3-THE ACT

"DON'T FORCE PIECES THAT DON'T FIT." - Unknown



Declan's POV

            Bago pa makapagsalita si Mervin ay hinila ko na siya palabas ng silid. Wala akong pakialam kahit na muntik na siyang masubsob. Kakastiguhin ko ang isang ito. Ano ang pinagsasasabi niya?

            Inis ko siyang isinalya sa pader nang makalabas kami ng clinic niya.

            "Anong pinagsasasabi mo?" Lalo akong nainis sa nakikita kong pagpipigil na mangiti ni Mervin.

            "I am helping you." Sa pagkakataong ito ay natawa na siya.

            "Helping me? Anong tulong iyon? Ipinapakita mo ang litrato ko? At sasabihin mong asawa niya? Gago ka?"

            "Look," marahan niyang inalis ang mga kamay kong nakahawak sa damit niya. Itinulak ako ng bahagya at inayos-ayos ang damit na nalukot. "She doesn't remember you."

            "Sabi mo nga. May amnesia. And how can you be so sure that she is not faking it? She is a fucking agent, Merv. She knows how to act."

            "I know when someone is just faking it, Dec. That one? She doesn't. She doesn't remember anything about her past. Kaya ko ipinakita ang litrato mo, iyon ang una kong gustong malaman kung kilala ka niya. She wanted to kill you, right? But when she saw your picture, no reaction at all. She doesn't know you."

            "Pero bakit kailangan mong sabihin sa kanya na ako ang asawa niya? Putangina. Problema ko na nga na nandito siya, dinagdagan mo pa."

            "She needs an identity." Walang anuman na sabi ni Mervin.

            "By telling her that I am her husband? And Anselma? Anselma Garcia? Really?" Kung puwede ko lang suntukin ang mukha ni Mervin ay ginawa ko na.

            "Relax. Masyado kang high blood. Wala na akong maisip na cover. At least that name is close to your heart. Hindi ka na maiilang na gamitin. Just go with it. Para hindi siya mag-iisip ng kung ano sa tuwing magti-therapy kami. You need to gain her trust. You need to keep your enemies closer." Tumingin pa ito ng makahulugan sa akin.

            Umiling ako. "Hindi. I am going to tell her that I am not her husband." Akma na akong papasok sa loob nang pigilan ako ni Mervin.

            "No. Don't do that. Her mind is so fragile right now. Her mind is still in chaos. Kaunting kalituhan, makakaapekto sa kanya. Please. Just go with it. Help her heal." This time ay ang seryoso na ng mukha ni Mervin.

            Pero hindi ako nakasagot dahil napatingin ako sa may pinto ng clinic niya. Nakita kong nakatayo doon si Stacey at hawak nito ang tagilirang bahagi ng katawan. May dugo ang hospital gown niya.

            "It's bleeding," mahinang sabi niya at nakatingin sa akin.

            Mahinang napamura si Mervin at mabilis na inalalayan si Stacey at muling pinahiga sa hospital bed. Napapailing na lang ako at sumunod sa kanila.

            First time kong nakita ng malapitan uli si Stacey magmula ng maaksidente kami. Grabe talaga ang mga galos at bugbog niya sa katawan. Balot pa rin ng benda ang ulo niya. Namamaga at may pasa pa rin ang palibot ng mga mata. She was not the hot neighbor that I once met few weeks ago. Right now, she was a mess.

            "Let's look at that," sabi ni Mervin habang iniaangat nito ang hospital gown ni Stacey. Sa pagkakaangat ng hospital gown ay lumitaw din ang makinis at mahahabang binti at hita ng babae. May mga pasa din doon pero hindi kasing grabe ng sa braso niya. Balbon si Stacey. Maganda ang shape ng legs at automatic akong napa-ehem ng makita ko iyon.

            I know she was not wearing anything under the hospital gown. Maingat na maingat ang pagkaka-angat ni Mervin noon para hindi makita ang private part ni Stacey. But unconsciously, I was hoping to peek on her privates. I want to know if its waxed, shaved, or full of hairs.

Get a grip, Declan. May problema ka na, umiiral pa ang pagiging manyakis mo.

Marahan kong ipinilig ang ulo ko at tumingin sa ibang lugar para mabaling sa iba ang atensyon ko.

            "Your stitches got loose," sabi ni Mervin at kumuha ng gasa para ipatong doon at maampat ang pagdudugo. "Get my kit. On top of the drawer," baling sa akin ng doktor at itinuro ang isang stainless tray na nakapatong sa drawer na malapit sa akin.

            Sinunod ko naman at pagbalik ko, nakita kong nakatitig na sa akin si Stacey.

            Hindi ko maintindihan kung anong klaseng kaba ang naramdaman ko sa dibdib ko. She was looking at me like she knows me. It was like she was looking deep within my soul.

            "Asawa kita? Anong nangyari sa atin? Bakit ako ganito?" This time, her eyes were pleading. There was loneliness. Pain.

            Tumingin ng makahulugan sa akin si Mervin bago ibinaling ang atensyon sa pag-aayos ng tahi ng sugat ni Stacey.

            "You could sit beside her. Alalayan mo. Medyo masakit 'to," komento ni Mervin habang nililinis ang malaking sugat sa tagiliran ni Stacey. Naalala ko, malaking bahagi ng basag na salamin ang bumaon dito.

            Hindi ako agad kumilos. Sinamaan ko ng tingin si Mervin pero tumaas lang ang kilay niya. Isinenyas na tumabi ako kay Stacey.

            Napahinga ako ng malalim. Shit. Hindi ko alam kung tama bang sakyan ko ang katarantaduhang inimbento ni Mervin.

            Lumapit ako kay Stacey at naupo ako sa tabi ng kama niya. Nakatingin pa rin siya sa akin na parang kinikilala ang mukha ko.

            "What?" Naaasiwa kasi ako sa paraan ng pagkakatingin niya. Sinamaan ako ng tingin ni Mervin na ngayon ay nagtutusok ng anesthesia sa sugat. Napapangiwi si Stacey at napapabuga ng hangin.

            "Take a deep breath so you won't feel the pain. Slowly. Like this," tinuruan ko kung paano mag-deep breathing si Stacey para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

            Ginaya naman niya ang sinasabi ko. Sinusunod niya.

            "H-hindi kita maalala. Hindi ko alam kung sino ka. Asawa? Asawa talaga kita?" Narinig kong sabi ni Stacey at muli itong napaungol. Nag-uumpisa ng magtahi ng sugat niya si Mervin.

            Hindi agad ako nakasagot.

            "You got married in Samar. A mayor officiated your vows. Actually, newly wed kayo. Three months pa lang kayong kasal. Papunta kayo sa honeymoon 'nyo nang maaksidente kayo five days ago," sabat ni Mervin habang patuloy itong nagtatahi ng sugat ng babae.

            Putangina mo, Mervin. Patong-patong na kasinungalingan na ang iniimbento ng gagong ito. Baon na baon na ako sa kasinungalingan.

            Muling tumingin sa akin si Stacey. Gusto ko sanang itama ang lahat ng sinasabi ni Mervin pero tingin ko, napaka-fragile ng babae. Tama si Mervin. Her mind was a mess. Konting maling information, sigurong magugulo ang isip niya.

            "T-this-" itinuro ni Stacey ang ulo. "Itong amnesia na ito, pang-habambuhay na ba ito?"

            "Depende. As of now, hindi ko pa masasabi. You need to undergo a series of tests, therapies." Inayos ni Mervin ang pagkaka-patch ng sugat ni Stacey. "But don't worry, your husband will be with you every step of the way."

            Muling tumingin sa gawi ko si Stacey kaya napakamot na lang ako ng ulo.

            Hinubad ni Mervin ang suot niyang surgical gloves at itinapon iyon tapos ay tumayo na at humarap sa akin.

            "You cannot stay here for too long. Soon, the agency will find out that you're staying here. You need a place where she can heal properly."

            "This is your clinic. Mas makakapagpagaling siya ng maayos dito."

            Tinapunan ng tingin ni Mervin si Stacey tapos ay hinila ako sa isang sulok.

            "She needs a home. You are husband and wife. Kailangan mong panindigan iyon."

            "'Tangina ka kasi. Mas malaking problema itong ginawa mo." Napakamot ako ng ulo.

            Tinapik ako sa balikat ni Mervin. "Do your magic. Kayang-kaya mo 'yan. I called the agency and I've heard that they are looking for her. Apparently, she knows something about a syndicate that she's following the past months. Hindi pa niya nailalatag ang mga alam niya at kapag nalaman ng agency ang kalagayan niya, she will become their lab rat. You know what kind of shit they can do. We both saw that. They are going to dig her mind and old memories will come out. Kasama ka doon." Seryosong sabi niya.

            Tinapunan ko ng tingin si Stacey at tahimik lang itong nakahiga sa kama. Kalmado ang paghinga. Hindi iisipin ng kahit na sino na isa itong killing machine.

            "Shit." Paulit-ulit kong sabi at kinuha ko ang telepono ko. Lumabas ako saglit at tinawagan ko si Yosh.

            "Balita?" Bungad nito.

            "I need your help." Seryosong sabi ko.

            "What help?"

            "I need a place to stay."

            "Sa bahay mo. Sa hideout mo. Huwag lang dito sa hideout na tinirahan natin sa harap ng bahay ni Sesi."

            "I know. I know. Somewhere far and safe." Pakiusap ko.

            "Dec, are you in trouble? Your boss keeps on calling JD. Hindi ka daw nagre-report."

            "Please. I need a place. I'll tell you everything." Pakiusap ko sa kanya.

            Napahinga ng malalim si Yosh. "May farmhouse ako sa Alfonso. I'll text you the address. Magkita tayo doon."

            "Thank you." Pagkasabi noon ay pinatayan ko na siya ng call. Maya-maya ay naka-receive ako ng text galing kay Yosh. Address ng farmhouse niya.

            Napabuga ako ng hangin at pumasok sa loob. Naabutan kong kausap ni Mervin si Stacey. May mga gamot na ibinibigay.

            "You need to take this once a day. I am going to talk to your husband, and I'll visit you for your therapies." Paliwanag dito ni Mervin.

            "Doc, bakit ganoon? Kung sinasabi mong may amnesia ako bakit naaalala kong marunong akong mag-bike? Bigla na lang sumulpot sa isip ko. May lalaking nagtuturo sa akin na mag-aral mag-bike." Pumikit si Stacey at parang pilit inaalala ang kung ano. "J-Jay." Mariin nitong hinawakan ang magkabilang sentido. "Kuya Jay. Tinatawag ko siyang Kuya Jay."

            Bigla ang kabang bumundol sa dibdib ko. She remembers Jay?

            "Relax. Huwag mong pilitin. Those are old memories. Sometimes people with retrograde amnesia they typically hang on to old memories especially childhood and adolescence."

            "Pero ang sinasabi mong asawa ko, hindi ko talaga maalala. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko siya kilala," parang maiiyak na ang hitsura ni Stacey.

            "Don't force yourself. Ganoon talaga. Old memories are easy to come back. Ang mga recent memories ang mahirap ma-recall. Don't worry, your husband will help you."

            Doon na ako pumasok. Tumingin sa gawi ko si Stacey tapos ay nahihiyang yumuko.

            "If she's ready we're going." Sabi ko at kinuha ko ang mga gamit na inihanda ni Mervin. "I'll use the car." Dumiretso na ako sa pinto nang marinig kong tinawag ako ni Stacey.

            "Asawa kita 'di ba?" Paniniguro niya.

            Tumingin sa gawi ko si Mervin at hinihintay ang sagot ko. Halatang pinipigil niyang matawa.

            "Yeah."

            "H-hindi mo man lang ba ako tutulungan makatayo dito? Makalabas? Masakit pa kasi ang sugat ko." Itinuro nito ang sugat na tinahi kanina.

            Tumaas ang kilay sa akin ni Mervin at ngayon ay tuluyan ng napangiti. Napahinga ako ng malalim at nilapitan si Stacey. Inalalayan ko siyang makatayo. Mahigpit ang kapit niya sa akin. Halatang iniinda pa rin ang masasakit sa katawan niya.

            Nakaalalay din naman si Mervin hanggang sa makarating kami sa kotse. May mga ibinilin pa ito habang pasakay sa sasakyan si Stacey.

            "Remember your name. Anselma Garcia Gregorio. He is your husband Wade Gregorio. If you have more questions and that is normal, ask your husband. He can help you." Napasimangot ako sa sinabing iyon ni Mervin.

            Tumango lang si Stacey at ini-start ko na ang sasakyan. Kumaway ako kay Mervin bago tuluyang umalis doon.

            Malayo-layo na ang biyahe namin pero hindi nagsasalita si Stacey. Tahimik lang itong nakatingin sa labas. Tinatanaw ang mga tanawin. Ako naman ay hindi rin makampante. Iniisip ko pa rin na umaarte pa rin siya. Naka-alerto ako at baka bigla na lang akong suntukin o i-flying kick ng babaeng ito.

            "Saan tayo nagkakilala?" Walang abog na tanong niya.

            Hindi ako agad nakasagot. Saan kami nagkakilala? Ano ang sasabihin ko?

            "Saang lugar? Kailan? Paano?" Seryosong tanong pa nito.

            "Bagong lipat ka. Nakita kita na nahihirapan sa mga gamit mo. Tinulungan kita. That's it," iyon naman talaga ang dahilan bakit kami nagkakilala.

            "Iyon lang? Tapos? Anong nangyari?"

            Shit. Inis kong inihilamos ang kamay sa mukha ko. Sanay akong magsinungaling pero sa pagkakataong ito, gusto kong masuka sa mga kasinungalingang iniimbento ko. Buwisit si Mervin. Papatayin ko talaga si Mervin sa problemang ibinigay niya sa akin.

            "Well, ah- I find you cute. We went out then we became steady until we got married." Damn it. Sana tumigil na siyang magtanong.

            Naipagpasalamat ko na hindi na nagtanong pa si Stacey. Dumating kami sa farmhouse ni Yosh at hindi ko maiwasan na hindi humanga sa ganda noon. I've been in several missions. Nagpupunta ako sa iba't-ibang lugar pero hindi ako nagtatagal sa iisang lokasyon. But in this place, kaya kong mag-stay kahit gaano katagal. The greenery of the place gives me peace. Sariwa ang hangin. Nakaka-relax ang huni ng mga ibon at kuliglig.

            "Dito tayo nakatira?" Tanong ni Stacey.

            Napatingin ako sa kanya. Maging siya ay tumitingin din sa paligid. Halatang nagagandahan sa kapaligiran na nakikita.

            "Yes. Our house." Napahinga ako ng malalim. I have no choice. Kailangan kong paninidigan ang gulo na inumpisahan ni Mervin.

            "Ang ganda. Gusto ko dito. Tahimik." Parang sa sarili lang iyon sinasabi ni Stacey.

            Napatitig ako sa kanya. Ibang-iba ang aura ng mukha niya kahit na nga may mga sugat doon at pasa. Wala ang mabangis na mukha ni Stacey na nakita ko bago kami maaksidente. 'Yung mukha na kaya akong patayin. Her face right now looks like the face when I first met her. Bubbly. Full of life.

            Napatingin kami sa dumating na sasakyan at huminto sa tabi ng sasakyan ko. Bumaba si Yosh at takang-taka na papalit-palit ang tingin sa akin at kay Stacey.

            "Stacey?" Gulat na sabi nito nang makita ang babaeng kasama ko.

            Kumunot ang noo ni Stacey at hitsurang nagpapasaklolo sa akin.

            "H-hindi Stacey ang pangalan ko. Sino si Stacey?" Naguguluhang tanong niya.

            Napapikit ako at napailing.

Mahaba-habang paliwanag ang kailangan kong gawin kay Yosh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top