1-WHO ARE YOU?

"The best memories are those which have forgotten." - Alfred Capus


Declan's POV

            Fuck my head hurts.

            I can hear buzzing sound. May mga nag-uusap sa paligid ko. Ipinilit kong imulat ang mata at nakakasilaw na liwanag ang tumambad sa akin?

            Where am I? Is this fucking heaven? Imposible. Kung mamamatay ako siguradong sa impiyerno ang diretso ko.

            "Ano bang sabi ng doctor? Grabe ang putok sa ulo niya."

            Whose voice was that? Familiar iyon. I can sense worry on that voice.

            "Normal naman ang CT scan. Pero hihintayin pa rin na magising siya para malaman na walang masamang epekto sa kanya ang nangyari."

            And who was that?

            "Two days na siyang walang malay. When I found him in my house he was a mess. I didn't know what happened to him."

            Two days? Two days akong walang malay? Ano ba ang nangyari?

            The car crash. Why was there a car crash? Why? Why? Nanlaki ang mata ko.

            Si Stacey!

            Doon na ako pilit na kumilos. Tinanggal ko ang nakalagay na nasal cannula sa ilong ko. What are these shits? Ang daming nakakabit sa braso ko. Mabilis na lumapit ang dalawang lalaki sa akin at pilit akong pinapahiga muli sa kama.

            "Hey. Hey, relax man. You're safe here." Si Yosh at pilit akong pinahiga sa kama.

            Umiling ako at nang maialis ko ang mga nakakabit sa katawan ko ay pilit akong tumayo. Kahit medyo groggy ay pilit akong umiikot sa silid at naghahanap ng damit. Naka-hospital gown lang kasi ako.

            "Declan, stop. Relax." Hinawakan ako sa braso ni Yosh para huminto ako.

            Umiling ako. "No. I need to go." Marahan kong nasapo ang ulo ko. Medyo nakaramdam ako ng hilo pero kailangan kong umalis dito. May kailangan akong puntahan.

            "Clothes. I need clothes." Shit. My head was like splitting in half.

            May nag-abot ng damit sa akin at nakilala kong si Dustin iyon. Nagbihis ako sa harap nila at tinungo ko ang pinto.

            "Sir. Where is Stacey?" Boses ni Dustin iyon kaya napahinto ako sa paglakad.

            "I don't know." Akma na akong lalabas pero hinawakan ako sa braso ni Dustin.

            "Hindi puwedeng hindi mo alam, Sir. Kayong dalawa ang magkasama nang maaksidente kayo. What did you do to her?"

            "I didn't do anything. She ran away." Diretso akong lumabas at nakasunod pa rin sa akin si Dustin. Si Yosh ay ganoon din pero nakadistansiya ito. Alam kong naghihintay lang siya ng tiyempo na makausap ako.

            "She ran away? Sir, kaibigan ko si Stacey. Alam ko ang mga plano niya at may tiwala sa akin. Kung tumakas man siya, ako ang una niyang tatawagan kahit alam niyang ipinagkanulo ko siya sa iyo. Pero two days ng wala akong contact sa kanya. What did you do to her?" Sa pagkakataong iyon ay hinawakan ako sa braso ni Dustin at pilit na pinahinto tapos ay isinandal ako sa dingding ng hallway.

            Tiningnan ko lang siya at umiling ako. Ipinakita ko ang leeg ko sa kanya. Sigurado akong may mga pasa doon. Makikita pa ang pagkakasakal sa akin ni Stacey.

            "I didn't do anything to her. She did this to me. She almost killed me. Kaya kami naaksidente dahil sinakal niya ako habang umaandar ang sasakyan namin. I lost consciousness and here I am. I don't know where she is." Mariin na sagot ko sa kanya.

            Pero hindi tuminag si Dustin. Nanatili itong nakahawak sa akin at nakatitig sa mata ko. Hindi naniniwala sa sinabi ko.

            "We found your car pero walang bakas ni Stacey doon. Kung may ginawa ka sa kanya please let me find her body."

            Doon ko na siya itinulak. "Wala nga akong ginawa sa kanya. She ran away!" Inayos ko pa ang damit ko at dumiretso ako sa nurse station. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga ito dahil nakita akong nakatayo doon.

            "Sir, hindi pa kayo puwedeng tumayo. Under observation pa kayo." Sabi ng nurse at hinawakan ako sa braso para pabalikin sa kuwarto ko pero umiling ako.

            "Let me sign a DAMA."

            Nagkatinginan ang mga nurse. "Pero Sir, kailangan ang advice ng doctor. Hindi namin kayo puwedeng basta bigyan ng discharge against medical advice form."

            Malakas kong pinukpok ang mesa nila. "I don't care! I need to get out of here."

            "Dec. Come on. Go back to your room. Tell me what happened." Malumanay na sabi ni Yosh sa akin. Pinagtitinginan na rin ako ng mga staff doon dahil sa pagwawala ko.

            Naikuyom ko ang mga kamay ko at painis na bumalik sa kuwarto ko. Tingin ko ay hindi naman nga ako makakalabas doon. Nasapo ko ang ulo ko at marahang minasahe iyon.

            "Sige na, Dustin. Ako na muna ang bahala sa kanya. You can report that he is awake." Baling ni Yosh sa lalaki.

            Alam kong ayaw umalis doon ni Dustin pero sumunod din siya. Kailangan ko ding umalis dito. Hindi ako puwedeng magtagal dito.

            "I've been here two days?" Paniniguro ko kay Yosh.

            "What happened, man? I thought you were dead." Puno ng pag-aalala ang boses niya.

            "I got into an accident. I need to get out of here."

            "What did you do to Stacey?" Ngayon ay seryoso na si Yosh.

            Napahinga ako ng malalim. "I don't know. Siya nga ang muntik ng pumatay sa akin. I don't know where she is." Tumayo ako at sumilip sa bintana. Tinitingnan ko kung puwede akong tumakas doon.

            Alam kong hindi kumbinsido si Yosh sa sagot ko pero hindi na siya nagtanong pa.

            "I'll talk to the nurses. Ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan paano ka makakaalis dito." Tinungo niya ang pinto pero hindi agad lumabas. "I know you did something. Tell me when you're ready." Dire-diretso na siyang lumabas at tinungo ang nurse station.

            Sumilip ako at hinintay ko na abala ang mga nurse sa pakikipag-usap kay Yosh. Lumabas ako at dumiretso sa elevator. Mabibilis ang mga hakbang ko hanggang sa makalabas ng hospital. Agad akong pumara ng taxi at ibinigay ang address na kailangan kong puntahan.

            Hinilot-hilot ko pa rin ang ulo ko. Bumabalik sa alaala ko ang nangyari sa amin ni Stacey.

            Nakarinig ako ng malakas na sigaw ng babae bago ako nawalan ng malay. Nang magising ako ay naroon pa rin ako sa loob ng kotse. Nakasubsob ako sa naka-deploy na airbag. Ang dami kong sugat gawa ng nabasag na windshield. Alam kong may sugat din ako sa ulo dahil ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula doon. Nakita ko sa labas na may nakahandusay na babae. Shit. Si Stacey.

            Kahit nahihilo ay pinilit kong lumabas mula sa kotse at nilapitan ko siya. She was bruised all over. Ang daming gasgas, sugat. Katulad ko, puno din ng dugo ang bandang ulo. I think she's dead. Pinulsuhan ko siya. I can feel faint beatings of her pulse. Humihinga pa but I know she is in bad shape. Pero hindi ko siya puwedeng dalhin sa ospital. They will ask what happened at hindi ko puwedeng sabihin ang totoo.

            Kinapa ko ang telepono sa bulsa at may tinawagan.

            "I need your help, Mervin." Pinahid ko ang dugo na umagos sa noo ko.

            "Dec? It's been long time. What do you need?"

            "Pick me up. I'll send you my location. Now. I need you to pick me up now." Pagkasabi noon ay pinatayan ko na siya ng call at ipinadala ng location ko sa kanya.

            Mervin will know where to find me. He was an ex-agent from XM Agency. He got out and decided to pursue his medical degree. A doctor now, he was always the on-call doctor of our agents in distress.

            Hindi naman nagtagal at may pumaradang kotse sa malapit sa akin. Nagmamadaling lumabas si Mervin at nanlalaki ang mata nakatingin sa akin tapos ay kay Stacey na nahandusay pa rin sa lapag. Hindi ko siya ginagalaw dahil baka mas lalong sumama ang lagay niya. Hindi ko alam kung may bali siya sa katawan na maaaring ikalala ng kalagayan niya.

            "What the fuck, Dec? What happened?" Agad na nilapitan ako ni Mervin at tiningnan ang sugat ko sa ulo pero umiwas ako sa kanya.

            "Check her please."

            "Pero ang laki ng sugat mo. Hindi tumitigil sa pagdudugo."

            Itinulak ko siya. "I am fine. Her. Check her."

            Doon inasikaso ni Mervin si Stacey. Tiningnan maigi at napailing.

            "Ang laki ng sugat niya sa ulo." Iniangat nito ang damit ni Stacey dahil may nagpu-pool na dugo sa damit ng babae galing doon. Mahina akong napamura. May nakabaon na malaking basag na salamin sa tagiliran niya. "Kailangan siyang madala sa hospital."

            Umiling ako. "No hospital. You know the drill."

            "Is she an agent? You know we need to report this to the agency. Para alam nila ang status ng agent na nasa mission."

            "Please, Mervin. This is a personal call." Pakiusap ko sa kanya.

            Tumingin ito ng makahulugan sa akin at napahinga ng malalim. Alam kong hindi naman niya ako matatanggihan. Sa laki ng utang na loob niya sa akin dahil sa pagliligtas ko sa kanya noon.

            Hindi na ito kumibo at sinabihan akong tulungan na buhatin si Stacey. Inilagay namin sa likurang bahagi ng kotse at sabay kaming sumakay.

            "Who is she, Dec?" Kahit nakatutok sa kalsada ang mata nito ay alam kong naghihintay ito ng sagot.

            "No one. I picked her up on the side of the road. I lost control and we got into an accident," inis kong pinahid ang dugo na walang patid sa pagtulo mula sa ulo ko.

            "Are you on a mission? You know you need to report this."

            Umiling lang ako. Hindi na niya kailangan na malaman kung ano ang mission ko ngayon. Hindi na niya kailangan na malaman kung sino si Stacey.

            "You picked her up on the road? Prosti?" Tanong pa nito at nilingon pa ng bahagya si Stacey.

            "Just drive," kinuha ko ang telepono sa bulsa at si Dustin ang nakita kong naka-register na tumatawag. Ini-off ko ang telepono.

            "You know you can trust me, and you can tell me anything. You gone rogue?" Seryosong tanong nito.

            "Hindi. This is personal." Huminto kami sa isang maliit na clinic at pinagtulungan namin na maibaba si Stacey at maipasok sa loob. Paglapag sa hospital bed ay mabibilis ang kilos ni Mervin. Agad na kinabitan ng suwero sa braso si Stacey. Tinanggal ang damit at mas nakita pa namin ang dami ng sugat niya. Maraming bubog ang nakabaon sa katawan. Napapailing si Mervin. Alam kong hindi maganda ang nakikita niya.

            "Please do anything to save her. I have to go. I'll borrow your car." Sabi ko at dinampot ko ang susi na inilapag niya sa mesa.

            "Siraulo ka ba? You cannot drive. Ang laki ng sugat mo sa ulo. Ilang minuto pa magpapa-pass out ka na. You need to rest," sabi niya at inalalayan ako na makaupo sa sofa pero pumiksi ako.

            "Just save her at babalik ako agad. May kailangan lang akong ayusin." Hindi na ako nagawang pigilan pa ni Mervin dahil mabilis akong lumabas.

            Pagsakay ko pa lang sa kotse ay nakaramdam na ako ng konting hilo pero hindi ko pinansin. I need to check the files of Jay and her sister. Kailangan na malaman ko na totoong kapatid ni Jay si Stacey.

            Dumiretso ako sa bahay ni Yosh. Sigurado naman akong doon siya mag-i-stay kay Sesi. I got his laptop and accessed my agency from there. Kaya ko naman mapasok ang firewall ng agency at ma-access ang mga files ng mga agents pati ang mga sleeper agents namin.

            And there she is.

            June Cassia Mangayam. Agent number 4098. Activated six months ago.

Hindi ako makapaniwala dito. Ang sabi sa akin ni Jay, maliit pa ang kapatid niya. Nasa elementary pa lang ng magkakilala kami. Masyadong secretive si Jay pagdating sa kapatid niya kaya hindi ko talaga inaasahan ito.

Hinubad ko ang suot kong t-shirt at ipinahid sa ulo ko na wala pa ring tigil sa pagdudugo. Binasa ko ang files niya. Stacey Pamintuan was her cover name. She was tasked to become a model para mas maraming maniwala na isa lang siyang pangkaraniwang babae.

            But her skills were exceptional. She was a trained sniper. She knows hand to hand combat. She finished top among her batch. Received the Medal of Excellence na alam kong nare-receive lang ng mga magagaling na rookie agents. I have dozens of those when I was still a rookie. And she got her first kill when she did her first assignment. She killed a serial rapist who victimizes teenage girls using her bare hands.

            Then she became a sleeper agent. Na-activate lang six months ago at ang target, ang grupo ni Will. Ang breakaway group nila Jay na inubos namin ni JD. She was assigned to capture her brother. Bakit hindi ko alam 'to?

            Ipinikit-pikit ko ang mata ko dahil nanlalabo ang tingin ko sa monitor ng laptop. Dumagdag pa ang umaagos na dugo mula sa ulo ko. Nakarinig ako na parang may pumapasok sa loob ng bahay ni Yosh kaya kinuha ko ang baril ko at itinutok sa kung sino man na pumasok. Nakita kong gulat si Yosh na makita ako doon at makita ang hitsura ko.

            "What the fuck are you doing here? What happened to you?" Takang tanong niya.

            Bago pa ako makasagot ay sumubsob na ako sa harap ng laptop at nawalan ng malay.

            Dumiretso ako sa clinic ni Mervin. Gulat na gulat siya nang makita akong nakatayo doon at mabilis akong pinapasok.

            "What happened to you? I was calling you." Tiningnan nito ang ulo kong naka-benda at tiningnan ang mga mata ko gamit ang pen light.

            "I'm fine. I was in the hospital for two days." Dumiretso ako sa silid at nakita kong nakaratay sa kama si Stacey na wala pa ring malay. Mas maayos na ang hitsura niya. Nakasuot ng hospital gown. May benda sa ulo. May mga nakakabit na suwero sa braso.

            "Nagising siya kahapon pero sigaw ng sigaw. I had to give her sedative para kumalma. Okay naman ang vitals niya. Nagamot na ang mga sugat. I don't know kung paggising niya ganoon pa rin."

            Pareho kaming nakatingin kay Stacey at nakaramdam ako ng konsensiya habang tinitingnan siya.

            Nagi-guilty ako sa nagawa ko kay Jay pero hindi rin ako nagsisisi. He hurt Kleng. Hindi ko lang akalain na magkakaroon ng ganitong komplikasyon sa paglitaw ni Stacey.

            Pareho kaming napapitlag ni Mervin ng gumalaw si Stacey. Ipinilig-pilig nito ang ulo. Humanda ako dahil siguradong magwawala siya kapag nakita niya ako.

            Nang magmulat siya ng mata ay tumingin siya sa paligid tapos ay tumitig sa akin. Maya-maya ay kumunot ang noo.

            "Sino ka? Sino kayo?" Pagkasabi noon ay napatirik ang mata ni Stacey at muling nawalan ng malay.

            Nagtataka akong tumingin kay Mervin at nagkibit siya ng balikat.

            "She was like that when she woke up yesterday. She kept on asking who I am. What was her name." Napailing si Mervin. "I think she hit her head hard. She doesn't know who she is."

            Kumunot ang noo ko. "What are you trying to say?"

            "I think she is suffering memory loss. Hindi ko pa alam kung dahil lang din sa mga gamot. Hintayin pa natin sa muling paggising niya. Puwede kasing ngayon lang o puwedeng pang-matagalan na mawala ang memory niya."

            Muli akong napatingin kay Stacey na ngayon ay tulog na tulog na.

            Fuck.

            Memory loss? She can't remember who I am?

            Hindi ko alam kung suwerte ko iyon o isang sumpa na biglang dumating sa buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top