39-DON'T MESS WITH MY SON

Revenge is an act of passion; vengeance of justice. Injuries are revenged; crimes are avenged.

———————
Martin's POV

            "Saan kami magkikita nito?"

            Nakaupo si Torque sa harap ng mesa at tinitingnan ang profile ng ka-transact niyang bibili ng mga baril. May dumating na naman siyang mga shipments at katulad ng dati, kasabwat pa rin ang mga port marshals, may kasabwat na mga top government officials kaya siguradong malulusutan na naman niya ito.

            "Ayaw ko ng mangyari ang nangyari noon. Ayaw ko na ng trouble. Those spies in our group are dead already." Ibinato ni Torque sa mesa ang mga folders kung saan naroon ang profile ng ka-transact niya.

            "You didn't have any remorse at all? About Stacey's death? I thought you love her?" Tanong ko pa at inayos ang mga papel sa nasa mesa niya.

            Nagkibit lang ito ng balikat. "Money can buy love. Bukas lang kaya ko siyang palitan kahit tatlo pa. Nasaan nga pala si Baldo. Ilang araw ng hindi pumapasok dito iyon. Saka nailibing 'nyo ba ng maayos si Stacey at si Jason." Sumimangot ang mukha ni Torque. "Dustin or whatever the fuck his name was."

            "Naayos na lahat 'yun, Torque. Kailan ba ako sumabit? Ah, si Baldo nag-request ng one week off. May emergency daw. Nagkasakit ang asawa." Binitbit ko na ang mga folders na nasa mesa dahil tingin ko ay naghahanda na rin si Torque na umalis kami.

            "What can you say about him? Do you think we can trust him?" Tumingin siya ng naniniguro sa akin.

            "Well," napakamot ako ng ulo. "Stacey recruited him, so I think, personally, he is also a spy."

            Napamura si Torque. "I fucking knew it. I don't have a good feeling for that asshole from the start. Find him and bring him to me. I will torture that asshole first before I kill him slowly."

            Napangiti lang ako. "Alright." May text akong na-receive sa telepono ko at nakita kong ang naka-register na pangalan doon ay ang pangalan ng buyer. "The buyer texted."

            "Why?" Taka niya.

            "He wants to meet you right now. He wants the buy to be made right now."

            "What?" Inagaw niya ang telepono ko at binasa ang text na na-receive. "Fuck. Fine. Call the port and tell them to prepare the merchandise. Check the money first if it's floating already. Make the car ready. We'll going."

            "All right." Tumalikod na ako at dumiretso sa kotse. Hindi naman ako naghintay ng matagal at sumakay na sa likurang bahagi sasakyan si Torque. Agad ko siyang inabutan ng bote ng mineral water dahil iyon ang gusto niya. Nakahanda lahat. Binuksan niya iyon at uminom.

            Tahimik lang akong nagmamaneho at panay lang ang check niya sa telepono niya. May itini-text siya tapos ay sinusubukang tawagan. Panay ang mura niya. Mukhang hindi niya ma-kontak kung sino man iyon.

            "Did you talk to Carmela? I can't reach her. 'Tangina talaga ang babaeng iyon. Kahit kailan. Sa akin nagpa-follow up ang mga buyers ng drugs niya." Marahang hinilot-hilot ni Torque ang ulo nito.

            "Wala namang nasabi. Ang alam ko lang kagabi nag-party." Iniliko ko sa isang eskinita ang kotse para makapunta sa port.

            Kumunot ang noo ni Torque tapos ay nakita ko mula sa rearview mirror na pinipilig-pilig nito ang ulo.

            "Damn it. My fucking migraine. Ngayon pa talaga sumabay. Can you ask the buyer if we can adjust the meeting later tonight?" Sumandal pa si Torque sa kinauupuan niya. Halatang iniinda ang sakit ng ulo.

            "Sure." Inihinto ko sa tapat ng isang container van ang sasakyan at kinuha ang telepono ko. Muli ko siyang sinulyapan sa likuran at nakita kong nakapikit na siya. Napangisi ako. Mukhang tulog na.

            Nag-dial ako at sinabi sa kausap ko na naroon na kami. Agad na bumukas ang container van at naglabasan doon ang tatlong lalaki. Binuksan ang pinto ang at hinila palabas si Torque.

            "Can I watch?" Tanong ko sa mga ito.

            "Ghost said you can video too. Pero sayang ang bentahan. Sayang ang pera. I think you need to attend that first. Don't worry, I'll send you a copy of the party." Natatawang sagot nito at pinagtulung-tulungan nilang buhatin si Torque at dalhin sa loob ng container van.

            Napahinga ako ng malalim at napailing. Ngayon pa lang ay naaawa na ako sa mangyayari kay Torque. I can still remember the tortures that we give with assholes like him when I was in Circuit Agency. I've heard about Ghost. I've heard stories about him that he tortures people until they beg him to kill them.

            Inilagay ko ang telepono sa bulsa ko at pinaandar paalis doon ang sasakyan. Aayusin ko muna ang transaksyon sa gun buying na ito. If I have the money, then I'll be back to watch what will happen to Torque from the front row.

--------------------

Torque's POV

            Damn.

            What the fuck is that smell? Fuck! I hate the smell of rats!

            Pinilit kong kumilos pero nakatali ang mga kamay ko sa magkabilang handrails ng kama. Wala akong suot na t-shirt at tanging pantalon na lang ang suot ko.

            "What the-" hindi ko naituloy ang sasabihin dahil hindi ko mai-alis ang pagkakatali ng mga kamay ko. Luminga-linga ako para alamin kung nasaan ako. This is a warehouse. No. A container van. Ramdam na ramdam ko ang pawis sa katawan ko. Who could have done this?

            "Martin!" Sigaw ko habang pilit na pumapalag pata maalis ang tali sa kamay. Nasaan na ba ang gagong iyon? "Martin!"

            Dalawang lalaki ang pumasok sa loob ng container van. Ang isa ay iika-ika pa at may tungkod. Ang isang lalaki ay may bitbit na metal bucket sa isang kamay, sa kabilang kamay naman ay nagbabagang mga uling.

            "Who the hell are you?" Kahit paano ay nakakaramdam ako ng kaba. Wala akong kawala dito. Damn these restraints. Hindi ako makatakas.

            "You messed with the wrong family, buddy." Nakangising sabi ng lalaking may bitbit na mga buckets. Inilapag niya malapit sa akin ang mga iyon at naririnig ko ang pag-igik ng kung ano mula sa isang metal bucket. Fuck. Are those rats?

            Napatingin uli ako sa isang may-edad na lalaking pumasok sa loob. Naka-suit siya. Mukhang disente ang hitsura. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako.

            "My son was right. You have a nice hair," pagkasabi noon ay natawa siya at hinubad ang suot na suit. Tinanggal ang pagkaka-butones ng sleeves ng suot na polo at iniangat iyon hanggang braso.

            "Phish, get the bucket." Sabi niya sa lalaking may bitbit ng bucket kanina. "Doc, put a gag in his mouth." Utos naman niya sa lalaking iika-ika maglakad.

            Ang tindi ng kabog ng dibdib ko. Who the fuck are these people? I know the people that I dealt with at wala akong atraso kahit na kanino. I pay my connections well. Hindi nila ako gaganituhin.

            Lumapit ang tinawag na Doc sa akin at may inilagay na piraso ng tela sa bibig ko tapos ay tinakpan iyon ng packaging tape. Wala na akong magawa kundi ang umungol at igalaw ng igalaw ang katawan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung ano ang laman ng bucket na hawak ng isang lalaki. Fucking rats! Big black rats.

            Pakiramdam ko ay masusuka ako. Pinaka-nakakadiring hayop ang daga para sa akin. The man took the rat ang put it in my stomach. I couldn't do anything.

            "You know what this is?" Sabi ng may-edad na lalaki na naupo sa tabi ko. Kalmadong-kalmado siya samantalang ako ay parang aatakihin na sa kaba. "These rats are harmless." Sinenyasan niya ang lalaki at pataob na tinakpan ng metal bucket ang daga na nasa tiyan ko. Ramdam na ramdam ko ang matutulis na kuko ng mga daga na gumagalaw sa tiyan ko. Naririnig ko pa ang pag-igik at alam kong naghahanap ito ng malalabasan. "I fed them and don't worry they won't do anything to you."

            Ayaw kong maniwala sa sinabi niya. The man in front of me was so calm but I knew he was a monster. He will kill me, and I don't know who he is.

            "But when we put these hot coals on top of this metal bucket," muli at sinenyasan niya ang lalaki na gawin iyon. Nakita kong inilagay nito ang nagbabagang mga uling sa ibabaw ng metal bucket. "The bucket will be hot. It will burn your skin." Totoo ang sinasabi niya. Nararamdaman ko ang pag-init ng metal bucket sa balat ko gawa ng nagbabagang mga uling. "And those rats inside will be stressed. They will want to go out."

            Fuck! Bumabaon ang kuko ng mga daga sa balat ko. Nararamdaman kong nagtatakbuhan sila sa loob ng metal bucket. Bukod sa mainit na iyon, matatalim na kuko pa ang nararamdaman ko. At hindi lang kuko, nararamdaman kong nginangatngat na rin nila ang balat ko. Ang laman ko.

            "They will start to dig. Slowly. They will dig to your flesh until they can go out from this cage." Mahinahong sabi ng may-edad na lalaki.

            Tuluyan ng nahulog ang mga luha ko. Humahagulgol na ako ng iyak at pilit na sumisigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. I can feel those rats digging in my flesh. They were biting my stomach.

            "You can feel it. Their teeth sinking in your flesh deeper and deeper until they will crawl inside your body." His voice was like a monster telling me how I will die from his hands.

            Fuck. I don't want to die like this!

            Ilang minuto pa niya akong pinanood na hirap na hirap bago niya sinabi sa kasama niya na tanggalin ang metal bucket sa tiyan ko. Lumikha ng pabilog na paso ang mainit na metal bucket sa tiyan ko at sa gitna noon ay kitang-kita ko ang malalalim na kalmot ng mga daga. Ang dami ding kagat sa tiyan ko. Malalalim ang nilikhang mga sugat. Hitsurang mga bedsore na nakakadiring tingnan.

            Habol ko ang hininga ko nang makita kong ibinalik sa loob ng metal bucket ang mga daga.

            Naramdaman kong pumuwesto sa ulunan ko ang Doc na tinawag niya. May itinatali sa buhok ko. Napapa-ungol ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakatali sa buhok ko. Naramdaman ko ding tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay ko sa handrailing. Itinaas ang kamay ko at muling itinali.

            Nakita kong pumuwesto ang lalaki sa isang make-shift pulley system. Hinila. Tumulong pa ang isang lalaki na kanina lang ay may hawak na bucket.

            Napa-ungol ako dahil unti-unti akong umaangat. Ang buhok ko pala ang nakakabit sa pulley system at ramdam na ramdam ko ang sakit sa ulo ko pakiramdam ko mabubunot ang buong anit ko dahil ang buong bigat ko ay naroong sa buhok ko at kamay.

            Walang tigil ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot at sakit na nararamdaman. This is too much. I can't bear the fucking pain. If they want to kill me, they can kill me now.

            Umiikot pa ang katawan ko sa ere habang nakabitin sa pulley system ang buhok ko at kamay. Nahihilo na ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Tumayo sa harap ko ang may-edad na lalaki at tiningnan ako.

            "Did you know that there are arteries in different parts of our body? We have one here. It is called the brachial artery. It is a major blood vessel of the upper arm." Natawa siya at napailing. "Sorry. I am so fascinated with human anatomy that is why I am so impressed with your body." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Humihingal ako sa hirap sa pagkakabitin dito pero natatakot ako sa hitsura niyang sobrang kalmado. I know behind his calm face lies the face of the monster that could do terrible things.

            May dinukot siya sa bulsa niya at nakita kong isang pocket-knife iyon. Pinagapang pa niya sa braso ko. "This artery is deep, and a little bit of cut here-" napa-ungol ako dahil naramdaman kong bumaon ang pocket-knife sa braso at umagos ang dugo mula doon. "if I go deeper-" unti-unting bumabaon lalo ang kutsilyong hawak niya. "It will severe the brachial artery, you will be unconscious. In as little as fifteen seconds. Then death will occur in as little as ninety seconds."

            Napapikit ako sa kawalan ng magagawa. I know I will face my death here.

            "But death is too good for you." Tinanggal niya ang gag sa bibig ko at napaubo-ubo pa ako. Masakit na ang ulo ko at braso gawa ng pagkakabitin.

            "You hurt my family." Ngayon ay seryoso na ang mukha niya. Ang sama na ng tingin niya akin.

            "I don't fucking know you. I don't know your family," umiiyak na sabi ko.

            "You hurt my daughter in law. You hurt my agent." Lumapit pa siya sa akin tapos ay naramdaman kong sinaksak niya ako sa tagiliran. Malakas akong napasigaw. "Don't worry. It didn't hit a vital organ. You will still have hours to live or seconds."

            "Fuck," ramdam na ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa tagiliran ko.

            "I hate men like you. Manipulating asshole, controlling fucker who uses their money to have everything. You kill, you rape, you bribe everyone in your way. I will crush your syndicate to the ground. By this time, your cousin is already under custody. I am still thinking of what to do with her. I've heard she likes men a lot."

            "P-please. Please. Spare my cousin. Give her a chance. I am begging you," pagmamakaawa ko.

            Ngumisi siya at lumapit sa akin tapos ay biglang bumangis ang mukha.

"Stacey begged too." Pagkasabi noon ay sinaksak niya ang braso ko at hiniwa iyon. Agad na bumulwak ang dugo at pakiramdam ko ay para na akong nahihilo.

            "Call the cleaners." Sabi niya sa mga kasama niya at tinalikuran ako.

            Sa nanlalabong paningin ay nakita kong kalmado niyang inayos ang damit niya. Napa-tsk-tsk pa nang makita may mga talsik na dugo sa puting longsleeves niya. Isinuot ang suit at naglakad palabas doon.

            I can't feel anything at all. Until I felt the urge to close my eyes.

            In my mind, I was asking forgiveness to Stacey.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top