Chapter 07: College Life Begins

DESTINY

"Go home right away after your class," Kuya Dwayne reminded me for nth time. "'Wag ka na maggala-gala."

"Oo na. Paulit-ulit ka," naiirita ko namang tugon. "Kanina ka pa sa bahay."

"Aba, dapat lang." Hininto niya ang kotse sa tapat ng UOL saka tinanggal ang pagkaka-lock ng pinto ng sasakyan.

"Tsk. Bye na," wika ko na lang bago lumabas. Instead of talking him back, I just grabbed my bag and started walking on the way to the UOL.

One week after my remaining vacation, today will now begin my life as a college student. Nagising pa nga ako nang madaling araw masiguro lang na hindi ako ma-late. Medyo nae-excite na nahahaluan ng kaba ang nararamdaman ko ngayon, s'yempre. Of course, sino iba't ibang mga mukha na naman ang makakasalamuha ko nito.

Ngayong nandito na ako quadrangle ng UOL, ito na nga 'yon. Bukod sa 'kin ay marami-rami na rin ang mga estudyanteng nagsisipasukan sa kani-kanilang room.

"Destiny!" tawag ng pamilyar na boses sa 'kin.

It seems that I already knew who owns that voice.

"Cuz!"

Bumaling ako sa pinagmulan nito at do'n ko nakita si Lauren na kumakaway sa ilalim ng puno. Malawak ang ngiti nitong lumapit sa 'kin sukbit ang kaniyang bag.

"Cuz," tawag niya pang muli. Inangkin niya ang kamay ko at parang bata siyang tumalon-talon sa harapan ko.

Mahina ko siyang tinapik sa ulo. "Gaga. Para kang tanga. Umayos ka nga," pabiro kong sambit. 'Di ko na napigilang matawa rin. Naitakip ko na lang ang aking palad sa bibig ko. Sabik na sabik na nga kami.

"Excited na ako mag-aral," aniya.

"Sus, sa una lang 'yan. 'Di mo alam buhay ng college, gaga. Education rin course mo, right? Major in English?"

"Yes," tango niya.

"Sa una ka lang n'yan sisipagin. Anyway, e'di pareho kayo ni Cameron? Education rin course niya, 'di ba?" kumpirma ko pa. Naging magkaklase na rin kasi sila no'ng elementary kami.

"Oo. Pero Mathematics ang major n'on. Ekis tayo r'yan." Nag-form pa siya ng ekis gamit ang kaniyang mga braso.

Ako tuloy ay nahampas siya sa kaharutan. "Gaga ka talaga." Napailing na lang ako sa kalokahan nitong si Lauren.

"Pero, Cuz, pansin mo, ang cute natin sa uniform, 'no?" tanong nito nang nakataas ang dalawang kilay. Umikot pa siya nang nakahawak sa dulo ng kaniyang palda na animo'y pinapaangat ito sa hangin.

Pagtaas lang ng isang kilay ang tinugon ko.

Just like what she've said, our school uniform is kind of a cute, and also different as well. Magmula sa kulay, tela, burda, at pagtahi ay napakaganda talaga at malinis ang pagkakagawa. Sa pang-itaas ay nakasuot ako ng puting long sleeve na pinaibabawan ng dark green coat. Bawat end line nito ay may telang itim na nakahatahi bagay na nagpadagdag angas sa dating dito. May tatlo lang nakakabit na butones dito at kada isa ay may mga nakaukit na, "U," "O," at "L." Kagaya ng kulay ng coat ko, gayundin ang aking necktie. Nakaburda rito ang letrang, "F" dahil freshmen student ako. Sa pang-ibaba naman ay dark green checkered skirt na two inches below the knee. Huli ay puting high socks na sinamahan ng itim na sapatos. Ang mas nakakabighani pa rito ay may University ID na rin kami first day of class pa lang. Kasabay itong ipinamigay kasama ng uniform namin. Awesome, 'di ba?

"O sige na, Lauren, mauna na ako," paalam ko. "Pasok na ako sa room ko."

"Sige, sige," tango niya. "Sabay tayong kumain mamaya."

"Just chat me na lang."

Humiwalay na ng lakad si Lauren at nagmadaling umalis.

Sighing, I held the strap of my bag. Tumungo at nakisabay na rin ako sa mga estudyanteng pumapasok sa kani-kanilang room. It's almost time.

Habang naglalakad, do'n ko nalaman na nahahati sa limang parte ang UOL. Una ang sa North Division kung saan nando'n nakatayo ang entrance gate kung saan ako pumasok kanina. Pangalawa ang East Division kung saan ang Left Wing. Sa parteng ito nakatayo rin ang clinic together with the science laboratory. Siyempre, malayo ang agwat. Pangatlo ang West Division kung saan naman ang Right Wing. Nasa ilalim nito ang cafeteria and I found it cool kasi kahit dito pa lang sa puwesto ko ay naaabot na ng mga mata ko ang kalinisan sa loob. Pang-apat ang South Division kung saan ito ang bubungad sa 'yo pagpasok mo pa lang sa North Division. Ito rin ang parte ng UOL kung saan nakalagay ang logo nilang libro na napapalibutan ng mga halaman at rumaragasang tubig sa baba. Puwede ka tumambay at mag-picture kung malalas loob mo gayong pagtitinginan ka ng karamihan 'pag nagkataon. At ang panglima naman ang Annex na nasa likod ng South Division. Doon ay makikita ang malaking stage kung saan ginaganap ang mga events especially recognition and graduation day. Doon din pina-prank ang mga sasakyan.

Sa East Division ang room ni Laurene habang ako naman sa West Division, 3rd floor, 2nd room. Sa pagkakatanda ko, ito ang room na pinag-exam-an ni Foreigner guy.

Speaking of him, bahala na.

Nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba nang makaakyat sa 3rd floor. Nakatingin lang sa paanan na kumatok sa room na papasukan ko. Yumuko at nanatiling nakatutok sa sahig ang mga mata ko para makarating sa bakanteng upuan. Nasa kalagitnaan na ako nang may maramdamang kamay na humigit sa 'kin. Agad na naglakbay ang lamig nito sa buong braso ko. Dagling bumaling ang atensyon ko sa lalaking ngayo'y nakahawak pa rin sa braso ko.

"B-Bakit po?" kabado kong tanong at mariing napalunok.

"Miss, anong year ka na?" balik nitong tanong. Sa puntong 'yon ay binitawan na niya ako. Pansin kong lahat ng tao rito sa kuwarto ay na sa 'kin ang atensyon.

"Freshmen po," agaran kong sagot.

Kumuyon ang kaniyang kamay at tinikom ang sarili nitong bibig. Nagkatinginan naman sila ng katabi nitong babae. Mas lalong nilamon ako ng kaba.

Humarap ulit sa 'kin ang lalaki, "Miss, baka mali ka ng room na napasukan," tila naiilang nitong wika. Pumeke pa siya ng tawa.

"P-Po?" Kumunot naman ang noo ko. Ito kaya ang room ko.

"Sophomore kaming lahat dito, Miss."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "H-Ha?"

Dahil dito, lutang kong nilingon ang iba pang mga estudyanteng nakaupo. Lahat sila ay pinagmamasdan lang akong nakatayo sa gitna. Pakiramdam ko tuloy ay sila ang nahihiya sa 'kin. Inikot ko ang tingin sa white board na nasa aking likuran. Tama nga sila. Maling room ang napasukan ko!

Lupa, lamunin mo ako, please. Ngayon din.

"A-Ahm... Miss?"

"Geez. I'm sorry. I'm sorry. " In just a snap, I went out, gasping because of shame. Shit. Nakakahiya!

I entered the wrong room, geez. Napakatanga ko, huhu. First day na first day. 'Tang ina.

Natakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang aking mga palad. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang presensiya ng kahihiyan.

Shit. Shit. Shit.

Ilang saglit pa nang makabawi ay kinusot ko ang mga mata ko. Pagkaangat ko ng aking tingin ay bumungad naman sa harapan ko si Cameron na naglalakad patungo sa 'kin.

"Sierra? What are you doing?" he asked, wondering. His eyebrows furrowed as he granted me with a questioning look.

"N-Nothing," I immediately answered without knowing my voice raised. Using the tip of my thumb, I parted my front hair behind my ear and walked pass though Cameron.

"Sierra!"

"Mamaya mo na ako kausapin, please," anas ko. Pinanatili ko kaayusan ng tono ko baka maisip niyang galit ako sa kanya.

"Galit ka sa 'kin? Wala naman akong natatan―"

"Nope," I cut him off. "Basta. See?" Malawak pa akong ngumiti nang iliyad ang ulo ko.

Kumunot lang ang kaniyang noo sa 'kin. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako sa katabing room, ang totoong room ko.

First day of class, gumawa na kaagad ako ng eskandalo. Okay, here we go again.

***

"Done? Okay, that's all for today. Good luck for tomorrow and you may now take your break," our professor announced, compiling the papers we've answered.

Isa-isang nagsitayuan ang mga kaklase ko at lumabas. Ang ilan naman ay naiwan at kumain ng sarili nilang baon dito sa loob ng room.

As expected, we actually did what other students do as usual when it's first day. Nagpakilala lang kami saglit at pagkatapos maman n'on ay nagpaliwanag si Prof Rexor sa mga rules and regulations ng UOL maging ang mga "do's and don't's" sa kaniyang klase. He gave us a paper containing what we will need to our first lecture. May isa pa ulit siyang binagay sa 'min but this time may sasagutan kami. Nilagay namin ang name at age namin at kung may sakit ba kami especially sa couse naming BFA kung may epekto ba sa iba mga materials naming gagamitin soon.

As I stood up to prepare myself, a message from Laurene popped out from my screen.

Lauren Belle Delos Rios

Lauren
Sissy, hindi tayo makakapagsabay kumain. May gagawin kami.

Destiny
Awts

Sige sige. Later na lang lunch, pwede ka?

Lauren
Yup yup. Thanks by the way.

Sorry. Di ko kasi alam eh.

Destiny
No worries sis

Lauren
Thnxz

Hindi na ako nag-reply para ligpitin ang mga gamit ko. Ilalagay ko na sana ang mga ito sa loob ng bag nang may tumunog na naman sa phone ko. Inis kong tiningan kung sino ito.

Lorenz Aldous

Lorenz
Go outside. I'm waiting.

Destiny
Huh?

Bakit?

Lorenz
Just ko go outside. Wag mo ko paghintayin.

As in now na? Now na talaga?

Nagtaka naman ako kaya agad akong lumabas. Do'n ko nga naabutan si Foreigner boy na nakatayong naghihintay sa isang gilid. Kapuwa nakalagay ang dalawa niyang mga kamay sa kaniyang bulsa habang malimit na nakasandal ang ulo sa pader. Ang ayos ng buhok at kung paano siya tumingin ay gano'n pa rin.

Tahimik at tikom akong lumapit sa kaniya, bahagyang nahihiya. "Bakit?" kaswal kong tanong.

Umayos siya ng pagkakatayo a kinausap ako, "Are you still mad until now, Destiny?" direkta niyang tanong sa 'kin.

"H-Hindi," sagot ko.

"Then why do you keep avoiding me? You're even not replying to my messages. Kung galit ka sa 'kin, please, I'm sorry. Ito na lang ang nakita kong pagkakataon para makausap siya." He claimed left hand and slightly pressed it between my fingers.

"Lorenz?" I seized back my hand.

"Sorry. Are you still mad at me?" pag-uulit niya ng kaniyang tanong.

Tanging iling lang ang isinagot ko. "No."

"Talaga? Walang halong kasinungalingan?"

"Yup." tango ko.

Umangat ang tingin ko sa mukha niya. Do'n ko nasaksihan ang unti-unting paglawak ng kaniyang ngiti kasabay ng paglitaw ng kaniyang dalawang mga dimples sa gilid ng kaniyang pisngi. Gayundin ang kaniyang mga mapuputing ngipin na akala mo ay galing sa pagkaka-brace. Naakit tuloy ako kay Foreigner boy.

Sana ayos ka lang, Destiny.

I don't know the reason why do I felt overwhelmed after saying those words. Suddenly, I found myself leaning on somewhere. And on the past one week. Yup, one week.

Lorenz is calling...

Matapos makitang tumatawag si Foreigner boy ay hindi ako nagdalawang-isip para i-decline ang kaniyang tawag.
Isinilid ko ulit ang phone ko sa bag at pumasok sa bahay. Do'n ko naabutang naglalaro ng chess sa center table sina Ate Danittia at Kuya Dwayne.

"Kuya, Ate, 'eto, oh." Inilapag ko sa gilid nila ang isang paper bag na naglalaman ng binili kong pagkain.

"Wait," pigil ni Kuya.

"Oh?"

"'Di ka kakain?"

Napangiwi naman ako kay Kuya. "Ang bait mo naman?"

"E'di 'wag kang kumain," bawi nito.

"Gaga," pagsingit ni Ate Danittia sabay binatukan nang mahina si Kuya.

"Ba't ka naman nambabatok? Gago ka ba?"

"Mga baliw. Baka mamaya marinig pa kayo nila Yaya Cha at Pia," saway ko. "Bahala na kayo r'yan."

Dali akong umakyat sa taas at pabagsak na nahiga sa kama ko. Ngayon ko ulit naramdaman ang bilis ng pagguhit ng kaginhawaan sa likod ko. Kapanabay ng pagtagilid ko ay siya na namang pagtunog ng kung ano sa loob ng aking bag. At 'di na ako magtataka kung si Foreigner boy ito.

Inis akong bumangon para hilahin ang bag malapit sa paanan ko.

"Panira ka talaga, Foreigner boy," singhal kong bulong.

Lorenz is calling...

Should I answer his call? I want to but everytime I remember his words until now makes me think to decline him again. But is there any other choice? If I decline this call, he'll keeps calling and calling me. Geez. Bahalang maubos load niya.

Napabuntonghininga na lamang ako at walang ganang sinagot ang tawag niya. At kakapindot ko pa lang nito ay mabilis na itong nagsalita.

"Destiny? Hey, I'm really really sorry for what I've said earlier. I'm really sorry, I didn't mean it," tuloy-tuloy nitong sambit, walang tigil.

Teka. bakit parang sinisigawan niya ako?

Umayos ako ng upo sa kama at ipinatong ang isang paa sa hita ko. Tumingala ako sa bintana habang kalmadong humihinga. Tatahimik muna ako sa mga oras na 'to. Manawa siyang magsalita r'yan.

"Destiny? Are you still there? Please, here me out! I'm really sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Please," he begged. "Destiny, please talk to m―" Before he could speak, I immediately cut the line.

Akmang ilalapag ko pa lang ito sa gilid ko nang tadtarin niya ako ng kaniyang mga messages.

Wala talagang tinag 'tong lalaking 'to.

Lorenz Aldous

Lorenz
Destiny, I know you're still mad.

I'm really sorry...

Please reply to me...

Wag ka na sana magalit sakin. Wala lang talaga ako sa mood non

I'm sorry...

Please. I'm really sorry talaga :(

Ewan ko ba sa sarili ko pero habang binabasa ko ang bawat message niya ay may kung anong kumikirot sa dibdib ko na parang makati pero hindi naman. Gustohin ko mang mag-reply sa kaniya ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko. 'Di niya ako madadaan sa patuldok-tuldok niyang 'yun. Baka akalain pa niya na marupok ako. Tsk.

Bumuga ako ng hangin at walang ganang in-off ang phone ko.

Muli akong dumapa sa kama at niyakap ang malambot na unan sa tabo ko.

Sa isip-isip ko naman ay naguguluhan ako. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit gusto kong mas suyuin pa niya ako? Kung tutuusin ay nag-sorry naman na siya pero taliwas ang nagiging resulta ng dapat kong gawin. Alam kong weird ito pero kasi naging kaibigan ko naman na si Foreigner boy.

Damn.

Sa mga nagdaan pang mga araw ay hindi na nga ako tinantanan ni Foreigner boy sa kaka-message lalo na nang makapasa na siya sa GRU. Inaamin ko ring naging masaya ako nang malaman 'yon dahil nagbunga ang isang linggo kong kasama si Foreigner boy, subalit sini-seen ko lang siya. Unfair man ito pero iyon ang gusto kong gawin. Basta ngayon, ang mahalaga ay nakapasa na siya.

***

"Destiny, are you okay?"

"A-Ah... Ha?" natutuliro kong tanong. Medyo nawala ako sa sarili ko habang nakatulala.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala."

"O-Oo. Oo. Ayos lang ako," sabi ko naman.

He pressed his lips as he nodded looking at me. "Good. Order lang ako ng ice cream natin." Tumayo na siya't nakisamang pumila.

Kasunod ng aming pag-uusap sa taas ay inaya niya akong kumain dito sa cafeteria tutal wala naman Lauren. He keeps apologizing to me even though I didn't bother to listen. I wonder why I allow him to take me in this place. May baon naman ako.

Bumalik na siya makalipas ang ilang minuto dala-dala ang isang tray na naglalaman ng dalawang bowl ng ice cream at bottled water.

"Here. Kumain na tayo." Inilapag niya sa harapan ko ang ice cream na napapalibutan ng sprinkles. Kung hindi lang siguro maraming tao rito e agad ko na itong nilamutak.

"Thanks. Bayaran na lang kita pagkatapos kung kuma―"

"Hinda na. No need. Saka peace offering ko na rin sa 'yo 'to," pagtanggi naman niya.

Malimit akong ngumiti at tumango. Sinimulan ko nang kuhanan ang ice cream na nasa harapan ko para kainin ito. Bawat kagat ko ay pagnamnam nito magmula sa lamig at tamis na bumabalot sa kabuuan ng aking bibig. Sa sobrang aliw ko sa pagkain ay hindi ko na namalayang halos mangangalahati ko na ito. Masyado akong nag-enjoy. Siyempre, libre ito ni Foreigner guy, eh.

Maya-maya'y may bigla na lang liwanag na tumama sa mukha ko dahilan para ako'y pumikit. Humarap ako kay Foreigner guy na nakatakip ang bibig habang pinipigilan ang tawa. Kinukuhanan pala niya ako ng video. Gago 'to, ah.

"Ano ba, Lorenz? I-delete mo 'yan." Nilapag ko ang kutsarang hawak ko para agawin ang phone ni Foreigner guy pero mabilis niya itong inilayo sa 'kin. "Lorenz, umayos ka. Ayokong sumigaw rito."

"E'di sumigaw ka. Ako ba mapapahiya?" nanghahamon pa nitong babala. Humagikgik pa ito habang sinasadyang ipakita sa 'kin na tinitignan niya ang mukha ko sa kaniyang phone.

I never expect that he took from me a damn picture.

"You look innocent here," he added, forcing him not to laugh.

"I-delete mo na 'yan, Lorenz," impit kong pakiusap. "Please, Lorenz. Uy."

"No," iling niya.

"Lorenz, please naman, oh," pagmamakaawa ko. Ako na ang nagmamakaawa sa guggong na 'to ngayon.

"Ayoko nga."

Sa pagkaubos ng pasensiya ko ay ro'n na ako tuluyang tumayo para agawin ang phone niya pero hinarang lang nito ang kaniyang kanang braso nang magtama ang tingin namin.

Sa isang iglap ay bigla siyang nagseryoso. "Wait. Just sit there." Pinaupo niya ako.

Sumunod naman ako. "Ha?"

In-off niya ang kaniyang phone at itinabi sa gilid ng lamesa. Nagtataka naman ako sa ginagawa niya lalo nang ilabas ni Foreigner guy ang kan'yang panyo mula sa kaniyang bulsa.

Nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa pagitan ng mga mata ni Foreigner guy. Gulat kong namalayang lumapat ang kaniyang palad sa baba ko. Inangat niya ito nang kaunti para pumantay ang aming mga mukha. Sa isang paghinga ay naramdaman ko na lang na dumampi ang panyo niya sa labi ko.

"Ang laki-laki mo na pero ang dugyot mo pa ring kumain ng ice cream," natatawa niyang sambit na para bang sinusubukan akong asarin.

Nanatili lang akong tahimik dala ng pagkahiya.

"And now you're blushing."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top