Chapter 04: Warm Hugs

DESTINY

Days went really briskly. To be honest, I never thought that I will be Lorenz' lowkey tutor at all. Though I only help him on how to understand and memorize things that he might encounter in his exam, thanks that this will be the last day.

Nakakapagtaka nga lang kung bakit ko siya tinutulungan. First of all, we're strangers and we're not in good terms as far as I remember. Second thing, I don't like his attitude. Third, ang layo ng kurso niyang Civil Engineering sa BFA na kurso ko. And forth, what the hell on the world. Hindi ko alam kung bakit may mga instances na naa-attract ako sa kaniya. But since pumayag na ako, wala na akong magagawa gayong bukas na rin ang exam niya.

Sa isang apartment lang na medyo may kaliitan nakatira si Foreigner guy nang mag-isa. No'ng dati, I think pangatlong araw namin sa pagre-review niya, pinagmasdan ko lang siyang mag-aral. Tahimik lang ako n'on at nakikita ko siyang nahihirapan kung paano kabisaduhin 'yung formula na wala rin akong kaalam-alam. Gusto ko na lang matawa pero hindi ko magawa. Kaya wala akong nagawa kundi ituro ang mabisang paraan para mabilis niyang makabisa ang mga 'yon. Sa mga oras na 'yon ay tuluyang nawala ang inis ko kay Foreigner guy. Nakakaawa kasi. 'Di ko rin alam kung bakit. Basta ang gusto ko lang ay makapasa siya. Walang perang binabayad sa 'kin bagkus ay nililibre na lang niya ako ng ice cream gaya ng sabi ko. Sa tingin ko nama'y sapat na 'yon.

"Foreigner guy, sunduin mo na 'ko. Nandito na ako, eh," agarang bungad ko nang sagutin niya ang tawag. Napalingon pa ako sa kapaligiran ng UOL

"Okay. I'm on my way na." Pagkuwa'y pinutol na niya ang linya.

Ilang saglit pa ang nakalipas ay unti-unti ko nang natanaw ang kulay itim niyang motor hanggang sa huminto siya sa tapat ko't kaswal lan akong tinapunan ng kaniyang tingin.

"Kanina ka pa ba?" tanong niya.

Umiling ako. "Nope. Actually, kakarating ko lang din namn," sagot ko.

"Then what are you still looking at? Subir."

"H-Ha?" naguguluhan sa sinabi niyang tanong ko. "Subir?"

"Tsk. Sumakay ka na kako," paglilinaw niya't hinubad ang kaniyang helmet saka ito inabot sa 'kin. Bahagya pang pinihit ang manibela para magkaro'n ng malakas na tunog ang kaniyang motor sa tambutso. "Suotin mo," dugtong pa niya.

Naiilang ko naman itong tinanggap. "Paano ka?" nag-aalala kong tanong nang mailagay ang helmet sa ulo. This was the first time he lend me his helmet. Geez. May pakulo na naman 'tong si Foreigner guy.

"E kung may masamang mangyari sa 'yo? Ako pa ang malalagot, 'no. Suotin mo na nga 'yan."

"Oo na." Napairap na lang ako sa ka-OA-han nitong si Foreigner guy. Minsan hindi ko mawari kung mabait o masama ang ugali nito.

"Bilis."

Umangkas na ako. "Gago ka. Ngayon mo lang naisipang bigyan ako ng helmet kung kailan last day na? Bobo ka ba?"

"Ang dami mo pang sinasabi e binigay ko na nga 'yung helmet," depensa naman niya.

"E kasi bakit ngayon mo lang-AH!" Naputol ang dapat kong sabihin nang pinaandar niya nang biglaan ang motor nang hindi ako handa dahilancpara mapasigaw ako. "'Tang ina! 'Tang ina, Foreigner guy, ambilis!" tili ko sa takot. Ang bilis niyang magpatakbo ngayon. "Bagalan mo lang! Lorenz!"

Tinawanan niya lang ako. "What are you talking about? Ang bagal ko lang, oh. Saka... 'Wag mo kong yakapin. Umaariba ka, ha," naiirita ngunit sa pabirong paraan nitong pagprangka sa 'kin bagay na kaagad ko namang napagtanto.

Sa mga oras na 'to ay ro'n ko lang napag-alamang mabagal na pala ang pagmamaneho niya. Napapansin ko ring nakakanlong ang ulo ko sa likod niya habang ang dalawa kong braso ay nakayakap naman. Sa taranta at hiya ko ay unti-unti kong inilayo ang sarili sa kaniya. "'Tan ina mo. Gago ka," asik ko.

"'Wag masyadong malikot. Baka mahulog tayo. Estare Enojado." Nagpakawala ulit siya ng mahinang tawa.

Hindi ko man maintindihan ang huli niyang sinabi ay alam ko naman ang sinseridad nito. Sira talaga ang ulo nito.

"Mahulog kang mag-isa mo." Napairap na lang ako sa kaniyang likuran.

***

Salubong ang kilay at nakasinghal ang mukha kong naupo sa couch. Pinagkrus ko ang aking mga braso saka matalim na tiningnan si Foreigner guy. Itong lalaking 'to namumuro na sa 'kin. Wala siyang ginawa kundi ang pagtawanan ako.

"What's with the face?" halos mangiyak-ngiyak niyang tanong kahit alam din naman niya ang isasagot ko.

Ang lakas niya talaga mang-asar. Dinaig pa si Kuya.

"Des―" He laughed again. Napahawak na siya sa kaniyang tiyan at sa pader. "I-I can't st―" Napuno ng mga tawa niya ang buong sala ng kaniyan apartment.

"Kung hindi ka titigil, iiwanan kita rito. Bukas na exam mo. Bahala ka mag-review mag-isa, sige," banta ko ngunit ayaw niya pa ring tumigil. Hinablot ko ang unan sa tabi ko't binato ito sa kaniya. Sakto naman itong tumama sa mukha niya. Headshot.

Tumigil siya. "Punyeta."

"Titigil ka o titigil?"

Unti-unti naman siyang huminto sa pagtawa. "Fine, fine. Tama na." Kuyom ang kamao niyang tinakpan ang bibig para pigilan ang tawa. "Tara, samahan mo 'ko sa kuwarto."

"Luh? Bobo ka ba? Ayoko, 'no. Dito lang ako," tanggi ko. This was the first time he actually said that. Geez. Malay ko ba kung ano gawin niya sa 'kin do'n. Well, tanga ko para 'di maisip kung bakit ko pa siya tinutulungan ngayon.

"Kidding aside." Pumasok siya sa kuwarto sa itaas at inilabas ang re-review-hin niya. Ibinaba niya ito sa center table nang makabalik siya't umupo sa may tabi ko. "Just help me with this things. Kailangan alam ko ang mga lahat ng mga 'to," aniya pa.

Kinuha ko ang libro na may nakaipit na bookmark at saka ito pinagmasdan. Makapal siya't medyo may kalumaan na rin. Binuklat ko ito kung saan bumungad sa 'kin ang iba't ibang terminologies na ni isa ay wala akong kaalam-alam. Weird sila at 'yung iba e ngayon ko lang na-encounter na may gano'n pa lang mga word.

"Anong oras nga ulit exam mo para maaga akong gumising?"

"8:30 AM. 'Wag kang male-late," aniya. "'Yan. Ito mga aaralin ko."

"Ano naman ang gagawin ko rito?"

"You'll teach me," maamong tugon niya. "Just question me with the definitions of each terms and then I'll answer it. Parang identification. Ang dami rin kasi niyan, eh. Mga 50 yata."

"Iyon lang?" pagkukumpirma ko.

"Si."

"Si?"

"Yes, I mean."

"Sige. Ready?" Tumagilid ako. Pinatong ko ang aking mga paa sa couch at inilapit ang tuhod sa sarili. Ang likod ng libro ay nakaharap kay Foreigner guy.

"I'm always ready. Ako pa?" His index finger pointed himself. Proud na proud pa.

"Yabang." Mabuti na lang at may hawak akong libro para hindi makita ni Foreigner boy ang pag-irap ko sa kaniya. "Okay. Ready na."

"Ayusin mo."

"Oo."

"Ready na." Suminghal ako ng hangin bago magpatuloy. "It involves resource allocations. When making it, one has to consider concepts such as options, expectations, and values."

"Decisions," kampante niyang sagot.

"Examples like?" sunod ko agad na tanong.

"Eh?"

"Joke lang. Okay, next. An expression of human needs, wants, and desires."

"Values."

"Good." Inilipat ko sa kasunod na pahina ang binabasa. "Range of possible outcomes of decisions paired with their probabilities of occurrence."

"Options?"

"Sure?" paniniguro ko.

"Y-Yes..." hindi sigurado nitong sagot.

"Wrong. Expectations ang sagot." Muli kong binasa ang mga kasunod. "A set of control variables."

"Utility?" He sounds like he's doubting and not sure about his answer.

"Geez, you're wrong. It's options." Napairap na naman ako. Akala ko pa naman nag-review 'to. Ang angas, eh. "An abstract generalized concept of qualified value."

"Transitive?"

"Utility." Naipukpok ko na lang ang libro sa kaniya. "Geez. Kabisote ka. You didn't review well. Loko!" may halong tawa at inis kong bulalas. "You didn't study well."

"Aish. Punyeta naman, eh."

"Talagang gan'yan. Mag-review ka ulit at tatanungin kita pagkatapos."

"Oo na. Punyeta naman, oh."

"'Wag mo ko gan'yanin. Five minutes. Go."

Nakakabanas mang isipin pero sa mga oras na 'yon ay magdamagan kaming nag-review at nagtanungan. Para talaga masiguro kong inaaral niya tatalaga nang mabuti ang mga sinasabi ko, gumawa ako ng kasunduan. Sa bawat mali niyang sagot, iinom siya ng isang kutsara ng suka bagay na ikinangiwi niya. Buti naman at pumayag siya nang pilitin ko. Magmula n'on ay puro tama na ang sagot niya sa 'kin. No fair.

***

"Good luck, Lorenz. Gamitin mo sana ang mga inaral natin sa exam mo sa bukas. Alam ko namang kaya mo 'yon maipasa," nakangiti kong sambit matapos uminom ng tubig.

Kasalukuyang nanonood sa TV si Foreigner guy habang kumakain ng tinapay na pinalaman ng peanut butter. Tahimik lang siya na tila hindi narinig ang sinabi ko.

Isinukbit ko na ang aking sling bag at nagpaalam. "I need to go. Good luck ulit sa 'yo." Tumuloy na ako sa pinto niya papalabas, subalit akmang hahawakan ko na ang siradula ng pinto nang tawagin niya ako.

"Destiny," pukaw niya sa 'kin.

Nakakunot ang noo kong humarap. "Bakit?"

Basta na lang ibinaba ang kaniyang hawak saka tumungo papunta sa 'kin. "Destiny." Lumapit siya sa 'kin dahilan para mamilog ang mga mata ko.

Napalunok ako nang malalim. It was so fast. Ang awkward ng sitwasyon ko ngayon.

Nasa harapan ko ngayon si Foreigner guy. Ang katangkaran niya ay hindi ko makaya kung kaya't hiya-hiya akong napayuko upang maibsan ang pagkailang. Dama ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa bumbunan ko. Ilang saglit pa ang lumipas, sa kalagitnaan ng malalalim niyang hininga, niyakap niya ako.

"L-Lorenz..." I was dumbfounded. I can't speak. I'm shocked and speechless.

"Thank you," he said as he slightly rubbed my back.

Nanatiling nakapirmi ang katawan ko sa sariling kinatatayuan. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa ginagawa niya. Simpleng pagyakap lang ni Foreigner guy ay uminit na ang pisngi ko. Pigil na rin maging ang akinh paghinga. Sigurado akong nararamdaman niya ang lakas ng tibok ng puso ko dahil ang kaniya ay rinig na rinig ko.

Why is he doing this?

His hug feels weird. I can't hear anything except our deep breath. Bawat segundong lumilipas na nakayakap si Foreigner boy sa 'kin ay siyang pagdagundong ng kung ano sa 'king dibdib.

"Destiny," tawag niya ulit sa pangalan ko. "Gracias."

Without thinking, I just found myself hugging him back. "Walang anuman."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top