4-FIRST AID KIT


Declan's POV

            Halatang kinabahan si Stacey nang makita niya si Yosh. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Yosh nang makita na kasama ko si Stacey. Sa ganitong pagkakataon, ang gusto ko talagang sisihin ay si Mervin. Pero naisip, ako din naman ang nagsimula ng gulong ito. Kung hindi ko binitbit sa clinic ni Mervin si Stacey, wala akong ganitong problema.

            "Stacey." Bulalas ni Yosh tapos ay bumaling sa akin. "Dec? What the fuck is this?"

            Naguguluhang tumingin kay Yosh si Stacey tapos ay sa akin.

            "Stacey? Dec?" Parang iyak ang hitsura niya habang nakatingin sa akin. "Anong sinasabi niya? Sino ang mga iyon?"

            Napakunot ang noo ni Yosh nang marinig ang sinasabi ng babae. Tiningnan ko ito ng makahulugan at sigurado naman akong makukuha niya ang ibig kong sabihin. At hindi nga ako nagkamali. Hindi na muling nagsalita pa si Yosh.

            "Nothing. Tara. Magpahinga ka muna. Baka dumugo na naman ang sugat mo," sagot ko kay Stacey at inalalayan ko siya para pumunta sa kuwartong nakita ko.

            Nakakapit pa sa akin si Stacey habang naglalakad kami papunta sa kuwarto. Itinatago pa nito ang mukha para hindi makita ni Yosh. Pinapakiramdam ko siyang maigi kung talagang umaarte lang siya. Pero tama ang sinabi ni Mervin. What she was showing right now was her true self. She doesn't know who she is.

            She doesn't know me.

            Binuksan ko ang pinto nang mapatapat kami sa silid. Tinulungan ko siya hanggang sa makarating sa kama at inalalayan kong mahiga. Napangiwi pa siya nang iangat ang paa at napahawak sa sugat niyang kanina lang ay tinahi muli ni Mervin. Pareho kaming napatingin doon at napailing. May bahid ng dugo ang nakatapal na gasa.

            "Dumudugo na naman. Baka natanggal na naman ang tahi." Sabi niya habang nakatingin sa gasa.

            Napakamot ako ng ulo. Anong gagawin ko ngayon? Wala na si Mervin. Kahit may alam ako sa first aid, ayaw ko pa rin na galawin ang kahit na anong sugat mayroon sa katawan si Stacey. Ang totoo ayaw ko talagang mapalapit sa kanya. Dahil sa nalaman ko na kapatid siya ni Jay, hindi ko na kayang makitungo pa sa kanya.

            Pinapatay kasi ako ng konsensiya ko sa tuwing titingin ako sa mukha niya. Ako ang dahilan kung bakit nawalan siya ng kaisa-isa niyang pamilya.

            Napa-ehem ako ng biglang i-angat ni Stacey ang suot niyang hospital gown. Mahina akong napamura. She was not wearing anything under the clothing. Hindi na siya nahiya na makita ko ang private part niya.

            Abala siya sa pagtingin sa sugat na napapatungan ng gasa. Dahan-dahan niyang tinatanggal ang micropore na nakadikit doon. Ilang beses akong napalunok kasi kahit gustuhin kong ibaling sa iba ang tingin ko, automatic na bumabalik ang tingin sa nasa pagitan ng hita niya. Kahit magdikit ang mga hita ni Stacey, kita ko na makinis ang private part niya.

            Waxed.

            Wala sa loob na napa-ehem uli ako at napabuga ng hangin. Putangina. I have a big problem because of this situation but my god damn dick was having a problem too.

            It was straining inside my pants while my eyes kept on wandering on her waxed clean pussy.

            Jesus Christ. Declan. Focus! Hindi mo pa alam kung paano mo aayusin ang problema mo na ito pero ang sundalo mo, gusto ng makipagdigma! 

            Napabuga-buga ng hangin si Stacey nang tuluyan niyang matanggal ang nakadikit na gasa. Ako? 'Tangina. Napapabuga ako ng hangin dahil masakit na ang puson ko, nakikipaglaban pa na makaalpas ang sundalo ko sa suot kong boxers.

            "Hindi naman pala natanggal ang tahi. Dumudugo lang ng konti. Kailangan lang na palitan ang gasa," parang sa sarili lang iyon sinabi ni Stacey.

            Wala sa loob na napatayo ako at tumalikod sa kanya. I needed to calm myself. I don't know if I am sex deprived dahil ilang buwan na rin naman akong hindi nakakatikim ng babae magmula nang ma-focus ako sa mission namin ni Yosh. Iyon siguro ang dahilan kaya nakita ko lang sa ganitong sitwasyon si Stacey ay tinitigasan na ako. Lalaki pa rin ako na makakita ng makinis at mabalbon na legs ay agad na nati-turn on. Iyon pa naman ang weakness ko. Tapos ngayon nakita ko pa ang private part niya.

            "W-will you put something? Panty. Wala ka bang panty?" Ilang beses pa akong bumuga ng hangin at nanatiling nakatalikod sa kanya. Inis kong tiningnan ang harap ko at napamura ako dahil kahit maong pants ang suot ko ay kitang-kita ang pamumukol doon.

            "Panty? Wala akong gamit. 'Di ba sabi mo mag-asawa tayo? Bakit kailangan ko pang mag-panty sa harap mo? Nakita mo na naman 'to," sagot niya sa akin.

            Fuck. Marahan kong hinilot ang ulo ko at tinapunan siya ng tingin. Nagsisi ako sa nagawa kong iyon. Dahil sa pagkakataong ito ay bahagya ng nakabuka ang mga hita ni Stacey. Mas lalong kita ng full view ang itinatago niya.

            Nakarinig ako ng katok at bago pa ako makapagsalita ay bumukas na ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Yosh na may sinasabi.

            "Man, if you need any- holy fuck!" Malakas na sigaw nito at mabilis na lumabas at isinara ang pinto. Siguradong nakita rin niya ang hitsura ni Stacey.

            Inis akong napakamot ng ulo at tinungo ang cabinet na naroon at tiningnan kung may kumot o kahit na anong tela na puwede kong magamit na maipantakip sa kanya. Suwerteng may nakita akong bed sheet. Hinila ko iyon ay padaskol na ipinatong sa katawan niya.

            "Aray." Daing niya at hinawakan ang sugat tapos ay tumingin ka sa akin. "Ganyan ka talaga sa akin? Wala kang pakialam kung nasasaktan ako? Ganyan mo ba ako tratuhin kahit noong wala pa akong amnesia?"

            Nakaramdam ako ng guilt sa narinig na sinabi niya. Nang tingnan ko si Stacey ay kita ko ang lungkot sa mata niya habang nakatingin sa akin. Namumuo ang mga luha sa mata. Halatang disappointed sa ipinakita kong kagaspangan.

            Umiling lang ako. "There are some circumstances happened. Mahirap ipaliwanag kasi hindi mo rin maiintindihan." Nagtagis ang bagang ko dahil hindi ko magawang salubungin ang tingin niya.

            Ngumiti ng mapakla si Stacey.

            "Siguro masama akong asawa kaya ganyan ka sa akin. Pasensiya ka na. Sorry kung may nagawa akong hindi maganda. Wala kasi talaga akong maalala dito," itinuro nito ang ulo at biglang tumulo ang mga luha. "W-wala akong maalala na kasama ka o kung may ginawa man ako sa iyo. Kaya kung mayroon man, humihingi ako ng tawad."

            Shit. I cannot take this bullshit. My conscience was fucking killing me.

            "Kukuha lang ako ng Betadine and gauze." Hindi ko na hinintay na sumagot si Stacey. Mabilis akong lumabas at nang maisara ko ang pinto ay napasandal ako doon.

            Damn it. Iilang oras pa lang kaming magkasama pero hindi ko na yata kakayanin pa. Impiyerno ang ginawang ito ni Mervin sa akin.

            Hinanap ko si Yosh para tanungin kung mayroon siyang first aid kit. Naabutan ko siyang nasa labas at nagsisigarilyo. Nang makita ako ay mabilis na itinapon ang upos at lumapit sa akin.

            "What the hell were you thinking? Are you fucking her? Hindi ka pa nagla-lock ng pinto." Halatang inis siya. Hindi ko alam kung naiinis siya na itinago ko si Stacey o naiinis siya dahil naabutan niya sa ganoong hitsura ang babae. Knowing this asshole. Masyadong righteous ang isang ito. Kay Sesi lang naman ito nalilibugan.

            "Kalma. Mamaya ko ipapaliwanag ang lahat. May first aid kit ka?"

            "Damn it! Nagkakagulo sa Maynila dahil hinahanap siya. Tapos nandito lang pala kasama mo. Gago ka ba? And what happened to her? May benda pa sa ulo, may mga sugat sa katawan tapos niyayari mo pa. Are you out of your fucking mind?"

            Seryoso si Yosh sa mga sinasabi niya. Ang hitsura ay parang tatay na nagsesermon sa akin kaya napailing ako.

            "Dad, calm down. Okay? Calm down. Tatay kita? Tatay na kita kaya ka ganyan?" Ngayon ay natawa na ako.

            Sinamaan niya ako ng tingin at napailing.

            "Ilang araw ka ng hinahanap ng boss mo. Hindi ka nagre-report. Pati ang Circuit kinakalampag na. Ikaw ang alam na huling kasama ni Stacey tapos bigla ka ring nawawala. What the fuck is going on?"

            "Nasaan muna ang first aid kit?"

            "'Tangina ka, Declan. Seryosong usapan ito." As usual, pikon na pikon na naman si Yosh.

            Napahinga ako ng malalim at doon na nagseryoso.

            "She has amnesia."

            Napahinto sa pagmo-monologue niya si Yosh at takang tumingin sa akin. Hitsurang hindi mapaniwalaan ang sinasabi ko.

            "Gago. You're going to give that crap to me para lang mapagtakpan ang ginawa mo? Ano ang ginawa mo kay Stacey?"

            "Nothing! 'Di ba nga siya ang muntik ng pumatay sa akin? We had an accident then that happened. She doesn't remember anything. About herself, about being an agent. Even me."

            "Wade? Dumudugo kasi."

            Pareho kaming napatingin sa silid kung nasaan si Stacey ay nakita namin siyang nakatayo doon.

            "Where is the god damn first aid kit? Inuuna mo pa kasi ang tsismis," inis na sabi ko kay Yosh at iniwan siya doon. Lumapit ako kay Stacey at ngumiti siya ng mapakla sa akin. Inalalayan ko siyang makabalik sa kama.

            "Sino ang bisita mo?" Tanong niya sa akin.

            May kumatok sa pinto pero hindi agad iyon bumukas.

            "Man, are you decent?" Narinig kong tanong ni Yosh mula sa labas kaya natawa ko.

            "Sige. Pasok."

            Noon bumukas ang pinto at pumasok doon si Yosh na may dalang isang small pouch at iniabot sa akin. Nakatutok ang tingin niya kay Stacey at ganoon din ang babae. Parang inaaral mabuti ang mukha ni Yosh.

            "Pasensiya ka na kung nataranta ako kanina. Hindi kasi kita maalala. Baka magkakilala na tayo noon. Sabi ng doctor na tumingin sa akin may amnesia daw ako dahil sa aksidente." Malungkot na sabi ni Stacey kay Yosh.

            Pilit na ngumiti si Yosh. "Don't worry, you didn't do anything wrong to me. You are a good person. So, do you know this guy?" Itinuro pa ako ni Yosh.

            Sinamaan ko ng tingin si Yosh. Itinuon ko ang pansin sa paglilinis ng sugat ni Stacey gamit ang betadine. Kalmado na ako ngayon dahil hindi na siya naka-burles. Nakabalot na siya ng kumot at tanging ang sugat na lang niya ang nakalabas.

            "Asawa ko daw." Tumingin sa akin si Stacey tapos ay ngumiti at muling bumaling kay Yosh. "Pero hindi ko maalala. Ang sabi ng doctor Wade ang pangalan niya. Wade Gregorio tapos ako, Anselma Garcia."

            "Wade?" Tumaas ang kilay sa akin ni Yosh.

            "Oo. 'Yun ang pangalan ng asawa ko." Tumatango pa si Stacey. "Three months ago daw kami ikinasal. Nandoon ka ba? Invited ka ba sa kasal namin?"

            "Three months ago kayo ikinasal?" Tumingin sa akin si Yosh at alam kong pinipigil niyang matawa. "Yeah. I-I remember now. I was invited in your wedding. It was grand. Old church and nice wedding reception in a hotel and-"

            Putangina. Hindi ko pa pala nabi-brief si Yosh tungkol doon. Hindi ko naman magawang pigilin ang mga sinasabi niya.

            "Old church? Wedding reception sa hotel?" Nagtatakang tumingin sa akin si Stacey. "Wade, 'di ba sa mayor lang tayo ikinasal sabi ng doctor?"

            Napapikit ako at napadiin ang paglilinis ko sa sugat niya kaya napaaray siya.

            "Sorry." Tumingin ako ng makahulugan kay Yosh kaya tumahimik na siya.

            "Labas na lang muna ako." Napakamot ng ulo si Yosh. "I'll see you outside, Wade." Sabi niya tapos ay tumingin kay Stacey. "Get well soon." Pagkasabi noon ay dire-diretso na siyang lumabas.

            Naiiling na nagpatuloy ako sa paglilinis ng sugat ni Stacey.

            "Kaninong kasal ang sinasabi ng kaibigan mo?" Tanong niya.

            "Nalito lang siguro iyon sa dami ng kasal na napuntahan niya," tanging sagot ko at ngayon ay nilalagyan ko ng antibiotic ang tahi niya bago nilagyan na ng gasa. Nang matapos ay iniligpit ko na ang mga ginamit ko doon at tumayo na.

            "Magpahinga ka na lang muna diyan. Kunin ko ang mga gamot na kailangan mong inumin." Tinalikuran ko na si Stacey. Hindi ko na alam kung paano pa haharap sa kanya.

            "Wade."

            Huminto ako at nagtatanong na tumingin sa kanya.

            "Thank you. Sa pag-aasikaso mo sa akin. Alam ko kahit hindi kita naaalala, isa kang mabuting asawa."

            Pilit akong ngumiti at tumango lang sa kanya bago tuluyang lumabas.

            Doon ako napabuga ng hangin. Napasandal pa ako sa pinto at napapikit.

            Damn it. Paano ko ba tatakasan ang problemang ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top