22-FLESH WOUND

"Love sacrifices all things to bless the thing it loves." - Edward Bulwer Lytton

Declan's POV

Adrenalin was pumping all over my body, but I was still tied to a chair. Stacey shot me and I deserved it. I don't know where, but I can feel something painful in my body.

She should have shot me in the head so it would be over instantly. Hindi iyong ganito. Matatagalan pa yata akong mamamatay dahil hihintayin ko pang maubos ang dugo ko gawa ng tama ng baril.

"What the fuck?"

Napaangat ako ng ulo at nakita kong pumapasok si Yosh sa loob ng bahay na may hawak na baril. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa nakalatag na katawan ng killer sa sahig. Nanatiling nakatutok ang baril niya dito habang pinulsuhan sa leeg.

"This is dead," anunsyo niya sa akin.

"Have you seen Stacey?" Tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mata nito. "What happened to her? Is she alright?" Akmang tatakbo si Yosh papunta sa silid pero mabilis ko siyang pinigilan.

"She knew everything. Her memory came back. She shot me." Mahinang sagot ko.

Lumapit sa akin si Yosh at agad na tiningnan ang tama ko.

"This is only flesh wound," sabi niya habang tinitingnan ang tagiliran ko. "She did this?" Nagtatakang tanong pa nito.

Tumango ako habang pilit na kumakawala sa pagkakatali habang tinutulungan akong tanggalin iyon ni Yosh.

"A flesh wound? She shot you and gave you a flesh wound?" Ulit pa rin nito.

Sinamaan ko ng tingin si Yosh. "Hindi ka pa ba masaya at hindi ako napuruhan?"

Napailing-iling lang ito at inalalayan akong makatayo.

"Hindi lang ako makapaniwala na hindi ka pinuruhan ni Stacey. Ang laki ng atraso mo sa kanya and she promised to kill you and she can do that."

Napahinga ako ng malalim. "Sana nga ganoon na lang ang ginawa niya. Kaysa ganito na hindi ko alam kung anong plano niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta." Napa-aray ako nang subukan kong humakbang. Noon ko lang napansin na dumudugo ang bandang hita ko. May tama pala ako doon. May saksak pero alam kong hindi naman malalim. Kagagawan ng killer.

"I need to call this in first." Sabi ko kay Yosh at kinuha ang telepono ko. Tinawagan ko si Chief Coleman at pinaalam ang nangyari. Nagsabi naman ito na agad na magpapadala ng mga agents at cleaning crew para sa nangyari. Pinapadiretso ako sa hospital.

"You didn't tell him about Stacey?" Paniniguro ni Yosh habang naglalakad kami palabas ng bahay niya at inalalayan akong makasakay sa kotse.

Umiling ako. "I need to find her first. She's pissed at me." Napasandal ako sa kinauupuan. Ngayon ko nararamdaman ang sakit ng mga tama ko. Even if these are flesh wounds, iniinda ko pa rin.

"Idiretso kita sa hospital. Tawagan mo ang tatay mo," utos ni Yosh.

Umiling ako. Nararamdaman kong nahihilo ako pero pinilit kong imulat ang mata ko.

"Kay Mervin. Doon mo ako dalhin. No hospital."

"Hospital ang kailangan mo at hindi clinic. Dec, kailangang malaman ng agency mo ang nangyari. There is a dead body in my house at kayong dalawa ni Stacey ang naroon nang mangyari iyon. There will to be an investigation. Malalaman nila na itinago mo si Stacey ng kung ilang buwan."

"You won't tell them anything. I need to find her first. I need to talk to her. She needed to hear my explanation." Napapapikit na ako. The pain was too much to handle. Ngayon yata ako bibigay sa sakit na nararamdaman ng katawan ko. I've been in pain countless of times, some were more than this, but right now what's more painful was knowing Stacey won't forgive me at all.

"Anong sabi niya nang maalala kung sino ka?" Seryosong tanong ni Yosh.

Napaungol ako sa sakit na nararamdaman ko at umayos ng upo. Hinubad ko ang suot kong t-shirt at pinunit tapos at tinalian ang sugat ko sa hita. Ang kapiraso ng damit ay pinang-ampat ko naman sa sugat ko sa tagiliran.

"She's still confused. I know what's happening to her. Memories will flood inside her head and she will be baffled with the truth." Pinilit kong kunin ang telepono ni Yosh at idinayal ang number ni Stacey. Ring lang ng ring. Nang tawagan ko ulit, cannot be reached na. "She turned off her phone. She will be off the grid. Fuck."

"Calm down. Just give her some time. I am sure she's going to look for you. She wanted to kill you right? But she didn't do it. She will be back, and she will need answers from you." Tumingin pa ng nakakaloko sa akin si Yosh.

Napahinga ako ng malalim at napapikit. Tama si Yosh. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ko hanapin si Stacey.

---------------------

"Fucking flesh wound. Hindi mamamatay 'yan."

My head was so heavy. I tried to open my eyes but still, the lights were blinding.

"Masamang damo 'yan kaya hindi pa 'yan mamamatay. Malayo sa bituka ang mga tama 'nyan."

It was the same voice. Who could that be?

"The last time I heard he was in coma was when he was stabbed by Will. Dahil kay Kleng. Nagpapakatanga dahil sa babae." I could feel disgust on that tone. Who was that? Familiar voice. Was that Dad?

Napaungol ako at pinilit na magmulat ng mata. There were three silhouettes in front of me. I tried to look at them and I shook my head when I learned who were they. It was my Dad, Chief Coleman and Yosh.

"What the hell are you doing in here?" Hindi ako natuwa sa mga taong nakita kong naroon. Tiningnan ko ang sarili ko at nakasuot ako ng hospital gown. Hinanap ko si Yosh at nakita ko siyang katabi ng daddy ko. "Why did you bring me here? I said no hospital."

"Sinisi mo pa ang kaibigan mo." Si Daddy ang nagsalita na iyon. Inis ko siyang tiningnan. Wala siyang kangiti-ngiti. Alam kong naiinis siya dahil sa nangyari sa akin. "How many times are you going to risk your life? Baka sa susunod, bangkay ka na kapag nakita ko."

"This is part of my job. Alam mo naman iyon, Dad." Asar kong sagot sa kanya at inis na tinanggal ang mga nakakabit na kung ano-ano sa katawan ko. Agad akong pinigilan ni Yosh at lumapit na rin si Chief Coleman sa akin. "I need to go." Sinamaan ko sila ng tingin pero ang higpit ng pigil nila sa akin.

"What happened to you, Dec? Where is June Mangayam?" Seryosong tanong ni Chief Coleman.

Tiningnan ko si Yosh at bahagya itong umiling. Alam ko ang ibig sabihin noon. Wala siyang sinasabi sa dalawa. Alam ko naman na mapapagkatiwalaan ko siya.

"Why do you keep on asking me where is she? Hindi ko nga alam. Si Antonio Sitar lang ang problema ko at napatay na siya. Closed case na ang Newly Wed Killer."

"May mga gamit ng babae sa bahay na tinutuluyan mo. Sino ang babaeng kasama mo?" Si Daddy ang nagtanong noon.

Napahinga ako ng malalim at napailing. "You think itinago ko ang June Mangayam na iyon? She wanted to kill me. Bakit ko siya itatago? Saka wala ba akong karapatan mag-bahay ng babae? Sino ang gusto mong ibahay ko? Kapwa ko lalaki?" Tumingin ako kay Yosh. "Payag ka ba? Ikaw na lang ang ibahay ko?"

Nag-dirty finger sa akin si Yosh habang nagpipigil ng tawa. Nang makita na nakatingin sa kanya si Dad at Chief Coleman ay mabilis itong sumeryoso at umehem pa.

Alam kong napipikon na ang hitsura ni Daddy tapos ay lumapit sa akin.

"I know you know where June is. Tell us now, Declan. We need to find her. She is the only one who knows about the operations of Carmela Salazar. She is our inside man in that syndicate that's why we need to find her." Matigas na sabi ng tatay niya.

Mahina akong napamura. Si Stacey talaga ang kaagaw ko sa case na iyon.

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya. Bakit ba ang kulit 'nyo? Saka bakit 'nyo siya kailangang ipasok sa sindikato na iyon?" Tumingin ako kay Chief Coleman. "You know that's my case. Bakit kailangang may isa ka pang agent na ilagay doon ng hindi ko alam?"

Napahinga ng malalim si Chief. "Because you were too busy in Circuit Agency. Hindi ka nag-re-report sa akin. Madalas kang MIA. Hindi ka ma-kontak."

"Fuck. Anong gusto mong report? Araw-araw? Hindi man ako magreport sa iyo pero alam mong nagta-trabaho ako. Nahuli ko nga si Martin Darke."

Natawa si Chief Coleman. "Nahuli mo nga, pero natakasan ka." Tiningnan niya ako ng makahulugan. "Natakasan ka nga ba talaga, Declan?"

Hindi ako nakasagot at napahinga lang ng malalim.

Lumapit si Daddy at Chief Coleman sa akin. "Look. We need to find Stacey as soon as possible. Masyado ng nagiging garapal ang galaw ng sindikato ni Carmela. Matataas na militar ang kapit niya. Si Stacey lang ang nakapasok sa loob ng sindikato niya at ang huling report ni Stacey sa amin, she got the list of those military men na kasabwat sa sindikato." Paliwanag ni Chief Coleman. "Kapag hindi pa lumabas si Stacey at hindi nakabalik sa sindikato ni Carmela, makakahalata na sila. Pagbalik ni Stacey doon siguradong paghihinalaan na siya."

Hindi ako kumibo. Tama lang talaga ang naging desisyon ko noon na itago si Stacey. Dahil kung may amnesia pa siya noon at pigain siya ng mga ito, siguradong baka masiraan ng bait ang babaeng iyon.

Pinilit kong bumangon at tiningnan sila ng masama.

"Hindi ko kasalanan na ang sleeper agent 'nyo ay biglang nag-MIA. Use your resources. Bakit ako ang pinipiga 'nyo? I have other things to do."

Alam kong magsasalita pa si Chief Coleman pero sumenyas siya sa akin ng sandali at sinagot ang tumutunog niyang telepono.

"Who?" Kunot-noong tanong niya sa kausap tapos ay tumingin kay Daddy. "Doc? Si Doc Mervin?"

Napaangat ako sa kama at nakatingin kay Chief. May nangyari kaya kay Mervin?
"Home invasion? Pinasok siya? Nasaan ngayon?" Tanong pa ni Chief. Matagal bago ito sumagot at tumango-tango lang. "Keep me posted. I'll be there in a while." Pagkasabi noon ay pinatay na nito ang telepono.

"May nangyari kay Doc?" Paniniguro ko.

"Bakit? May contact pa kayo ni Mervin?" Balik-tanong ni Chief sa akin.

"He is my friend. Kahit wala na siya sa agency, kaibigan ko pa rin siya. What happened to him?" Malapit ng maubos ang pasensiya ko kay Chief.

Napahinga ito ng malalim. "Badly beaten. Pinasok daw ang bahay at binugbog. Nasa hospital ngayon."

Dali-dali akong tumayo pero muli nila akong pinigilan.

"I need to see him." Protesta ko.

"Manahimik ka diyan." Tumaas na ang boses ni Daddy kaya wala na akong nagawa. Tumingin ako kay Yosh at tumango lang siya. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

Tutulungan niya akong makatakas dito mamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top