37-KNEW ALL ALONG

LOVE means caring about someone more than yourself.

-----------------------------

Declan's POV

Everything stood still when I saw Stacey hit the ground.

My body was frozen. I couldn't move. I couldn't breathe. All I could see was the horror of her lifeless body on the ground beside Dustin. Her head slumping on the pooling blood.

"Throw those trash away. Ayoko ng makita ang mga basura na 'yan," pagkasabi noon ay itinapon ni Torque ang hawak na baril sa mesa at tumalikod na.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang baril ko pero mabilis akong pinipigilan ni Martin. Masama ko siyang tiningnan at akma ko siyang itutulak pero pinigilan niya ako.

"Don't blow your fucking cover." Mariin niyang sabi. "If you want to beat them, don't blow it."

"Fuck you. I am going to kill you." Nanginginig ang boses ko. Naiiyak ako pero tama si Martin. Kailangan kong pigilan ang emosyon ko. Hindi ako puwedeng magwala dito.

"Bring their bodies into the van." Utos ni Martin sa mga tauhan na naroon na agad na kumilos. Para akong robot na hinila paalis doon ni Martin at pilit na pinasakay sa van. Ako ang pinagda-drive niya. Nang maisakay doon ang mga katawan nila Dustin at Stacey ay sumakay din ang dalawang tauhan ni Torque.

"Saan ito itatapon? Sa dati?" Tanong ng isa. "Sayang din si Stacey." Napa-tsk-tsk pa. "Napakaganda pero sinayang. Gustong-gusto pa naman ito ni Boss Torque."

Napahigpit ang hawak ko sa manibela at pigil na pigil ko ang sarili ko. Pakiramdam ko wala na ako sa sarili ko. Nagpa-function na lang ako dahil inuutos ni Martin ito. I am not like this. I am an objective person. But seeing the woman I love killed in front of me, I became numb and I wanted everything to stop.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang makarinig ako ng dalawang putok ng baril. Napa-preno ako at nilingon ko kung ano ang nangyayari. Si Martin ang may hawak ng baril. Binaril ang dalawang tauhan na kasama namin.

"Drive! Fast! Come on!" Sigaw ni Martin sa akin habang tinitingnan niya kung buhay pa ang dalawa pero hindi ako tuminag. Tiningnan niya ako ng masama. "Fucking drive, Declan!"

Mariin kong inapakan ang accelerator ng sasakyan at paharurot na pinaalis doon ang sasakyan. Nakita kong pumunta sa likurang bahagi ng van si Martin at tiningnan sina Dustin at Stacey na naroon.

"He still got a pulse. I think the bullet didn't hit a vital organ," sabi niya habang abala sa kung anong ginagawa doon.

"What?" Nagtatakang tanong ko habang nagmamaneho.

"Dustin. He still got a pulse." Sagot niya. "Stacey. Hey. Hey. Can you hear me?"

Mariin kong inapakan ang preno ng sasakyan at nilingon si Martin. Tinatarantado ba ako ng isang ito?

"What the fuck are you doing?"

"Drive! Maghanap ka ng doctor na puwedeng gumamot sa kanila. No hospital dahil siguradong masusundan tayo nila Carmela doon." Utos ni Martin. Nakita kong hawak ni Martin ang ulo ni Stacey at punong-puno ng dugo iyon. Narinig kong may umungol sa likuran at may nagtaas ng kamay.

It was Stacey.

Hinawakan niya ang ulo ni Martin tapos ay inilapit sa mukha niya. Parang may ibinubulong. Nakita kong nanlaki ang mata ni Martin at tumingin sa akin.

"Huwag kang tumanga! Drive now! Find a fucking doctor!"

Kahit naguguluhan ako sa nangyari ay pinaandar ko ang sasakyan. Tinawagan ko si Mervin at sinabi kong papunta kami at ihanda niya ang clinic niya.

Wala na akong pakialam kahit pa muntik-muntikan na akong mabangga. Mas natataranta ako sa boses ni Martin na panay ang sigaw sa akin na bilisan ko magmaneho. Sa totoo lang pakiramdam ko ay wala na ako sa sarili ko. Everything around me was a blur. All I can see was the road and Stacey's face full of blood.

Mariin kong inapakan ang preno ng sasakyan nang makarating kami sa lugar ni Mervin. Agad siyang lumabas at nakita kong may nakakabit pa ring C-Collar sa leeg niya at may tungkod pa. Papagaling ang mga pasa at sugat sa mukha.

"What happened?" Tanong niya at paika-ikang naglakad.

Mabilis na bumaba si Martin.

"Gun shot wound to the chest. He got a faint pulse." Nilakihan ni Martin ang pagbukas ng pinto ng van para mailabas si Dustin. Latag na ang katawan nito. Tinulungan kong buhatin para maipasok sa loob ng clinic. Agad na sumunod si Mervin at inasikaso si Dustin.

Maya-maya ay pumapasok si Martin na buhat-buhat si Stacey. Inihiga sa isang kama pang naroon.

"Stacey?" Taka ni Mervin at tumingin sa akin.

Tumango lang ako.

"Shot to the head. On the temple but it didn't go thru. She's breathing." Paliwanag ni Martin habang inaayos si Stacey sa kama. Ako? Pakiramdam ko ay spectator lang ako doon dahil sa totoo lang parang bao ang ulo ko. Wala akong maisip na gawin. Lahat ng trainings, lahat ng napag-aralan ko ay hindi mag-apply sa akin. All I can think about was Stacey lying bloody on this bed.

"What do you mean it didn't go thru? Ang daming dugo nito," seryosong sabi ni Mervin at kumuha ito ng piraso ng gasa at pinunasan ang ulo ni Stacey. Pilit hinanap ang gunshot entry sa ulo. "Walang entry wound. This is a flesh wound on the temple." Sabi ni Mervin at muling pinunasan ang nagkalat na dugo sa mukha ni Stacey. May malaking sugat lang doon pero sigurado akong hindi ganoon karami dapat ang dugo.

"It was Dustin's blood." Sagot ni Martin. "Doc, she told me she's pregnant."

"What?" Gulat na gulat ako sa nalaman ko.

Tinapunan lang ako ng tingin ni Martin tapos ay muling bumaling kay Mervin.

Mahinang napamura si Mervin at muling tiningnan ang ulo ni Stacey para masiguro kung matindi ang tama nito. May mga sinasabi ito sa nag-a-assist na nurse at mabilis naman iyong kumikilos. Kinuha ang mga vital signs. May mga ikinabit na suwero, nilinis ang sugat pero walang malay si Stacey.

"Merv, is she going to be okay?"

Hindi sumagot si Mervin. Si Dustin naman ang pinagtuunan nito ng pansin. Napapailing ang doctor at tingin ko ay masama ang lagay ni Dustin.

"Who did this kind of shit to him?" Sa sarili lang iyon nasabi ni Mervin.

Hinawakan ko siya sa balikat at pilit na iniharap sa akin. "Is she going to be okay?"

"We still don't know. Dec, we need to do a series of test. CT-scan, laboratory test. I need to check her wound if it didn't affect her head. I need to check if she is pregnant, so I would know what kind of medicines I should give her. But right now, she's still stable. You can calm down." Sagot niya sa akin at muling hinarap si Dustin.

Sinamaan ko ng tingin si Martin at marahas kong hinila palabas ng clinic. Malakas ko siyang isinalya sa pader at kinuha ko ang baril sa likuran ko at itinutok sa leeg niya.

"Why?!" Gigil na gigil talaga ako. Sa kawalan ko ng magagawa ay siya ang napagbalingan ko.

"I had to do it. Sino ang gusto mong bumaril sa kanya? Si Torque? Si Carmela? She will be dead if I didn't do it," inis niyang tinabig ang baril na nakatutok sa leeg niya. "It was also her plan." Inayos pa nya ang sarili at inis na tumingin sa akin.

"Plan? Who?" Taka ko.

"Stacey." Dinukot nito ang kaha ng sigarilyo sa bulsa at kumuha doon tapos ay sinindihan. Hindi na niya ako inalok pero inilagay niya sa kamay ko ang kaha kasama ang lighter.

"What do you mean plan?" Takang-taka talaga ako.

Tumingin siya ng naguguluhan sa akin at napailing. "Talaga bang magkakasama kayo sa agency? Bakit hindi 'nyo alam ang mga plano ng mga agents 'nyo?"

"Ako lang ang dapat na magtatrabaho dito. Huli ko na nalaman na nandito rin si Stacey at si Dustin. What do you know about her plans?"

Bumuga ng usok si Martin. "From the start, I knew that Dustin and Stacey are agents." Natawa siya. "I am a fucking agent. It takes one to know one. I always had a plan of bringing that syndicate down. Take their money and leave but Carmela has her eyes on me."

"You still want their money? Anong nangyari sa pera nila Rachel? Mac? Nasa iyo na 'yon."

"Hindi ko naman iyon puwedeng galawin. Nati-trace iyon ng agency kapag gumalaw. At naisip ko, bakit hindi na lang sila Carmela. They have lots of money. So, I connive with Stacey and Dustin. We had this plan that if everything will blow up out of proportion, we will do this. Someone has to make the sacrifice."

"Sacrifice? Fucking sacrifice? Kaya binaril mo si Stacey?" Talagang gustong-gusto ko ng putukan si Martin. "What if you missed and you fatally shot her?"

"I don't miss." Mayabang na sabi ni Martin. "If I wanted her dead, she would be dead. She will live. Matapang si Stacey. Siya ang nag-isip ng plano na 'yan. Kung sino man sa amin ang unang mabuko, may fall back kami. Those cousins are monsters. Torque will kill Stacey. Lalo na nga at obsessed na obsessed iyon sa kanya tapos ganoon ang ginawa sa gagong iyon."

"I will kill that asshole for hurting Stacey. For harming my baby." Gigil na gigil na sabi ko. Sa isip ko ay unti-unti ko ng pinapatay si Torque. Iniisip ko na isasabit ko siya sa kung saan man gamit ang buhok niya.

"We need to have a plan. They still don't know that you are an agent. Puwede ka paring maglabas-masok sa grupo nila."

Tumingin ako sa kanya. Kahit anong plano pa iyon, kahit magsangla ako ng kaluluwa sa demonyo ay gagawin ko para mapatay ko lang ang Torque na iyon.

Pareho kaming napalingon ni Martin ng sumilip doon si Mervin.

"Dec, she's conscious. She's looking for you." Sabi nito at mabilis ding nawala. Patakbo akong pumasok sa loob ng clinic at nakita kong mabibilis ang mga kilos ni Mervin habang inaasikaso si Dustin. Si Stacey ay nasa kabilang kama at parang groggy ang hitsura.

"Babe. Hey." Agad kong hinawakan ang kamay niya at hinalikan siya sa labi. Namuo na ang luha sa mata ko. Hindi ko na napigilan na umagos. Naalala ko ang napakaraming dugo sa ulo niya kanina. Ang buong akala ko ay talagang nawala na siya. "I thought I lost you." Doon na ako tuluyang napahagulgol.

"H-his kids. Please. C-check his kids," mahinang sabi ni Stacey. Para siyang lasing at pamulat-mulat lang.

"What? Whose kids?" Taka ko.

"D-dustin's." Nakita kong umiiyak si Stacey. "I've lost Dustin."

Napahinga ako ng malalim. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay nagwawala na ako dahil sa selos. Muntik na siyang mamatay pero si Dustin pa rin ang iniintindi niya. Pero naisip ko, malalim ang pinagsamahan nilang dalawa kaya talagang masakit para sa kanya ang akala niyang nangyari sa kaibigan niya.

"Everything will be all right." Tumingin ako kay Mervin at seryoso lang na nakatingin sa akin.

"She's still not okay, Dec. We need to sedate her to check her wounds." Sabi ni Mervin at sinenyasan ang nurse na asikasuhin si Stacey.

"I'll stay here. I won't leave you." Ang higpit ng hawak ko sa kamay niya habang may isinasaksak na gamot sa suwerong nakakabit sa kanya. Maya-maya lang ay nakapikit na si Stacey. Sedated na.

Napahinga ako ng malalim at binitiwan ang kamay niya at nilapitan si Mervin. Napapailing ako sa nakikita kong hitsura ni Dustin. Lamog na lamog ang katawan. Halos hindi ko makilala. Nawala ang gandang lalaki. Kung makaka-survive man siya, napakatagal na gamutan at therapy ang kailangan niyang pagdaanan.

"Talagang papatayin nila ito," komento ni Mervin.

"Do you think he will survive?" Gusto ko namang malampasan ni Dustin ito. Napakarami ng casualties ng agency namin dahil sa pagpasok sa mga ganitong ka-delikadong misyon at ayaw kong mapasama sa mga list of casualties ang lalaking ito.

"I'll try. He is hanging by a thread." Hindi na ako pinansin ni Mervin at muling itinuon ang pansin kay Dustin.

Lumabas na lang ako at naabutan ko si Martin na naninigarilyo pa rin at nakatingin sa malayo.

Huminga ako ng malalim nang lumapit sa kanya.

"What's our plan?" Tanong ko sa kanya. Sa isip ko ay ilang beses ko ng pinatay si Torque at si Carmela.

Ngumisi si Martin. "Right now, the plan is to bury those two assholes in the van. Then we will plan everything to bring down those cousins. I got the list of their suppliers. Stacey got the list of their protectors from the top officials of the government."

Tumango lang ako at tumingin din sa van kung saan naroon ang dalawang bangkay na binaril ni Martin.

I will use all the resources of my father's agency just to bring that long haired monster down.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top