21-PULL THE TRIGGER

"You know you really love someone when you can't hate them for breaking your heart." - Unknown

===================================

June's POV

            Nasa loob ako ng sasakyan at sa backseat ako nakapuwesto. Naka-posas ang mga kamay at paa ko at nakatingin ako sa mga lalaking nag-uusap sa labas ng kotse. It was Dustin talking to Declan. They were arguing. I was trying to remove the handcuffs when Declan opened the door of the car and sat in front of the steering wheel.

            I was mad. I was frustrated. I wanted to kill him right now. He killed my brother. Kuya Jay was my only family and this asshole took him away from me.

            "June."

            Tinawag niya ang pangalan ko pero nanatili akong nakayuko at pilit na tinatanggal ang pagkakaposas ng kamay ko. Shit. What kind of handcuffs are these? I knew how to remove these without using any key.

            "You're the sister of Jay? How did you become an agent?"

            Hindi pa rin ako sumagot. Damn it. Masakit na ang mga kamay ko. Sigurado akong may mga sugat na rin ito.

            "I heard you're looking for me."

            Lihim akong napangiti dahil naaalis ko ang posas sa kamay ko. Pero may isa pang problema. Pati ang mga paa ko ay naka-posas din.

            Tumingin ako sa rearview mirror at nakita kong nakatingin din sa akin si Declan. Bahala na kahit naka-posas ang mga paa ko. At least my hands were free. I can do anything and I'll have a chance to get out of here.

            "Matagal na kitang hinahanap." Sagot ko sa kanya at nanatili akong nakangisi habang nakatingin sa rearview mirror. "Para magawa ko ito."

            Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na makakilos pa si Declan. Mabilis akong dumukwang at ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya para masakal siya. I am going to kill this son of a bitch. He took the life of my brother and I going to take his.

            Gumewang-gewang ang sinasakyan namin. Wala ng control. Ibinigay ko ang lahat ng lakas ko para masakal ko siya. I heard he was a bad ass agent. Too bad, I am one hell of a bad ass too. Patas lang kami. Matira ang matibay sa aming dalawa.

            Naramdaman kong bumilis ang sinasakyan naming kotse pero hindi ako bumibitaw sa pagkakasakal sa kanya. At napakabilis ng pangyayari. Bago pa ako makakilos ay ibinangga na ni Declan ang sinasakyan namin sa poste ng kuryente.

            I remembered the accident. I remembered everything.

            Mahigpit ang hawak ko sa baril na nakatutok kay Declan. Ang totoo, nalilito ako ngayon. My mind was telling me to shoot him, but my hands were shaking. Hindi ako ganito. Kung papatay ako ng tao lalo na at misyon ko, hindi ako nagdadalawang isip. But Declan was looking at me. His eyes were pleading, and I couldn't look at him.

            I knew I programmed myself to haunt and kill Declan Laxamana. I can easily do it now. I have the gun and he was tied to a chair. He couldn't do anything if I pulled the trigger. What the hell was wrong with me? Why can't I pull the trigger?

            "Barilin mo na. Napakarami niyang kasalanan sa iyo."

            Tumingin ako kay Rommel at nakatayo lang siya malapit sa akin. Alam kong naghihintay siya ng pagkakataon na makuha sa akin ang baril. Alam ko ang gagawin ko sa ganitong pagkakataon. I trained for this kind of situation.

            "Selma-"

            Pinutol ng masamang tingin ko ang sasabihin ni Declan. Selma. Why do I hate that name all of a sudden?

            "Don't call me that fucking name. I am not Selma," matigas kong sagot sa kanya.

            Napahinga ng malalim si Declan at kitang-kita ko ang pakiusap sa mga mata niya.

            "Please, let's talk about this. I am going to explain everything."

            "Fuck you! Fuck you!" Tumutulo ang mga luha sa mata ko habang lalo kong itinutok ang baril sa kanya. "Lies. Everything you said was a lie!"

            "I did that to save you. Sel-"

            Ipinutok ko ang baril sa paanan niya kaya nanlalaki ang mata niyang napatingin sa akin.

            "I said stop calling me that fucking name!"

            Huminto si Declan at tumingin sa gawi ni Rommel na tatawa-tawa lang.

            "Mukhang hindi ako ang papatay sa iyo ngayon, Laxamana. Mukhang asawa mo ang yayari sa iyo." Tumatawang sabi ni Rommel tapos ay nagkibit-balikat. Okay lang naman na kapag binalatan kita ay patay ka na. Mag-i-enjoy pa rin ako doon sa dami kong puwedeng gawin sa katawan mo."

            Nakaramdam ako ng kalituhan sa sinabi ng killer. Lalong tumindi ang panginginig ng mga kamay ko. Shit. I don't feel like this. Kahit kailan hindi ako nakakaramdam ng takot sa mga ganitong pagkakataon.

            Siguro ay nakita ni Rommel na natataranta ako kaya mabilis niyang dinampot ang isang kitchen knife at patakbong lumapit kay Declan para saksakin ito. Malakas akong sumigaw at binaril sa likod si Rommel.

            Humarap sa akin si Rommel at nanlilisik ang mga mata na hawak pa rin ang kutsilyo. Ngayon ay sa akin na iyon nakaamba at patakbong lalapit sa akin. Muli ko siyang pinaputukan ng baril. Isa. Dalawa. Sa bawat pagtama ng bala sa katawan niya ay napapaigik siya. Tatlong tama ang tumama sa katawan niya at napaluhod si Rommel habang umaagos ang dugo sa katawan niyang may nakabaon na mga bala.

            "P-pinatay niya ang kapatid mo." Mahinang sabi nito habang nanatiling nakayuko at tumutulo ang dugo sa bibig.

            "Kaya ako ang papatay sa kanya at hindi ikaw." Matigas kong sagot habang nanatiling nakatutok ang baril kay Rommel.

            Tuluyan siyang napahiga sa sahig habang naghahabol ng hininga. Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong maramdamang awa habang naghihingalo ang lalaki sa harap ko. Am I like this? Ganito ako kawalang-puso?

            "Stacey."

            Tumingin ako kay Declan.

            "That's not my name too." Mahina kong sagot sa kanya tapos muli ay tumingin kay Rommel. Nakatingin ang lalaki sa akin habang nakabuka ang bibig at naghahabol ng hininga. Parang may gustong sabihin. Tapos ay humugot ng isang malalim na hininga at hindi na gumalaw.

            "The first time I saw you was when you rented the house beside Sesi's."

            Hindi ako tumitingin kay Declan habang sinasabi niya iyon. Nakatingin pa rin ako kay Rommel. His lifeless body was like talking to me. I could heare his victim's victorious laugh because he was dead already.

            "I didn't know that you're Jay's sister. When Jay died, I promised myself that in my own little way I will look for her sister and take care of her. I thought she was a young girl. The picture that Jay showed me with his sister was taken many years ago. The girl that I saw in the picture was so young. She looked like she was in her teens. I was sending money for her. That's all I could to do to help her since I don't know where she is. I never thought it was you."

            "I don't want to hear your fucking monologues." Sinamaan ko ng tingin si Declan pero kalmado lang siyang nakaupo at nakatingin sa akin. "Stop staring at me! I know what you're doing! You're trying to get in my head." Itinutok ko ang hawak kong baril sa kanya. "You cannot fool me anymore." Nangingilid ang luha ko sa galit, sa frustration. Sa betrayal na ginawa niya sa akin. "Anong ginawa mo sa akin? You used me? What is this, Declan? Ginamit mo na nagkaroon ako ng amnesia kaya nagpanggap kang asawa ko? Dahil alam mong kung nasa matino akong pag-iisip hinding-hindi kita papatulan dahil papatayin kita."

            Napahinga siya ng malalim at umiling.

"No. I wanted to help you. I don't want to bring you to the agency because I know they are just going to test you." Umiiling siya. "You know what they can do to someone suffered amnesia. All I ever wanted was to help you remember who you are, but something happened along the way."

Kumunot ang noo ko. "Something happened? Like what? Nakonsensiya ka sa pananamantala mo sa akin?" Natawa ako ng nakakaloko. "Walang konsensiya ang katulad mo." Nangilid na naman ang mga luha ko sa mata.

"I fell in love with you."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabing iyon ni Declan. Dumiin ang pagkakahawak ko sa baril habang nakatingin sa kanya at nakatitig lang siya sa akin. Lalong naging kalmado ang hitsura niya.

"It was not part of the plan." Ngumiti siya sa akin. "You helped me realize that after a painful heartbreak, there is still someone who could open up my heart. It was you." Mahinang sabi niya.

"Shut up." Saway ko sa kanya. "No. You're just playing with me. You're lying. Inuuto mo na naman ako. I know everything that happened. I remember everything."

"I am not going to lie to you, Stacey. You made me whole again. I lied to you about who you really are, but I know you felt it when we made love. It was real. When you told me that you love me, I know it was real."

Napaiyak ako at muli kong itinutok ang baril sa kanya. Litong-lito na ako.

Ngumiti ng mapakla sa akin si Declan tapos ay huminga ng malalim.

"But if this is the end, I'll be glad to die by your hands. Pull the trigger." Nakatitig siya nang sabihin iyon sa akin.

            Nataranta ako sa sinabi niya. He was telling me to pull the trigger?

            "I can't bring your brother back." Umiiling na sabi niya. "I can't make things right. I did what I had to do to protect the people I love. To protect you. But if you want to get even, if killing me will make you happy, then do it. Pull the trigger and shoot me."

            Hindi inaalis ni Declan ang pagkakatingin sa akin. Lalo kong itinutok ang baril sa kanya.

            "Shoot me, Stacey. You don't need to worry. You're a bad ass agent. You don't feel guilt every time you kill a bad person. And I am one of those."

            "Shut your mouth." Saway ko sa kanya. Lalong nanginginig ang kamay ko.

            Itinutok ko sa kanya ang baril. Tandang-tanda ko pa ang mga planong kong gawin sa kanya kapag nagkaharap kami. Ang plano ko noon, hindi ko siya agad papatayin. Papahirapan ko muna siya katulad ng ginawa niya kay Kuya Jay. I was going to kill him slowly. Pero bakit ngayon hindi ko magawang iputok sa kanya ang hawak kong baril?

            "Do it, Stacey. I am not going to blame you. Pull the trigger."

            "Shut up!" Sigaw ko sa kanya at hindi mapatid ang pag-iyak ko habang nakatutok ang baril sa kanya.

            I was trained to kill anyone, and I was supposed to kill him, but I can't do it.

            "Shoot me." Matigas na sabi ni Declan.

            Malakas akong sumigaw at mariin kong hinawakan ang baril na nakatutok sa kanya. Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng pumapasok na mga alaala. Para akong nabibingi sa dami ng naririnig kong nagsasalita. Paulit-ulit ang sinasabi ni Declan.

            Pull the trigger. Shoot me.     

            "No! No!" Pagkasabi ko noon ay ipinutok ko ang hawak kong baril kay Declan at mabilis akong umalis sa lugar na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top