Chapter 03: Choiceless
DESTINY
"Manong, para po," senyas ko. Bahagya akong lumiyad para ituro ang kanto kung saan niya ako ibaba bagay namang kaniyang ginawa. "Dito na lang po."
Hininto niya ako sa eksaktong kanto kong tinuro. Inilabas ko na ang wallet ko't dumukot ng pera saka ibinayad ito sa cab driver bago bumaba.
Nang makitang medyo malayo-layo na ang cab kong sinakyan ay bumaling na ako ng tingin sa harapan ng papasukan ko. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan saka hinarap ang lalakaran. Hindi naman maiwasan ng sarili kong mapatingala sa mataas na kulay berdeng gate nito. Mababasa sa bandang dulo ang karatula ng University of Linvillia.
Inayos ko ang pagkakahawak ng aking sling bag saka dumiretso. Habang papalapit nang papalapit, dalawang rumaragasang ilog na nakapalibot dito ang aking natanaw. Gumala pa ang mga mata ko't nasilayan ang mga matitingkad na mga dahon ng mga puno, dagdag pa ang mga batong nabalutan na ng mga lumot na siyang nagpapaakit pa rito.
Pagpasok ko pa lang ay kakaiba na ang pakiwari ko. It's weird. Not totally the negative but in opposite one. The ground is layered with grass instead of sement, resulting the whole place to be seen as green. It makes the entire space neat and clean to our eyes. Malawak ang kapaligiran. May iilang puno pa nga at sa ilalim ang mga upuan na gawa sa kahoy. Tambayan kumbaga. 'Di man lang ito nasisinagan ng init ng araw kaya presko ang hangin. Nakakagaan ito ng pakiramdam.
Gumilid muna ako at inilabas ang aking phone mula sa 'king bulsa saka muling ch-in-eck ang floor at number bulletin na aakyatan para sa resulta ng mga nakapasang aplikante. Sa pangalawang palabag at ikatlong bulletin ang sa applicants ng sa course na papasukan ko.
"Sana naman makapasa. Bahala na," bulong ko na lang.
Pumaibaba ang paglalakad ko saka nakapasok na sa corridor ng unibersidad. May mga guard rin na nag-a-assist sa mga papasok at lalabas. Bukod sa 'kin, marami rin akong mga estudyanteng nagbabakasakaling makapasa.
'Di na ako nag-aksaya pa ng oras at binilisan ang paglalakad patungo sa 2nd floor. Malakas ang tunog ng mga hakbang naming umaakyat, marahil sinasadyang tagalan para maging handa anuman ang kakalabasan nito. Geez. Kinakabahan na talaga ako.
Agad akong dumiretso sa mga nakahilerang bulletin board. "One, two," bilang ko sa mga nakahilerang bulletin boards. "Three. 'Ayun." Nakita ko na rin sa wakas ang bulletin board kung saan naka-pin ang mga nakapasa sa kursong pinag-exam-an ko. Mas lumakas ang dagundong ng tibok sa aking puso. Kinakain na ako ng kaba.
Marami na ang mga taong nakapaligid dito kaya medyo masikip. Halos patagilid na lang ako naglalakad para makasingit lang. Sa aking puwesto ay may napapansin na akong mga masaya at ang iila'y mga nadidismaya. May mga pumasa at mayro'n ding mga hindi pinalad. Tuluyang bumalot ang lamig sa kamay ko.
"Excuse me, excuse me," wika ko habang patuloy na nakikisingit. Ilang saglit pa'y nakarating din ako sa harapan.
Nasa harapan na ako ng malaking bulletin board ngayon. Kada isa nito ay may sampung naka-pin na bond papers at nakalagay ro'n ang mga pangalan ng mga nakapasa. Nagsimula akong tumingin sa taas sa palatandaang apelyido. Sa letrang, "H" nagsisimula ang apelyido ko kaya mabilis kong nilaktawan ang iba para mapabilis ako.
Unti-unti akong nakikipaggitgitan kahit alam kong masikip, nagkakatulakan, at halos magkapalitan na ng mga mukha. Suwerte ko't wala pa akong naaamoy na may putok.
Geez. Bakit wala? I can't find my name
Kanina pa ako pabalik-balik ng tingin sa dalawang magkadikit na papel at wala ro'n ang apelyido ko. Umusad ako para tingnan ang iba pang mga nakalistang pangalan. Iniliyad ko pa ang aking ulo makita lang ang lahat. Kung hindi ako nakapasa, panyak na uulit na naman ako. E halos isang libo rin ang pag-retake. Geez. Bawal akong hindi makapasa. Naiinis na ako bakit wala ang pangalan ko. Malilintikan ako nina Mommy at Daddy nito, eh.
"'Asan na b―" Namalayan ko na lang na may nakasanggi sa ulo ko. Kaagad akong humarap sa taong 'yon at sinabing, "Sor―" Bigla na lang akong tumigil sa pagsasalita.
"Ikaw na naman?" magkasalubog ang mga kilay niyang tanong sa 'kin sa kalagitnaan ng pakikipaggitgitan.
My mood suddenly drops. Guess what. Sa dinami-daming puwedeng makasangga sa 'kin, e siya na naman ulit. Nakaka-bad trip na.
"Hanggang dito ba naman?" Gano'n pa rin siya magsalita.
"'Wag mong sabihing dito ka rin mag-aaral, Foreigner guy?" pabalang kong tanong. Wala na akong pakielam sa mga taong nakapalibot sa 'min.
"What would you do if ever? Natural. Kaya nga ako nandito. Hindi ka naman siguro tanga para hindi maisip 'yon, 'di ba?'" Itinuon niyang muli ang sarili sa paghahanap ng kaniyang pangalan gamit ang kaniyang hintuturo.
Kung nakakamatay lang sana ang tingin, matagal ko nang pinatay itong lalaking 'to. Lagi niya na lang sinisira araw ko. Stalker yata 'to, eh.
"Bakit wala name ko rito?" inis kong tanong.
"Anong grade na po ba kayo, Ate?" rinig kong tanong sa 'kin ng babae sa bandang likuran ko.
"1st year college," tipid ko namang tugon nang nakatingin pa rin sa listahan.
"Punyeta, bakit wala?"
Natuon naman ng atensyon ko si Foreigner guy na biglang nagmura. Nabuwibuwisit na siya.
Isa lang ibig sabihin nito. Kung wala ang mga pangalan namin, hindi kami nakapasa. Malilintikan na nga ako nito.
"Eh? Grade 12 po ang nandito. Sa 3rd floor, 1st bulletin ang 1st year college," aniya bagay na ikinagulat ko.
"H-Ha? Ano?" naguguluhan kong tanong.
"Nag-iba po, eh. Hindi ninyo po ba nakita ang latest post ng UOL?"
It only means one thing. I still have a chance to pass! Geez!
"Sige, sige. Thank you for letting me know." I even sounded like a cry baby just to make her feel my gratitude. Kung 'di siguro niya ako tinanong e nagmukha akong tangang nagmumukmok pag-uwi
Now I know. This bulletin here contains only names of the passed grade 12 students.
Nagdadalawang-isip pa ako pero napakasama ko naman para 'di sabihin. Fine. Pagkuwa'y lumingon ako sa 'king kaliwa at nakita ko siya. "Pst. Foreigner guy, nasa 3rd floor, 1st bulletin ang results. Puro grade 12 lang ang nandito." Sa segundong lumipas ay dali-dali na akong nanakbo sa taas. Kanina lang naiinis ako sa kaniya kaya nagtataka ako kung bakit ko ba siya kinausap kung puwede ko namang hayaan na lang siyang mainis kakahapan sa pangalan niyang hindi naman makikita ro'n. Medyo nakakahiya. It feels like for a sudden moment, we're not strangers.
Matapos makaakyat ay nakiusyoso na rin ako sa mga nagsisiksikan sa bulletin board. Hindi ko na ininda ang hiyang namumutawi sa 'kin matapos kong kausapin si Foreigner guy.
Nang makarating ay agad akong tumingin sa gitna at hinanap ang apelido ko. Tumigil ako sa paghinga nang manlaki ang mga mata sa nabasa. "Hendrix... Destiny Sierra, D," basa ko sa 'king pangalan. There, I saw my name. I've passed the exam.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili para ngumiti. Kumurba ang bibig ko kung kaya kaagad akong humiwalay sa mga tao at pumunta sa lugar kung saan tahimik. Tinawagan ko si Laurene. Ilang tunog lang ay sinagot na niya ito.
"Cuz, pasado ako! Ikaw?" bungad niya kaagad pagsagot ng tawag.
"Geez! Same! Pasado rin ako," wika ko ko habang natatawang panayam sa kaniya.
"Shock, Cuz. Pasada tayo. Favorite tayo ni Lord."
"Gagi ka, Laurene. Akala ko talaga 'di ako pumasa kasi nga sa 2nd floor ako pumunta pero buti sinabi na nagbago raw at grade 12 mga nando'n. Dito raw 'yung sa 1st year college. Sis, sobrang saya ko, 'tang ina," kuwento ko sa kagalakan. 'So iyon, tumawag lang ako para sabihing nakapasa ako. Bye na. Tatawagan ko pa sila Mommy." Sa isip-isip ko ay ang kapal naman ng mukha ko gayong ako ang tumawag at hindi naman siya. Idinaan ko na lang ito sa pagbungisngis.
"Ang kapal naman ng mukha mo?" sarkasriko ngunit pabiro niyang tanong. "O siya. Sige na, punta na lang ako sa bahay n'yo later. Magdadala ako donuts."
"Ice cream na lang. Ayoko n'on. Please?"
"Ikaw magbayad."
"Sus. Damot."
"Oo na, oo na."
"Yey. Thanks."
"Bye." Siya na ang pumutol ng tawag.
Akmang hahakbang na ako para bumaba nang mahagip ng mga mata ko si Foreigner guy na nakapanglumbaba ang ulo na tila ba sobrang dismayado habang naglalakad. Ako naman ay biglang nagtaka. Basta na lang akong sumunod sa kaniyang papaalis na nang hindi nag-iisip.
"Lorenz!" tawag ko sa kaniyang pangalan. Kahit ako ay hindi inaasahang tatawagin siya nang gano'n.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa 'kin. Kusa namang natigil at napako ako sa kinatatayuan, ni walang lakas ngayon ulit para magsalita sa harapan niya.
"What?" His both eyebrows raised as he asked. The mourning in his voice was pretty obvious.
"A-Ano'ng problema?" tuliro kong tanong.
"I didn't passed," diretsahan niyang sagot bagay na ikinanlaki ng mga mata ko. "I saw your name there. Ang ganda rin ng name mo. Congrats din pala," kaswal pa nitong dagdag. Maglalakad na sana siya nang higitin ko ang kaniyang braso.
"Are you okay?" Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit parang alalang-alala ako gayong inis na inis nga ako sa kaniya.
"I would definitely lie if I say 'no.'"
"O-Okay..." Iyon na lang ang nasambit ko.
"Ahm... I know this may sound audacious but can we talk?" He sounds so pleasing.
Napalunok ako't 'di nakakibo habang nakatingi sa kaniya. Somehow, the Foreigner guy I knew was different from Lorenz I'm facing right now.
"Let's go outside." Walang anu-ano'y nagpatiuna na siyang naglakad kaya sumunod naman ako sa kaniya.
Pareho kaming umupo sa upuan sa ilalim ng mayayabong na mga puno nang makarating sa baba. Foreigner boy is noiseless this time. He's not speaking any word. It makes me feel gauche.
I gulped hard and started our conversation even it takes to eat my own pride. Yeah, it's embarrassing. "L-Lorenz, what is your plan now?"
He straight away replied. "Plan? What plan?" balik nitong tanong. Nasa kawalan pa rin ang kaniyang tingin.
"Yes. Ano na'ng balak mo?"
"I have no choice after all," tugon niya saka pinitik ang popsicle stick sa gilid ng kaniyang inuupuan. "I need to take an entrance exam again. Though it is pricey, I still need to."
"Ano ba kasing course ang kinuha mo?"
"Engineering. Ikaw?"
"Bachelor of Fine Arts. Ahm, gusto kong i-persue ang pag-aaral ko as an artist. Suportado naman ako ng pamilya ko," litanya ko naman.
Tumango-tango naman siya. Hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sa kawalan. "Good for you."
Napatango-tango lang naman ako kahit naman na walang katanong-tanong sa sinabi niya. "Why?"
"Nothing. I'm just having a hard time reviewing. I can't focus. To be honest, this was the first time I'm enrolling in the Philippines. Ang weird. Iba pala ang system dito."
Nagpakawala lang ako ng hangin. Although nakakapagtaka nga kung bakit pa siya rito nag-aral ay pinigilan ko na lang ang sarili para magtanong. Maybe it was personal though.
"Kailangan mo ba ng tulong?"
Sa puntong ito ay humarap na siya sa 'kin. "Huh? What do you mean?"
"Gusto mo ba kakong tulungan kita," pag-uulit ko sa tanong. I don't know what I'm saying about, but all I know is that I'm just feeling pity for this guy.
"Puwede naman kung ayos lang sa 'yo." Mabilis naman niyang napagtanto ang sinabi niya kaya binawi niya 'to agad. "Punyeta, 'wag na lang pala." Natampal pa niya ang kaniyang noo dahil sa hiya.
"I just want to help. Just accept it."
"Nakakahiya," tanggi niya.
"May hiya ka pala," pambabara ko naman dahilan para samaan niya ako ng tingin. "I'm just kidding."
Sumentro ang nakakailang na katahimikan sa pagitan namin pagkatapos n'on. Nanatili lang akong tahimik na nakatingin sa bandang ibaba. Si Foreigner guy naman ay nakakrus ang mga braso habang bahagyang nakatingala. Hindi ko maiwasang mapatanong sa isip.
Why am I with this guy? As I remember, we're not in good terms. I should left this man to be honest. Mayabang ang ugali niya at nakakasira ng araw. But now, I wonder why I feel pity for him. The uneasiness feelings surrounds me. Saka isa pa, ang layo ng kurso niya sa kurso ko para tulungan ko pa siya. Kung babawiin ko pa rin ang sinabi ko, magmumukha lang akong tanga. Geez. I should've think before saying those words.
"Fine. I want you to help me. Is that okay?" simple nitong tanong nang 'di nakatingin sa 'kin.
Tumango lang ako. "Y-Yes."
Kumurba naman nang kaunti ang kaniyang labi. "Gracias."
I really don't know what's wrong with me. I'm in awkward situation right now. Geez. This is my fault. I can't help it. I also admit Foreigner guy is handsome that makes me more pity for him. Ugh, whatever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top