14-THE FALL OF LINDA HONESTO

Unspoken feelings are unforgettable. - Andrei Tarkovsky

-------------------

Declan's POV


Nakatitig lang ako sa files na laman ng usb na ibinigay sa akin ni Ghost. Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko bai yon. Hindi ko alam kung handa ba akong malaman ang katotohanan sa sinasabi sa akin ng tatay ko tungkol sa pagkamatay ni mommy. Pero kitang-kita ko ang pagsisisi sa mukha niya kanina. Walang bahid ng pagsisinungaling ang mga sinasabi niya. Huminga ako ng malalim marahang hinilot ang ulo tapos ay binuksan ang file na naroon.

Napangiwi ako nang makita ko ang video. It was the same video that the agency got. I watched this hundreds of times. I watched how my mother died in the hands of my father. Hindi ko na kayang panoorin pa uli ito kaya ini-exit ko na lang agad. Nakita ko sa file na mayroong audio clip. Isinaksak ko ang headphones sa laptop para mas marinig ko ng maayos kung ano man ang nasa audio clip na iyon.

Napakunot ang noo ko. It was a conversation between my mom and dad. I could sense nervousness on my mother's voice. She was telling my father that the mission went south. She was telling him that Gonzago made her. He knew that she was an agent.

Napadiretso ako ng upo nang marinig ko iyon. Naririnig kong may isang lalaki ang sumisigaw sa background.

"Putangina ka! Niloko mo ako! Akala mo maiisahan mo ako? Mas matalino ako sa iyo!"

I could hear commotion on the background. Then it was my father's voice.

"Papasukin ko kayo. I could take him down."

"Huwag! Huwag mong gagawin, Greg. Pabayaan mo ako dito. Si DJ. Nasaan si DJ?"

Napalunok ako. Nanginginig ang boses ni mommy. Ang ingay ng nasa paligid niya. Nagsisigawan. Nakakarinig din ako ng mga putok ng baril.

"Linda, damn it. I could take him." Dama ko ang pag-aalala sa boses ni daddy.

Wala akong sagot na narinig. Nagkakagulo pa rin ang background. Naririnig ko ang daddy ko na nag-uutos sa mga tao sa agency. Hanggang sa marinig kong nagmumura na si daddy.

Malakas na iyak na ni mommy ang naririnig ko.

"Greg, it's fine. Don't worry about me." She was crying when she was saying that. "This is goodbye. We will see each other soon. Everything will be fine, love. It should be me. Our son doesn't need to pay for all our sins. It should be me." Pagkasabi noon ay humahagulgol na si mommy.

"Linda, huwag. Huwag, please. Hindi ko kayang gawin. Huwag ganito. I could take Gonzago. I could take him now," nanginginig na rin ang boses ni daddy.

"Stop it. Don't cry, Greg. Don't cry. This is the only way. I live long enough to love you and see our son grow as a fine young man. I could die peacefully knowing that we raised him well. DJ has a bright future ahead of him and I can't take that away."

"No! Just move your head I could take him now. I will kill that son of a bitch. Linda, please. Don't make me do this." Ngayon ay umiiyak na si daddy.

"He will kill our son. I cannot allow that to happen. He found out about him and someone is going to take him down if you kill Gonzago. He made me choose whom to sacrifice. Is it me or DJ. And I am choosing my life. Please, Greg. Take the shot now." Sa pagkakataong ito ay ang kalmado na ng boses ni mommy. Parang handang-handa na siya sa kung anong mangyayari sa kanya.

Malakas na hagulgol ang narinig kong sagot ni daddy. Alam ko ang senaryo na ito. Ito 'yung paulit-ulit kong sinasabi kay daddy na ako na ang babaril kay Gonzago at sinasabihan niya ako na huwag akong gagawa ng kahit na anong hakbang.

"Greg, take the shot. It's not your fault. It's no one's fault. It's okay. I'll be okay. You and DJ will be okay. I love you. I will always love both of you. Take him. Now." Punong-puno ng pakiusap ang boses ni mommy.

Wala akong sagot na narinig mula kay daddy. Nakarinig ako ng pagkasa ng baril.

"I love you." Iyon ang sagot ni daddy at malakas na tunog ng baril ang tumapos sa audio clip na iyon.

Kanina pa natapos ang audio clip pero hindi ko magawang gumalaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ay hinang-hina ako na tinanggal ang headphones at nakatitig lang sa laptop.

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Tapos na ang audio clip pero pakiramdam ko ay naririnig ko pa ang pagmamakaawa ng mommy ko. Ang paghagulgol ni daddy.

I was blaming my father because of my mother's death but the reality, I should be blaming myself. Kasalanan ko kung bakit nagkaganoon. Kung hindi ako isinama ni daddy sa mission na iyon, kung hindi ako nagpilit, hindi mangyayari iyon.

Tama si daddy. Sa trabahong ito, ang pinaka-weakness namin ang mga mahal namin sa buhay. Makakaya naming isakripisyo maging ang buhay namin para sa mga taong mahal namin.

And my mom made the ultimate one.

Napasubsob ako sa mesa at doon umiyak ng umiyak. Ilang taon kong sinisi ang daddy ko sa pagkamatay ng mommy ko. Ilang taon kong pinuno ng galit ang dibdib ko para sa kanya. Hindi ko inisip na kung mayroon mang nasaktan sa nangyari, iyon ay walang iba kundi siya dahil bitbit niya sa konsensiya niya ang ginawa niya. My mom sacrificed for her life and yet my dad was living with his guilt. Lahat kami ay nagsa-suffer hindi lang ako. Nagagalit ako. Nasasaktan ako. Nakokonsensiya ako. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon at wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko.

Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Nang mag-angat ako ng mukha ay si Stacey iyon. Nag-aalala ang mukha niyang nakatingin sa akin. At hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagliwanag ang paligid ko nang makita ko siya. Just looking at her face, I felt everything will be okay.

That I will be okay because she was around.

Without a word, I embraced her tightly around her stomach. I buried my face in there and I sobbed.

For the first time in my life, I felt I have someone who could understand all the my battles in life.

----------------------

June's POV

            May umiiyak ba?

            Tumingin ako sa tabi at nakita kong wala doon si Wade. Hindi pa rin siya natutulog? Bumangon ako at lumabas. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nakasubsob ang ulo sa mesa. Napakunot ang noo ko. Umiiyak siya.

            Agad ko siyang nilapitan at talagang umaalog ang balikat niya habang nakasubsob doon. Ang lakas ng pag-iyak. Parang batang walang kakampi at inapi. Pakiramdam ko ay maiiyak na rin ako sa nakikita kong hitsura niya. I can feel his pain. I can feel the anger in his cries. I don't remember him completely, but I felt my connection with him was strong and deep.

            Hinawakan ko siya sa balikat at nag-angat siya ng ulo at tumingin . Punong-puno ng luha ang mukha at lalong napaiyak nang makita ako at walang sabi-sabing yumakap sa beywang ko. Doon humagulgol ng humagulgol.

            Nang makilala ko siya matapos ang aksidente at sabihin na siya ang asawa ko, totoong naguguluhan ako. May mga pagdududa ako sa kanya dahil sa mga kakaibang ipinapakita niya sa akin. Sa pakikitungo niya sa akin na talagang nagpapakita na hindi niya ako mahal. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko ang pangagailangan ni Wade. At bilang asawa, ibibigay ko iyon sa kanya.

            Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. Pinabayaan ko siyang umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob niya. Kung hindi magsasabi si Wade ng problema niya, okay lang. Ganoon naman ang mag-asawa. Damayan sa oras ng pangangailangan ng isa't-isa.

            Maya-maya ay naramdaman kong humiwalay siya sa akin. Nahihiyang tumingin at nagpahid ng luha. Alanganing ngumiti at iniligpit ang mga gamit sa mesa.

            "Sorry." Mahinang sabi niya. Damang-dama ko pa rin ang kalungkutan niya.

            "Bakit ka magso-sorry? Kung may problema ka, puwede mong sabihin sa akin. Asawa mo naman ako. Kung may maitutulong ako, gagawin ko." Ngumiti ako sa kanya at tumabi. Hinawakan ko ang mukha ni Wade at tinitigan iyon.

            I don't remember this face, but I know somewhere deep inside me, we have a connection. I can feel it. Every time I was looking at him, my heart was beating fast. I wanted to look at this face every minute of the day.

            "What's wrong, Wade?" Titig na titig ako sa mukha niya nang sabihin iyon.

            Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin at hinaplos ang mukha ko tapos ay ngumiti ng mapakla at umiling.

            "You won't understand," nakita ko na naman na namuo ang luha sa mata niya.

            Ngumiti ako. "Try me. Good or bad, I am ready to listen. I am your wife and whatever you do, I am ready to accept it. Because I love you. That's what husband and wife do. Sticking with each other, loving each other regardless of what happened. Forgiveness is the key in every marriage."

            Hindi sumagot si Wade. Titig na titig lang sa akin.

            Marahan kong hinaplos ang mga labi niya.

            "Wade, whatever happened, I am here. I won't leave you. I will love you 'til the end."

            Pakiramdam ko ay gumaang ang dibdib ko sa nasabi kong iyon. I love this man. I love my husband. My mind doesn't remember everything, but my heart will always remember my feelings for him.

            "You are beautiful," parang sa sarili lang iyon sinabi ni Wade habang nakatitig sa akin.

            Napangiti ako. Kinilig. Wade never looked at me like this the past weeks that we were together. But right now, I could see something in his eyes. I could see his need.

            Maybe an intimate moment together could bring back the fire in our marriage.

            And we're going to start to fix it right at this very moment.

            Without a word, I pulled his head and claimed his lips passionately.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top