8-DJ
Declan's POV
Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang telepono na ibinigay ni Yosh. Napahinga ako ng malalim at tumayo at nagpaalam sa kanila na lalabas muna. Ilang beses akong huminga ng malalim bago ko sinagot ang tawag para sa akin.
"It's me. How did you find me?" Seryosong sabi ko sa nasa kabilang linya.
Mahinang tawa ang sagot na narinig ko. Tapos ay naririnig kong nagsasalita ang lalaki na parang inuutusan ang kung sino man na kasama nito. Inuutusan na umalis at tumakbo.
"Your friend is safe. Sumusunod ako sa pangako ko. Bry is a good hacker. I should recruit him to my group," natatawang sabi ng kausap ko.
Mahina akong napamura at humigpit ang hawak ko sa telepono.
"What do you want?" Mariing tanong ko.
"Kung bakit naman kasi tinataguan mo ako. Napakadali mo akong makausap. Hindi ko na kailangan na manakot pa ng tao para lang makausap ka."
"God damn it, what do you fucking want?" Talagang parang sasabog na ako sa tinitimpi kong galit.
"You still have your temper. I told you, you should control it. Iyan ang sumisira sa diskarte mo."
"Fuck you." Kung kaharap ko lang ang taong ito ay baka nasuntok ko na.
"Language, Declan. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo." Ngayon ay seryoso na ang timbre ng kausap ko.
Hindi ako sumagot. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa galit na nabubuhay doon.
"You are MIA in the agency. No one knows where you are. You really know how to make yourself disappear. I am proud of you." Natatawa na ito ngayon.
"Cut the bullshit and tell me what you want."
"DJ. Come on, relax. You're still mad at me? It's been ages since that happened. Hindi mo pa rin ba ako napapatawad sa nangyari? You know the truth."
Hindi ako sumagot. Siya lang ang taong tumatawag sa akin ng pangalang iyon. A name that I buried together with my past. Bumalik sa alaala ko ang pangyayaring sinasabi niya kaya napapikit ako at napailing. Mabilis kong inalis ang senaryo na iyon sa isip ko.
"Let's cut the chase and tell me what you want." Napahinga ako ng malalim. Kung may magagawa lang talaga ako na putulin na ang usapan na ito pero sigurado akong mahahanap at mahahanap din niya ako kung hindi ko iintindihin ang sinasabi niya ngayon.
"Alright. I have a job for you."
"I am no longer killing for you."
"Kill? Who said you're going to kill for me?" Natawa pang sabi ng lalaki.
"Dahil iyon lang naman ang silbi ko sa iyo. You cannot pull the trigger anymore kaya ako ang pinagagawa mo sa mga trabahong dapat ikaw ang gumagawa."
"I cannot pull the trigger because she made me promise not to pull the trigger. There's a big difference between that. If I wanted to kill someone, I could do it. Right here, right now. But she made me promise and I can't break that promise," naramdaman kong lumungkot ang boses niya ng sabihin iyon.
"That's why you trained me. You made me like this. Your own triggerman. How could you do that to me?" Bahagyang nabasag ang boses ko nang sabihin iyon.
"Nagsisisi ka ba? You love this kind of life. You told me you are enjoying being like this. You love the adrenalin rush, the excitement that it gives you. And who are you now? You are the famous Declan Laxamana of XM Agency. Fierce. Brutal. Your co-agents were afraid of you. Marinig lang nila ang pangalan mo, nanginginig na sila. Well, you fucked up the last time because of a woman. Who was that again? Keng? Raquel? Cassidy?" Natatawa na ngayon ang kausap ko.
Si Kleng ang tinutukoy niya. Napahinga ako ng malalim. Kahit talaga laging off the grid ang taong ito, wala pa rin akong maililihim sa kanya.
"Huwag mo siyang idamay dito. May sarili na siyang buhay."
"I know. I know and I am glad that you let go of her. Kung hindi mo pa gagawin iyon, ako na mismo ang puputol sa kahibangan mo sa kanya. You see, I am going to give you a scenario. An agent, you, falls in love. Agent runs a mission and the woman that he loves gets kidnapped. What will he do? He will save the love of his life. And what will happen? What happened to you? You almost got killed. And that is because of a woman. You see, women are our weakness. Kaya madalas ang mga katulad natin ay laging nag-iisa. We are bound to be alone for the rest of our lives."
"That's why you killed her? That's why you killed my mom?" Napalunok ako at naikuyom ko ang kamay ko sa galit na nararamdaman ko.
Hindi nakasagot ang kausap ko at narinig kong napahinga siya ng malalim.
"I didn't have a choice, DJ. The situation calls for that. Your mom knew that too."
"I was there! I told you not to pull the trigger, but you did it anyway!" Sa pagkakataong iyon ay hindi ko napigil na tumulo ang luha ko kaya mabilis kong pinahid iyon. Hindi ako umiiyak. Kahit na noong muntik na akong mamatay, hindi ako umiyak. Pero sa tuwing maaalala ko ang senaryong iyon, sa tuwing maaalala ko ang umiiyak na mukha ng mommy ko, ibinabalik ako sa sitwasyong wala akong magawa na kahit na ano.
"Declan, alam mong mahirap din sa akin ang nangyari. Masakit sa akin na nawala ang mommy mo pero nangyari na iyon."
"Kung wala ka ng sasabihin tigilan na natin ang pag-uusap na ito." Putol ko sa kung ano pa mang sasabihin niya.
"June Cassia Mangayam."
Iyon ang pangalan na narinig kong sinabi ng kausap ko.
"What did you say? What name?" Doon ako biglang nataranta sa binanggit niyang pangalan.
"June. Her handle in the agency is Stacey Pamintuan. She's missing. And according to reports, you are the last person who saw her. I need to know where she is."
"Why?" Pati siya? Ano ang kailangan niya kay Stacey?
"Do you know where she is?" Balik-tanong niya sa akin.
"No." Matigas na sagot ko.
"Then that is your mission. You need to find her for me before the agency does."
"Ano ang kailangan mo sa kanya?"
"You'll find out soon." Napahinga ng malalim ang kausap ko. "It was so nice to hear your voice again, DJ. I missed listening to your voice. I missed your stories."
Hindi ako sumagot.
"I missed you, son. I hope time will come that you will call me daddy again."
Mariin kong pinindot ang end button ng telepono at tiningnan iyon.
Naipagpasalamat ko at hindi na siya tumawag uli. Text message na lang ang narinig ko. Cell number ang ipinadala niya. Doon ko daw siya tawagan kung nakita ko na si Stacey.
Tumingin ako sa loob ng bahay at tiningnan ko si Stacey habang seryosong kausap si Yosh.
Ano ang lihim ng babaeng ito at lahat na lang ay hinahanap siya?
June's POV
Masarap ang pagkain na kinakain namin ngayong hapunan. Kahit paano gumaang ang pakiramdam ko kasi nakaligo na ako tapos ay nakakain pa ng normal. At least hindi na sa kama. Hindi na walang pakinabang na pasyente ang pakiramdam ko.
Hindi na ako pabigat sa asawa ko.
Pero bakit ganoon si Wade? Bakit sa tuwing hihingi ako sa kanya ng tulong na magpabihis, asiwang-asiwa talaga siya sa akin? Sabi naman ng doctor buwan na rin ang ibinibilang ng pagsasama namin bilang mag-asawa kaya sigurado naman ako na nakita na niya akong nakahubad. Siguradong may ginawa na rin kami sa kama na normal na ginagawa ng mag-asawa. Pero kanina, tingin ko ay gustong-gusto na niya akong takbuhan.
Patuloy ako sa pagkain. Natatawa ako sa kaibigan ni Wade. Si Nico. Ang dami-dami niyang jokes at tingin ko ay napipikon na ang asawa ko sa kanya. Pikon kaya talaga si Wade? Ano kaya ang talagang ugali niya? Malambing kaya siya sa akin noong hindi pa ako naaaksidente?
Mahal kaya talaga niya ako?
Kasi ako, alam kong mahal ko siya. Nararamdaman ko kahit na parang ang layo-layo niya sa akin. Mahal na mahal ko si Wade at hindi ko makakayang mawala siya.
Nag-aasaran silang dalawa nang tumunog ang telepono ni Nico. Tumatawa pa itong sumagot pero nang marinig kung sino ang kausap ay biglang sumeryoso ito ng mukha at tumingin kay Wade. Kita ko rin ang pagbabago ng mukha ng asawa ko nang marinig niya ang pangalan na binanggit ni Nico.
Ghost daw.
Kitang-kita ko na mukhang naging worried si Wade at alam kong napipilitan lang siya nang kunin ang telepono kay Nico.
"Labas lang ako saglit," seryosong sabi niya at mabilis na iniwan kami doon. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makalabas siya tapos ay napatingin ako kay Nico. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Sino 'yun?" Tanong ko.
Umiling siya. "Hindi ko rin alam. Basta hinanap lang si Wade at importante daw na makausap." Ibinalik ni Nico ang atensiyon niya sa pagkain tapos ay dinampot ang ulam at nilagyan pa ako sa plato. "Kumain ka ng kumain para lumakas ka agad. Kumusta ang mga sugat mo?"
Wala sa loob na kinapa ko ang ulo ko na dating nakabenda. Ngayon ay plaster na lang ang inilagay ni Wade doon.
"Medyo okay na. Ito na lang naman ang iniinda ko saka 'yung sugat ko sa tagiliran."
"So, do you remember anything?"
Napapikit ako at pilit na inaalala ang kung anong buhay na mayroon ako bago ang aksidente pero sumakit lang ang ulo ko. Wala naman kasi akong maalala. Walang kahit na anong memory ang nagri-register kaya malungkot akong umiling sa kanya.
"Nahihiya ako kay Wade." Napayuko at hindi ko magawang sumubo ng pagkain.
"Nahihiya? Bakit naman? Asawa mo naman iyon."
Ngumiti ako ng mapakla. "Kasi hindi ko alam kung anong klase ba akong asawa noon. Pakiramdam ko kasi ang lamig-lamig sa akin ni Wade ngayon." Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko.
"Malamig? What do you mean by that?" Patuloy sa pagsubo ng pagkain si Nico pero nakatingin sa akin. Halatang curious sa sinasabi ko.
Nilaro-laro ko ang pagkain sa plato ko.
"Kasi bakit ganoon? Pakiramdam ko hindi na niya ako mahal. Kasi ako alam ko, nararamdaman ko mahal ko siya."
Napatingin ako kay Nico kasi naubo siya. Nasamid. Sunod-sunod na naubo at dinampot ang baso ng tubig.
"Mahal mo? Si Wade?" Paniniguro niya nang maka-recover.
Kumunot ang noo ko. "Hindi ba dapat? Asawa ko siya kaya dapat mahal ko 'di ba?"
Napa-ehem siya at napabuga ng hangin tapos ay napailing.
"Oo nga naman." Napakamot pa ng ulo at parang namuroblema ang hitsura. "Sigurado ka?"
"Bakit? Siyempre sigurado ako kasi asawa ko. Hindi naman kami magpapakasal kung hindi kami nagmamahalan. May problema ba kami bago ako magkaroon ng aksidente? Please, tulungan mo naman ako. Baka may nagawa akong hindi maganda sa kanya kaya siya ganyan sa akin."
"This is fucking awkward," mahinang sabi ni Nico. Alam kong sa sarili lang niya sinasabi iyon.
"Nico, may problema ba kami? May nagawa ba ako?"
"Sta-" hindi niya naituloy ang sinasabi niya at napatingin sa akin. "Selma, kung ano man ang nangyayari kay Wade ngayon, intindihin mo na lang. Medyo naninibago pa rin kasi siya sa sitwasyon 'nyo. Hindi lang siguro siya sanay na makita kang ganyan. Well, dati kasi sobrang lambing 'nyo sa isa't-isa. Everyday was like a honeymoon tuwing magkikita kayo."
"We're like that? Malambing siya sa akin?" Bakit hindi ko iyon makita kay Wade ngayon?
Natawa siya. "Oh, yes. You are the most important person in his life. I know how he was so devastated when the accident happened to you."
"Alam mo ba ang dahilan bakit ako naaksidente?"
Sumeryoso ang mukha ni Nico at umiling. "I think it's between the two of you. Kung may makakatulong sa iyo para maalala mo ang nakaraan mo, it should be your husband. Intindihin mo na lang muna kung minsan parang babaeng may regla ang asawa mo." Nagkibit-balikat pa siya sa akin. "But, you really don't remember anything? Kahit konti?"
Umiling ako. "Nakakalungkot. Kahit siya, hindi ko maalala. Alam mo ba kung ano ang mga plano namin? I mean, magkaibigan kayo 'di ba? Siyempre nagkukuwento siya sa iyo kung ano ang mga gusto niya. Naikuwento ba niya sa iyo ang tungkol sa pagkakaroon namin ng anak?"
"Bakit hindi siya ang tanungin mo tungkol diyan? Medyo personal na bagay na iyan at kayong mag-asawa lang ang makakapag-usap."
"Mag-asawa nga kami pero ramdam na ramdam ko ang laki ng pagitan sa aming dalawa."
Napatahimik kami ni Nico dahil bumukas ang pinto at pumasok si Wade. Ang dilim-dilim ng mukha niya. Halatang mainit ang ulo.
Sino kaya ang nakausap niya para uminit ang ulo niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top