuot siya ng puting sando na fit sa kaniyang katawan. Bakat na bakat ang kaniyang dibdib. Bumungad din sa 'kin ang hulmado niyang mga balikat maging ang malalaki niyang braso. Pati 'yung buhok niya sa kili-kili ay dumadagdag sa kaangasan ni Lorenz. Hindi lang do'n ito natatapos dahil bumaba ang tingin ko sa maganda niyang katawan. I've never seen him in a gym o baka naman nagbo-body workout itong si Foreigner guy rito sa dorm niya.
Wala akong ibang napagpiliang gawin kundi ang lumunok nang mariin. Geez. I wonder kung bakit naha-hot-an ako sa kaniya. Guwapo siya at inaamin ko 'yon. Para siyang artista sa ibang bansa.
"What are you looking at?"
Mabilis akong natulirro nang namalayang masyado na akong nakatitig sa kaniya. Umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha at nagtama ang aming mga mata.
"Ang hot ko, 'no?" prangka niyang tanong sa 'kin dahilan para matikom ako..
"H-Hindi," pag-iling ko kahit totoo naman. Nakakahiya kasi, eh.
"Sus, deny pa more. Your face isn't lying. It says a lot."
"Ano'ng pinagsasasabi mo? Assuming ka," giit ko naman at saka napaiwas ng tingin sa kaniya.
"Tsk," iling-iling niyang bigkas. Pumunta na siya sa kusina saka kumuha ng tigdalawang kutsara at ang dalawang tub ng ice cream. "Anyway, you love watching movies, right?" kaswal naman niyang tanong at tumungo sa 'kin.
"Oo. Pa'no mo naman nalaman?" nagtataka kong tanong pabalik.
"That will be a secret for now." Tumabi siya sa 'kin at inilapa ang mga ito sa lamesa. "Nando'n pa 'yung isa. Mamaya na 'yon. Oh." Inabot na niya sa 'kin ang kutsara saka ang tub ng ice cream. "Kumain ka na, oh."
Hindi ko alam kung ano ang ire-react. Though libre lang naman ito ni Lorenz, nakakahiya nga dahil gustong-gusto ko na ito lantakan.
Sa bandang kaliwa ko kung saan nakabuka ang mga paa at lalaking-lalaking nakaupo si Foreigner guy na ngayo'y sinisimulan nang buksan ang ice cream habang hinihintay na bumukas ang nasa harapan naming TV.
"What genre of movies you like the most?" he casually asked.
Nanatili lang akong nakatulala sa kaniya. 'Di ko maiwasang pagmasdan ang mukha niya. Ang ganda ng kaniyang kayumangging mga mata. Napakaperpekto nito.
"Destiny, uy."
Napaigtad naman ako nang bumalik ako sa 'king wisyo. "Ano ulit?"
"Nothing. Ayokong ulitin." Tinuon na niya ang sarili sa pagpindot ng remote. Namimili siya ng mga movies na available. "Ito. Mukhang maganda. Let's see," aniya. Kinagat pa niya ang ibabang labi niya. "Try natin ito. Mukhang maganda 'to," tukoy niya sa ready-to-play na movie.
"Sige lang," sang-ayon ko na lang.
Pinatay niya ang ilaw at bumalik na para manood. Dahil patay ang ilaw at hindi kita ni Lorenz ang mukha ko ay pasimple akong tumingin sa kaniya. Nang maaninag na titingin siya sa 'kin at mabilis naman akong lumihis ng tingin papunta sa TV. Dahil do'n ay mas nanlamig ako.
Binubuo ng halos dalawa't kalahatin oras ang movie'ng pinapanood namin. Mabilis na lumipas ang oras at pareho kaming hindi ito alintana. Namalayan ko na lang na malapit na pala itong matapos. Ubos na rin ang ice cream ko at huling kutsara ko na ito.
Sa paglingon ko papuntang kanan ay halos magpaigtad ako sa kinauupuan nang mapagtantong halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa. Nakaangkla ang braso ni Foreigner boy sa couch na para bang nakaakbay siya sa 'kin.
Natutop ako sa 'king kinauupuan at unti-unting nilalamon ng pagkailang. Malapit naman nang matapos ang movie. Kaunti na lang.
Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman kong humahapdi na ang mga mata ko. Parang kailangan ko nang ipikit pero ayaw ko dahil matatapos na ang pinapanood namin. Nilalakihan ko na lang ang pagmulat ko ngunit mas humahapdi ito. Dumadagdag pa ang lamig na bumabalot sa 'kin.
Lumipas pa ang mga saglit ay basta ko na lang din naramdamang lumapat ang kamay ni Foreigner guy sa kaliwa kong balikat. Nakaakbay siya ngayon sa 'kin. Nagulat na lang ako nang maglakbay ang kaniyang kamay papunta sa ulo ko. Kakaibang kiliti na may halong kuryente ang naging epekto nito sa 'kin. Alam ko sa sarili kong kinakabahan na ako't naiilang pa.
Maya-maya pa'y umalis na ang pagkakahawak niya sa pumbunan ko ngunit ang bagay na hindi ko inaasahan ay nangyari bigla. Dahil kasabay ng paghiwalay ng kamay niya mula sa 'kin ay siya namang kusang paglunok ko nang mariin nang mapagtantong nakakanlong na siya sa balikat ko.
Pagbunga ng hangin, pumikit ako kasabay ng pagiging itim ng screen ng TV, hudyat na natapos na ang movie'ng aming pinapanood.
"Hey, Destiny..." tawag niya sa pangalan ko. Bahagya pa siyang napahagikgik.
I only remained silent. I just found out that I'm in Lorenz' manly shoulders.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top