17-DESSERT FOR BREAKFAST
Declan's POV
And this was the best sleep that I had in years.
Usually, ang tulog ko ay tatlo hanggang limang oras lang. Minsan nga wala pa dahil okupado ng kung ano-ano ang isip ko. Even if I had sex with different women in the past, I never had this feeling of satisfaction. I felt, I was reborn.
I never felt complete until now.
Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha ko at tumingin sa relo sa dingding. Alas-nuebe na. Tanghali na ito. Kahit kalian hindi ako nagigising ng ganito ka-late. Pinaka-late na ang ala-sais. I am a morning person. Mas gusto ko ang gumigising ng maaga dahil marami akong nagagawa.
Tumingin ako sa tabi ko at wala na doon si Stacey. Napahinga ako ng malalim nang maalala ang ginawa namin kagabi. It changes this fucking game. Gusto kong magsisi dahil pinabayaan kong mangyari iyon pero ano pa ba ang dapat pagsisihan? She gave herself to me and I just gave her what she wanted. I liked it too. Stacey was beautiful, sexy at kahit sinong lalaki ay hindi makakatanggi sa kagandahan niya.
Ulol. Maganda lang? Type mo kamo. Hindi ka nga nakapagpigil.
Natawa ako sa naisip kong iyon. Of course, I liked her. Physically she was perfect but what happened between us... damn it. I was in love with Kleng for so long but the moment when I had sex with Stacey, wait no. Not sex. It was making love. Natawa ako sa naisip kong iyon. Fine. What we did was making love. Hindi ko naman kasi maisip na nagpalipas lang ako ng init ng katawan kasama siya. There was something between us and I couldn't explain it. There was a connection, a deep emotion that shrouded upon us.
And when she said that she loves me I felt that it was real. She was not faking it.
This is bad. Fuck, this is fucking bad. Paano na kung bumalik na ang alaala niya at ang sinasabihan niyang mahal niya ay gusto pala niyang patayin?
Tinapunan ko ng tingin ang telepono kong nagba-vibrate sa ibabaw ng mesa sa tabi ko. Kinuha ko iyon at si Yosh ang tumatawag. At this early? Soulmate ko ba talaga ang gagong ito at alam na alam niya kung kailan ko kailangan ng kausap dahil nalilito ang utak ko?
"My man, kanina pa ako tumatawag sa iyo." Iyon agad ang bungad niya sa akin.
"Kakagising ko lang." Bumangon ako sa kama at dinampot ko ang boxer shorts na nasa sahig at isinuot iyon.
"Ngayon ka lang nagising? Kailan ka pa tinanghali ng gising? You are an early bird. Alas-kuwatro pa lang gising ka na at nagwo-workout na." Komento nito.
"I-I overslept. Marami akong inasikaso kagabi." Dumiretso ako sa banyo at humarap sa salamin at tiningnan ang sarili kong repleksyon.
And there was something strange in my face. Usually, kapag humaharap ako sa salamin, all I can see was the guilty and the killer with no conscience Declan Laxamana. But right now, I don't see the guilt. I don't see the worry.
I don't see the killer in me.
Right now, my face was lit. Hitsurang walang iniintindi. Hitsurang walang iniisip na problema. Sa katunayan, ang gaang-gaang ng pakiramdam ko ngayon.
Napa-hmm lang si Yosh at hindi agad sumagot. Tapos maya-maya ay naririnig kong tumatawa ng mahina.
"Anong nakakatawa, Sanchez?" Ang aga-aga iniinis ako ng isang ito.
"Wala. Ang obvious mo kasi." Ngayon ay tuluyan na siyang napatawa ng malakas. "Naka-ilang rounds ka?"
"What? Anong rounds? Pinagsasabi mo?" Ngayon ay napipikon na ako sa kanya.
"Congratulations, my man. No more playing with your ding-a-ling." Tumatawa pa rin siya.
"I don't know what your talking about." God damn, Yosh. Psychic ba ang gago na ito at kahit sa telepono lang kami nag-uusap alam niya kung anong ginawa ko?
"Huwag kang plastic, Dec. Alam ko naman na bibigay ka din diyan kay Stacey. Kitang-kita naman kasi sa iyo na type na type mo rin iyan. Ramdam ko." Tumatawang sagot nito.
"Ulol. Anong pinagsasasabi mo? Bakit ka tumawag?" Ganoon ba ako ka-obvious? Kahit hindi ako nakikita ng siraulong ito ay naramdaman niyang may ginawa ako?
"I won't judge. Asawa mo naman si Stacey. Normal lang ang ginawa 'nyo."
"Wala nga kaming ginawa. Ano bang sinasabi mo? Nag-iimbento ka ng kuwento. Bakit ka nga tumawag?" Ipinahalata ko sa kanya na napipikon na ako.
"Dude, your tone." Muli ay tumawa ito. "Sobrang defensive mo. Sayang. Sana nandiyan ako para lalo kitang maalaska."
"If you don't shut up I am going to-"
"Fine!" Ang lakas uli ng tawa ni Yosh. "I'll stop. Tumawag ako kasi may mga nakuha akong intel tungkol sa serial killer na ipinadala mo sa akin. Antonio Sitar. You have his identity, bakit ayaw 'nyong ilabas ito sa media?" Ngayon ay seryoso na ang tono niya.
"We don't want him to be spooked. Siguradong magtatago iyan kapag inilabas sa media ang identity niya. Ilang taon ding nanahimik iyan. Gusto ko, ako ang makahuli sa kanya. Ako ang may kasalanan kung bakit pumapatay na naman siya. If I had finished my job with him, hindi na nasa siya nakapatay pa." Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko.
"Well, I tried to track his whereabouts, but it was all dead end. I think he already changed his identity. Pinuntahan ko ang huling address na ginamit niya at wala na siya doon. He is on the run and I think plotting his next murder again." Damang-dama ko ang frustration sa boses ni Yosh.
Mahina akong napamura at napakamot ng ulo. Kasalanan ko talaga ito.
"Kailangan kong mahuli agad ang gagong iyon. Hindi na siya puwedeng makapambiktima pa. Those murders will be on me."
"Relax. Ikaw pa ba? How are you and your father? Nagkausap na kayo ulit?"
Hindi ako agad nakasagot at napahinga lang ako ng malalim.
"I don't know. Right now, I still don't want to see him. Anyway, thanks for calling. Luwas din ako ng Manila mamaya. Kailangan kong makipag-meeting kay Chief Coleman tungkol dito."
"Kumusta naman si misis?" Ngayon ay tonong nanunukso na naman si Yosh.
"Fuck off." Natawa din ako at pinatayan ko na siya call.
I miss that asshole. Pagkagaling ko sa agency mamaya, makikipagkita ako sa gagong iyon.
Nag-shower lang ako saglit at lumabas na ng kuwarto. Agad na inasulto ang pang-amoy ko ng mabangong amoy ng kung ano. Among fried rice. Napakasarap sa pang-amoy ng ginigisang bawang.
"Stacey?" Dumiretso ako sa kusina at may mga nakahain na pagkain doon. Tipikal na almusal. Hotdogs, eggs, spam. May juice din at kape. Hindi ang nakasanayan naming almusal na tapsilog na nakalagay sa styro na nabibili namin sa karinderia sa tapat. Nakita kong may nakasalang pang kawali sa kalan at naroon ang fried rice. Halatang niluluto pa. Pero nasaan si Stacey?
Pinatay ko ang kalan at hinanap siya. Nasaan ang babaeng iyon. Pagsilip ko sa labas ay nakita ko siyang may kinakawayan. Nagkandahaba ang leeg ko dahil sigurado akong lalaki ang kausap niya. Naka-cap at lumakad na palayo. Nakangiti si Stacey at may dalang kung ano tapos ay lumakad na papasok sa bahay.
Who could that be? Wala kaming kilalang kapitbahay dito at hindi rin kami lumalabas na dalawa. Ayaw kong may makakilala kay Stacey.
Nagulat pa siya nang maabutan akong nakatayo sa pinto at halatang hinihintay siya.
"Good morning," nakangiting bati niya sa akin at humalik sa pisngi ko. "You smell good. Naka-shower ka na agad." Sabi pa niya at diretsong tinungo ang kusina at inilapag ang hawak na tupperware sa mesa tapos ay binalikan ang sinasangag na kanin. "Nakalimutan ko pala ito. Buti hindi nasunog." Agad niyang hinalo-halo ang kanin sa kawali.
"Who was that?" Seryosong tanong ko sa kanya. Sumilip pa ako sa labas at para siguruhin kung wala na doon ang kausap ni Stacey.
Kunot-noong tumingin siya sa akin. "Sino?"
"'Yung kausap mo sa labas. Lalaki iyon 'di ba?"
Nakakunot pa rin ang noo ni Stacey. Iniisip kung ano ang sinabi ko tapos ay biglang nagliwanag ang mukha.
"Ah. Si Rommel. Bagong kapit-bahay natin. Nagbigay ng adobo. Napadami daw ang luto niya kaya binigyan tayo." Ngayon ay isinasalin na niya ang fried rice sa bowl at inilapag sa mesa. "What do you want? Coffee or juice?"
"Rommel?" Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong lumabas at puntahan ang Rommel na iyon tapos ay i-interrogate. Bakit niya kinakausap ang asawa ko?
Natigilan ako sa naisip kong iyon at napapikit. Damn it. This whole marriage drama was already taking over me.
Nakangiti na tumango si Stacey. "Yeah. Rommel. Nakilala ko kanina sa convenience store. Gusto kasi kita i-surprise ng masarap na breakfast pero puro processed foods lang naman ang tinda doon. I think I needed to go to a bigger supermarket para mas makapag-grocery ako ng matinong pagkain." Sinenyasan ako ni Stacey na umupo sa harap ng mesa at sinalinan pa niya ng kanin ang plato ko.
Nakatingin lang ako sa kanya at sa ginagawa niya. Nilagyan din niya ng hotdog ang plato ko at itlog tapos ay nagsalin ng juice sa baso.
"Kung gusto mo ng coffee igagawa din kita. Black or with cream and sugar?"
Ang lambing-lambing ng boses ni Stacey. Halatang gusto niya ang ginagawa niyang pagsilbihan ako bilang asawa. And this was the first time in my life that someone did this to me. I was used of living alone and taking care of myself. Kahit si Kleng hindi ginawa sa akin ang ganito. I was the one serving for her. Whatever she said, whatever she wanted, I would do it. But with Stacey right now, she was willing to do everything for me.
She was taking care of me.
And I think I like it that someone was taking care of me.
"Tikman natin ang adobo. Mukhang masarap." Halatang na-excite si Stacey nang Makita nito ang adobo na binigay ng kapitbahay daw namin.
"Huwag mong kainin 'yan. Itapon mo 'yan," matigas na saway ko.
Kumunot ang noo niya. "Ha? Pero sayang naman. Mukhang masarap." Inamoy pa nito ang pagkain. "Ang bango-bango." Halatang ayaw niyang gawin ang sinabi ko.
"If you want adobo, I'll cook it for you." Asar na sagot ko. 'Tangina, hindi ako mahilig magluto pero kung gusto ng adobo ng babaeng ito, ipagluluto ko siya kahit lasang sinigang iyon. Ang mahalaga hindi niya kainin ang pagkain na ito na galing sa kung kanino.
"Cook? Marunong kang magluto? Puro tapsilog o kaya longsilog ang nasa menu mo na lagi nating kinakain. Courtesy of the karinderya sa tapat." Nakangiwi pa si Stacey nang sabihin iyon.
"Just throw that in the trash." Nagsimula na akong kumain.
Lumabi siya at halatang labag sa loob na tinakpan uli ang lalagyan ng adobo tapos ay inilagay sa lababo. Tahimik na itong naupo sa tapat ko at nagsimula ding kumain.
Napahinga ako ng malalim. Alam kong sumama ang loob ni Stacey kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"We don't know who that was. Mahirap magtiwala sa tao ngayon." Marahan kong pinisil ang kamay niya.
"He looked harmless, Wade. He was lonely. His fiancée ran away the day before their wedding. I think he needed someone to talk." Dama ko ang simpatya niya para sa lalaking iyon.
Napataas ang kilay ko. "And you know that details already? Ano pa ang napagkuwentuhan 'nyo? Honeymoon natin?"
"Wala naman. It was just a little conversation while we were buying inside the store. And why would I tell him about our honeymoon? Wala naman tayo 'non." Saglit niya akong tiningnan. "Are you mad?"
Napahinga ako ng malalim. Gusto kong mainis sa sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito? She was asking if I was mad? I am God damn furious! "What do you think? My wife was talking to some stranger. What do you think I would feel?"
"Wade, wala akong ginawang masama. Nakipagkuwentuhan lang ako dahil nakakabaliw na ilang linggo na akong narito sa bahay. At kahit kasama kita, parang ako lang din naman mag-isa dito. Kagabi mo lang naman ako pinansin 'di ba? When we had sex." Diniinan niya ang huling salitang sinabi tapos ay inis na tumayo habang bitbit ang plato niya at painis na binitawan sa lababo. "Walang kabagay-bagay, nagagalit. Nakakainis." Bulong nito habang padabog ang paraan ng pag-aayos ng mga platong naroon.
Damn it. I overreacted. Marahan kong hinilot ang batok ko at tumayo tapos ay lumapit sa kanya.
"I am sorry. I overreact." Napakamot ako ng ulo at napabuga ng hangin. "I was jealous."
Napamura ako nang sabihin iyon. I was hoping that it was just an act. I could do that over and over. But right now, that was what I am feeling. I am fucking jealous because someone talked to my wife.
Ang sama ng tingin niya sa akin tapos ay inirapan ako. Naihilamos ko ang palad sa mukha dahil hindi ko alam kung paano magpaliwanag.
"Seloso ako. Possessive. Those are my flaws. We don't know who that guy was. I just don't want something bad happen to you." Titig na titig ako sa kanya habang sinasabi iyon.
"Nakakainis lang kasi. Nag-effort ako para paghandaan ka ng masarap na almusal tapos aawayin mo pa ako." Nakalabi pa si Stacey habang painis ang paraan ng pagpupunas ng kamay gamit ang basahan.
Napahinga ako ng malalim at niyakap na lang siya tapos ay marahan siyang inilayo sa akin at tiningnan ko ang mukha niya.
"I am sorry," marahan kong hinahaplos ang pisngi niya. "Can we eat now? I want to taste the breakfast that you made." Alam ko naman na nawawala na ang inis niya. And I find it cute. Ganito ba talaga ang mag-asawa? They will fight over petty things and after arguing, kiss and make up? I never thought being married was the best feeling even if this situation was just an act.
Halatang sinasadya na lang ni Stacey ang kunwari ay naiinis.
"Gusto mong mag-dessert na?" Kita ko ang pinipigil na ngiti ni Stacey habang nakatingin sa akin.
"Dessert for breakfast?" Ang weird ng babaeng ito. "Alright. What do you have for dessert?" Sasakyan ko na lang ang trip niya.
"This." Pagkasabi noon ay walang sabi-sabing hinubad ni Stacey ang suot niyang t-shirt tapos ay kinabig ang ulo ko at hinalikan sa labi.
I would never get tired of tasting her luscious lips. If this is the dessert that she was offering, I think I'll keep coming back for more.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top