38-DADDY
Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage. - Unknown
------------------------------------
Declan's POV
First twenty-four hours for Dustin was crucial.
He lost a lot of blood. His wounds were severe. He got a broken nose, broken cheek, he lost several teeth. Napakaraming sugat sa katawan. But the worst was his gunshot wound to the chest. Although it didn't hit a vital organ, it hit an artery that cause too much bleeding. Mabuti na nga lang daw at nadala doon agad at nagamot ni Mervin. He was under medically induced coma to treat the swelling of his brain. Sa sobrang suntok sa ulo at mukha niya, may namuong dugo sa utak niya. Under observation pa rin dahil anumang oras ay puwedeng may mangyari sa kanya.
Hindi ako umaalis sa tabi ni Stacey. She was out of danger. Nagamot na ang sugat niya. Thank God the wound was just superficial. It was her pregnancy condition that made her worse yesterday.
Kanina pa ako nakaupo lang sa tabi ng kama ni Stacey. Hawak ko lang ang kamay niya habang tinitingnan siyang walang malay. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung nawala siya. Sa tuwing maiisip ko na sumablay ng tama si Martin, gusto ko talagang dikdikin ang bawat parte ng katawan ng lalaking iyon.
Bahagyang gumalaw si Stacey kaya napa-angat ako sa kinauupuan ko. Halatang iritable siya sa kung anong mga nakakabit sa kanya at pilit na tinatanggal ang nasal canula na nakalagay sa ilong niya para sa oxygen.
"Hey. It's okay," sabi ko sa kanya at pilit na kinakalma siya.
Pero pilit lang na nagpupumiglas si Stacey. Parang disoriented pa. Nag-uumpisang umiyak. Natanggal na niya ng tuluyan ang nasal canula niya.
"You killed him." Umiiyak na sabi niya habang nakatingin sa akin. Nakatingin siya pero halatang lampasan iyon. Parang ibang tao ang nakikita niya.
"Stacey, it's me." Pakilala ko at hinahawakan ang kamay niya para mapigilan ang pagwawalan niya.
"You killed him!" Sigaw niya at akmang dadaluhungin ako pero mabilis ko siyang napigilan at pinigilan sa kama.
"Hey, it's me." Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Baby, look at me. It's me." Pilit ko siyang pinapakalma.
Umiiyak na tumitig sa akin si Stacey. Maya-maya ay unti-unting lumambot ang mukha at umiiyak na yumakap sa akin.
"Dustin is dead," humagulgol siya habang nakayakap sa akin. "My best friend is dead."
Napahinga lang ako ng malalim. Pinabayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak. Inalalayan ko siyang makaupo sa kama habang patuloy siya sa pag-iyak.
"Calm down." Hinahapolos ako ang mukha niya. Pinapahid ko ang mga luha.
"Wala akong nagawa. Hindi ko man lang siya natulungan. Paano na ang mga anak niya? He has kids. Two girls aged six and three. Paano na ang mga iyon?" Muli ay napahagulgol si Stacey.
Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon. "Can you stand?"
Tumingin siya sa akin at umiling. "I am still dizzy."
"Come on. I'll help you. I will show you something." Pilit ko siyang inalalayan na makatayo mula sa kama. Alalay ko siya ng maigi at sinisiguro ko na hindi siya masasaktan. Ilang hakbang lang naman ang layo ng kama ni Dustin sa kanya. Natatabingan lang iyon ng hospital curtain.
Talagang nakasandal ang katawan sa akin ni Stacey habang inaalalayan ko siya palapit sa kama. Nang hawiin ko ang kurtina at makita niya ang hitsura ni Dustin na nakaratay sa kama ay talagang napaiyak siya at parang matutumba pa.
"Doc said if he survived the twenty-four hours, there is a possibility that he can make it. It's almost twenty-four hours."
Patuloy lang sa pag-iyak si Stacey habang lumapit kay Dustin at hinaplos ang mukha nito. Kahit ako ay naaawa sa hitsura niya. Kulay violet ang buong katawan ni Dustin. Magang-maga ang mukha. May tubo na nakapasok sa bibig na naka-konekta sa ventilator para makahinga bukod pa ang mga tubes na nakakabit sa katawan niya. I can't believe that I would be seeing him in this kind of state.
"He will be fine. I am sure, he will survive. He will fight for his kids. For you." Hindi ko binibitiwan ang kamay niya.
Yumakap lang sa akin ng mahigpit si Stacey. "I'm sorry." Nakasubsob siya sa balikat ko nang sabihin iyon.
"Sorry for what?" Hinahagod-hagod ko ang likod.
Napaiyak lang siya at lalong humigpit ang yakap.
"I am sorry for not letting you know." Lalong isinubsob ang mukha sa balikat ko.
Napangiti ako. "May kailangan ba akong malaman?" Marahan ko siyang inilayo sa akin at nakita kong punong-puno ng luha ang mukha niya.
Pinahid niya ang mga luha niya at kinuha ang kamay ko tapos ay dinala sa tiyan niya.
"I didn't tell you about this. I was thinking of telling you about it after this case. But I almost lost it. I am so sorry for harming our baby." Napahagulgol na naman ng iyak si Stacey.
Alam ko na buntis siya pero iba pa rin pala na sa kanya mismo nanggaling ang katotohanan na iyon. Kahit na ang pangit ng nangyari kahapon, biglang nagliwanag ang lahat ngayon dahil sa sinabi niya. The baby, our baby gave a new meaning to everything. It lit up our lives knowing that despite of this tragedy, there's still a new hope waiting for us.
"It's okay. You are safe, our baby safe." Para na rin akong maiiyak habang nakatingin kay Stacey. I am not an emotional person pero ganito pala ang pakiramdam ng magiging tatay. Inayos ko ang mga buhok na tumabing sa mukha niya. "I am going to be a daddy soon and I can't wait for it."
Sunod-sunod lang ang tango niya pero agad ding napalitan ng pag-aalala ang mukha nang parang may maisip.
"Si Torque. Sila Carmela. Paano-"
Doon sumimangot ang mukha ko. Marinig ko lang ang pangalan ng mga iyon lalong-lalo na ang pangalan ng lalaking iyon ay gusto ko ng magwala. Huwag ko lang talagang makita mapapatay ko talaga ang demonyong long hair na iyon.
"Leave it to the agency. A team is handling their case now. Don't worry about it. Also, Ghost stepped in this case. He was furious knowing that his favorite mercenary was hurt."
"Anak ng tinapay ka, Declan. Anong ginawa mo? Hindi pa okay si Stacey bakit pinatayo mo na?"
Pareho kaming napatingin ni Stacey sa nagsalita at nakita namin si Doc Mervin na iika-ikang palapit sa amin. May C-collar pa rin ito at nakita kong hitsurang nahiya si Stacey nang makita ang kalagayan ng doctor.
"She still needs to rest." Sabi nito at pilit na pinapabalik si Stacey sa kama.
"Doctor's orders," nagkibit-balikat pa ako at inalalayan si Stacey na makabalik sa kama. Inayos-ayos pa ni Mervin ang pagkakakabit ng suwero niya. Para bang hindi ito binugbog ng babae.
"D-Doc," mahinang sabi niya.
Nagtatanong na tumingin si Mervin habang patuloy sa pag-aayos ng mga tubes. Tiningnan pa ang IV location site sa kamay. "May masakit sa iyo?"
"Sorry." Halatang hiyang-hiya si Stacey.
Natawa si Mervin. "Sorry saan? Okay lang 'yun. I am still alive to treat you."
Lalo na siyang nahiya at napailing-iling. Natawa na ng malakas si Mervin.
"It's fine. Really. I am okay. Mas matindi pa nga dito ang naranasan ko sa agency." Nakangiting sagot nito. "How do you feel? Are you okay?"
"Okay lang. A little bit dizzy, but I am fine."
"That's good. I'll be giving you vitamins and folic acid for your pregnancy. Don't worry, the baby is doing fine." Tumingin ito ng makahulugan sa akin tapos ay sinuntok ako sa balikat. "Hindi ko alam shooter ka pala."
"Gago," napakamot ako ng ulo at natatawang tumingin kay Stacey.
Pero maya-maya ay sumeryoso si Mervin. "I think you need to get out. There is someone out there looking for you."
Kumunot ang noo ko. "Me? Wait. No one knows that I am here."
"I can't believe that I would see him in person. Ghost." Halatang hindi makapaniwala si Mervin. "Damn. The man is a legend. No one knows who he is, and he is outside my clinic."
"Ghost? He is outside?" Paniniguro ni Stacey.
Tumango lang si Mervin. "He is with Chief Coleman."
Mahina akong napamura at lalabas na lang ako nang makita kong pumapasok na sa loob ng clinic si Chief kasunod ang daddy ko. Seryoso itong nakatingin sa akin tapos ay kay Stacey. Si Chief ay dumiretso sa kama kung saan nakaratay si Dustin tapos ay napapailing.
"Status?" Tanong nito kay Mervin.
"If he survived the twenty-four hours, there is a possibility that he will make it." Inayos pa ng doctor ang kumot ni Dustin.
"How are you, iha?" Narinig kong tanong ni Daddy kay Stacey. Si Stacey naman ay hindi makakilos sa kinauupuan niyang kama at nakatingin lang sa daddy ko. Hindi ko alam kung kinakabahan, na-startstruck o ano.
"She's fine, dad." Ako na ang sumagot sa tanong ni Dad.
Parehong napatingin sa akin si Stacey at Mervin. "Dad?" Halos panabay pang sabi ng dalawa.
Natawa si Daddy. "Mukhang hindi ba totoo? Sabagay. Mas guwapo ako sa anak ko."
Nagtatanong na tumingin sa akin si Stacey kaya tumango ako sa kanya. Muli ay tumingin siya sa daddy ko.
"I-Ikaw si Ghost?" Paniniguro pa rin niya.
"In the flesh, iha." Lumapit pa si Dad kay Stacey. "I am so sorry for what happened to you and Dustin." Tinapunan nito ng tingin ang lalaking walang malay sa kama at muling tumingin kay Stacey. "Rest assured that the agency will do everything to catch those two. The agency will crumble down their syndicate. But they cannot do that if you don't give them your list."
Napalunok si Stacey. "G-ghost- S-Sir," halatang natataranta si Stacey. "Kasi-
"I know it's too soon, iha. But we want to stop that syndicate as soon as possible. They hit closer to home." Tumingin sa akin si Dad. "Minsan lang may mag-seryoso sa anak ko tapos muntik pang mapahamak at mawala. Baka sa Mental na ito pulutin kung nawala ka talaga."
"Dad," saway ko dito. Hindi naman ako pinansin ni Daddy.
"Don't worry, iha. Everything will be accounted. Ang agency na ang bahalang gumawa ng plano para dito. All you have to do is give us the list and we will take it from there."
Napahinga ng malalim si Stacey. "Nasa isang bank safe ang list ng mga kasabwat nila sa government. I could get it once I am okay to-"
"Anong ikaw? Hindi. Hindi ka aalis dito hangga't hindi ka pa magaling." Putol ko sa sinasabi niya.
"DJ, huwag masyadong OA. Kalma lang." Bulong sa akin ni Daddy. "Nawawala ang pagiging badass mo. Nahahalatang magiging under de saya ka kapag mag-asawa na kayo." Alam kong nang-aasar na siya dahil narinig na iyon nila Doc at Chief. Lihim na ngang nagtatawanan ang dalawa.
"Walang ibang puwedeng kumuha sa bank safe na iyon kundi ako. I am getting better too." Sabat ni Stacey.
"That's good. Once you are okay to go, we will get the list and we can plan our action. Congratulations nga pala. Magiging lolo na pala ako." Tonong nanunukso na si Daddy.
"Wow. Talaga?" Si Chief Coleman na iyon.
"Matulis ang anak ko. Mana sa akin 'yan." Buong pagmamayabang na sabi pa nito. "Ikaw, Phish? Kailan ka magkaka-apo?"
"Wala nga akong asawa, walang anak paano ako magkakaapo? Malamang tatanda na akong binata dahil sa kunsumisyon ko sa mga bagong recruits sa agency mo. Umpisahan mo na sa paborito mong si William Santiago. Mababaog ako sa lalaking 'yun." Nag-aasaran na si Chief at si Daddy. Natatawa na lang si Mervin at kita kong nahihiya na si Stacey kaya napayuko na lang. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Don't mind them. Alaskador talaga 'yang tatay ko." Natatawang sabi ko sa kanya.
"You think he is okay with this? Us? Hindi mo man lang sinabi sa akin na tatay mo si Ghost."
Hinarap ko sa akin si Stacey at hinawakan ang mukha.
"Wala naman siyang magagawa kung sino ng gusto ko. And trust me. My happiness is his happiness too. So, you better take care of yourself, take care of our baby and we will take care of those monsters. Okay?"
Nakatingin lang sa akin si Stacey na tango ng tango. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa labi. Wala akong pakialam kung maraming tao doon. Proud akong ipakita sa kanila na nandito ako kasama ang babaeng mahal na mahal ko.
Hindi ko na inintindi ang tuksuhan doon. Nangungunang manukso ang tatay ko.
Ang mahalaga, ligtas na si Stacey at ang anak namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top