10-GOODNIGHT

LIFE. A beauty chased by tragic laughter. - Unknown

-----------------------------

Declan's POV

            Pareho lang kaming tahimik ni Yosh na nakaupo sa silya. Tingin ko ay nakikiramdam siya kung ano ang dapat niyang sabihin sa akin. Alam kong alam niya na sensitive ang topic na napuntahan ng pag-uusap namin. Yes. This was a very sensitive topic for me. What we were talking was about my life. Walang nakakaalam ng tungkol sa buhay ko. Not even the agency, not even Kleng.

            Narinig kong umehem si Yosh at halatang may gustong sabihin.

            "Spill it." Pahilata akong naupo sa kinauupuan ko.

            "But what happened to your dad? I mean kay Gregorio Honesto. After their failed mission, bigla na lang siyang nawala tapos ay lumabas ang balita na napatay siya ng isang serial killer. Who was that?" Hitsurang nag-iisip si Yosh.

            Natawa ako. "The Butcher? The Butcher killed my father? Fucking hoax. Ang animal na si Gregorio Honesto ang pumatay sa serial killer na iyon. Pero muntik na rin siyang mapatay. After my mom died, he got out from the agency. Never looked back. Nagtrabaho ng sarili niya. Pailalim na nagri-recruit ng mga mercenaries mula sa agency. Pumapatay ng mga holdapers, kidnappers, rapists. Naging vigilante but he never pulls the trigger. Mayroon siyang mga tao na gumagawa noon para sa kanya. I was one of those. Naka-receive ako ng tawag na kailangan daw ang services ko. I was depressed, I was frustrated dahil sa nangyari sa mommy ko kaya tinanggap ko kahit hindi ko alam kung sino ang pagtatrabahuhan. Laging via text lang ang mga missions. Payments were sent via online din. I killed many bad guys thinking it was the one who killed my mom. Huli ko na nalaman na sa kanya pala nanggagaling ang mga missions na iyon. It was a test for me. Ang huling mission na nagawa ko para sa kanya ay isang rapist na nambibiktima ng mga newly-wed couple. I was torturing the guy when he showed up. Noon ko nalaman na sa siya pala ang nagbibigay ng mga missions na iyon. Sa sobrang galit ko, pinabayaan kong makatakas ang killer at iniwan ko na siya. Iyon ang huli naming pagkikita." Muli ay dinampot ko ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isa tapos ay nagsindi.

            "Paano ka napasok sa XM?"

            Nagkibit ako ng balikat. "I applied. I have the skills. In fairness to him, he trained me well. Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa kanya. I didn't tell them that I am the only son of the founder of their agency. Gusto kong makapasok ako doon ng dahil sa sarili kong gawa. Saka ang alam nila, wala na ang mga founder ng XM kaya may iba ng nag-take over. Si Coleman."

            "At wala na kayong communication ng daddy mo ever since?" Tanong pa ni Yosh.

            "Wala ng dahilan para pa magkaroon kami ng kaugnayan. He became a Ghost. He started to use the name Gerald Host. At iyon ang gusto kong malaman kung ano ang koneksyon ni Stacey sa lalaking iyon."

            "Dude, ang lalaking sinasabi mo ay tatay mo." Himig nagpapaalala si Yosh.

            Pinatay ko sa ashtray ang sigarilyo at tumingin sa kanya.

            "Nakita mo ang video. Pinag-aralan 'nyo. He killed my mother in cold blood."

            "Dec, the hostage-taker will kill your mother anyway. Kahit saang anggulo tingnan walang kawala ang hostage doon."

            Take the shot. Take the shot, Greg. Don't worry about me. Just take the shot.

            Napapikit ako. Parang naririnig ko sa tainga ko ang boses na iyon ng mommy ko na nanggagaling sa earpiece. Kitang-kita ko mula sa lens ng sniper rifle na hawak ko na umiiyak ang mommy ko habang nakatutok ang hawak na kutsilyo ng hostage sa leeg niya. My mom was a good combat expert and I know she could take down the hostage-taker if she wanted to. Pero wala siyang ginagawa. Pinabayaan niyang tutukan siya ng hostage-taker na iyon. Paulit-ulit lang siyang nagsasabi na 'take the shot.'

            "I was twenty. Kaka-graduate ko lang ng college but we, my family decided not to celebrate it like the usual celebration. My father had a better idea of celebrating my graduation. He told my mom that he will include me in their next mission." Napangiti pa ako nang maalala ko na nagtalo pa ang mommy at daddy ko dahil doon. Ayaw ni mommy na isama ako. Hindi pa daw ako handa kahit na nga five years na akong tini-train ni dad ng hindi niya alam. Nang malaman ni mommy na sanay na akong humawak ng baril, black belter na ako sa jui jitsu, nakapag-train na ako ng Krav Maga, I undergone marksmanship training and I could shoot up to one thousand yards, wala ng nagawa ang mommy ko.

            "May sinusundan silang sindikato. They were selling women regardless of age. Depende sa requirement ng kliyente. Bata, matanda, dalaga, may-asawa 'tangina, you name it. I can still remember the files that my dad showed me. Dinudukot nila ang mga babae at pagkatapos ibenta, bahala na ang mga kliyente kung anong gagawin and those women always turned up dead," napahinga ako ng malalim nang maalala ko ang case na iyon.

            "Wait, I think I've heard that. Si Gonzago? Shit. Case ng parents mo 'yun? 'Tangina, ang daming pinatay na babae ng gagong iyon."

            Tumango ako. "My mom followed the syndicate for months. Dinikitan si Gonzago. Have you seen my mom?" Napangiti ako. "She was pretty kaya marami sa agency na kapag nakikita ang picture ng mommy ko, hindi maiwasang mag-comment. Gonzago liked my mom. Very much. Naalala ko na pinag-aawayan din nila iyon ng daddy ko. Alam mo na. Nagseselos na rin kasi nga sobrang attached na si Gonzago sa kanya kaya nag-decide na silang i-raid ang sindikato nito. My dad brought me to their mission. His graduation gift for me. Kaming dalawa ni daddy ang sniper."

            Tahimik lang na nakikinig sa akin si Yosh. At gusto ko iyon. Napakatagal kong kinimkim ito sa dibdib ko. Walang nakakaalam ng totoong nangyari sa mission na iyon. It was caught on tape, but they never knew what really happened.

            "Sigurado si mommy sa mga plano niya. Napag-aralan nila ni dad, naayos nila sa team ng agency. Okay lahat. Kailangan lang makuha si Gonzago para masabi niya kung nasaan ang ibang mga babaeng na-kidnap nila. Nasa rooftop ako at nag-aabang kung anong mangyayari. Ganoon din ang daddy ko. Pumasok si mommy sa loob ng office ni Gonzago, naghihintay kami ng susunod na mangyayari. And what happened next?" Bahagyang nabasag ang boses ko nang maalala ko ang eksenang iyon. "He was getting out from his office with a knife on my mother's neck." Napabuga ako ng hangin at napalunok para hindi mahalatang nanginginig ang boses ko.

            "Jesus," mahinang usal ni Yosh.

            "I was shouting. Sinasabi ko sa daddy ko na ako na ang babaril. Ipino-focus ko ang sarili ko para mabaril ang gagong iyon. I am a good sniper alam ko iyon pero kapag nasa ganoon ka ng sitwasyon, kapag ang biktima ay mahal mo sa buhay, everything becomes blurry. I can't focus my fucking rifle." Marahan kong hinilot ang ulo at ilang beses ulit bumuga-buga ng hangin. Ramdam kong nangingilid na ang luha ko. "He was going to kill my mom."

            "I'm sorry to hear that. Puwedeng hindi mo na ituloy. It's fine, Dec. I know this is too personal for you." Marahang pinisil ni Yosh ang balikat ko.

            Umiling lang ako. Kailangan ko nang ilabas ito.

            "Natataranta kaming lahat. Handa si Gonzago na patayin ang mommy ko kapag hindi ibinigay ang mga demands niya. Naririnig ko lang paulit-ulit sa earpiece ang daddy ko na sinasabihan akong hold my fire. Then I heard my mom said, 'Greg, take the shot'."

            Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay parang pinipiga. Ibinabalik kasi ako sa sitwasyong iyon na nakita ko kung paano bumulugta ang mommy ko sa sahig.

            "It was not a good shot. Kahit sinong marksman, makikita na hindi puwede dahil tatamaan ang hostage. My dad was a fucking marksman. I knew how he kills, how he holds his gun kaya hindi ako maniwala na sa pagkakataong iyon, sa asawa pa niya ay sasablay siya."

            "I was begging my dad to let me shoot. Kaya ko. Konting panahon lang. But my mom, keeps on telling him to take the shot." Saglit akong huminto dahil ang sakit-sakit ng lalamunan ko. "And he took the fucking shot." Napayuko na ako at napahagulgol ng iyak. Damn it.

            Hindi na ako nahiya kay Yosh. Putangina, ilang taon kong kinimkim ito sa dibdib ko. Ilang taon na nakatago. Para akong batang nawawala na kailangan ng kalinga.

            "He took the shot." Basag na basag ang boses ko. "I saw how my mom hit the floor. Half of her head was torn. Brains scattered everywhere. Why did he have to shoot her?"

            Napahinga ng malalim si Yosh at inabutan ako ng bimpo.

            "'Tangina, punasan mo ang luha mo. Baka may makakita sa atin isipin na may LQ tayo dito."

            Alam kong nagpapatawa lang si Yosh para gumaang ang paligid namin. Painis kong hinablot ang bimpo na ibinigay niya at pinahid ang mukha ko.

            "And that's my fucked up family story. Horrible right?" Pinilit ko ding tumawa at isinandal ang ulo ko sa kinauupuan ko.

            "Unsolicited advice kasi alam ko naman na malabo mong gawin, why don't you talk to him personally? I mean, imposibleng walang dahilan para gawin ng tatay mo iyon. There is got to be reason, deeper reason why he had to do that." Sagot ni Yosh sa akin.

            Napailing lang ako.

            "He called me, and he was asking about Stacey. I don't know their connection. Masyadong malihim ang pagkatao ng babaeng iyon."

            Natawa si Yosh. "Asawa mo naman kaya madali mong malalaman iyon."

            "Fake marriage. 'Tangina. Gusto ko ng matapos na lang ang kagaguhan na 'to."

            "Kagaguhan? Sure ka na diyan? Dude, huwag ka ng plastic. Pinagbatehan mo na nga. Iba na 'yun kapag ganun'." Impit na tumawa si Yosh tapos ay humuni na naman ng My ding a ling.

            "Tantanan mo ako ng pang-aasar mo, Sanchez. Nakakapikon." Banta ko sa kanya.

            "Parang ang unfair naman. Hindi naman ako nagrereklamo noon sa tuwing aasarin mo ako kay Sesi. Saka hindi ako nagpapaka-plastic noon sa iyo. Alam mo ang galawan ko sa loob ng banyo pero hindi ako maingay umungol tulad mo." Sa pagkakataong ito ay napahalakhak na si Yosh tapos ay inilagay ang kamay sa ibabaw ng pantalon at nagmuwestra ng parang nagma-masturbate. Tulad ng ginagawa kong pang-aasar sa kanya tapos ay pumikit pa at umuungol-ungol.

            Inis kong sinuntok ang balikat niya. "Gago, hindi ganyan ang ungol ko."

            Lalong lumakas ang tawa niya pero huminto na sa ginagawa.

            "Hindi ba? Iyon kasi ang narinig ko kanina." Tawa pa rin ito ng tawa tapos ay tumigil at ngumiti sa akin. "Thank you for trusting your secret with me. It was an honor, Dec. Feeling ko kaibigan na talaga ang turing mo sa akin."

            "Bakit? Hindi pa ba tayo BFF? 'Langya, alam na natin ang likaw ng mga bituka natin. Huwag mong sabihin na si Ted pa rin ang BFF mo, magseselos na ako niyan." Kahit paano ay umayos na ang pakiramdam ko. It was so nice to have this asshole around.

            Tumawa ng mapakla si Yosh.

            "I just can't believe he could do that sacrifice. Imagine giving up his wife and daughter for me."

            "That's the most logical thing to do. Gago ba siya? Hindi na nga siya kilala ng asawa niya dahil iba na ang mukha niya. Wala naman nakakaalam na siya si Ted Castro kundi ikaw at ako."

            Tumingin ng makahulugan sa akin si Yosh. "Pinatakas mo ba siya?"

            "Pinatakas? Hindi. Bakit ko gagawin iyon? Magaling naman ang kaibigan mo. Naisahan ako kaya natakasan ako." Pagsisinungaling ko.

            Halatang hindi naniniwala ang hitsura ni Yosh pero hindi na ito sumagot. Tumayo na at tinapik ako sa balikat.

            "Going na ako. Call me if you need anything." Kumaway siya sa akin at sumakay na sa kotse niya. Tinanaw ko lang ang palayo niyang sasakyan.

            Kaming dalawa na naman ni Stacey dito. Ano na ba ang gagawin ko?

            Pumasok ako sa loob ng bahay at pinuntahan ang kuwarto niya. Binuksan ko para i-check at nakita kong tulog na sa kama. Pinatay ko na ang ilaw pero narinig kong tinawag niya ako.

            "Wade, saan ka pupunta?"

            Muli kong binuksan ang ilaw at nakita kong nakaupo na siya kama at nakatingin sa akin.

            "Matulog ka na."

            "Hindi ka ba matutulog dito sa tabi ko?"

            Mahina akong napamura. Ano nga bang gagawin ko?

            "Please. Tabihan mo naman akong matulog. Baka sakaling bumalik ang alaala ko na kasama kita at ang mga ginagawa natin." Kitang-kita ko ang pakiusap sa mukha ni Stacey.

            Napahinga na lang ako ng malalim at isinara ang pinto. Lumakad ako palapit sa kama niya at umurong naman siya para makapuwesto ako sa tabi niya. Nagliwanag ang mukha ni Stacey nang makita akong sumampa sa kama at nahiga sa tabi niya.

            "And this feels good. Goodnight." Nakangiting komento niya at sumiksik pa para tumabi sa akin. Ipinulupot pa ang braso sa katawan ko. Ako naman ay hindi gumagalaw dahil ibang klase na naman ang nararamdaman ko.

            Ramdam na ramdam ko ang kalambutan ng katawan ni Stacey sa katawan ko. Ang boobs niya, dikit na dikit sa tagiliran ko. Ang lambot.

            Fuck.

            And my head was starting to ache again.

            The head between my legs.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top