12-THE TRUTH ABOUT GONZAGO'S CASE
"Sometimes people don't want to hear the truth because they don't want their illusions destroyed." - Friedrich Nietzsche
Declan's POV
Wasak ang mukha, sabog ang bungo at nagkalat ang mga dugo at laman ng utak ng tao.
Iyon ang nakikita ko sa mga litratong nakahilera sa harapan ko. Sa isang litrato naman ay ang babae na nasa kama na dilat ang mata at nakabuka ang bibig. Nangingitim ang mukha gawa ng pagkaka-suffocate sa kung anong bagay.
The name of the victims were Ian and Rhian Benavidez. Newly-weds. They just got hitched three months ago. They came from their honeymoon when the killer struck and killed them both.
"Kailan nangyari 'to?" Nanatiling nakatingin ako sa mga litrato at sa initial investigation na nakuha ng agency mula sa mga pulis.
"Last night." Malalim ang buntong hininga na pinawalan ni Chief Coleman ng XM Agency. Alam kong banas siya sa akin dahil makalipas ang ilang linggong paghahanap niya sa akin, ngayon lang ako nagpakita sa kanya. Kung hindi talaga nangyari ang insidenteng ito, hindi naman talaga ako lilitaw.
Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga litrato. Pilit na hinahanap kung may naiwan kahit katiting na ebidensiya ang killer na iyon. Hindi puwedeng wala. Kaya ko nga siya nahuli noon dahil naging kampante siya. I knew his name. I found him once and I know I will find him again.
"I received a call that this killer was your mission before. You nabbed him. What happened?" Ramdam na ramdam ko ang pagpipigil ni Chief Coleman na bulyawan ako.
"He got away. That happened," maikling sagot ko.
Malakas na pinukpok ng may-edad na lalaki ang kamay sa harapan ko.
"Putangina, Laxamana! That's what you're going to tell me? That happened? That fucking son of a bitch got away because of you. Same with Martin Darke. Same with June Mangayam!" Bulyaw nito sa akin.
Napangiwi lang ako at sumandal sa kinauupuan ko.
"What can I do? I am getting rusty," sarcastic na sagot ko.
"You are not getting rusty, Declan. You will never get rusty. I watched you go up the ranks. You have something in your mind, and you don't want to share it with the agency. What is going on?" Sa pagkakataong ito ay bahagyang kumalma na ang boss ko.
Nagkibit lang ako ng balikat. "Nothing."
Naupo na ito sa harapan ko. "Is this about Jay's death? I've read your reports at wala naman akong nakitang mali doon."
"Wala akong pakialam kay Jay. Namatay siya dahil sa kagagawan niya," matigas na sagot ko.
"Then what is going on right now? What happened to June? Did you kill her because you found out that she was hunting you?"
Tumingin ako sa kanya. "At alam mo ang tungkol doon?"
Lalong sumama ang tingin sa akin ng head ng XM. "I am the head of this agency of course I will know it." Napapailing na sagot nito. "June was, is- fuck!" Napahinga ng malalim si Coleman. "Just tell me what happened to her."
"I don't know what happened to her. Okay? She almost killed me. We had an accident and when I woke up, she's gone." Tumitig pa ako sa mata ng kaharap ko. Ganito ako kagaling magsinungaling. I can look straight into someone's eye and tell them a complete lie.
"Si Martin Darke? Paano siya nakatakas?"
"He punched me, and he ran away. Dustin was there. He saw what happened. Didn't you read my report?" Nanatili akong nakatingin sa mata niya nang sabihin iyon.
Nakikipagsukatan ng tingin sa akin si Coleman pero siya din ang unang nagbawi ng tingin.
"About that killer. Can you do something about it? He was your mission and you need to finish him." Seryosong sabi ni Coleman.
"Who told you that he was my mission? I did that off the agency's accounts." Nakatingin ako ng makahulugan kay Chief Coleman.
"Ako."
Pareho kaming napatingin sa bumukas na pinto at napangiwi ako sa nakilalang kong nagsalita doon. Sinamaan ko ng tingin si Chief dahil sigurado ako na kagagawan niya ito. Siya lang naman ang may kakayahan na papuntahin si Ghost sa agency na ito na walang nakakaalam.
"Labas na muna ako," paalam ni Chief pero inis din akong tumayo para sumunod na lumabas.
"Sit down, DJ." Matigas na sabi ng lalaking dumating.
"You don't have the right to call me that name. We don't have anything to talk about," matigas kong sagot sa kanya at muling tinungo ang pinto pero mabilis niya akong hinawakan sa braso para pigilan.
Bigla ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Bigla kong inundayan ng suntok si Ghost pero mabilis siyang nakailag. Talagang bubugbugin ko siya. Galit na galit ako. Nagdidilim ang paningin ko na wala na akong pakialam kung ano ang tamaan ko kakasuntok. Ang mahalaga sa akin ay mailabas ang lahat ng galit na naipon sa dibdib ko at ngayong kaharap ko na ang dahilan ng galit na iyon ay talagang ilalabas ko iyon lahat sa kanya.
Papatayin ko siya.
"Declan, damn it! Calm down!" Boses ni Chief Coleman iyon pero hindi ko pinapakinggan. Alam kong inaawat niya ako pero patuloy ako sa pagsuntok, pagsipa. Nagwawala ako. Dudurugin ko ang tatay ko.
"Putangina, Declan! Tatay mo 'yan!" Sigaw ni Chief at mahigpit akong pinigilan at inilalayo kay Ghost.
Doon ako parang unti-unting bumabalik sa sarili. Nakita ko si Ghost na nakasandal lang sa pader at may putok sa bandang kilay at may dugo sa labi. 'Tangina, sa dami ng suntok na pinakawalan ko iyon lang ang nakuha niya?
"Are you done?" Sarcastic na tanong niya at pinahid ang dugo na nasa labi.
Muli akong nagpapasag at talagang susugod muli pero mahigpit akong pinigilan ni Chief.
"Bitiwan mo na 'yan. Pinabayaan ko lang naman siyang matamaan ako dahil baka sakaling makapagpagaang iyon ng nararamdaman niya," natatawa pa ngayon si Ghost.
Napakagago ng taong ito. Papatayin ko talaga ito.
Tumingin siya kay Chief Coleman at tumango. "Sige na, Phish. Leave us. Ako na ang bahala sa anak ko." Seryoso na ito ngayon.
"I am not your fucking son!" Nanginginig talaga ang buo kong katawan sa galit sa kanya.
"Greg, Jesus Christ. I know this is a family matter pero hindi ko naman papayagan na mapatay ka ng anak mo." Nag-aalalang sabi nito.
Natawa si Ghost. "He can't do that." Tumingin siya ng makahulugan sa akin. "Because I am going to tell him the truth now."
Kumunot ang noo ko. "What kind of truth? Ang mga kasinungalingan mo? You are going to make up story again? Fuck you." Padabog akong naupo sa silyang naroon at painis na inimis ang mga litrato at reports tungkol sa killer na kailangan kong hulihin. Kung bakit kasi nalaman pa ng agency na ako ang trumabaho sa killer na ito.
Muli siyang tumingin kay Chief Coleman at tumango. "Go. I'll be fine here."
Napahinga ng malalim si Chief at nakita kong may hinugot siya mula sa bulsa niya sa likuran.
Handcuffs.
Mabilis itong lumapit sa akin at mabilis na hinawakan ang mga kamay ko at ipinosas ako sa kinauupuan kong silya.
"What the fuck?! What the hell, Chief?!" Gulat na gulat ako sa ginawa niya.
"I am not going to allow you to hurt your father. You need to listen. Kung ano man ang nagawa niya, kailangan mong pakinggan ang kung anong sasabihin niya. This is not about missions anymore. This is a family matter that the two of you needed to fix. Kung buhay lang si Linda baka pareho kayong binaril noon." Nagkakamot sa ulo na sabi ni Chief tapos ay naiiling na tinungo ang pinto at lumabas.
Ang sama ng tingin ko kay Ghost. Sa isip ko ay paulit-ulit ko na siyang pinatay.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Hindi man lang kababakasan ng kahit na anong galit ang boses niya dahil sa ginawa ko sa kanya.
Tiningnan ko lang siya ng masama. Kung hindi lang ako naka-posas dito ay talagang dinaluhong ko na siya at binugbog.
"I am sorry for what I did. To your mom." Ngumiti ito ng mapakla.
"You're too late for that. Your sorry cannot bring back my mother. Killer." Humihingal ako sa galit at tinangka kong tanggalin ang posas sa kamay ko pero napamura lang ako dahil hindi ko magawa.
Napahinga ng malalim si Ghost at ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Sa pagkakataong ito ay kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"I had to do that, Declan. I didn't have a choice. If only I can do anything, to save your mother, I would do it. If only I could exchange my life for her, I would do it." Bahagyang nabasag ang boses ng lalaki sa harap ko.
Sinulyapan ko siya ng tingin. Was he about to cry? This asshole doesn't know how to cry. Kahit nga ng mamatay ang mommy ko, hindi ko siya nakitang umiyak man lang.
"Sana nga ikaw na lang." Matigas na sagot ko.
"You were there. You knew the mission was going well. Your mom knew how to do it, she was trained to save herself from a situation like that. But Gonzago found out about you." Ngumiti ng mapakla si Ghost at napailing-iling.
Kumunot ang noo ko. And this is really a new story. I didn't know about this.
"Maraming tao si Gonzago at nalaman niya ang tungkol sa mommy mo. Tungkol sa agency. He likes your mom," napapangiti pa si Ghost nang sabihin iyon. "You know how your mom was pretty back then that's why I fell in love with her. She was so bad ass. She could kill me with her smile." Kitang-kita ko na namuo ang luha sa mata niya nang sabihin iyon. "But fucking Gonzago knew about you. He knew your location and got a fucking sniper to take you down."
"What?" Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya. "You are making up stories again. Ayoko ng maniwala sa mga sinasabi mo. Nag-iimbento ka naman at sa tingin mo papaniwalaan kita? You killed my mom. End of story."
"Dahil wala akong choice." May dinukot siya sa bulsa niya at inihagis sa harap ko ang isang usb. "Lahat ng reports ay nandiyan. Kung ano ang nakita mo sa mga videos na kuha ng agency that's just the tip of the iceberg. What's inside that is the whole package."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Gonzago knew he would die anyway even he kills your mom. He cannot escape the agents of the agency at talagang hanggang sa dulo ng mundo hahanapin ko siya. But that fucking demon-" tuluyan ng nabasag ang boses ni Ghost at napayuko. Nang mag-angat ito ng mukha ay may luha na ito sa mata na mabilis nitong pinahid. "He made your mom choose. Her life or yours." Napabuga ng hangin si Ghost at napailing. Halatang-halata ang bigat na dinadala sa sarili.
Pilit kong inalala ang pangyayaring iyon. Mom was telling him to take the shot. She keeps on telling him that it was okay.
"Alam ni Gonzago na nandoon ako at ako ang titira sa kanya. Kaya iyon ang ginawa niya. Ginawa niyang human shield ang mommy mo. I could take Gonzago without hurting your mom. But if I do that, his sniper will kill you." Ngayon ay nakatitig na siya sa akin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
"Your mom made the ultimate sacrifice to save you. You think this is easy for me? How many times that I've tried to put the barrel of my gun in my mouth and wanted to pull the trigger. I lost count anymore." Ngayon ay napahagulgol na si Ghost. Talagang umaalog ang mga balikat nito at nang mag-angat ng mukha ay punong-puno iyon ng luha. "I've lost my life that day. I took the life of my life just to save you. She wanted me to save you. Because you are our life too."
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko namalayan na bigla na lang tumulo ang luha sa pisngi ko. Sa unang pagkakataon, ramdam na ramdam ko ang bigat ng mga salita ni Ghost. Ramdam ko ang paghihirap niya na kinimkim niya ng ilang taon.
Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Tanging ang mahinang ugong ng aircon at manaka-nakang pagsinghot niya ang maririnig sa buong paligid.
"Kaya okay lang na magalit ka sa akin. Okay lang na isumpa mo ako. Pero lahat ng sinabi ko sa iyo ay totoo. I love your mother, Declan. I never cheated on her. I promised to her that soon I am going to tell you the truth and here I am."
Hindi ako sumagot. Nalilito ako sa mga sinasabi niya. He sounded so convincing. But he was an agent. Like me. He knew how to lie too.
"You're lying." Sagot ko sa kanya.
Kita ko ang paglatay ng lungkot sa mukha ni Ghost.
"Look into my eyes and tell me that I am lying." Walang kangiti-ngiting sabi niya.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko magawang tumingin man lang sa kanya. Dahil ang totoo, ramdam na ramdam ko ang katotohanan sa bawat salitang binitiwan niya.
Napatingin ako sa mga litrato ng krimen na nangyari kagabi. Napakunot ang noo ko at inilapit ko pa ang tingin ko sa litrato ng lalaking nakahandusay sa lapag. May nakasulat na kung ano sa gilid niya. Medyo malabo pero kung susuriin mabuti ay mababasa.
D. Laxamana.
Iyon ang nakita kong nakasulat doon. Alam kong sulat iyon ng killer.
Shit. The killer knew me? How?
Napatitig ako kay Ghost at ngayon ay nakatingin lang siya sa akin.
"You found something on the crime scene photos?" Tanong niya.
Napalunok ako.
"The killer knows me." Nanatili akong nakatingin sa crime scene photos nang sabihin iyon.
At hindi ko alam kung dapat akong matuwa o matakot sa katotohanang iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top