29-TORQUE

We met for a reason, either you're a blessing or a lesson. - Unknown

Stacey's POV

            "Take your hands off my wife if you don't want me to kill you."

            Nagkatinginan kami ni Dustin at pareho kaming napatingin sa nagsalita noon. Nakita ko si Declan na nasa likuran ko at hawak ang kamay ni Dustin para ilayo sa akin. Dilim na dilim ang mukha.

            "Wife daw?" Nagtatakang tanong ni Dustin sa akin at inis na kinuha ang kamay niyang hawak ni Declan. "Pinagsasasabi nito?"

            Sinamaan ko din ng tingin si Declan. Hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Madilim pa din at talagang mukhang gusto niyang saktan si Dustin.

            "Hindi ka ba lalayo sa lalaking iyan o gusto mong sabihin ko sa kanya kung ano ang ginawa natin ng mga nakalipas na buwan?" Seryosong sabi niya. Tingin ko ay talagang kaya niyang gawin iyon.

            Napalunok ako at napatingin kay Dustin. Nagtataka ito sa mga sinasabi ni Declan. Para wala na lang gulo ay lumayo na ako kay Dustin pero paglapit ko kay Declan ay malakas kong inapakan ang paa niya. Napasigaw siya sa sakit at napamura pa.

            "Bagay sa 'yo 'yan. Gago ka kasi," mahina kong sabi sa kanya.

            Mura pa din ng mura si Declan habang hinihimas ang paa. Tinanggal pa nito ang suot na sapatos. "Pinatay mo yata ang kuko ko."

            "Gusto mo ikaw pa ang patayin ko. Pasalamat ka nga kuko mo lang ang pinatay ko."

            Tingin ko ay medyo naka-recover na siya at muling isinuot ang sapatos.

            "Can you kill me? You had the chance, but you didn't do it." Nagpipigil siya ng ngisi habang nakatingin sa akin.

            "Am I missing something?" Sabat ni Dustin.

            Napatingin kami pareho dito at nagtatanong ang tingin sa akin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at naupo sa isang upuan na naroon. Tumayo lang sa gilid ko si Declan. Hitsurang parang nagbabantay. Buwisit talaga ang lalaking ito. Buwisit talaga siya. I am a good agent. I followed all the rules, I know how to choose my objective over my emotions. Pero ngayon, sirang-sira ang plano ko. Sirang-sira ang mga diskarte ko dahil lang sa presensiya ng lalaking ito. Makita ko lang siya ay talagang kumukulo na ang dugo ko. Kahit amoy niya ang baho. Nakakasuka ang amoy. Pakiramdam ko bumabaligtad ang sikmura ko.

            "Tell him what we know about Carmela Salazar. Show him all our intel." Tonong talunan na sabi ko. Wala na akong magagawa. Kung gusto kong makabalik sa case ko, kailangan kong sundin ang nakasulat sa clearance. Kailangan kong magtrabaho kasama ang Declan na ito at ang pinaka-nakakainis pa, under pa niya ako.

            "What? June, are we-" hindi maituloy ni Dustin ang sasabihin at gulat na gulat sa sinabi ko.

            "Management decision." Nang-aasar na sabi ni Declan. "Share your intel about Carmela Salazar."

            Muling tumingin sa akin si Dustin at sinisigurado kung totoo ang sinasabi ni Declan. Tumango lang ako. Pasimple akong nagtakip ng ilong dahil talagang nasusuka ako sa amoy ni Declan. Hindi naman siya mabaho. Sa katunayan mabango siya. Amoy pabango ng lalaki. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit naduduwal ako sa amoy niya.

            Ilang beses akong umehem at lumunok-lunok para lang mapigil ang mapaduwal. Tinitingnan ko lang si Dustin na inilabas ang mga folders ng intel namin tungkol sa case ni Carmela Salazar. Naroon ang listahan ng mga members nito. Ang mga kasabwat na mga pulis, military personnel. Lahat ng mga kasama sa payroll ng sindikato nito.

            Tiningnan iyon ni Declan isa-isa. Ngayon ay seryoso na siya. Matagal niyang tiningnan ang files ni Carmela.

            "Who is your inside man?" Tanong niya habang bina-browse ang files.

            Hindi ako makasagot. Naduwal ako pero agad kong pinigil at pilit na kinalma ang sarili ko.

            "You don't need to know." Sagot ko sa kanya. Pinahid ko ang noo ko dahil pakiramdam ko pinapawisan na ako ng malamig.

            Tiningnan ako ng masama ni Declan at muli ay ibinaling ang tingin sa hawak na file.

            "Why don't you tell me who is it?"

            "Tell me yours first. Sigurado naman kami, Sir-" diniinan ni Dustin ang pagkakasabi ng Sir na alam ko naman na tonong nanunuya. Senior Agent si Declan at pareho kami ni Dustin na under sa kanya. "Mayroon ka ding inside man doon."

            "Tell me yours first then I'll tell mine." Naghahamon na sabi niya.

            Umiling lang ako kay Dustin. Pakiramdam ko ay magpa-pass out na ako sa pagpipigil kong masuka. Ang baho ni Declan! Bakit ganito? Naitakip ko na ang kamay ko sa bibig ko dahil talagang baka masuka na ako.

            "Okay ka lang?"

            Tumingin ako kay Declan at nakatingin na siya sa akin. Nag-aalala na ang hitsura. "You don't look good. You're pale. Pinagpapawisan ka pa," akma niyang dadamahin ang noo ko pero mabilis kong pinalis ang kamay niya.

            "D-don't touch me," halos ako lang ang nakarinig ng sinabi ko. Masama na talaga ang pakiramdam ko. Kailangan ko ng pumunta ng banyo.

            "June, you don't look good." Si Dustin na ang nagsabi noon.

            "Are you sick? What's wrong?" Si Declan iyon at lumapit pa sa akin.

            Ang sama ng tingin ko sa kanya. Bago pa ako makapagsalita ay hindi ko na napigil ang sarili ko at sumuka ako sa dibdib niya.

            "What the fuck?!" Gulat na gulat si Declan. Diring-diri ang hitsura habang hindi malaman kung itutulak ako o lalayo sa akin. Punong-puno ng suka ang damit niya. Ako na ang lumayo at patakbo akong nagpunta sa CR. Pagdating ko doon ay sumuka pa rin ako pero wala ng lumalabas. Nakaluhod lang ako sa harap ng toilet bowl.

            Humihingal akong napasalampak sa lapag at napasandal sa dingding ng cubicle. I didn't know that pregnancy was hard. Ilang araw na din akong ganito and my vomiting was getting worse. Kailangan kong magpa-check-up uli para magawan ng paraan ito at nang makapag-trabaho ako ng maayos.

--------------------

Declan's POV

            "Shit." Diring-diri ako habang nakatingin sa damit kong may suka. Napatingin ako kay Dustin at impit itong tumatawa habang nakatingin sa akin.

            "Karma." Sabi nito at tatawa-tawang binalingan ang mga folders na nasa harap niya.

            "Shut up." Inis kong sabi sa kanya at painis na hinubad ang suot kong polo. Damn, Stacey. Ano ba ang nangyari sa babaeng iyon at sinukahan ako? "You know what's wrong with her?" Itinapon ko sa kalapit na basurahan ang polo ko. May spare naman akong damit sa sasakyan. Hindi bale ng naka-hubad ako dito. Paglalawayin ko si Stacey.

            "Wife mo 'di ba? Dapat alam mo ang nangyayari sa kanya." Sumimangot si Dustin. "Why do you call her your wife? What did you do when she was gone? Ikaw ba ang may kagagawan noon? Did you kidnap her? Made her your slave? Punished her?"

            "Bakit mausisa ka? Ano ka ba ni Stacey? Syota ka ba? Naging kayo? Saka huwag mong hahawak-hawakan 'yun. Huwag mong didikitan dahil may kalalagyan ka sa akin," asar kong sagot sa kanya.

            Sinamaan niya ako ng tingin. "She is my friend, Sir." Muli ay diniinan nito ang salitang 'Sir.' "We worked on so many cases. She knows my kids and they love her."

            "Your kids? Bakit si Stacey? Wala ka bang asawa? Si Stacey ang gusto mong asawahin at gawing nanay ng mga anak mo?" Nilapitan ko si Dustin. "Over my dead body."

            Bahagya niya akong itinulak. "The fuck is wrong with you? Ano mo ba si June? Kung makaasta ka para kang syota. June hates you. She planned to kill you. She wanted you dead because of what you did to her brother. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ka pa niya tinutumba."

            Pakiramdam ko ay nagpanting ang tainga ko sa narinig na sinabi niya. Malakas kong sinuntok si Dustin. Lugmok siya sa sahig pero mabilis na tumayo at sinugod ako. Bumalandra ako sa dingding at sinuntok niya ako ng malakas. Naglapitan na ang ibang mga taong nandoon at inawat kami.

            "You think you're senior hindi kita papatulan? I respect you and I look up to you because there were so many stories about you being a bad ass agent. But I never thought how fucked up you are. Napaka-asshole mo," galit na sabi ni Dustin sa akin. Pilit itong kumakawala sa pagkakahawak ng mga umaawat sa kanya. Namamaga ang pisngi nito at putok ang labi dahil sa pagkakasuntok ko.

            Ako? Hindi na yata aayos ang mukha ko. Hindi pa nga gumagaling ang ilong ko gawa ng pagkaka-headbutt ni Stacey, tingin ko ay may nadagdag na namang tama gawa ng pagkakasuntok ni Dustin.

            "Huwag akoang pagdiskitahan mo dahil lagi kaming magkasama ni Stacey. Dahil close kami. We've been friends for so many years and I respect her. Tapos ikaw, ano ba kayo? Kung makaasta ka para kang syotang bumabakod. Stacey will never like you. She hates you." Ngumisi ng nakakaloko sa akin si Dustin. "Before you act like a jealous boyfriend, ask her who is Torque first. Para matauhan ka."

            Pagkasabi noon ay tinalikuran na ako ni Dustin at dire-diretsong lumabas. Sinipa pa ang nadaanang basurahan. Hindi ko pansin ang mga tingin ng mga taong naroon. Wala akong pakialam sa kanila.

            Lumabas ako at dumiretso sa opisina ni Chief Coleman. Nagulat ito nang makita kong walang suot na t-shirt.

            "What happened to you?" Taka nito.

            "Who is Torque?" Sagot ko sa kanya.

            "Who? Sino ang sinasabi mo? At bakit wala kang suot na t-shirt?" Tumunog ang telepono nito at sinagot iyon. Nakikinig sa kausap tapos ay tumingin sa akin. "Tell him to go to my office. Now." Matigas na sabi nito bago ibinaba ang telepono. Tingin ko ay nai-report na dito ang nangyari sa amin ni Dustin. "What is happening to you, Declan? Magmula ng bumalik ka dito sa agency ganyan ka na. Puro na lang gulo ang ginagawa mo. Hindi ka ganyan magtrabaho. You are objective. You have goals to finish your case. Pero bakit ngayon bakit sabog-sabog ang plano mo? Kung ano-anong kabalbalan ang ginagawa mo. Nagsuntukan pa kayo ni Dustin? Damn it! Is that what you're going to teach our new recruits?"

            Hindi ako nakasagot at tumingin ako sa pinto dahil pumapasok doon si Dustin.

            "What the hell happened?! God damn it! Para kayong mga bata!" Tingin ko ay talagang aatakihin na sa galit si Chief habang nakatingin sa amin Dustin. "How are you going to handle your case kung ganyang nagbubugbugan kayo? Where is Mangayam?" Hinilot-hilot ni Chief ang batok niya.

            "I think she is not feeling well. She went out," tanging sagot ko. "Take her off the case, Chief. I can work on this case alone."

            Napatawa ng nakakaloko si Dustin. "So, that's it. You want to take our case."

            "You saw that she is not fit to work. She looks sick." Katwiran ko.

            "Enough. Stop." Pigil na pigil ang galit ni Chief. "Lahat kayo tatanggalin ko sa case na iyon. Ibang agents ang pahahawakin ko."

            "What? You can't do that." Protesta ko.

            "You think I can't? I am the fucking chief of this God damn agency. I can decide who can work on any case."

            Lumapit si Dustin sa mesa ni Chief. "Chief, I apologize for what happened. It won't happen again." Tinapunan ako ng tingin ni Dustin. "I apologize, Sir." Alam kong sa akin siya humihingi ng paumanhin.

            Napahinga ako ng malalim. "I am sorry, too."

            Katahimikan ang namagitan sa loob ng opisina. Humihingal pa rin si Chief sa galit pero tingin ko ay kumakalma na.

            Napatingin kami sa pinto at pumasok doon si Stacey. Takang-takang nakatingin sa amin lalo na sa akin. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at dumiretso kay Chief.

            "Something happened?" Tanong niya. Ngayon ay maayos na ang hitsura ni Stacey. Hindi katulad kanina na talagang namumutla ito.

            "Can you work on this case?" Seryosong tanong ni Chief.

            "Yeah. Why? Chief, alam mong case ko ito. Hindi ko pababayaan. Sa katunayan, naka-receive na ako ng tawag galing sa insider ko. Carmela wants to meet me."

            Itinukod ni Chief ang kamao nito sa mesa.

            "If I hear another incident happened between the three of you, I am going to pull all of you from this case. I mean it. Go. Now. I expect your report within the day."

            Hindi na ako sumagot at sumunod na lang ako kay Dustin at Stacey na lumabas. Nag-uusap sila kung anong plano ang gagawin bago makipagkita kay Carmela.

            "We'll use my car. You need to introduce me to Carmela." Singit ko sa kanya.

            Tinapunan lang niya ako ng tingin at muling kinausap si Dustin. Parang dito lang siya nakikipag-brainstorm kung ano ang dapat nilang gawin. Tumatango-tango lang si Dustin tapos ay humiwalay sa amin. Tingin ko ay babalik sa cubicle niya. Nauunang maglakad si Stacey papunta sa parking lot at nakasunod lang ako sa kanya. Lumiko siya at pumunta sa isang nakaparadang KTM RC 125 at kinuha ang naka-sabit na helmet doon. Agad ko siyang hinawakan sa braso at dinala papunta sa kotse ko.

            "What?" Inis na sabi niya at inalis ang pagkakahawak ng kamay ko.

            "My car is this way."

            "I have my own ride." Sagot niya at muling babalik sa motor.

            "Your ride? A fucking motorcycle?" Inagaw ko ang helmet niya at muli ko siyang pinapunta sa kotse ko.

            "Ano ba?" Singhal niya sa akin pero muli ay kumalma siya. Ilang beses nag-inhale at nag-exhale. "Look, I don't want to lose this case so we should work together. Kahit ayaw ko sa iyo, wala akong magagawa."

            Natawa ako. "Sure ka sa ayaw mo sa akin? As far as I remember you told me you want me several times." Tumingin ako ng makahulugan sa kanya.

            Sumama ang tingin sa akin ni Stacey. "I have a memory loss that time. Huwag kang mag-ilusyon. Ibang tao ang kasama mo noon. Can we just talk about the case? I need to meet Carmela."

            "Fine. We'll use my car." Matigas na sabi ko. Nakikipaglaban ng tingin sa akin si Stacey pero sa huli siya din ang bumigay. Malakas siyang sumigaw at parang nagmamartsang naglakad.

            Huminto kami sa sasakyan ko at sumakay doon. Walang imik na nagkibit lang ng seatbeat. Dinukot ko ang t-shirt sa likod at isinuot tapos pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay panay ang pindot niya sa telepono.

            "This is the address. Susunod na lang si Dustin doon. May kailangan muna siyang i-meet. Ako na muna ang bahalang makipag-usap kay Carmela. Huwag kang masyadong pa-bibo doon. Hindi madaling magtiwala si Carmela sa mga tao." Sabi niya sa akin habang panay pa rin pindot sa telepono niya.

            Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kalsada. Tinapunan ko siya ng tingin at busy pa rin siya sa pagti-text niya.

            "Who is Torque?" Walang anuman na tanong ko.

            Nakahinto kami dahil naka-red signal ang traffic light kaya kitang-kita ko ang pagkawala ng dugo sa mukha ni Stacey nang itanong ko ang pangalan na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top