9-FAMILY STORY

"Our greatest joy and our greatest pain come in our relationship with others." - Stephen R. Covey.


--------------------------------------------

June's POV

Ramdam ko na nag-iba ang mood ni Wade matapos niyang makipag-usap sa kung kanino. Hindi na siya kumikibo habang tinatapos ang pagkain. Hindi na pala siya kumain talaga. Hindi na nabawasan ang pagkain na nakalagay sa plato niya. Pati na si Nico, hindi na rin nagsalita.

"Tapusin mo na ang pagkain mo tapos magpahinga ka na. Ako na ang bahala dito." Seryosong sabi ni Wade habang inililigpit niya ang pinagkainan namin. "Isusunod ko na sa iyo ang mga gamot na iinumin mo." Bitbit ang mga plato ay inilagay niya iyon sa lababo.

Kumunot ang noo ko. Pababayaan niya akong pumunta sa kuwarto mag-isa? Hindi talaga niya ako aalalayan man lang?

"Dude, ako na dito. Alalayan mo siya. Huwag kang obvious," mahina pero narinig ko pa rin na bulong ni Nico kay Wade.

Obvious? Ang obvious lang naman sa ginagawa ni Wade ay ang pagiging malamig niya sa akin at parang walang pakialam.

Tinapunan niya ako ng tingin tapos ay naghugas ng kamay at tinuyo ng paper towel tapos ay walang imik na lumapit. Walang salita, hinawakan niya ako sa braso at inalalayan na makatayo.

"Kung napipilitan ka lang naman, huwag na lang. Kakayanin ko na ang sarili ko," tinabig ko ang kamay niya at pinilit kong makatayo sa kinauupuan ko. Sinubukan niya akong hawakan pero lumayo lang ako sa kanya. "Kaya ko. Huwag mo na akong intindihin." Pinilit kong humakbang papunta sa kuwarto ko. Masakit ang mga sugat ko sa katawan pero mas masakit ang nararamdaman ng dibdib ko. Nasasaktan ako sa malamig na pakikitungo sa akin ni Wade.

Naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa beywang ko ang inalalayan akong makalakad.

Hindi na ako nagprotesta. Kahit na ganito ang pakikitungo sa akin ni Wade, kampante naman ako sa tuwing tatabihan niya ako at pagsisilbihan. Siguro nga, mayroon lang talagang nangyari kaya siya ganito sa akin. May nagawa akong talagang ikinagalit niya.

Inalalayan niya akong makahiga sa kama. Inayos pa niya ang mga unan na naroon. Pati ang kumot ay inayos sa katawan ko. Pero katulad pa din ng dati, seryoso pa din siya at walang kibo.

"Kunin ko lang ang gamot mo," sabi niya at tumalikod na.

"Wade."

Lumingon siya sa akin at nagtatanong ang tingin.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung tama itong sasabihin ko sa kanya pero bahala na.

"Siguro napakalaki ng kasalanan na nagawa ko sa iyo para ganyan ang trato mo sa akin. Paulit-ulit man ako pero hihingi pa rin ng tawad. Pero puwede ba, sabihin mo sa akin kung anong nagawa ko para magalit ka ng ganyan? Isa lang naman ang dahilan para magalit ng sobra ang isang asawa."

Kumunot ang noo niya. "What are you talking about?"

"Wade, sabihin mo nga sa akin kung nagkaroon ako ng affair kaya ka ganyan sa akin? May naging lalaki ba ako? Niloko ba kita?" Nangingilid na ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

Napakamot ito ng ulo at bumalik sa kama ko tapos ay umiling.

"Wala kang lalaki ano ka ba? Wala kang ginawa. Wala kang kasalanan."

"Pero bakit kasi ganyan ka sa akin? Sobrang napu-frustrate na kasi ako sa nangyayari sa akin. Parang ang unfair kasi ikaw alam mo kung sino ako, kung ano ang pagkatao pero ako, wala akong alam na kahit ano." Napasubsob ako sa mga palad ko tapos ay naisuklay ang kamay sa buhok. "Ang hirap. Lahat blangko. Nangangapa ako sa dilim. Ikaw ang inaasahan kong tutulong sa akin para maalala ko ang lahat pero pakiramdam ko, ikaw pa ang lumalayo."

"I am sorry if you feel that way. I am not just used in this kind of situation. Kung nahihirapan ka, nahihirapan din ako dahil hindi ako sanay ng ganito tayo." Ngumiti siya ng mapakla.

"Ano ba tayo dati? Malambing ba ako sa iyo? Ano ang mga ginagawa ko na gusto mo? Tuwing gumigising ka ba pinagsisilbihan kita? Hinahalikan kita? Nagsi-sex tayo?" Titig na titig ako sa mukha niya habang sinasabi ko iyon.

Napabuga ng hangin si Wade na parang biglang hindi naging kumportable ang hitsura.

"Mag-asawa tayo. Normal na ginagawa ng mag-asawa iyon. Normal na tabi matulog sa kama. Normal na naglalambingan. Pero magmula ng makilala kitang asawa ko, hindi ko naramdaman iyon. Oo nga at inaalagaan mo ako pero ramdam ko naman ang pag-iwas mo." Hindi na ako nahiya na sabihin sa kanya ang lahat.

Narinig kong umehem si Wade tapos ay marahang hinilot-hilot ang batok niya.

"You are sweet. Umm- you take care of me. Every morning you cook breakfast for us. You love to cook my favorite tapsilog with sunny side up egg." Ngumiti siya sa akin.

Pilit kong inaalala ang sinasabi niya. Pilit kong hinahanap sa aalala ko ang pagsisilbi ko sa kanya pero bakit wala?

"Then after we eat breakfast-" napakamot muli ng ulo si Wade, "you're preparing my things so I can go to work. Then you're going to work too."

"Ano ang trabaho mo?"

Napa-oh si Wade at saglit na nag-isip. "Sales. I work in Sales. I deal with people."

Tumango-tango ako. "Ako? Ano ang trabaho ko?"

"Trabaho. Ano ang trabaho mo?" Parang sa sarili lang iyon sinasabi ni Wade. "Work, work, work. Your work. You are a computer programmer."

"Computer? Programmer? I am good at computers?" Paniniguro ko.

"Yeah. Maybe. Yeah. You are good." Muli ay napakamot siya ng ulo.

"Bakit parang hindi ka sigurado?"

"Because I don't want you to work. Ang gusto ko noon kapag nakasal na tayo sa bahay ka na lang at lagi mong hihintayin ang pag-uwi ko," sa pagkakataong ito ay nakatitig sa akin si Wade.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang tinunaw ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya sa mga titig na iyon. Ang ganda-ganda ng mata ng asawa ko.

"So, pinatigil mo akong magtrabaho?"

Tumango siya. "Kaya naman kitang buhayin at suportahan. You don't need to work especially when your boss is an asshole."

Napapikit ako at marahan kong hinilot ang ulo ko. Boss. Boss. Parang biglang may nag-flash sa isip ko na mukha ng tao.

Gerard Host.

"Gerard. Host." Nasapo ko ang ulo ko dahil sumasakit iyon. Pilit kong iniisip kung sino ang pangalan na iyon pero muli ay blangko na ang lahat.

"What did you say?" Ngayon ay nakita kong nanlalaki ang mata ni Wade na nakatingin sa akin. "What name?"

"Gerard Host. Sino iyon? Iyon ba ang boss ko sa dati kong pinagta-trabahuhan?"

Mabilis na umiling si Wade at pilit akong pinahiga sa kama.

"Hindi. Huwag mo ng isipin kung sino iyon. Hindi ko rin kilala. Sabi nga ni Doc, unti-unti ay may mga maaalala ka na hindi naman importante sa nakaraan mo. Take a rest. Basta kung may maiisip ka, maaalala ka, isulat mo agad at sabihin sa akin." Muli ay inayos niya ang kumot sa katawan ko tapos ay tumayo na tapos ay tinungo ang pinto.

"Wade."

Nang lumingon siya sa akin ay halatang gusto na niyang matapos ang usapan namin.

"What?"

"Baka puwedeng dito ka naman matulog ngayong gabi? Dito sa tabi ko? Baka sakaling bumalik sa alaala ko kung gaano tayo kalambing sa isa't-isa bago ako maaksidente." Pakiusap ko sa kanya.

Hitsurang walang magawa, tumango na lang siya at tuloy-tuloy na lumabas.

Tumitig lang ako sa kisame. Dalawang pangalan na ang naalala ko. Noon una, Jay. Ngayon naman Gerard Host.

Sino ba ang mga iyon?

-------------------

Declan's POV

Gerard Host.

Damn it. Gerard Host. Of all the people that she would work, why did she have to work with that monster?

Kung wala lang amnesia si Stacey, kakalugin ko talaga siya at papaaminin kung ano ang mga trabaho na ginawa niya para kay Gerard Host.

Nang bumalik ako sa kusina ay nakita kong tapos ng magligpit si Yosh. Mukhang paalis na rin at hinihintay lang ako.

"Alis ka na?" Para akong walang lakas na naupo sa harap ng mesa.

"Sana. Tumawag kasi si Sesi. Tinatanong kung doon daw ako matutulog. I can't say no."

Tumango lang ako. "Sige. Thank you for today. Kahit paano medyo nakakawala ako sa stress na kaming dalawa lang ang nandito."

Natawa si Yosh. "Gago ka kasi. Sakit sa ulo 'tong ginawa mo. Actually, sakit sa dalawang ulo mo." Yosh pursed his lips just to suppress his wicked laugh but he began to hum the song My ding-a-ling again. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sorry, I can't help it." Pagkasabi noon ay tuluyan na siyang humalakhak.

Tinalikuran ko siya at iniwan. Dinampot ko ang kaha ng sigarilyo na nakapatong sa mesa na nasa front porch at kumuha ng isa tapos ay nagsindi. Napapikit pa ako nang humithit at bumuga. Kahit paano gumaang ang pakiramdam ko. Naupo ako sa silyang naroon at nakatingin sa maaliwalas na langit at bilog na buwan. Kalat na kalat ang nagkikislapang mga bituin.

"And this situation is really killing you." Narinig kong komento sa likuran ko. Hindi ko pinansin si Yosh na kinuha din ang kaha ng sigarilyo at kumuha doon at nagsindi. Naupo rin sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin sa langit.

Gusto kong matawa. Pareho kaming nakatingin ni Yosh sa langit pero siguradong magkaiba ang nasa isip namin. Siya, malamang ang magandang future nila ni Sesi. Wala ng problema. Ako, 'tangina. Lugmok na lugmok sa problemang pinasok ko.

"Who is Ghost, Dec?" Sa pagkakataong ito ay nakatingin na sa akin si Yosh.

Nagngalit ang bagang ko nang marinig ko iyon. Humithit ako sa sigarilyo at bumuga.

"A monster."

"And you're not going to do anything about it? Nalaman pa niya kung paano ka makokontak? Thru Bryan. Thru me. Alam niya kung paano ka mahahanap." Dama ko ang pag-aalala sa boses niya.

"I have so many demons who are hunting me and he is one of those." Inisang hithitan ko ang sigarilyo at painis na pinatay sa ash tray na nasa tabi ko.

"Kaya nga. Wala kang gagawin doon? Pababayaan mo lang na guluhin ka? Hindi kita nakilalang ganyan. You are the bad ass Declan Laxamana. Wala kang patawad sa mga nanggugulo sa 'yo. Saka patong-patong na ang problema mo. Hanggang leeg na pero wala kang ginagawa."

"Because he is my father." Pagkasabi noon ay napayuko ako at inis na isinabunot ang kamay sa buhok ko. Fuck. Nobody knows about it. Not even the agency. Everyone knows that I am an orphan raised by my grandmother. Well, except for Chief Coleman.

At walang nakakaalam ng sikreto kong ito. Pero kay Yosh, parang magaang ang loob kong sabihin. Maybe I needed to vent out too. I've been keeping this secret inside me for so long. 

Napa-oh lang si Yosh at hindi nakasagot sa sinabi ko.

"He was the head of XM Agency. He created XM. My dad and my mom." Napatawa ako ng mapakla nang maalala ang kabataan ko. Akala ko lang ay kakaiba ang trabaho ng mga magulang ko dahil madalas silang nasa malayong lugar. Naiiwan lang ako sa pangagalaga ng lola ko. Habang lumalaki, doon na ako nagsisimulang magtanong. Kasi mayroon naman akong magulang pero bakit laging lola ko lang ang kasama ko.

"Head of XM?" Tumaas ang kilay ni Yosh tapos ay nanlaki ang mata sa akin. "Wait. The Honesto's? Gregorio and Linda Honesto are your parents?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngumiti ako ng mapakla. "Unfortunately." Sumandal ako sa kinauupuan ko at napahinga ng malalim.

"What the fuck? They are your parents? Shit! 'Tangina, Dec napakasikat sa mga agencies ng mga pangalan na iyon. Well, base lang 'to sa mga kuwento-kuwentong naririnig ko sa Circuit. Alam mo naman na naka-link din ang bawat agencies natin. The Honesto's were like Mr. and Mrs. Smith. Mga bad ass kung pumatay. Walang mission na hindi nagagawa ng maayos," tapos ay natigilan din si Yosh sa sinasabi niya at alanganin na tumingin sa akin. "Until their last mission," napa-ehem ito at parang hindi na kumportableng ituloy ang sinasabi niya.

Sumikip ang dibdib ko. That last mission.

Their last mission that changed everything in our lives.

"What happened to that?" Seryosong tanong ni Yosh.

"He killed my mother. That happened." Matigas kong sagot.

"Killed? It was caught on tape. We saw it. I mean, 'nung nasa training ako may videos na ipinapakita sa amin, mga dapat naming pag-aralan, negotiations, hostage taking that went south ways," muli ay nag-alanganin si Yosh na ituloy ang sinasabi niya. Parang tinatantiya ang magiging reaksyon ko.

Natawa ako. "So, ginawa nilang pang-thesis sa agency ang mission ng parents ko?"

"Hey, I didn't know it was your parents. No one knew. Ang ipinapakita sa amin, kung paano iha-handle ang ganoong situation. The woman, your mom was held hostage by a fucking trigger happy."

Naninikip ang dibdib ko at napapikit ako. Bumuga ako ng hangin dahil parang hindi ako makahinga. Ibinabalik ako sa sitwasyong iyon. Naroon ako. Kitang-kita ko ang nangyari. Narinig ko ang lahat ng mga sinasabi ng mga taong nasa paligid ko.

That was my first mission na nakasama ko ang parents ko sa field.

We were like a happy family who were going to nab and kill bad guys. It was like in the movies.

But unfortunately, our family story didn't end up happy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top