28-CLEARANCE

"There are two types of pain. One that hurts you and the one that changes you." - Unknown

June's POV

Kung puwede lang akong maduling kaka-roll eyes dahil tamad na tamad akong machinig sa mga sinasabi ng doctor sa clinic ay kanina pa siguro ako duling. I am so bored. Paulit-ulit lang namana ng tanong niya. Iniiba-iba lang niya ang series of questions, nire-rephrase lang para malito ako. Pero alam ko ang ganitong mga tanong. I was trained to answer these kinds of questions.

"What happened to you the past months?" Tumingin ng diretso sa mga mata ko ang psychiatrist.

Sinalubong ko ang tingin niya.

"I experienced memory loss. I was in a town I don't remember where. I don't remember the people anymore. When I got my memory back, I went home. Didn't look back. Didn't ask what happened to me." Seryoso kong sagot sa kanya.

Tumango-tango ang doctor. "Okay. So, that's what you tell people."

"That's what I tell people because that's what happened to me. You think there's something happened? I am good. I am still the agent that this agency can rely. I can do my work and can go back to my case. This is non-sense." Inis na sagot ko. Paulit-ulit na lang ang tanong ng doctor na ito.

Muli ay tumango-tango ang doctor at nagsulat ito sa hawak na papel.

"Tell me, what are your thoughts about Declan Laxamana?"

Taka akong tumingin sa kanya. "Bakit nasama ang lalaking iyon? I thought this is about my clearance? If I can pass this damn interview, I can go back to my case."

"It says in the report that you have a grudge to him for hurting your brother. It basically says here, you want to kill him. What will happen if you will face him? What are you going to do?"

Hindi agad ako nakasagot. Ano ang gagawin ko? Lulumpuhin ko ang lalaking iyon. Patong-patong ang kasalanang ginawa niya sa akin.

"Nothing." Maikling sagot ko.

Napa-hmm ang doctor. Halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. "Are you sure?"

"Why is this a part of your questions, Dr. Baltazar? I don't fucking care about that asshole. We have different cases. This. Carmela Salazar is my case, and I can go back and do my job properly. I am fit to work I don't need this interview. Why don't you sign my clearance so I can do my job." Pigil na pigil ang nag-uumalpas na inis ko.

Napahinga ng malalim ang doctor. Alam ko naman na mahaba ang pasensiya nito. Ilang beses na rin akong dumaan sa mga de-briefing at psychogical test pagkatapos ng mga missions ko.

"June, you know this is part of your job. Hindi ko kailangang isa-isahin sa iyo ang mga red flags na nakikita sa iyo. You've been gone for months. We don't know what happened during those times. We don't know who took you in. We don't know if you told some important details regarding the agency, your mission. Please understand we need to do this." Mahinahong sabi niya.

Mahina akong napamura at napailing. Napabuga din ako ng hangin.

"What do you want to know?" Tonong talunan na ako.

"Everything. The truth."

Naisuklay ko ang mga kamay ko sa buhok at tumingin sa doctor.

"What I told was the truth, Doctor. I didn't tell anyone about the agency. That's what really happened to me. Fucking memory loss." Diretso akong nakatingin sa mata niya. Bahala na siya kung ibagsak niya ako sa interview na ito. Hindi ko pa rin sasabihin ang lahat ng nangyari sa akin nang mawalan ako ng alaala. Walang puwedeng makaalam na nang mga panahong iyon, si Declan Laxamana ang kasama ko at naglaro kami ng bahay-bahayan na kagagawan ng demonyong iyon.

"But you are angry. Is this still about your brother and Mr. Laxamana?"

Napalunok ako. Sa totoo lang, hindi na. Nagagalit ako dahil sa ginawang panloloko sa akin ng Declan na iyon. Niloko ako, ginamit at akong walang kalaban-laban ng mga oras na iyon ay talagang nalugmok at naniwala sa tarantadong iyon.

"I am angry because someone betrayed me. Lied to me. Told me so many lies. Told me that he loves me, but that fucking love is for someone else." Napalunok ako. Damn it. I cracked. I shouldn't tell the doctor about this. But every time I could remember those times that Declan ang I were so intimate, I really wanted to kill him. I put my hand on my stomach and I knew I could feel the life that's been growing inside. I hate Declan but I can never hate this baby.

"Someone betrayed you. All right. Care to tell me what happened?" Nagsulat-sulat pa sa hawak niyang papel ang doctor.

Umiling ako. "It doesn't matter. He doesn't matter to me."

Napahinga ng malalim ang doctor. Hitsurang give up na. Pareho kaming napatingin sa pinto nang may kumatok doon at napa-rolyo ako ng mata nang makilala kung sino iyon.

"Declan? This is a surprise. What can I do for you?" Masayang bati ng doctor. Hindi ko tinitingnan ang lalaki na tuloy-tuloy na pumasok sa loob at lumapit sa doctor. Nakipag-kamay ito at may ibinigay na papel. Kumunot ang noo ng doctor at binasang mabuti ang nakasulat tapos ay tumingin sa akin.

Sinamaan ko ng tingin si Declan na nakangiting nakatingin din sa akin. Sa tuwing makikita ko talaga ang lalaking ito demonyo ang tingin ko sa kanya. Demonyong laging nakangisi na may naiisip na gawing katarantaduhan. Dapat talaga 'nung may chance ako nilumpo ko na isang ito. Kulang ang pagbasag ko sa ilong niya. Dapat pati bungo binasag ko na rin. Binalian ng buto sa katawan.

Kaya mong gawin? May chance ka kayang barilin siya pero hindi mo nagawa. Ang guwapo, o? Kahit sabog ang ilong, aminin mo hot pa rin.

Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. I am going crazy just seeing this asshole. Kahit hindi pa tapos ang session namin ng doctor ay tumayo na ako.

"June, wait." Awat ng doctor sa akin.

"I can't stay here anymore. Hindi mo rin naman ako bibigyan ng clearance." Tinungo ko ang pinto at akmang bubuksan na iyon.

"You can go back to your case. You have a clearance from the management." Ipinakita nito ang papel na ibinigay dito ni Declan.

"What?" Anong sinasabi nito? Ang clearance ay manggagaling sa mga doctor. Saan galing ang clearance na ito? Tumayo ako at tinabig ko pa si Declan para makuha ang papel. Totoo nga. I can go back to my case at hindi si Chief ang pumirma dito. Napatiim-bagang ako. I know that signature. It was Ghost. Well this is good. At least makakabalik na ako sa trabaho ko. Sinasabi ko na hindi ako pababayaan ni Ghost. I am one of his good people. Inirapan ko sila at mabilis kong tinungo ang pinto.

"Have you read the clause, June?"

Napahinto ako sa paglabas dahil sa sinabi ng doctor. "What clause?"

"It says here that you can go back to your case if you're going to partner with-" ibinitin ng doctor ang sasabihin at tinapunan ng tingin si Declan na nagpaikot-ikot ng tingin at nag-hitsurang inosente.

"What the hell?" Inis akong bumalik at inagaw ang papel. Anong clause ang pinagsasasabi nito?

June Mangayam can go back to her mission if she will be under a Senior Agent that's been handling the case of Carmela Salazar. In this case, Declan Laxamana.

Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa ulo ko at bago ko pa makatay ang Declan na ito ay nagmamartsa na akong lumabas. Pupuntahan ko si Chief Coleman dahil sigurado akong may alam siya sa nangyayaring ito.

-----------------------------

Declan's POV

"I'll be under him? What the fuck is this joke, Chief?"

Napangiti ako habang nakatayo sa labas ng opisina ni Chief. Nai-imagine ko na ang mukha ni Stacey habang nagrereklamo. At nai-imagine ko na rin ang kunsumisyon ni Chief.

"Ayaw mo pa niyan? Kung ako ang masusunod hindi ako papayag ng ganyan. Gusto kong mag-undergo ka pa ng series of psychiatric test." Halatang wala sa mood makipagtalo si Chief.

"You know I can work with this case. Kami ni Dustin. Chief, nasa loob na kami. Nakuha na namin ang galaw ni Carmela at ng mga tao niya. Ano 'to? I can't work with this man," pa-give up na ang tono ni Stacey.

"Hindi ka pa ba masaya at nabigyan ka na ng clearance? That's what you want, right? And it's from Ghost. You know he doesn't involve himself in this agency unless it's too important."

Lalo akong natawa. Makakatanggi ba naman ang Daddy ko sa akin. Siyempre lahat ng gusto ko pagbibigyan noon. Hindi nga ako nagdalawang salita sa kanya nang i-request ko ang clearance na ito.

"I want to talk to him." Matigas na sabi ni June.

"June, you know it's not possible. May nakakita na ba dito kay Ghost? Ikaw? Did you meet him? Kung may ipapagawa siya sa iyo, bibigyan ka lang niya ng mission order via text or email pero hindi siya magpapakita sa iyo. Kahit kailan, kahit kanino hindi magpapakilala si Ghost." Napahinga ng malalim si Chief. "You have your clearance, now go back to your case."

Doon na ako pumasok at ngumiti pa ako sa kanilang dalawa nang tingnan nila ako. Ang sama ng tingin sa akin ni Stacey tapos ay muling hinarap si Chief.

"Chief, please? I need this case. Kami na ni Dustin ang bahala dito. I have deep connections in that syndicate. We can work with this without that asshole Declan." Pakiusap pa ni Stacey.

"Then loop me in so I will know the plans." Sabat ko. Naupo ako sa couch na naroon at dumekuwatro pa habang iniunat ang dalawang kamay ko.

Hindi niya ako pinansin at tanging kay Chief lang ang atensiyon niya.

"Chief, don't do this to me." Parang iiyak na ang hitsura ni Stacey.

"June, I have so many things to attend. Hindi ko na kailangang sundan pa itong issue mo. You wanted to go back to your case, and you have it tapos nagrereklamo pa rin. Ano ba talaga? Hindi mo ba alam kung gaano ka kasuwerte at nabigyan ka ng clearance ni Ghost? Ikaw pa lang ang unang nabigyan ng ganyan. Kung ako, hindi ako papayag hanggang hindi ka pumapasa sa psychiatric exams. You haven't told me what really happened to you." Nagsesermon na si Chief.

"Oo nga. Hindi mo pa sinasabi sa amin ang talagang nangyari sa iyo? Share mo naman." Segunda ko.

Ang sama ng tingin sa akin ni Stacey. Dinampot niya ang pen holder na maraming ballpen na nakasuksok mula sa table ni Chief at ibinato sa akin. Mabuti na lang at nakailag ako. Nagsabog ang ballpen sa sofa at sahig.

Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi matawa. Galit na galit talaga ang hitsura ni Stacey. Naiiling na lang si Chief at hinilot ang batok niya.

"If you have a problem working with Declan settle it. Set aside your differences and work this case. I want this to be over. Masyado ng tumatagal ang pagtutok sa case ni Carmela Salazar. Marami pang nakapilang cases dito na dapat na tina-trabaho. I think this will be better dahil tatlo na kayong magta-trabaho sa case na iyan. Magtulungan kayo."

Hindi na makasagot si Stacey at halatang nagpipigil lang ang galit at walang kibong lumabas ng opisina. Tatawa-tawa naman akong tumayo at akmang lalabas na rin.

"I don't know what your plans are, but the moment I learned that you did something to June, I will personally beat the hell out of you. Wala akong pakialam kahit anak ka pa ng founder ng agency na ito." Matigas na sabi ni Chief sa akin.

"Relax. Wala akong gagawin sa pet mo. Paaamuin ko lang." Pagkasabi noon ay tuloy-tuloy na akong lumabas.

Hinanap ko si Stacey at sigurado akong sa cubicle ni Dustin siya pupunta. At hindi nga ako nagkamali. Naroon nga siya at halatang nagsusumbong sa lalaki. Nag-init ang ulo ko nang makita kong hinawakan pa sa beywang ni Dustin si Stacey at ilapit dito. Tarantado talaga ang isang ito. Simpleng manyakis.

Mabilis akong lumapit sa kanila at mariing hinawakan ang kamay ni Dustin.

"Take your hands off my wife if you don't want me to kill you." Seryoso kong banta sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top