27-FIT TO WORK

"Pain withheld becomes hate, pain shared becomes love." - Unknown

Declan's POV

            "Can you breathe properly? Can you open your mouth?" Sunod-sunod ang tanong sa akin ng official doctor ng agency.

            "I am good." Napa-aray pa ako nang subukan kong hawakan ang ilong ko.

            Muling tiningnan ng doctor ang X-ray na nasa harapan niya at napatango-tango.

"It's just a cut. Your nose is not broken." Sabi nito at hinawakan ang mukha ko tapos ay muling tiningnan ang ilong ko. Nilinis ang sugat at nilagyan ng gasa.

Shit. Thank God. Ayaw ko namang magpa-surgery pa dahil lang sa na-headbutt ako ni Stacey.

"Mangayam did this to you?"

Tiningnan ko ng masama ang doctor at nakita kong nagpipigil siyang mangiti habang nilalagyan ng micropore ang gauze na inilagay sa sugat ko sa ibabaw ng ilong.

"Tsismoso ka, Doc?" Asar kong sagot sa kanya.

"Mabilis ang balita, Laxamana. Kahit hindi ako lumalabas sa clinic ko kusang pumupunta ang balita sa akin." Tuluyan na itong natawa. "That woman is really fierce. She is the first and only female agent who could do field missions. Kaya paboritong-paborito ni Chief."

Sumimangot ang mukha ko. Sa tingin ni Stacey papayag pa akong gumawa siya ng field missions? No. Aayusin namin ang problema naming dalawa. Sigurado naman ako na ang ta-trabahuhin niya ang mission niya sa sindikato ni Carmela Salazar. Hindi ako papayag na bumalik pa siya doon.

Nang matapos gamutin ang ilong ko ay lumabas na ako ng clinic. Dumiretso ako sa office ni Chief Coleman para kausapin siya tungkol sa case na iyon. Technically, Carmela Salazar's syndicate was my case. Hindi nila ako sinabihan tungkol sa pagpasok ni Stacey doon.

Sinabihan ako ng secretary ni Chief na nasa conference room daw ito kaya doon ako dumiretso. Malayo pa lang ay nakakarinig na ako ng pagtatalo. Boses ni Stacey ang naririnig kong malakas. Halatang inis na nagpapaliwag kay Chief.

"Carmela Salazar is my case. Ako ang trumabaho doon, Chief. You can even ask Dustin. Ang dami na naming puhunan doon. Kung ano man ang nangyari sa akin, naayos ko na. I am good, I am fit to work, and I can go back to my mission," matigas ang pagkakasabi noon ni Stacey.

"June, I understand all your efforts for this case, but you've gone for so many months. Kahit kami hindi alam kung anong nangyari sa iyo. What really happened to you?" Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Chief.

"Tell us. June, you know you can tell me anything. We've been through a lot." Lalong nangunot ang noo ko dahil ibang boses na iyon. Boses na ni Dustin. Pakiramdam ko ay uminit ang ulo ko kaya dire-diretso akong pumasok sa loob ng conference room. Ang sama ng tingin sa akin ni Stacey nang makita ko.

"In case you don't know, this is a private conversation. Hindi ka kasali dito," inis na sabi niya sa akin.

Napatawa lang ako ng nakakaloko. Hindi ko pinansin ang natatawang hitsura ni Chief at ni Dustin habang nakatingin sa akin dahil may nakatapal na gasa sa ibabaw ng ilong ko. Ang sarap pagbabasagin din ng mga ilong.

"You are talking about my case. I think I should know your thoughts about it." Kaswal kong sagot sa kanya at naupo ako sa dulong parte ng mahabang mesa. Itinaas ko pa ang paa ko sa mesa at naghihintay ng sagot niya.

"Pinagsasabi mong case mo? Carmela Salazar's syndicate is my case. My. Case." Diniinan pa niya ang mga salitang iyon tapos ay inirapan ako at bumaling kay Chief. "Hindi mo ba siya palalabasin?"

"Well, Declan handled the case first. Kaya ka lang naman talaga nasali doon, kayo ni Dustin ay dahil sa nag-MIA siya." Sinamaan ako ng tingin ni Chief tapos ay muling bumaling kay Stacey. "Technically, the syndicate is his case."
             Mahinang napamura si Stacey at napailing. Kumindat naman ako sa kanya at ngumisi.

"Chief, you know what I can do. I've gathered so many intels about Carmela. About his military partners. I have the list. I can do this," tonong nakikiusap na siya.

"What really happened to you the past months that you're gone? I've heard you had memory loss?" Sabat ko.

Pare-parehong napatingin ang tatlo sa akin at kita kong ang talim ng tingin sa akin ni Stacey. Nagbabanta ang tingin.

"I mean, nobody knows what you did. What happened to you. Would you care to share it to us?" Lalo ko siyang ngitian ng nakakaasar.

Huminga ng malalim si Stacey at halatang pigil na pigil ang galit.

"Chief, you know me. I worked my ass off just to get this case. I am good. I am telling you, whatever happened to me won't affect me in this case."

            Umehem ako ng malakas. Sadyang ipinarinig ko sa kanila. Tingin ko kung puwede lang akong sugurin ni Stacey ay ginawa na niya. Pero naaaliw ako sa kanyang makitang inis na inis at natataranta. Sigurado akong kinakabahan din siya na baka sabihin ko kina Chief ang totoong nangyari sa amin habang may amnesia siya.

            "Chief, we have rules. Kapag binago mo iyon, magiging clown ka sa mga agents mo especially to your new recruits. Madali lang naman ang dapat niyang gawin para makabalik siya sa case niya." Bumaling ako kay Stacey. "Tell us what happened to you during those months that you were gone. That's it. That's the rule of the agency. Nasa handbook 'yan."

            Nagngangalit talaga ang bagang ni Stacey. Nakita kong napakamot ng ulo si Chief.

            "June, Declan has a point. That's the rule. You cannot go back to your case unless you tell the doctors what really happened to you and they will give you a clearance that you can go back to work."

            "Bullshit. You know that fucking rule doesn't apply to me. Nasubukan mo na ako. Ang dami ko ng nagawang case para sa agency na ito that almost cost my life, and I didn't let you down. Chief, maniniwala ka ba sa gagong iyan? Lagi nga 'yang wala dito sa agency. Nakikipag-connive sa ibang agency. And he killed my brother!" Tonong talunan na si Stacey. Sira na ang diskarte dahil pinabayaan niyang kainin siya ng emosyon niya.

            "See?" Napa-tsk-tsk pa ako. "Chief, too much emotion. Can you let an agent go back to a case if she is like that?" Napapailing ako. "And for the record, I didn't kill your brother. He did that to himself. You know that."

            Mabilis na tumayo si Stacey at akmang susugurin ako pero mabilis itong pinigilan ni Dustin. Sinamaan ko ng tingin si Dustin dahil ang higpit ng hawak nito kay Stacey. Halos nakayakap na. 'Tangina ang isa ito talagang may kalalagyan ang gagong ito sa akin kapag hindi umayos-ayos ng kilos.

            "Enough!" Ang lakas ng boses ni Chief Coleman at hinilot-hilot nito ang ulo. "Sit down, June. Calm down. Your emotions are taking over you. Paano mo ako mapapaniwala na kaya mo ng bumalik sa case kung ang pang-aasar nitong siraulong Laxamana na ito ay pikon na pikon ka na?"

            Inis na inalis ni Stacey ang pagkakahawak sa kanya ni Dustin at pabagsak na naupo sa upuan. Kita kong masama ang tingin sa akin ni Dustin.

            "You want a piece of me? Doon tayo sa labas." Seryosong sabi ko sa kanya.

            Tinawanan niya lang ako ng nakakaloko. "No, Sir." I know there was a mockery on his tone. "I don't need to beat you. Kayang-kaya ka naman ni June."

            Gago ang isang ito. Tumayo ako para sugurin siya pero malakas na pinukpok ni Chief ang kamay niya sa mesa.

            "Hindi ba kayo magsisitigil? Damn it! You call yourself agents and you are all acting like toddlers? 'Tangina! Mamamatay ako ng maaga sa inyo. Isama pa ang mga bagong recruit ng agency na ito." Ang lakas ng boses ni Chief. Halatag pikon na kaya tumahimik na ako at sinamaan ko na lang ng tingin si Dustin.

"June, you cannot go back to your case unless the agency doctors give you a clearance. You need to report to them what happened to you. Everything." Matigas na sabi ni Chief. Akmang kokontra na naman si June pero sinenyasan na siya ni Chief na tumahimik. "That is final. If you have more arguments, you can leave this agency."

Nakita kong nagulat si Stacey sa sinabi ni Chief pero hindi na sumagot. Sinamaan ako ng tingin at padabog na tumayo at lumabas ng conference room.

Gusto ko siyang sundan pero tumayo na rin si Dustin at iiling-iling na lumabas at sinundan ang babae. Mapapatay ko talaga ang tarantadong iyon. Masyadong mapapel kay Stacey.

Hinilot ni Chief ang batok niya.

"Tell me, Declan. What really happened to June? I know you know something, and you need to tell it to me." Seryosong tanong ni Chief.

"Bakit ako na naman?"

"She's angry with you. Binasag nga ang ilong mo at kung puwede ka lang niyang patayin, ginawa na niya."

"She thought I killed her brother. That's her reason." Maikling sagot ko.

"Are you sure? She got all the files about Jay. Your report and the agency's investigation. She knows that her brother killed himself. I think there is more to this and you are not telling it to me." Halatang naghihintay pa ng sagot si Chief.

"Tingin ko nagiging tsismoso na ang mga tao dito sa agency mo. Ikaw ang leader?" Nang-aasar na sagot ko.

"Tarantado ka talaga, Declan. I am still your fucking boss in this agency. Hindi nga ako mamamatay sa tama ng bala, so bomba o sa saksak, mamamatay naman ako sa kunsumisyon sa inyo. Lalong lalo na sa iyo." Tonong nagrereklamo na si Chief.

"That is part of your job." Kaswal na sagot ko.

Sinamaan niya ang ako ng tingin. "Magpalit kaya tayo? Ikaw naman ang anak ng founder ng agency na ito. Para maranasan mo ang kunsumisyon ko araw-araw."

Doon na ako tumayo. "That's not part of my game plan. I don't want to be the head of this agency. Tama ng sumusunod lang ako sa mga utos mo." Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon.

"At kailan mo sinunod ang utos ko? Ikaw ang pinakamatigas ang ulo dito."

Natawa ako at nagkibit balikat sa kanya. "Ask my Dad." Bago pa siya magsalita at pinagsaraduhan ko na siya ng pinto. Dire-diretso akong pumunta sa doctor's office. May kailangan akong i-discuss sa mga doctor dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top