41-LOVE IS MYSTERIOUS
LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS. It's always so surprising. When love appears over the horizon - (from the song Love moves in mysterious ways by Julia Fordham)
================
Stacey's POV
"Slow down. Careful. Careful."
Gusto kong matawa habang inaalalayan ako ni Declan na makapasok sa bahay niya. Hindi na siya pumayag na umuwi pa ako sa bahay ko. I should live with him dahil once daw na gumaling na ako, didiretso na kami sa munisipyo para magpakasal. Gusto nga niya noong nandoon pa ako sa clinic ni Doc Mervin, isasama lang daw niya ako saglit sa munisipyo para magkapirmahan na kami. Napagalitan lang ni Doc kaya wala siyang nagawa. Ngayon, sinermunan ulit siya ni Doc na kailangan idiretso ako sa bahay at hindi dalhin kung saan-saan.
Isa pa, ngayon lumabas ang grabeng paglilihi ko. Sobrang pagsusuka, madalas akong mahilo. Iilang araw pa lang ay agad ng bumagsak ang katawan ko at kinailangan pa akong suweruhan uli ni Doc para lang hindi ako ma-dehydrate. I am experiencing hyperemesis gravidarum daw. Pregnancy complication during the first trimester. Wala naman akong maintindihan sa sinasabi ni Doc. Basta ang alam ko, mahirap ang magbuntis.
"Walk slowly." Talagang akay ako ni Declan nang mabuksan niya ang pinto. Sa sofa ako dumiretso at naupo. Sa totoo lang, napapagod din ako kahit konting kilos lang. Ang bigat-bigat ng katawan ko.
Napahinga siya ng malalim habang nakatingin lang sa akin. Kitang-kita ko ang awa sa mukha niya at pag-aalala.
"Are you feeling okay? Kasi kung hindi dadalhin kita sa hospital."
Natawa ako. "No. I am fine. Ikaw ang magpahinga. Ilang araw ka ng walang tulog." Kita ko kasing nanlalalim na ang mata ni Declan at halata na rin sa mukha niyang pagod siya. Hindi kasi siya umalis sa tabi ko habang nakaratay ako sa clinic ni Doc. Papalit-palit siya ng binabantayan. Ako at si Dustin.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko si Dustin. He survived the critical stage but definitely his recovery would be hard. Sabi ni Doc Mervin, hindi pa sure kung magiging katulad pa rin ng dati si Dustin. Puwedeng naapektuhan ang utak niya dahil sa bleeding na nangyari doon.
Nag-aalala ako sa dalawang anak ni Dustin. Kahit na ba nakatira ang mga iyon sa Lola ng mga ito, ang nanay ni Dustin, nag-aalala ako na baka bigla na lang kunin ng bruhang nanay ng mga bata. Napasimangot ako nang maalala ang babaeng iyon. Ang malanding babaeng iyon na niloko lang ang best friend ko. Ang alam ko, may custody battle pa ang dalawang iyon sa mga bata. Makikipagpatayan si Dustin bago makuha ang mga anak nito pero kung ganito ang sitwasyon ngayon, baka walang magawa ang nanay ni Dustin.
"Ano ang gusto mo? May chicken dito sa freezer. May frozen teriyaki beef. Kung chicken, anong masarap na luto?"
Napatingin ako kay Declan sa kusina at nakita ko siyang nakatayo sa bukas na ref at nakatingin sa laman noon.
"Umalis ka na diyan. Hindi ka marunong magluto," natatawang sabi ko.
Tumingin siya sa akin at ngumiwi. "Well, I think I have to practice. Mukhang magiging alila mo ako during your pregnancy period." Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. "Pero kapag nanganak ka na, babawi ako sa iyo. Ihi mo lang ang pahinga." Kumindat-kindat pa siya sa akin at isinara ang ref tapos ay lumapit sa akin.
"Gago ka," tawang-tawa ako sa hitsura niya at tumabi sa akin tapos ay inakbayan ako.
"What do you want? A girl or a boy?" Ipinatong pa niya ang kamay sa tiyan ko kahit wala pa namang masyadong umbok doon. Tapos ay nanlaki ang mata niya na napatingin sa akin. Hitsurang gulat na gulat.
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko.
"Gumalaw. Gumalaw si baby," ibinaba pa niya ang ulo niya at idinikit ang tainga sa tiyan ko.
"Siraulo! Paano gagalaw 'yan ang liit-liit pa niyan," natatawa kong sabi at inis siyang hinampas sa braso.
Natatawa din siyang umayos ng upo. "Practice lang. Para alam ko na ang reaction ko kapag lumaki na ang tiyan mo at nagsa-summersault na sa tiyan mo ang junior ko."
"You want it to be a boy?" Titig na titig ako sa kanya.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Boy or girl, as long as the baby is healthy is fine with me. Kung boy, magmamana sa akin. Kung babae, magmamana pa rin sa akin. Bad ass." Tumawa siya ng nakakaloko.
"Talagang puro ikaw 'no? Sobrang conceited mo talaga." Inirapan ko pa siya pero natatawa ako.
"That's why you fell in love with me," he cupped my face and gave me the sweetest kiss that I felt in my life.
His soft kisses became deeper. I could feel his hands wandering now on my body. Agad ko siyang sinaway.
"Wait." Umiiwas ako sa kanya pero walang tigil ng paghalik sa akin si Declan. His kisses were trailing from my lips, down to my chin, down to my neck.
"Wait nga. Sabi ni Doc hindi pa tayo puwedeng mag-sex. Delikado pa daw." Saway ko sa kanya.
"Huwag kang maniwala dun. Naiinggit lang iyon kasi walang syota at walang sex life." Patuloy sa paghalik sa akin si Declan.
Napatingin ako sa pinto dahil narinig kong may kumakatok sa pinto. Doon ko na talaga siya itinulak para malayo sa akin.
"Why?" Kitang-kita ko ang frustration sa mukha niya.
"May tao. May kumakatok." Sagot ko.
Kumunot ang noo ni Declan. Naging alerto ang hitsura.
"Walang nakakaalam ng bahay ko. Even Yosh doesn't know this place." May dinukot siya sa ilalim ng center table at nakita kong baril iyon. Ikinasa niya at tumayo at tinungo ang pinto. Sumilip siya sa peep hole tapos ay mahinang napamura at inalis ang pagkakakasa ng baril. Isinuksok sa likuran niya.
"May inaasahan kang bisita?" Taka ko.
Pilit siyang ngumiti sa akin at halatang napipilitan ang binuksan ang pinto. Doon pumasok si Ghost na may dalang mga balloons at bouquet of flowers.
"Iha." Masayang-masaya ang mukha niya nang makita niya ako. Agad akong napa-diretso ng upo sa sofa nang makita siya. It was still the same feeling. Naaasiwa ako. Natataranta kasi hindi pa rin talaga mag-sink in sa akin na si Ghost ang tatay ni Declan.
"What are you doing here?" Halatang hindi masaya si Declan ang dumating doon ang tatay niya.
"I want to visit my future daughter in law and my grandchild." Muling tumingin sa akin si Ghost at ngumiti ng matamis. "How are you, iha? You're looking good."
Natawa ako. Grabe talaga ang charm ng tatay ni Declan. No one would thought that behind his smiling angelic face lies the face of a monster that kills mercilessly.
"O-Okay lang po ako, Sir." Pinilit ko pang ngumiti sa kanya.
Kumumpas ito sa hangin. "Sir pa ba? Call me dad." Inilapag niya ang mga balloons at bulaklak sa mesa. "So, what are the plans?"
Kumunot ang noo ko at napatingin kay Declan. Kunot na kunot din ang noo niya.
"Anong plans?" Taka ni Declan.
"Well, plans. Your plans. When are you getting married? What will be the name of the baby? Where is she going to give birth? Baptismal. First month celebration, and the monthly celebrations. Then first birthday. Where are you going to enroll the child sa preschoo?" Ngiting-ngiti pa si Ghost habang kaswal na nagmo-monologue sa harap namin.
Gusto kong matawa kasi sobrang contradicting ng hitsura nilang mag-ama. Ang jolly-jolly ni Ghost samantalang si Declan simangot na simangot ang mukha na nakatingin sa tatay niya.
"Napaka-advance mo, Dad. Ilang weeks pa lang ang tiyan ni Stacey, nasa Preschool ka na agad." Asar na sagot niya.
"Aba, dapat paghandaan na iyan. Mahirap na ang may anak. I've been there and I know the feeling. I was scared, worried. But you know, also excited," ngumisi pa siya ng nakakaloko sa anak niya.
"We still don't have a plan. My plan is to get even with that asshole Torque and Carmela. I am going to-"
"Oh. About that. Don't worry, it's already taken of." Ngumiti siya ng matamis sa anak niya. Pero hindi ako natuwa sa ngiti na iyon. Alam kong may ginawa siya.
"What? What do you mean taken care of?" Kunot na kunot ang noo ni Declan.
Hindi sumagot si Ghost at nag-hitsurang inosente lang at walang masabi.
"Dad! What did you do?" Nanlalaki ang mata ni Declan.
"Ah-well, you know-" napakamot pa ng ulo si Ghost. "Huwag ka na ngang magtanong. Basta. Okay na." Alam kong may ginawa na si Ghost kina Torque at Carmela. Naalala ko na nag-uusap sila noon ni Doc Mervin ng plano. Hindi ko lang masyadong maintindihan dahil medyo groggy ako sa gamot pero sigurado ako, plano iyon para mapabagsak ang sindikato nila Carmela.
Napa-ehem Ghost at inayos ang sarili. "Speaking of taken care of, I brought something for my grandchild."
"Wala ka talagang magawa. Pati 'yun pinakialaman mo. You know I wanted to kill that son of a bitch. Ako ang dapat na tumapos sa gagong iyon." Gigil na gigil pa rin si Declan.
Hindi naman ito pinansin ni Ghost. Tumingin pa sa akin at nagmuwestra na pinaikot-ikot ang daliri sa may sentido at nag-cross eye pa at itinuro ang anak niya. Sinasabing nababaliw lang si Declan kaya tawa ako ng tawa. Grabe ang pagka-bully ng matandang ito. No wonder, ganoon din ang anak niya.
Binuksan ni Ghost ang pinto at may mga sinenyasan ito. Pareho kaming nagulat ni Declan nang ilang lalaki ang pumasok at may mga bitbit na wooden crib, pack and play, bunch of paper bags at nakita kong ang mga brands ay mga sikat na baby clothes. Ang daming feeding bottles. Mga baby essentials. Mayroon pang stroller. Halos mapuno ang bahay ni Declan sa dami ng gamit.
"What the fuck are these?" Takang-taka si Declan na nakatingin sa dami ng gamit na tumambak sa bahay niya.
"My gift. For my grandchild." Nakangiting sagot ni Ghost.
"Fuck, Dad." Napakamot ng ulo si Declan. Halatang namumuroblema. "Ipahakot mo uli ito."
"Bakit naman? Kailangan ng bata iyan." Nag-iba ng timpla si Ghost at sumeryoso tapos ay pilit na ngumiti. "I'm sorry. If you feel that I am invading your privacy. I am just happy that you're going to experience a life that something normal. A family." Huminga ito ng malalim. "I can see myself in you when your mom was still conceiving you." Titig na titig ito kay Declan. "I was so happy and excited, but at the same time worried. I don't know what kind of life this world would give you."
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa sinasabi ni Ghost. He was tough, people were terrified at him but right now, he was something. I could feel his driving emotion. His pain.
Hindi kumibo si Declan at napailing lang.
Ngumiti ng mapakla si Ghost. "Don't make the same mistake that I did. Give your child a different life. Away from the horrors of what we did. I am sorry, Declan. For everything that I did for your mom. For you. I hope this child will bring a new hope for us." Napahinga ito ng malalim at ngumiti sa akin. "I'll let the people to get these things. I am sorry for bothering you."
Muli ay inayos ni Ghost ang sarili niya at tinungo ang pinto para umalis na. Nakaramdam naman ako ng awa pero alam kong may issue silang mag-ama at hindi ko alam kung dapat ba akong makialam doon.
"Dad." Awat ni Declan.
Huminto naman si Ghost pero hindi lumingon.
"I'm sorry. I didn't mean to make you feel unwanted. Thank you for these." Mahinang sabi ni Declan.
Agad na humarap sa amin si Ghost at ang ganda na ng ngiti.
"Alright!" Excited na bulalas niya. "So, when are we going to do the baby shower party?"
"Daddy," saway ni Declan.
Ako, tawang-tawa na sa kanila.
"Sorry. Just an excited granddad here." Natatawang sagot niya.
"Well, if you want to help, you can help me in the kitchen." Halatang nahihiya si Declan na sabihin iyon sa tatay niya.
"Kitchen? Why?"
"We don't have food. I don't know how to cook." Napakamot pa ng ulo si Declan at halatang nahihiya sa akin.
Yumabang ang hitsura ni Ghost. "Iyon lang ba? Learn from the expert." Mayabang na sabi nito at hinubad ang suot na suit. Sabay silang pumunta sa kusina at parehong nakatayo sa harap ng binuksan na ref.
Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa mag-ama. Sa totoo lang, naiiyak ako habang tinitingnan ko silang nagtatalo kung paano palalambutin ang manok. Kung aftritada o adobo ang lulutuin. They have a love-hate relationship, but I knew these two would kill for each other and for their loved ones.
And I am so lucky to have them in my life.
I smiled dryly when I remembered Kuya Jay. It all started with a mission to kill his killer, but in the end, I ended up loving the person that I promised to kill.
Love really moves in mysterious ways.
——————-
Thank you for reading this story. We've reached the end.
Stacey and Declan now signing off.
———————
You can join our FB GROUP for story discussion, games and prizes. Just search HM's Reading Nook. Please also like the page HELENE MENDOZA's stories
- HM
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top