31-SAME FEELS

There is a thin line between love and hate.

------------------------

Declan's POV

"You said you will do anything for me. That's what I want. Shoot her."

Kitang-kita ko ang pagkataranta sa mukha ni Stacey habang papalit-palit ng tingin sa amin ni Carmela. And I was shocked too with what I heard. I can see in Carmela's face that she was serious of what she said.

I needed to act calmly. I needed to get her trust and even if Stacey's life will be put on the line, I needed to do Carmela's wish.

Tumingin ako sa tao niya at inilahad ko ang kamay ko. Hinihingi ko ang baril na nakasuksok sa beywang nito. Agad naman iyong kinuha at ibinigay sa akin. Seryoso lang akong nakatingin kay Stacey at halatang kinakabahan siya. Nakita kong nakahawak siya sa tiyan niya habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

I cocked the gun and pointed it to Stacey.

"Where do you want me to shoot her?" Kay Carmela patungkol ang tanong na iyon.

Nakita kong napaatras si Stacey at nag-aalalang nakatingin sa akin. In my mind, I was thinking of where I would shoot her where it wouldn't be fatal. On her shoulder, leg, feet. On her belly.

"Carmela."

Ibang boses iyon. Tiningnan ko ang nagsalita at nakita kong si Martin iyon.

"What?" Mataray na tanong ng babae.

"You know Torque won't like this." Tonong nagpapaalala si Martin.

Kumunot ang noo ko at humigpit ang hawak ko sa baril. Who is that fucking Torque? Bakit parang ang laki ng ambag niya sa grupong ito?

"But he is not here. I am the one running the show in this group. Wala ng say si Torque." Inis na sagot niya.

"You know that is not true. Every connection that you have, it was Torque's work, and he will kill you if he knows that something happened to his trigger man." Tonong nagpapaalala si Martin.

Umirap si Carmela at bumalik sa puwesto niya kanina at pabagsak na naupo tapos ay ngumiti ng mapakla sa akin.

"I am just joking. Don't shoot her," tumingin ito kay Stacey at ngumiti ng nakakaasar. "Stacey, darling. It's only a joke. Alam mo namang hindi kita magagawang saktan. You are a gem in this group." Tiningnan nito ang hilera ng powdered cocaine sa mesa. Dinampot ang isang naka-rolyo na dollar bill at sininghot ang cocaine.

Napalunok ako at napabuga ng hangin tapos ibinalik ang baril sa tauhan ni Carmela. Nakatingin siya sa akin at alam kong pino-probe niya ako.

"I want you to be my personal bodyguard from now on. Wherever I go, you need to be there." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Kahit sa banyo o sa kama."

Hindi ako kumibo at tumingin ako sa gawi ni Stacey. Kita kong tahimik lang siya pero halatang nagpipigil lang ng nag-uumalpas na inis.

Pare-pareho kaming napatingin sa dumating na tao at nakilala kong si Dustin iyon. Ibang-iba ang hitsura niya kumpara sa hitsura niya kapag nasa opisina ng agency na kanang-kamay ni Chief. Bruskong-brusko ang hitsura nito. Wak-wak na faded jeans, over used shirt, sneakers. Samantalang kapag nasa opisina ay napaka-disente ng hitsura nito. Laging naka-polo or long sleeves at slacks. Minsan nagbabalat pa na sapatos.

"I have the shipping schedule from Batangas Port." Tila anunsyo nito nang makalapit sa amin. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at dire-diretso itong lumapit kay Carmela.

"Kasama na ang shipment natin diyan, Jason darling?" Malanding tanong ni Carmela dito.

Ngumiti si Dustin. Jason pala ang cover niya dito.

"Of course, Miss Carmela. Kailan ba ako sumablay sa iyo?" Nakangiti rin dito ang lalaki. Napakagaling din umarte ni Dustin. Kahit ako ay naniniwala na talagang kasama siya sa group na ito.

"Fair enough." Muling suminghot ng cocaine si Carmela at saglit na kinalma ang sarili bago tumayo.

"You know what to do. Ayokong magkaroon ng bulilyaso ang shipment na ito. Mr. Lee is expecting it to be delivered tonight. Ayokong pumalpak kayo. I am telling you, fucking heads will roll kapag nagkabulilyaso dito." Binitbit nito ang bag at isinukbit sa balikat. "Baldo, let's go." Nagpatiuna na itong maglagkad papunta sa pinto.

Hindi agad ako kumilos at sinundan ko lang siya ng tingin. Huminto siya at muling tumingin sa akin.

"You didn't hear me? I said, let's go. I want to go home now. Ipag-drive mo ako." Tumaas na ang boses ni Carmela at muling naglakad palabas.

Tumingin ako sa gawi nila Stacey at naiiling lang siya na nakayuko. Tinanguan ako ni Martin na parang sinasabing sumunod na ako. Napahinga lang ako ng malalim at sumunod na kay Carmela. Huminto siya sa isang black Cadillac at sinenyas na iyon ang sasakyan niya. Pinagbuksan ko siya ng pinto sa backseat at diretso siyang sumakay doon. Ako naman ay sumakay sa driver side at pinaandar paalis doon ang sasakyan.

"Saan tayo, ma'am?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok ang tingin sa kalsada.

"Sa langit. Kaya mo ba akong dalhin doon?" Tumawa ng malandi si Carmela.

Tumawa din ako. "I don't do bosses." Tinapunan ko siya ng tingin sa rear view mirror at nakita kong tumaas ang kilay sa akin ni Carmela. Halatang nagulat sa sinabi ko.

"You don't fuck your boss? Is that what you're saying?" Ni-rephrase niya lang ang sinabi ko.

"Yes." Diretsong sagot ko.

Ang lakas ng tawa ni Carmela. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang para siyang nababaliw na tumatawa sa backseat. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. I don't want to fuck her kahit pa siya ang boss ko at kailangan kong makuha ang tiwala niya. My dick is only for Stacey. Sa asawa ko lang.

Gago. Anong asawa? Bahay-bahayan lang ang ginawa 'nyo ni Stacey.

"You are so funny, Baldo. Even your name is funny. Baldo. Hindi bagay sa guwapo mong hitsura." Natatawa pa rin si Carmela.

Ngumiti lang ako nagpatuloy sa pagda-drive.

"You are the first that rejected me. Lahat ng tao na nagustuhan ko, hindi puwedeng tumanggi sa akin. Men. Women. I can do both. Do you want to experience three some? What do you prefer? Men-women-men or women-men-women?" Naramdaman kong dumukwang mula sa likod ko si Carmela at inilapit ang bibig niya sa tainga ko.

Usually kung may ganitong babae, papatulan ko na. Walang masamang tinapay sa akin basta maganda, sexy. But this time, I found her disgusting. Wala akong nararamdaman sa kanya. Si Stacey lang ang gusto kong lalapit sa akin. Her breath, her skin. The heat of her body. That's what I am missing.

"I am driving, Ma'am. Baka mabangga po tayo." Paalala ko sa kanya.

Napa-tsk-tsk si Carmela at bumalik sa pagkakaupo sa likod.

"All right. You are playing hard to get. I like that game." Natatawang sabi ni Carmela. "Hindi kita pipilitin. But I am telling you Baldo, you will crawl on your knees and you will beg me to fuck you soon. Wala pang tumatanggi sa akin." Sabi pa nito at naamoy kong nag-amoy sigarilyo sa paligid. Nanigarilyo si Carmela. "Idiretso mo sa The Spa sa Greenbelt." Utos nito.

Hindi na ako kumibo at idiniretso ko na doon ang minamaneho ko. Kaya ko namang makuha ang tiwala ni Carmela kahit hindi ko siya niyayari sa kama.

----------------------

Stacey's POV

"Around ten PM darating ang cargo. Nai-tip na ito sa shipping dock at sa mga port authorities. AK-47 parts ang laman noon. Ang ibang mga high caliber guns ay bukas pa darating. Inuna lang talaga ito dahil sa request ni Mr. Lee."

Nakalatag sa mesa ang mga papel, ang mga listahan ng mga tao sa port na kasabwat dito. Naroon ang ibang mga tauhan ni Carmela. Kami ni Dustin ang in-charge sa shipment na ito at si Martin ang bahala sa mga tauhan ni Carmela. May plano na kami ni Dustin para dito. Pababayaan na muna naming makuha ng grupo ni Carmela ang mga baril at mai-deliver kay Mr. Lee. Kapag nareceive na ng Chinese businessman, saka darating sila Chief at sila naman ang bahalang humuli sa illegal buying. Pero sisiguruhin na hindi sasabit ang grupo ni Carmela dahil hindi pa kumpleto ang mga ebidensiya laban sa kanya.

"Naka-ready na din ang thirty-million payment ni Mr. Lee. Naka-float na sa account. Mag-go-thru lang ito once nai-deliver na ang mga baril." Paliwanag pa ni Dustin.

Marami pang sinasabi si Dustin pero hindi ko maintindihan. Sila ni Martin ang nag-uusap kung paano ang plano mamaya. Ang utak ko ay lumilipad. Babarilin kaya talaga ako ni Declan kanina? Kitang-kita ko sa mukha niya na kaya niyang gawin iyon. Totoo pala talaga ang balita na nasagap ko noon sa agency. He kills without mercy. Without conscience. Walang kuwenta ang kahit na sino sa kanya. Basta nakaharang sa daan niya at makakagulo sa mission niya, aalisin niya iyon. Nalaman ko pa nga kay Doc Mervin na ginamit niyang pain si Kassandra Carbonel para lang mahuli niya ang grupo nila kuya. And he loves that woman so much but still, nagawa niyang gamitin para sa mission niya.

Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko. Ako kaya? Ano ako sa kanya?

Wala. Wala naman kayo 'di ba? Sperm donor mo lang ang lalaking iyon. Wala kang kuwenta sa kanya. Nandoon nga siya kasama si Carmela at siguradong naglalampungan na ang dalawang iyon.

"Shit." Mahina kong sabi at napailing ako. Sumasakit ang ulo ko dito.

"Let's go?"

Si Dustin ang nagsalita noon. Tumingin ako sa paligid namin at wala ng mga tao doon. Kami na lang ang naiwan.

"Nasaan na sila?" Taka ko.

Natawa siya. "Kanina pa sila umalis. Kanina pa rin ako nagsasalita pero hindi mo naman ako pinapakinggan. Okay ka lang ba?"

Sabay kaming naglalakad palabas tapos ay sumakay sa sasakyan niya. Tinapunan ko ng tingin ang kotse ni Declan na nakaparada sa gilid.

"For sure, nanlalambot na ang tuhod ni Laxamana. Hindi pa naman humihinto si Carmela hangga't hindi satisfied." Natatawang sabi ni Dustin habang nagmaneho paalis doon.

I felt a sudden pang in my chest. There were so many scenes popping in my head. Declan and Carmela on the bed. Declan fucking her. Declan kissing her. Shit. I know how he kiss, and I liked it. I know how he do woman in bed and I liked it too. Tapos si Carmela ang pinapapak niya ngayon. Siguradong magugustuhan din iyon ni Carmela.

"D-do you think they are having sex right now?" Nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan nang tanungin ko iyon. Ayaw kong mahalata ni Dustin na naiinis ako.

Ang lakas ng tawa niya. "What do you think they are going to do? Parang hindi mo naman kilala si Carmela. Lahat ng lalaking magustuhan noon kailangang matikman niya. Sex addict ang isang iyon."

"Do you and Carmela-" hindi ko naituloy ang tanong ko dahil nahihiya pa din ako kay Dustin. Kahit kaibigan ko ang isang ito at marami na kaming pinagsamahan, ayaw ko naman na tanungin pa ang sex life niya. Masyado ng personal iyon.

"Did we fuck? Of course. Makakaligtas ba ako kay Carmela sa guwapo kong ito?" Natatawang sagot niya. Pero hindi ako natawa sa sinabi niya. "Si Martin. Basta kung sino ang flavor of the month niya." Tiningnan ako ng makahulugan ni Dustin. "Bakit parang naninibago ka kay Carmela? Alam mo naman ang galaw ng babaeng iyon."

Umiling lang ako at sumandal sa kinauupuan ko tapos ay muling tumingin sa labas ng bintana.

"June, did something happen between you and Laxamana?" This time ay seryoso na ang tono ni Dustin.

Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang mga nangyari sa amin ng lalaking iyon. Sigurado akong pagtatawanan ako ni Dustin. Siya ang numero unong nakakaalam ng mga gagawin ko kay Declan pero lahat ng plinano ko, nauwi lang sa basurahan.

"Kasi bakit kung umasta ang gagong iyon parang pag-aari ka niya? Parang may leverage siya sa iyo? Wife ka pa daw niya. Did he do something? Did he rape you?"

Gulat akong napatingin kay Dustin. "Rape? Of course not. As if naman na papayag akong magawa niya iyon sa akin." Nahihiyang tumingin ako sa kanya. Sa pagkakaalala ko kasi, ako pa ang nagpilit kay Declan. Shit. Wala ako sa tamang pag-iisip noon. I thought he was my husband kaya ibinigay ko ang lahat sa lalaking iyon.

Napahinga ako ng malalim. "The truth, he saved me and took care of me during those months that I don't remember anything." Hindi ko na kayang ilihim ito kay Dustin. "He thought if he was going to surrender me to the agency, something might happen to me. You know what they do to agents like me. Kapag nalaman ng agency na nagkaroon ng ganoon problema, memory loss kukunin agad nila at pilit na pag-aaralan."

"You mean, those months that you were missing, you were with Declan Laxamana?" Paniniguro ni Dustin.

Tumango ako.

"Tarantado talaga ang animal. Ilang beses naming tinanong ang gagong iyon kung may alam siya sa nangyari sa pero kahit pitpitin 'yata namin ang bayag hindi aamin. Did he do something to you? You tell me, June. Dahil kung pinuwersa ka ng gagong iyon papatayin ko talaga." Kita ko ang galit sa mukha ni Dustin kaya natawa ako.

"Relax. Wala ngang nangyari." Tumingin ako sa labas at nakita kong malapit na kami sa port. "Nandito na pala tayo."

Huminto si Dustin at nagbaba ng bintana at nakipag-usap sa mga taong naroon. Mukhang nakatimbre na nga ang pagdating namin at ang tungkol sa shipment. Alerto ang mga taong narito.

Pumarada si Dustin sa isang gilid. Sa kabilang gilid ay nakita ko naman ang truck na paglalagyan ng mga cargo. Si Martin naman ang naroon kasama ang mga tauhan ni Carmela.

"So, 'nung bumalik ang memory mo, why you didn't kill the asshole?" Walang abog na tanong sa akin ni Dustin.

Hindi agad ako nakasagot. "I don't know." Mahinang sagot ko.

Natawa siya at napailing.

"I knew it. Maybe you're just confusing your emotions. You thought you hate him but the truth, from the start, you already like him." Nanunuksong sabi ni Dustin.

"Excuse me!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayoko sa gagong iyon. Ang baho niya." Asar na sagot ko.

Ang lakas ng halakhak ni Dustin. "I am just stating a fact and hindi ko naman naamoy na mabaho ang gago na iyon."

"Tigilan mo na nga ako. Nasaan na ang contact mo?" Pilit ko ng iniba ang usapan naming dalawa.

"Nandiyan lang iyon." Dinukot ni Dustin ang telepono niya at nagpipindot tapos ay ini-unlock ang pinto ng sasakyan. "I think he is feeling the same way too kaya kulang na lang patayin ako." Hindi mapigil ang pagtawa niya bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

Napabuga lang ako ng hangin at sinundan siya ng tingin.

Shit. Inis kong sinabunutan ang sarili ko. I remember that I kept on telling Declan that I loved him. But I was suffering from a memory loss that time. I don't know what's the truth and I thought he was my husband. I thought it was right to love him because that's what I feel when we were playing husband and wife.

Napapitlag ako nang biglang tumunog ang telepono ko. Tiningnan ko ang tumatawag. Unknown number. Who could this be? Exclusive ang telepono kong ito para lang sa grupo na ito ni Carmela.

Maya-maya ay text ang na-receive ko.

Answer your phone.

Who the hell is this?

Muling tumunog ang telepono at napabuga ako ng hangin bago sagutin iyon. "Hello?"

Mahinang tawa ang narinig ko. "Missed me?"

Napahigpit ang hawak ko sa telepono at pilit kong kinalma ang sarili ko. I knew this voice.

"Torque. Hey." Pinilit kong maging masaya ang boses ko.

"I missed you. How are you?" Malambing na tanong niya.

"I am fine. How about you? Are you still okay in there?"

"Oh, honey. You wouldn't believe where I am right now."

"Where?" Nasa California si Torque. He was serving jail time in California State Prison for gun smuggling.

"At the airport. NAIA. I am home, sweetie." Dama ko ang saya sa boses niya.

Napalunok ako at hindi ako makahinga sa nalaman ko. Shit. This is bad.

"R-Really?"

"I can't wait to see you. And I can't wait to kill the one who sent me to jail. There is a spy in our group." Ngayon ay sumeryoso na ang boses ni Torque. "I'll see you soon, love." Pagkasabi noon ay wala na akong narinig mula sa kabilang linya. Pinatayan na ako ng call.

Ang tindi ng kabog ng dibdib ko at ilang beses akong huminga-hinga.

This was not part of the plan. I thought I took care of him. The agency took care of him. Siniguro ko na makukulong siya at hindi makakalabas.

Torque's return changes everything in this case.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top