Chapter 11: Under Umbrella

DESTINY

Pagkababa ko pa lang sa tapat ng bahay mula sa cab ay sinikap ko nang magmadaling pumasok. 'Yung puso ko ay walang humpay sa pagpintig nang malakas at dagdag pang paputol-putol ang hininga ko na animo'y napakalayo na ng tinakbo ko. Nanlalamig ang katawan ko sa pawis na aking nilalaba dulot ng kaba at pag-aalala kung ano na ang nangyari.

Samantala, kanina pa ako ginagambala ng konsensiya ko sa pag-iwan ko kay Lorenz sa cinema. Gustuhin ko man siyang hintain para magpaalam ngunit 'di na ako mapakali sa sinabi ni Ate Dani. Kating-kati akong tawagin si Foreigner guy pero nakalimutan niya nga pala 'yung phone niya kaya wala ring sense na m-in-essage ko sya kanina. Malilintikan na naman ako sa kaniya nit. 'Di ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Geez.

Salampak ang mga palad kong dumapo sa pinto bago ito buksan. Halos pabagsak akong pumasok nang hindi man naisipang hubari ang mga sandals kong suot. Patakbo akong tumungo sa sala. Umawang ang bibig ko nang madatnan sina Kuya Dwayne at Ate Dani na preskong naglalaro lang ng chess.

Pagkuwa'y nagtanong ako. "Ate, ano'ng emergency?" Nakakunot ang noo ko habang sulubong nang bahagya ang mga kilay kong tinapunan sila ng tingin. "Ano'ng emergency ang sinasabi mo?" pag-uulit ko

Pareho silang hindi kumibo at nagpatuloy lang sa paglalaro.

"Ate, Kuya? Sila Mommy?"

Bagaman nanatiling nakatuon ang atensyon sa ginagawa ay si Kuya Dwayne ang sumagot sa 'kin."Just go to the guest room. Nando'n sila Mommy. Hinihintay ka nila"

"What?" naguguluhan ko pang tanong. "Wala naman yatang emergency."

"Shut up ang just go to the guest room," mariin niyang sabi dahilan para matikom ako. "Iniistorbo mo kami rito."

"Ayoko," giit ko. "Sabihin n'yo muna."

This time, si Ate Dani naman ang nagsalita. "Destiny, just go to the guest room, please. Hinihintay ka na nila ro'n kanina pa."

"No. Akala ko ba may emergency? Wala naman," pagmamatigas ko pa.

"Kumalma ka nga muna. Just go to the guest room para malaman mo. Tapos," putol niya sa pag-uusap.

Nanatiling nakapako ako sa 'king kinatatayuan at hindi na nakakibo.

"Oh? Ano pa'ng tinatayo mo? Pumunta ka na ron," aniya pa.

Sa inis ay 'di ko na nagawa pang sumagot at pabalibag kong binato sa couch ang sling bag ko saka agad na dumiretso patungo sa guest room. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari ngayon kung kaya naninikip ang dibdib ko sa kaba. Nang makarating. Nagpakawala ako ng buntonghininga at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sa una'y unti-unti lang ang pag-awang ko nang sa kalagitnaa'y sinagad ko na ito. Tumama ang siradula nito sa pader dahilan para makagawa ng ingay at maagaw ko ang atensyon ng mga tao sa loob.

"Destiny." It was my father's voice.

Blangko lang ang mukha kong tinapunan sila ng tingin.

There was no emergency at all. They just told me there is so I could go home quick without knowing I left Lorenz there alone. They didn't fail to trick me.

Magkatabing nakaupo sina Mommy at Daddy sa isang sofa. Hindi lang silang dalawa ang nandito kundi may dalawa pang mukhang mag-asawa. Nagtataka ako na hindi sila Pilipino kung titingnan. Mga banyaga ang mga nandito kaya naman mabilis akong nagtaka.

"Is this your daughter, Mr. Hendrix?" kaswal habang nakangiting tanong ng babae na sa tingin ko'y nasa 50's ang edaran. Kapansin-pansin ang itim niyang buhok na abot hanggang balikat nito, ang kulay kayumangging mga mata niya, ang matangos nitong ilong, saka ang maputi at makinis niyang balat na bumabagay sa suot niyang pulang damit.

"Yes, Mrs. Fracqouise. She's our daughter. She's Destiny," sagot naman ni Dad sa kaniya.

"Well, she's gorgeous," anang lalaki naman na katabi niya. Tumatango-tango habang nakangiti niya akong sinulyapan. Gaya ng sa katabi niya ay magkapareho sila ng wangis maliban sa kulay puti niyang buhok at balbas. Nakasuot din siya ng salamin.

"Pasok ka na, Destiny," pukaw naman sa 'kin ni Mommy.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago pumasok. Nang masara ang pinto ay hindi ako umupo sa bakanteng upuan. Hinayaan ko lang ang sarili kong nakatayo sa gilid habang ang mga kamay ay nanatili sa 'king likod.

"She's really gorgeous, huh? I bet she inherits the beauty of Mrs. Hendrix," biro pa ng lalaki at bahagyang tumawa.

"Umupo ka nga rito, Anak," utos pa ni Mommy.

Kusa namang kumilos ang ang dalawa kong mga paa papunta sa pagitan nina Mommy at Daddy. Tikom lang ako ngayon sa mga oras na 'to pero sa loob-loob ko'y gusto ko nang magtanong. Kasalukuyan akong nakaharap sa mga bisita.

"Hello po. Good aftenoon," magalang at kaswal kong bati sa kanilang dalawa bagay na kanilang tinanggap nang may kurba ang kanilang mga labi.

"I'm Mrs. Francquoise, I'm the wife of Mr. Francquoise, of course," pauna niyang pakilala. "I won't take this for too long. The only reason why we came here is because we are interested to your paintings."

I felt shock. Naguguluhan ako. "Paintings?" pagtataka ko.

"You heard it right. Your painting. The moon painting you've created." Si Mr. Francqouise naman ang sumagot this time. "We are willing to buy it. Just tell us the price."

"W-What?" I immediately asked as my jaw dropped.

Is this what they call emergency? The heck?

They were talking about the moon painting that I've made that took me two months to finish it. That was the also masterpiece of mine that got a pristegious award so that's why I won't sell it. There are still many paintings that are available for sale. Hindi ko maaatim na ibenta 'yon basta-basta gayong nakailang ulit at tapon ako ng canvas maperpekto lang ang bawat mga detalya n'on. Hindi na rin ako minsan natutulog at kumakain para lang makahabol ako sa designated deadline ng contest. Isa pa, halos milyon na rin ang mga nagasta ko ro'n kaya hindi ko talaga siya gustong ibenta liban na lang kung walang-wala na kami.

Marami na akong mga naipinta at naibenta sa malaking halaga. Ilan sa kanila'y mula sa komisyon at ang ilan nama'y mula lang sa pagkaburyong ko saka nabenta. Ngayon nandito silang dalawa sa harapan ko, kahit bilyon pa ang ibabayad nila ay hindi ko ito tatanggapin. Ang laki na ng sentimental value sa 'kin ng painting na 'yon kaya naman hindi ako papayag. Sa totoo lang ay hindi lang sila ang naging interisado sa painting na 'yon kundi marami na subalit hindi ako pumaya. Saksi sina Mommy at Daddy noon ta's ngayon? Geez.

"Your moon painting," pag-uulit ni Mr. Francqouise. "We'll buy and pay for it now through a check," dagdag niya pa.

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa pagkabigla.

"Well, I-I'm sorry bu—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang marinig ang bulong sa 'kin ni Daddy kasabay ng pagkalabit niya sa 'king likod.

"Destiny, please, just let them for this time," aniya.

Mariinn akong napalunok sa sinabi ni Daddy. Sunod ay naramdaman kong lumapat sa balikat ang kamay ni Mommy sa balikat ko na animo'y pinipilit akong pumayag na. Alam kong nakakahiya ito ngunit 'di ko alam ang aking gagawin gayong naiipit ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ganitong emergency ang inaasahan ko kanina bago ko iwanan do'n is Lorenz. Nadadagdagan ang pagkainis ko. Nagtitimpi lang ako.

Humarap ako kay Mommy. "Mommy, ayokong ibenta ang painting na 'yun." Pagkuwa'y humarap ako sa mag-asawang na naglaho na ang mga ngiti marahil mabilis nilang naintindihan ang ibig kong sabihin base sa tono ng pananalita ko.

"Mr. and Mrs. Francqouise, I'm very sorry to disappoint you but I won't and never sell that painting of mine," I insisted. Bahagya akong yumuko nang tumayo ako at nagsalita ulit sa harapan nina Mommy at Daddy. "Mommy, Daddy, matagal na natin 'tong pinag-usapan, 'di ba?"

"Destiny..." tila nagpapatigil sa 'king banggit ng pangalan ko ni Mommy.

"Ayoko, Mommy," giit ko pa.

"Destiny, mahiya ka naman sa mga bisita," suway naman ni Daddy sa 'kin.

Natutuliro naman akong napalingon sa likuran ko. Bakas sa mukha ng mag-asawang dayuhan ang pagkadismaya kahit na hindi naman aniintindihan ang lengguwahe namin. Kahit gusto ko magpaumanhin ay huli na't wala na akong magagawa pa. Naiipit na talaga ako. Geez.

"Destiny, maupo ka nga," uto muli ni Daddy ngunit hindi ko na siya pinakinggan pa. "Nakakahiya na." Nagbago bigla ang tono ng pananalita niya. Mula sa pagiging kalmado niya ay naging pagtitimpi ito sa inis niya sa 'kin. Pagkuwan ay lumiyad siya nang bahagya para manghingi ng pasensiya sa mag-asawa. "Mr. and Mrs. Francqouise, I'm very sorry for this." Bumalik na ulit sa 'kin ang atensyon niya. "Destiny."

"Daddy naman, eh. Ayoko nga," pagpupumilit ko.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumingit si Mr. Francqouise. "Mr. Hendrix, we've already talked about this, right?"

Ano?

"Yeah, yeah. I know," tugon sa kaniya ni Daddy.

Dahil sa narinig ko'y hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagngitngit ang mga ngipin ko kasabay ng pagkuyom ng mga kamay ko.

"I'm really sorry, 'nak but we've already talked about this. They are willing to give 200 million, doble pa sa pinakamataas na nag-offer sa 'yo. Pumayag ka na, Destiny," pilit pa niya.

"Dad naman? BBakit mo ginawa 'yon? 'Di mo man lang ako sinabihan e hindi naman ikaw gumawa n'on. Ayoko nga kasi. Hindi p'wede ibenta ang painting na 'yon!" 'Di ko na alintana na napasigaw na ako dala ng emosyon kong nararamdaman.

"P'wes, wala ka nang magagawa. Sa ayaw mo o sa hindi, bibilhin nila 'yon. Sa 'yo naman ang pera, 'nak. Ba't ba ayaw na ayaw mo pang ibenta 'yon? Dalawang taon naman na ang nakalipas nang matapos mo 'yon. Aanayin lang 'yan kung papanatilihin mo pa ro'n sa gallery room," mahaba naman niyang litanya.

Dahil do'n ay sumikip ang dibdib ko. Hindi nila ako maintindihan kahit ilang beses na akong nagpapaliwanag at 'yon ang ikinakainis ko. Nakakpanibago sila. Puwede ko namang ibenta mga nand'yan konmga paintins pero 'wag lang 'yon. Napakahalaga na n'on sa 'kin.

"May mga iba pa akong painting, Daddy, or else e p'wede naman akong magpinta ng bago na gusto nilang portrait pero 'wag lang 'yon," payak kong paliwanag. Nanunubig-nubig na ang mga mata ko't parang mapapaluha na sa anumang oras.

Umiling lang si Daddy. "Wala ka nang magagawa, 'nak. Pasens'ya na."

"A-Ano?!" singhal ko agad.

"Narinig mo naman ang sinabi ko, Destiny. Magulang mo kami at anak ka lang namin kaya kami ang masusunod. Ngayon, sa ayaw at sa gusto mo, bibilhin at bibilhin nila ang painting ngayon. Maliwanag?"

Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. "Daddy, ilang beses ko bang sasabihin na ayaw ko nga? Mommy, Daddy, hindi nga p'wede. Ano ba?"

"Destiny, calm down." Nagsalita na rin si Mommy.

"You kow what? I'm done! For real!" sigaw ko sa galit. Pagkasabi'y agad akong tumakbo ng guest room at padabag na isinara ang pinto. Bastos man para sa dalawang bisita ay wala na akong pakielam pa. Sinadya ko talaga 'yon nang sa gayo'y alam nilang galit talaga ako.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong sumisinghap ng hangin dahil sa pagtakbo. Nakita pa ako ni Kuya Dwayne subalit hindi ako tumigil.

"Destiny! Sa'n ka pupunta?" pasigaw na tanong ni Kuya ngunit 'di ako lumingon hanggang sa makalabas na ng gate namin.

Sa puntong 'yon ay unti-unti nang bumabagal ang bawat paghakbang ko't naramdamang nanunubig ang aking mga mata. Kinalaunan ay hindi ko na napigilan ang sarili kong napaluha.

Bahala kayo. 'Di ako uuwi.

***

Namalayan ko na lang na nasa isa akong opened court malayo mula sa bahay namin pagkaapak ng mga paa ko rito. Walng ibang tao rito maliban sa 'kin na hanggang ngayo'y namumugto pa rin ang mga mata. Wala ring ibang maririnig dito kundi ang ihig ng hangin at yabag ng aking paglalakad. Ngayon ay malamig ang simo'y ng hangin na hindi nagpapalagay sa pakiramdam ko. Napayakap ako sa 'king magkabilang mga braso at malimit itong hinagod upang maibsan ang lamig. Nang makarating ako sa sementadong bleacher at naupo. Nanlagkitang mukha ko dulot ng pagluha gayundin ang lalamunan kong nanunuyo na.

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko. Parang may bumubulong sa 'kin na bumalik ako ro'n at ipaglaban ang letseng painting na 'yon ngunit taliwas naman ang ikinilos ng aking katawan.

Umihip ang malakas na hangin dahilan para sumabay sa direksyon nito ang haba kong buhok. Maya-maya lang ay may naramdaman akong tubig na pumatak sa 'king balat. Dahil dito ay umangat ang tingin ko at napag-alamang nilalamon ng kadiliman ang kalangitan. Uulan pa. Wala man lang akong dalang payong. Ayoko namang sumakay ng cab at umuwi gayong nahihiya akong bumalik do'n gawa ng ginawa ko kanina o kaya naman kayla Laurene saka isa pa, wala akong dalang pera ni piso dahil 'yung pera ko ay nasa sling bag na binato ko sa couch sa bahay. Hahayaan ko na lang na mabasa ako ng ulan.

Minuto pa ang mga lumipas ay tuluyan nang bumuhos ang nagbabadyang ulan. Tuluyan akong nabasa kung kaya wala akong ibang nagawa pa kundi ang yakapin ang sarili ko upang ibsan ang nararamdamang panlalamig. Akala ko'y saglit lang ang pag-ulan subalit sa paglaon ay mas lumalakas pa ito. Ngangatog-ngatog na ako sa 'king kinauupuan habang nakapangalumbaba ang ulo.

Tumagal pa ang ulan at pakiramdam ko'y anumang oras ay bibig na ako dala ng hindi makayanang panlalamig. Wala akong matakbuhan pati na rin si Foreigner guy na iniwan kong mag-isa. Bumibigat na ang mga talukkap ng mga mata ko. Ang sama na ng pakiramdam ko. Ang lamig...

"Destiny!" tawag ng isang boses sa 'kin sa 'di kalayuan.

Kahit nanghihina sa panlalamig ay sinumikap kong lumingon sa tumawag sa 'kin. Hindi ko masyadong maaninagan kung sino ito. Ang labo.

"Destiny!"

Dahil sa pagtawag niyang muli sa 'kin ay naging malinaw na ito sa 'king paninig subalit hindi ko pa rin maaninagan kung sino ito. Nanlalabo ang paningin ko. Ilang sandali ang lumipas ay nakita ko na lang na tumakbo siya papunta sa 'kin habang dala-dala ang kaniyang payong. Natagpuan ko na lang na nasa tabi ko na siya't nasa ilalim na kami ng kaniyang payong. Ngayon na malinaw ko nng nakikita ang mukha niya, napangiti ako nang kaunti.

"Lorenz..." I tried to raise my hand to touch his hand but I was too fragile so I ended up coughing.

"Hey." Mabilis niyang kinuha ang nanlalata kong kamay. Bakas sa tono ng kaniyang boses ang pag-aalala.

"L-Lorenz..." sambit ko habang nanginginig sa lamig. "I-I'm sorry. I l-left you alone. I'm sorry..." Pumipikit-pikit na ako. Masyado nang malamig at 'di ko na kinakaya pa. Sumasakit na rin ang ulo ko.

"Shit," he cursed. "Wait, hold this." Binigay niya sa 'kin ang hawak niyang payong na akin naming tinanggap. "Let me carry you," aniya pa't sa isang pagbuntonghininga ay binuhat niya ako at kinuha na ang hawak kong payong.

"Lorenz, I-I'm sorry..."

"Stop. Don't be sorry. You have to leave me on purpose so that's why you don't have to explain. I should be the one to apologize for I'm leaving you intentionally without any reasons."

Even though I can't hear and understand him clearly, I slowly nodded. I didn't know what happened next when suddenly my vision just totally went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top