Chapter 12: Sickness
DESTINY
Mabigat ang mga talukap ng mga mata ko nang ako'y magising. Bumungad sa paningin ko ang nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw kung kaya mabilis kong tinakpan ang mukha ko. Ilang saglit ay nang masanay ay inalis ko na rin ito. Malalim akong humugot ng hininga.
Natagpuan ko ang aking sariling nakaratay sa isang kama habang nakatulala sa kawalan. Ginilid ko ang aking katawan para maging komportable ang sarili ngunit ramdam ko agad ang kasamaan ng pakiramdam ko. Sa isip-isip ko'y gusto kong umupo pero nahihirapan ako't tanging pag-angat lang ng kamay ang nagagawa. Kumikirot ang ilang parte ng katawan ko sa tuwing gagalaw ako.
Samantala, dumikit ang naman pisngi ko sa unan ay may nasalat akong parang basa sa bandang noo ko. Gamit ang kamay ay kinapa ko ito't napagtantong cooling pach pala ito. Binalik ko na lang ito sa 'king noo. Bigla na lamang akong napatanong sa isipan ko.
Nasaan ba ako ngayon? Paano ako nakapunta rito sa bahay namin? Shit.
Naalala ko na naman sina Mommy at Daddy. Napakagat-labi na lang ako para pigilan ang inis. For sure n'yan kinuha na nung mag-asawang dayuhan 'yung painting ko. Letseng 'yan.
Saksak nila sa baga nila 'yung 200 million.
Pagkuwa'y dumaan ang ilan pang sandali nang may kumatok sa pinto. Kaagad na napunta ro'n ang atensyon ko nang ito'y magbukas at iluwa ang isang lalaking nakaitim na medyas. Unti-unting umangat ang tingin ko papunta sa pula nitong shorts, puting polo shirt, relo sa kaniyang kamay, sa hawak niyang tray, hanggang sa pormado niyang buhok. Napag-alaman kong si Cameron ito kaya naman nagtataka akong sinulyapan siya.
"C-Cameron," tawag ko sa kaniyang pangalan. Parang may bagay na nag-udyok sa 'kin para bumangon pero gano'n na lang ako mapadaing nang sumakit ang likod ko. Ambilis kong mapagod.
"Sierra, gising ka na pala," tugon naman niya sa 'kin. Nagmadali siyang ilapag ang tray na hawak niya sa katabi kong lamesa at agad akong nilapitan. "Don't move," nag-aalala pa nitong sabi. Inalalayanan niya akong iayos ang aking pagkakahiga maging ang aking unan. "May sakit ka, Sierra. 'Wag mo masyadong igalaw sarili mo," dagdag niya pa.
Nanatili lang sa kaniya ang atensyon ko. Hindi ko maibuka ang bibig ko dala ng hiya. Wala akong ideya kung siya ba ang nag-uwi sa 'kin dito gayong wala rin akong masydong naaalala.
Pagkuwa'y umupo siya sa 'king tabi sa bandang tagiliran ko. "What do you want?" kaswal habang bahagyang nakangiti niyang tanong.
"Okay lang ako. Ahm, ikaw ba ang nag-uwi sa 'kin dito?" tanong ko pabalik kahit na parang si Lorenz ang nando'n.
Matagal bago siya sumagot. "Oo..."
Tumango naman ako't nagpakawala ng hangin. "Salamat," ani ko.
Baka mali lang ang akala ko ng mga oras na 'yon. Si Cameron naman pala ang nagdala sa 'kin dito papauwi.
"You're always welcome. Pero ano ba kasing pumasok sa isipan mo't nagpaulan ka ro'n sa labas, ha? Tingnan mo tuloy ngayon, may sakit ka," sermon niya sa 'kin.
Parang nawala naman ang antok ko sa tinanong niya. "'Di ko alam," tipid kong sagot at umiwas ng tingin.
"Nevermind. 'Wag ka na masyadong mag-isip. Sa totoo nga niyan e I just went here to check if you're okay na before I go home. Gusto ko nga na ako ang magpakain sa 'yo pagkagising mo e kaso pinapauwi na ako nila Tito, eh," mahaba niyang paliwanag.
"Okay lang 'yon. Maayos-ayos naman na ang pakiramdam ko kaya 'wag ka nang mag-alala," wika ko. "Anyway, anong oras na ba? Ang dilim sa labas, oh."
Sinilip naman niya ang kaniyang relo. "Mag-aalas tres."
"Ha?" nanlalaki ang mga mata kong tanong.
"Why?"
"So magdamag kang nandito?" pagkukumpirma ko pa.
"Hmm... Oo," tango niya.
"Eh? Geez ka, Cameron. Papagalitan ka ng mga magulang mo, eh."
"Don't worry. Tumawag naman na ako sa kanila kahapon pa ng gabi. Dito nga ako pinakain ni Tito. Grabe ang sarap ng pagkain. Sa couch n'yo rin ako namahinga pansamantala e kasi umuulan din kaninang gabi," litanya niya.
Kahit papaano'y kumalma naman ako. "Ah... Pero may pasok ka pa, 'di ba? Hindi ka ba papasok ngayon?"
"Papasok ako, s'yempre," sagot niya. "Are you feeling well na ba?"
Tumango lang ako. "Pero, Cameron, gusto kong pumasok."
"You can't go to your class right now. May sakit ka pa at hindi rin papayag sila Tito," 'di niya pagsang-ayon. "Ikaw lang 'yung babaeng kilala kong gustong pumasok kahit na may sakit."
"Pero kailangan kong pumasok," pagpupumilit ko.
"No. Kailangan mong magpagaling, hindi pumasok," giit niya pa.
"Kaya ko naman, Cameron."
"'Di nga p'wede, Sierra. 'Wag nang makulit. Para din naman sa 'yo 'yan, eh. Lalala pa sakit mo kapag pinilit mong pumasok. Need mong magpalakas ngayon," litanya niya.
Mariin lamang akong napalunok at napabuntonghininga. "Okay..."
"'Wag mo kong tarayan d'yan," natatawa niya pang sambit. "But wait. You want some water?"
Tumango ulit ako.
Luiyad siya mula sa kama para abutin ang baso na nakatapong sa lamesa. Bago niya ito ipainom sa 'kin ay tinulungan muna niya akong umupo't sumandal sakaito binigay sa 'kin. Pagkainom ay ibinalik ito ni Cameron sa lamesa't humiga na ako muli. Kahit papaano'y nahimasmasan ako.
"Sierra, puwede na ba akong umuwi?" paalam niya.
"Oo. Sige lang," payag ko. "Sorry sa abala."
"Nope. Hindi ka naman abala sa 'kin." Tumayo na siya't hinawi ang buhok pakanan. "I'm going to leave na. Take care of yourself." Akmang hahakbang pa lang siya nang tawagin ko ang kaniyang pangalan.
"Cameron."
"Oh?" His eyebrows furrowed.
"Thank you."
"You're always welcome." Pagkasabi'y tumuloy na siyang lumabas at tanging iniwan ang ingay ng pagsara ng pinto dahilan para sumentro ang katahimikan.
Napabuga na lamang ako ng hangin. Inilibot ko ang aking mga mata sa bawat gilid ng kuwarto ko. Madilim pa sa labas at maya-maya rin ay magbubukang-liwaylway na. Nawala na rin ang antok ko dala ng pag-uusap namin ni Cameron kani-kanina lang kaya naman ngayon ay mabuburyong na ako sa pagkakahiga.
Akala ko pa naman si Lorenz 'yung nag-uwi sa 'kin. Shit. Bakit ko ba pinagpipilitang si Lorenz si Cameron? I think I should stop thinking about him. Imposible rin gayong siya na nga 'tong iniwan ko ro'n. Geez. I need to stop. Baka guni-guni ko lang na si Lorenz si Cameron.
Muli akong bumangon para umupo. Sa mga oras na 'to ay magaan naman na ang pakiramdam ko dahil sa cooling patch na nakalagay sa 'king noo.
Dumapo ang atensyon ko sa tray na iniwan ni Cameron. Doon ko nakita ang gamot sa tabi ng baso kaya naman agad ko itong kinuha't ininom. Ilang saglit pa ang nakalipas ay hinawi ko na ang kumot sa 'king paanan at inapak ang mga paa sa malamig na tiles. Kumapit muna ako sa kama bago tuluyang tumayo. Pagkuwa'y humakbang na ako papalapit sa pinto't binuksan ito nang dahan-dahan nang sa gayo'y hindi ako makagawa ng anumang ingay.
Patay na ang mga ilaw at tanging maliit na liwanag mula sa isang lamp sa sala ang nakabukas ang nadatnan ko. Madilim ngunit sapat naman ang naaaninag ko para makita ang dinadaanan.
Tumingin ako sa pinto sa katabing kuwarto. Pumasok ako ro'n at umangat ang tingin sa hagdaang paikot papunta sa taas ng attic kung saan ang painting room ko.
Dahil sanay at kabisado ko naman na ang bahay ay tumuloy na akong umakyat. Pagkaakyat ay kaagad kong hinanap ang switch ng ilaw. Kinapa-kapa ko ang pader hanggang sa sw-in-itch ito.
Nagkaroo ng ilaw ang buong kuwarto at bumungad sa 'kin ang mga kagamitang ginagamit ko sa paggawa ng aking paintings. Sa hindi malamang dahilan ay parang wala na akong iniindang karamdaman. Ginanahan ako.
Bumaling ang paningin ko sa kanang bahagi ng kuwarto ko. Sa parteng 'yon ay makikita ang iba't ibang mga obra kong nagawa na sa iba't ibang mga sukat. May mga patungkol sa kalikasan, hayop, at tao ang ilan sa mga ito. Sa kaliwang banda naman ay napupuno ng mga materyales na ginagamit ko sa 'king pagpinta. Nando'n ang mga papel, pangguhit, pangkulay, at iba pa. Sa gitna naman ng kuwarto ay nando'n ang isang canvas na nakatayo sa isang stand na kasing taas hanggang sa balikat ko. Sa tabi n'on ang lamesa ko sa tabi kung saan madalas akong nakakatulog.
Ewan ko kung bakit pero bigla ko na namang naalala 'yung painting na binenta nila Daddy. Wala na kasi rito ang pininta ko. Wala naman na akong mapagpipilian pa kundi tanggapin na lang. Ibigay na lang nila sa 'kin ang pera. Binabawi ko na ang sinabi ko.
Samantala ay natagpuan ko naman ang sarili kong tumungo sa lamesa pagkakuha ng mga kakailanganin. Simpleng lapis, tape, brush, pangkulay, at tubig na nasa isang lalagyan ang gagamitin ko.
Hinatak ko papalapit sa 'kin an canvas kung saan maliwanag ang tama ng ilaw. Inangat ko ang kanan kong kamay pagkakuha ng bagong tasang lapis. Wala akong kaide-ideya sa kung anuman ang iginuguhit ko ngayon. Basta ko na lang hinahayaan ang kamay kong gumalaw sa kung ano ang tumatakbo sa isipan ko.
Magaan at dahan-dahan lang sa pagtaas-baba ang pagdampi ng lapis dito. Iniiwasan kong magkamali dahil mahirap magbura kahit wala naman akong ideya sa ginagawa ko ngayon. Nagsimula lang sa gitna hanggang pataas at pababang tinapos ito. Ngawit man ang kamay ko ay nagawa ko naman ito.
Dala ng pagkangawit ay bumawi muna ako ng oras para maibsan ito saka ulit nagpatuloy pagkatapos malagyan ng tape ang gilid ng canvas nang sa gayo'y hindi makalat ito kapag pininturahan ko na.
Gamit ang napiling mga kulay ay nilabas ko ito at ihiniwalay sa paint pallet. Ngayo'y kinuha ko naman ang brush na aking gagamitin at bahagya itong sinawsaw sa tubig. Dinampi ko ito sa pintura pagkatapos at dumako sa canvas.
Dumikit na ang hibla ng brush kaya naman wala nang atrasan. Gaya sa pagguhit ko kanina ay dahan-dahan lang at pinupulido ko ang bawat linyang aking ginagawa. Sa bawag parteng matatapos na at kung kakailanganin ng panibagong kulay ay sinasawsaw ko lang ulit sa tubig ang brush saka dinadampi sa ibang kulay.
"Ay, puta," mura ko sa napagtanto. "Geez, lagpas."
Puting parte ng canvas ang hindi sinasadyang mapinturahan ko. Sobrag ginhawa ng naramdaman ko nang mapagtantong may tape naman pala akong nilagay kaya walang dapat ipag-alala. Muntik na. Kung 'di ko siguro nilagyan ng tape ang canvas ko ay uulit na naman ako't magsasayang.
Nagpatuloy muli ako sa ginagawa. Malapit naman na matapos at kaunti na lang ang natitirang hindi pa nakukulayan. Kaya naman sa huling paghagod ko ng brush ay sa wakas, natapos ko na siya agad.
Uminat ako kasabay ng paghikab. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at pinagmasdan ang sariling gawa. Pagtitig ko'y namalayan kong kumurba ang aking labi dahil sa ganda.
"Nice," puri ko sa sarili.
Dalawang taong pininta ko. Isang lalaki at isang babaeng nakasakay sa motor. Nakayakap ang babae sa lalaki. Kapuwa sila nasa ilalim ng papalubog na araw.
Napag-alaman ko na lang na umaga na pala. Sumilip muna ako sa labas ng bintana ng attic saka mulang sinulyapan ang gawa. Nang makuntento na ako sa pagmamasdan dito ay iniwan ko na ito't pumanhik pababa pagkapatay ng ilaw.
Pagkababa ko mulang attic ay biglang nilamon ng dilim ang paningin ko na para bang nahilo ako nang 'di inaasahan. Mariin akong napapikit at napakapit sa baitang ng hagdan. Tumagal ito nang ilang segundo bago bumalik sa normal ang lahat kaya naman naging maayos na ang paningin ko. Bahagya ko pang minulat ang mga mata ko't inalog ang ulo.
"What are you doing? Ano'ng ginawa mo sa attic? 'Di ba may sakit ka?"
Gano'n na lamang ako mapaigtad nang makita si Kuya Dwayne na kakalabas lang sa kaniyang kuwarto't bagong gising. Nakakunot ang noo niya sa 'kin.
"Hindi, ah," pagsisinungaling ko.
"Liar. Iyan, oh. Bukas pa 'yung pinto sa likod e ako nagsara niyan kanina," turo niya sa pintong nasa likod ko. "Alam mo namang may sakit ka na nga, naga—Saka tenga nga, bakit ka pala may pintura sa mga kamay mo?"
Tuliro kong tiningnan ang mga kamay ko't tama nga siya. May pintura nga. Shit.
"May sakit ka na nga't nakuha mo pang magpinta? At sa ganitong madaling araw pa?" pahabol niya pang tanong.
"Kuya naman, hinaan mo nga 'yang boses mo," asik ko sa kalagitnaan ng pang-iipit ng siteasyon ko ngayon.
"No. Bakit parang nahihiya ka? Ang tanong ko lang naman e bakit mo naisipang magpinta pa e may sakit ka nga?"
"Ayos na ako. Wala na akong sakit," tugon ko na lang sa pagkabugnot.
"'Wag mo 'kong pinaglololoko, Destiny. Gusto mong sumbong kita kayla Mommy?" tila nambabanta niyang panghahamon sa 'kin.
"Kuya, ang OA mo."
"Susumbong talaga kita."
"Kuya?"
"Now, go to your room," mariin niyang utos.
"Pero, Ku—"
"No more talking," putol niya sa dapat kong sabihin.
Bago pa ako tuluyang mainis ay wala na akong ibang nagawa pa kundi ang dumiretso para pumasok sa kuwarto ko. Gustong-gusto kong pagsalpakan ng pinto ni Kuya Dwayne pero masyado pang maaga. Buwisit.
Ayos naman na ako't wala na akong nararamdaman, eh. Namumuro na talaga sila sa 'kin.
Geez.
'Wag niya lang sanang pakielaman 'yung bago kong pininta sa taas kundi ay malilintikan siya sa 'kin.
Geez ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top