Chapter 08: Part-time Job
DESTINY
Sa totoo lang, sa lahat ng mga first day experiences ko, ito ang pinakanakakapagod. Kahit wala naman kaming masyadong ginawa, nakakapagod pa rin. Ugh, sa uno nga lang nakakasipag mag-aral.
Habang inaayos ko ang aking mga gamit para ibalik sa loob ng aking bag, may isang message na lang nag-pop sa screen ng aking phone. Mula pala 'yon kay Lauren.
Lauren Belle Delos Rios
Lauren
Sissy, I'm sorry kung hindi rin tayo nagkasabay maglunch. Ang dami kasing chuchu nung prof namin. Pero now naman na free ako. Sabay tayong umuwi
Bilisan mo magreply
Isa pa nga pala 'yun. Hindi rin kami nagkasabay ni Lauren sa lunch kaya ang ending, si Foreigner guy na naman ang kasama ko sa cafeteria.
Naiinis nga ako sa totoo lang. Kasi naman 'yung amoy ng panyo ni Foreigner guy e hanggang ngayon e naaamoy ko pa rin. Siyempre mabango, pero nakakainis pa rin gayong 'di man niya d-in-elete mga litrato ko.
Umiling na lang ako at binasa ang aking labi nang nagtipa.
Destiny
Saan ka na ba?
Laurene
Nandito na me sa baba
Destiny
Sige pababa na ko
Hindi na nag-reply si Lauren kaya nagmadali na akong bumaba mula 3rd floor. Nang makaapak sa quadrangle ay agad akong dumiretso sa bandang gitna. Nando'n si Lauren na nakaupo sa wooden benches nang maabutan ko. Mabigat man nang bahagya ang bag ko at nanlalata ay patakbo ko siyang pinuntahan.
"Lauren," nakangiwi kong tawag habang naghahabol ng hininga.
"Kamusta first day?" kaswal niyang tanong.
"Ayos lang naman," sagot ko. "Though nakakapagod, nag-enjoy naman ako. Ngayon nanlalata ako."
"Ha?"
"Nanlalata kako ako," pag-uulit ko.
"E bakit?"
Umupo ako sa tabi niya at humugot ng hininga. "Basta," sambit ko na lang. Tumagal nang ilang segundo ngunit hindi siya nagsasalita. Simple ko siyang nilingon at ako naman ay nangunot ang noo. "Hoy, ano'ng nangyari sa 'yo?"
Pinagkrus niya ang kanyang mga braso mataray akong tinapunan ng tingin, "You know, Cuz―" hindi na niya natapos pa ang dapat niyang sabihin nang pangunahan ko siya.
"Hindi," natatawa ko namang sabi.
"Ang gaga mo mo talaga," sarkatiko nitong wika ngunit sa pabirong paraan.
"Ano na naman?"
"Cuz, tinatanong kita nang matino ta's isasagot mo, 'Basta?'"
Napabuntonghininga lamang ako. "Geez, gusto ko nang umuwi." Humikab ako.
"Sus. 'Wag nga ako. Alam ko dahilan kung bakit ka gan'yan."
Tinamad na akong magsalita kaya itinaas ko na lang ang dalawa kong kilay.
"Dahil nandito si Lo―"
"Destiny!" tawag sa 'kin dahilan para mapalingon kami sa kaniya.
Oh, God. Speaking of, "Lorenz," here he comes together with... Tyson and Ryker? Wait. They're studying here too? What a surprise.
Nagkatinginan lang kami ni Lauren. Isang palabirong ngisi ang ipinakita niya sa 'kin. Umirap na lang ako sa kan'ya at sabay naming sinalubong ang tatlo hanggang sa magkalapit kaming lima.
"Hey, Destiny," Foreigner guy started.
Nang marinig ko pa lang ang boses ni Foreigner guy ay binalot na ako ng panlalamig. Pumagitan nang kaunti ang labi ko kapanabay ng halong ilang na tingin. Tikom lang ako at malimit na kumaway kay Lorenz na ngayo'y nakatitig lang sa 'kin, tila yata iniintindi ang ibig sabihin ng mukha ko.
"H-Hey..." I whispered between our gazes.
"Ang laki-laki mo na pero ang dugyot mo pa ring kumain ng ice cream."
Until now, I can remember what he said to me. At hindi lang 'yon.
"And now you're blushing."
It was still clear to me. At to that point, that was the time I forced myself to come out, covering my mouth. I don't even know why my heartbeat suddenly quickened with some nervousness. Now that he's now in front of me, my heart starts pounding faster.
"Destiny." Tyson grabbed my attention. "How's your day? I didn't expect that you're studying here too," he added, seems to be asking.
"Yup. Me, too. Dito ka rin pala nag-aaral." Pinanatili ko ang kaayusan ng boses ko. Sinasadya kong hindi pansinin si Foreigner guy.
Tanging may kasamang ngiti ang tinugon ni Tyson. Maya-maya'y sumabat si Ryker. Umangkla ang kaniyang kamay sa balikat ni Tyson at nagsalita.
"Destiny, nabalitaan pala namin ni Tyson na ikaw ang nagturo kay Lorenz, tama ba?" His free hand pathed Lorenz' shoulder.
Nang dahil sa tinanong niya ay mas mabilis pa sa hangin akong nanigas sa kinatatayuan. Imbis na sumagot ako ay naalarma akong tumingin simula kay Ryker, Tyson, at papunta kay Lorenz. Nanlalaki ang mga mata ni Foreigner guy sa 'kin. Nahagip ko pa ang kaniyang kamay na piningot ang tenga ni Ryker. Nakangiwi siyang dumaing hanggang kay Lauren na mapunta ang atensyon naming lahat.
"A-Ah..." Pagak akong napangiti nang pilit.
This time, si Tyson ulit ang nagsalita, "Why? 'Di ba pumupunta ka sa bahay ni Lo―"
"Tyson." Lorenz quickly stopped Tyson, cutting him off. His teeth greeted signaling him to refrain from talking. "Shut the fuck up."
"Destiny." I heard Lauren called me. "You're not telling about this." Base on her tone, she's mad that quick.
Lumingon ulit ako kay Lorenz. Nakakagat ang ibabang bahagi ng kaniyang labi at dahan-dahang umiling. Humarap ulit ako kay Lauren.
"Laurene, kasi..." I can't speak.
Nagkadikit ang dalawa kong pawisang kamay saka madiing pinagkikiskis ito. 'Yung tatlong lalaking nasa harapan namin ay walang ibang ginawa kun'di titigan lang kami.
"Kasi?" mukhang naiinip niyang tinig.
"Kasi... Ano... Uhm..."
"Magsalita ka." She seems to be warning me.
"Lauren, kasi... sa bahay ko na lang i-explaine sa 'yo."
Please, pumayag ka, Lauren. Nakakahiya rito.
"No. Hindi p'wede. Ano nga?"
"Kasi... baka isumbong mo 'ko kayla Kuya," halos mawalan ng hiningang sagot ko. Mariin akong napalunok.
"What?" gulat nitong ganti. "Ba't naman kita isusumbong, ha? Saka, wait. Gaano ka ba katagal nag-stay kayla Lorenz?"
Biglang sumagot si Lorenz. "One week."
Nang dahil sa isinagot niya ay natigilan si Lauren. Unti-unting nagkalapit ang kaniyang mga kilay tanda na galit na nga siya. Gumagalaw-galaw rin ang kaniyang bibig na animo'y may nginunguya.
"Destiny, ba't 'di mo man lang sinabi sa 'kin?" Ramdam ko ang tensyon sa tono ng kaniyang pananalita.
Wala akong ibang napagpiliang gawin kundi ang yumuko.
Hindi ba talaga nararamdaman ni Lauren na napapahiya na ako sa tatlong nasa harapin namin lalo na kay Lorenz? Isa pa, bakit ang daldal naman ni Ryker? 'Di naman gan'to ang first impression ko sa kaniya, eh.
"Are you going to speak, Cuz?"
"Lauren?"
"My name is not the answer."
Suddenly, Tyson joined. "Don't tell me you guys are fighting?"
"NO!" Lauren and I both answered in chorus.
"Okay... Sabi n'yo, eh," kibit-balikat nitong saad.
"You're still not answering me. Bakit wala ka mang sinabi sa 'kin? Frankly speaking, ano na lang kung sa loob ng isang linggong 'yun ay may gawing masama sa 'yo si Lorenz?"
Parang tinik na bumara sa lalamunan ko ang kaniyang sinabi. Dumiin ang pagtikom ng aking mga ngipin dahil dito. Saka ko lang namalayan na naglalaro na ang mga daliri ko sa pagkuyom. Alam kong normal lang sa kaniya ang mga 'yun pero para sa 'kin ay may kung anong nagpakirot. Hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita.
"Lauren, Lorenz is not what you think."
"No. Hindi porket kaibigan siya ni Tyson ay gano'n na rin ang tiwala ko sa kaniya. Look at him. Ano na lang ang gagawin mo kung may gawin man siya sa 'yo?"
Maging si Lorenz ay napasalita nang alanganin. "Lauren, I'm sorry but I won't do that thing," he calmly replied. "Hinay-hinay ka nam―" 'Di pa man niya natatapos ang sasabihin nang magsalita si Laurene.
"I'm not talking to you." Humarap ulit siya sa 'kin. "Destiny," she paused. "Pasalamat ka na lang talaga dahil kaibigan mo 'ko dahil kundi isusumbong talaga kita."
How she was able to say those words without having a conscience? Can't she feel I'm feeling embarrass right now?
Sumentro ang katahimikan. Nanatili akong nakatingin sa kawalan. Kanina pa ako baon na baon sa hiya dahil kay Laurene. 'Di na ako natutuwa.
"Lauren," Ryker spoke, breaking out the silence.
Tinaasan lang kilay nito si Ryker.
"I'm sorry."
"It's fine. Buti na lang at sinabi mo." Her gazes went onto Lorenz. "Of course, at ikaw naman, Lorenz"
And up to this time, Lorenz suddenly replied without himself, but full of dourness, "And now what? May sasabihin ka pa ba? Mukhang sinabi mo na yata, eh? Sabagay, medyo masakit nga mga sinabi mo. But may I remind you, I won't do that especially to Destiny. I don't have bad intentions in the first damn place. Hindi lang ako nasaktan sa mga sinabi mo. I hope you apologize to her." Tumingin siya kay Ryker na ngayo'y nagtatakang nakatingin sa kanya. "And you." Foreigner guy didn't doubt to smack his head. "Ang daldal mo, P
Punyeta ka," asik nito. Wala pang segundo ay nagmadali niyang inayos ang suot nitong bag at nagmadaling tumakbo papaalis sa 'min.
Ngayong apat na alng kaming natira, wala ni isang umimik kaya ako na ang lakas loob magsalita.
"I need to go." Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko.
"Wait, Destiny," pigil ni Tyson bago ako makahakbang. "We're so sorry for what happened. Ito kasi, eh!" tukoy niya kay Ryker. Gaya ng ginawa ni Lorenz, binatukan niya rin ito.
"Aray! Ba't ako?"
"Oo! And daldal mo kasing kupal ka!"
"Eh? Oo na!" he said in surrender. "Destiny..." He grabbed my hand. "I'm sorry. I'm really sorry. Dapat hindi na ako nagsalita."
Bahagyang ngiti lang ang itinugon ko at iniwan na sila. Malalim akong huminga at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang luha.
"Destiny!" Tinawag ako ni Lauren.
Dumiretso lang ako sa paglalakad. Suminghap ako at mas nilakihan pa ang mga hakbang.
"Cuz!" tawag niya ulit.
Bago pa man tuluyan akong maluha ay patakbo na akong bumaba ng UOL papalabas. Agad akong naghanap ng libreng cab. Nang makahanap ay dali akong sumakay papauwi.
"Saan po tayo, Ma'am?"
"South po, pagbaba ng tulay," kaswal kong sagot.
Sinimulang paandarin ng driver ang kaniyang cab. Muli kong tiningnan ang UOL kung saan naabutan ng mga mata ko ang paglabas ni Lauren. Do'n na tuluyang pumatak ang luha ko. Mariin akong napapikit at inalis ang atensyon kasabay ng pagpunas nito gamit ang manggas ko. Tinuon ko na lang ang aking sarili sa dinadaanan namin.
It was only a simple damn thing. I don't know the reason why Lauren reacted that way. What's wrong? Does she know Lorenz that well to say those words?
***
It's already 6:15 PM.
Magdamag akong nakadungaw sa labas mula sa bintana ng kuwarto ko. Ang dalawang braso ko ay nakapatong sa alalay nito habang magkadikit ang mga kamay. Hinahayaan ko lang gumalaw ang buhok ko kasabay ng ihip ng hangin.
Kada segundong lumipas ay isa-isang nabubuo sa isipan ko ang nangyari kanina. Nakangiwi akong lumanghap ng hangin bago pa man ako maluha. Sa mga oras na 'to ay ramdam ko pa rin na nahihiya ako. May parteng mabigat sa dibdib ko bawat paghinga kong ginagawa. Gusto ko na lang tumunganga hanggang sa makatulog ako.
I want to apologize but my mind can't. Gusto kong mag-sorry pero siya 'tong mali. Wala naman kasi akong nakikitang problema ro'n at naging gano'n na lang ang reaksyon niya kanina. 'Di niya muna kasi inisip 'yung mga sasabihin niya. Kahit ako, alam ko namang may mali rin sa 'kin pero sana naman pinigilan niya pagkaprangka niya. But still, she's Lauren that I know, my cousin.
As I was about to close the window when my phone suddenly rings. Nilingat ko ito sa katabing lamesa na ngayo'y nagliliwanag. Tumatawag si Lauren.
I took a deep breath as I sat on my chair. Sighing, I didn't hesitate to answer here. "Bakit?" kaswal kong tanong.
Tanging tunog lang ng bentilador ang narinig ko.
"Bakit??" pag-uulit ko.
"I'm sorry," aniya na hindi ko na ikinagulat. I could even barely her voice. Mukhang nahihiya siya.
"Sorry for what?" I hissed, trying to act like I didn't know the topic.
"Destiny, I'm really sorry," ulit niya. "Bati na tayo, please? Sorry na, oh. Nagpag-isip-isip ko rinng mali rin ako. So I'm really sorry for that," she answered.
"Oh tapos?"
"Galit ka pa rin ba?"
"Sa 'yo ko kaya gawin 'yon?" This time, maybe I'm now in the mood to spill some sarcasm mixed with jokes.
From the line, I heard her deep sighs. "Destiny, sorry na kasi. Bati na tayo. Nakokonsens'ya na ako. Ano ba'ng dapat kong gawin? Ayokong magkagalit tayo. Sorry na, please?"
Humiga ako nang patagilid. "Iyon naman pala, eh."
"Destiny, sorry na, please."
Hindi ako kumibo at nanatili lang tahimik.
"Fine. Balak pa naman sana kitang ilibre ng ice cream. May bago pa naman ng ice cream parlor sa likod ng university."
Kaagad akong napabangon. "Okay. Apology accepted," I said in surrender.
"Sure ka?"
"Hindi."
"Ha?"
"Hindi ako papayag na hindi mo ako ililibre ng ice cream," bawi ko. "Oo nga. Bati na tayo. Sorry din, okay? Sorry kung 'di ko sinabi sa 'yo."
"Stop na. Okay na. Peace na tayo, okay?"
"Yup," tango ko. "Anyway, libre mo? Walang bawian 'yan, ha? Alam mo namang adik ako lalo na sa ice cream."
"Basta bati na tayo?"
"Oo nga, ang kulit mo. Pero dapat now na. Now na!" inip at tila hindi makapaghintay kong usal.
Pagkatapos n'on ay nagtatalon na ako sa kama habang tumitili. Well, ice cream is life kasi. 'Yan ang motto ko sa buhay.
Maya-maya'y may kumatok, "Hoy! Nabano ka na naman, Destiny!" Si Kuya Dwayne na naman 'to.
"Wala kang pake. Nagsasaya ako rito kaya shut up!"
***
"Manong, dito na lang po," wika ni Lauren nang maihinto kami sa tapat ng isang ice cream parlor sa likod ng UOL.
Bumaba kami at agad na tumungo papunta ro'n pagkabayad niya. Tumingala ako sa itaas habang humahakbang nang nakalagay ang pareho kong mga kamay sa bulsa ng jacket na suot ko. The dessert shop named, "Swirly Icy."
"Bagong tayo lang 'to. So try natin tikman 'yung mga nasa menu nila," aniya
Tumango lang ako. Well, bago nga. Ito pala 'yun. Ice cream shop pala.
Pagpasok namin ay kumalansing ang maliliit na windchime sa bandang itaas ng glass door. Sumalubong sa 'min ang malamig na hangin.
"It's cold," panayam ko saka mabilis na hinamas ang magkabilang gilid ng braso para maibsan ito.
The girl in the counter smiled as she saw us coming in. "Good evening, Ma'am. Welcome to our shop," she greeted.
Ngumiti kami pabalik.
"Good evening, Ma'am," tinig ng isang lalaki.
Isang lalaki na kakalabas mula sa stock room na may hawak ng tray ang sumunod. Madaling naagaw nito ang atensyon ko. Naglakbay ang tingin ko sa kabuuan niya. Nakasuot siya ng white shirt, black pants, waist apron, at half cap.
Kumurap pa 'ko nang iilang beses masiguro lang na siya nga ang nasa harapan ko. Maging siya ay napako sa kinatatayuan at sinalubong din ang aming tingin.
Nakahawi pataas na buhok, makapal na kilay, matangos na ilong, mapupulang mga labi, hulmadong panga, mapupuwing na kulay kayumangging mga mata, at lerpektong hugis ng mukha. Hindi nga ako nagkamali. Mukhang tama nga ako.
Nakakabiglang nandito siya. 'Di ko ito inaasahan. Pinilit ko ang aking sarili. Sa pagitan ng aming mga tingin, tinawag ko siya. "Lorenz?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top