| rumors |
Nakatingala sa kalangitan habang nakikinig ng music sa earphone, ang palagi kong ginagawa kapag tapos na ako sa gawaing bahay. Isang earphone lamang ang gamit ko. Nandito ako sa labas ng bahay namin na nakaupo sa sanga ng punong mangga. Bakasyon ngayon at ang iilang mga tao ay siguradong nagpapakasaya pero ang mahihirap ay nasa loob lamang ng bahay. Habang nakikinig ako ng musika ay naghahabulan naman ang mga kapatid ko sa loob ng bahay, akala mo'y mga bata pa eh matatanda na. Nineteen at eighteen na ang dalawang iyan at ako naman ay twenty-five. Masaya ang buhay namin kahit na patay na ang aming mga magulang, namatay sila noong twenty ako dahil sa isang aksidente.
"Ate, ate!" Tawag ng aking kapatid na si Carla habang tumatakbo papalapit sa akin. Kasunod nito si Carol na tumatawang hinahabol siya. May mataas na buhok si Carla habang si Carol naman ay may mala-dorang buhok. Mapuputi ang aming mga balat. Habang ako naman ay seven-seven na buhok. Ngumiti ako nang tuluyan ng makalapit sa akin si Carla.
"Ate, Carrel inaaway ako ni Carol oh," parang batang pagsusumbong nito sa akin kasabay ang pagturo kay Carol na tumatawang hinahawakan ang kaniyang tiyan. Tumabi ito sa akin na parang maiiyak na kaya naman tinanggal ko ang earphones ko at hinagod ang kaniyang likod. Sinamaan ko ng tingin si Carla na hindi matinag kakatawa.
"Ano namang ginawa mo, Carol rito sa kapatid nating iyakin?" Tumawa ng malakas si Carol pero wala namang nakakatawa. Papaluin ko sana siya ng earphones ko nang umilag na agad siya, alam na alam niya na talaga ang gagawin ko.
"Wala naman akong ginagawang masama sinabi ko lang naman ang totoo," nagpipigil niyang tawa. Lumingon ako kay Carla na ngayon ay sumisinghot na. Matanda si Carla ng isang taon kay Carol pero ito pa ay iyakin, parang bata eh.
"Ano bang sinabi mo?" Tanong ko habang kino-comfort ang kapatid ko.
"Sabi ko lang naman sa kaniya ay may girlfriend na ang crush niya. Eh nakita ko kasing may hinalikan itong babae sa noo." Nang sabihin niya iyon ay sa kaniya naman ako lumingon. Tinitignan niya ang mga kuko niya at kinakagat ito parang kampante lamang siya sa sinagot niya. Dapat inisip niya muna kung anong mararamdaman ng kapatid naming ito, madali lang kaya ito nasasaktan.
"Hindi iyan totoo at kung pwede ba, Carol humanap ka muna ng ebidensya."
"Dahil may gusto ka rin sa kaniya?" Sa pagkakataong ito ay tinignan niya ako, inosente lamang ang mga mata niya at parang bale wala lang talaga ito sa kaniya.
Umiling-iling ako at tumayo.
"Masama ang magsabi sa kapwa na hindi makakatotohanan, Carol tandaan mo iyan." Matapos ko itong sabihin ay nilisan ko na ang lugar na iyon. Pumasok ako sa loob ng bahay at umupo sa sofa, nagkakalat ang mga throw pillow sa sahig at may natapon pang milk shake sa center table. Hindi ko nalang ito pinansin at napapikit.
Inalala ko si Vince, ang crush ng bayan. Gwapo, mayaman, makadiyos, makatao, matapang, mabait, matalino, at kung tatawagin ng lahat ay perfect. Maraming nagkakagusto sa kaniya na halos hindi mo na mabilang, sikat na sikat nga siya sa lugar namin eh. At ang mga bagong lipat pa lamang ay nagka-crush na agad sa kaniya. Kapitbahay lang namin siya. May gusto ako sa kaniya pati na rin si Carol. Walang nagtatakangkang maghatid ng balita na may girlfriend na siya dahil susugurin ito ng lahat. Wala siyang kapatid at wala rin dito ang mga kapamilya niya. Tanging siya lamang ang bumubuhay ng sarili niya. Kaya naman kapag mayroong babaeng lumalapit sa kaniya at makikipagharutan dito ay magagalit ang lahat at susugurin papauwi ang babaeng iyon.
Unang pagkikita namin noon ay sa simbahan... hindi pamilyar ang kaniyang mukha kaya nasabi kong bagong salta siya sa bayang ito. Ang lahat ng mga tao rito ay kilala ang bawat isa kaya naman pinagmamasdan ko siya ng mga oras na iyon. Seryoso siyang nakikinig sa sinasabi ng speaker sa harapan. Kapag kakanta ang lahat ay kakanta rin siya, kapag magdadasal naman ay ipipikit niya ang mga mata niya at mayroong iusal na mga salita. Sa pagmamasid ko sa kaniya noon unti-unti rin akong nahuhumaling.
Kapag may lakad ako ay pumupunta ako sa simbahan, nagbabasakaling makita ko siya dahil doon ko siya unang nakita. Kahit wala namang misa ay pumasok pa rin ako... hindi nga ako nagkakamali nang nadatnan ko siyang nakaluhod sa harapan ng altar. Kami lamang mga tao sa mga oras na iyon. Naisip kong kay dami niya kayang kasalanan kaya nandito siya ngayon? Gusto ko siyang lapitan pero nahihiya naman ako dahil baka hindi niya ako pansinin. Umalis na lamang ako sa lugar na iyon at umuwi ng bahay.
At hanggang may kumalat na agad na balita ang tungkol sa kaniya, palagi raw siyang nasa simbahan at nakaluhod habang nagdadasal sa harapan ng altar. Hanggang sa nagkagusto na ang lahat sa kaniya, siya na palagi ang usapan. Kapag makikita siyang maglalakad ay babatiin siya ng mga babae, mapatanda man o bata. Ngunit misteryo pa rin ang kaniyang identity, walang nakakaalam kung sino ba talaga siya. Kung bakit nandito siya at wala siyang pamilya. Siguro ang iba ay hindi na ito naisip dahil maganda ang mukha at ugali niya.
May naisip ako!
"Ate!"
Napadilat ako ng mga mata nang may naramdaman ako sa ulo ko ng matigas na bagay. Agad sumakit ang ulo ko dahil dito. Nakita ko naman si Carla na nag-aalalang nakatingin sa akin, napakamot siya ng batok. Tila nagdadalawa siya at hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya sa akin.
Nagdilim na lamang bigla ang paningin ko.
Isang pag-inog ang nagpagising sa natutulog kong diwa, pagdilat ko sa aking mga mata ay una kong nasilayan ang mukha ni Carla na malapit sa akin. Shinake niya pala ang mga braso ko upang magising ako. Kumunot ang noo ko at dahang-dahanag bumangon upang makaupo. Inalalayan naman niya ako at hindi niya naitago ang nag-aalala niyang pustora. Magulo rin ang buhok niya na akala mo'y may kaaway sa kanto. Nang tuluyan akong napaupo at sumandal sa head board ng kama ay siya namang pagsalita ni Carla habang nakaupo sa couch na nasa tabi ko lang din.
Hindi siya mapakali at mabilis niya lang itong sinabi kaya naman gumapang ang pag-aalala sa aking dibdib. Hindi ko pa man alam ang nangyayari pero para sa akin ay seryoso ito at kailangan mabigyan ng sulosyon. Kung ano man iyon gagawin ko ang lahat.
"Ate, pasinsya ka na kanina. Babatuhin ko sana si Carol ng cellphone ko pero tumago siya sa likuran mo kaya ikaw ang na headshot ko. S--sorry. And about for Carol... lumabas lamang siya upang bumili ng makakakain para sa iyo para pagkagising mo ay may makakain ka na, wa--wala kasing stock sa ref. Kanina pa siya do--doon..." nangingilid na ang mga tubig sa mga mata ni Carol habang nagku-kwento... parang alam ko na ang kasunod kaya naman agad akong tumayo at tinignan ang orasan.
8:39 pm.
Alas otso na wala pa rin si Carol? Saan siya nagsuot sa mga oras na ito?
"Ate huminahon ka m--muna. Tumawag na ako ng pulis ka--kaya..."
Hindi ko pinansin si Carla, lumapit ako sa closet at kumuha ng jacket gabi na kasi at siguradong malamig. Kumuha na rin ako ng cap para kung nasa panganib ngayon ang kapatid ko ay hindi ako mamumukhaan ng masasamang loob kapag tutulongan ko ito. Pagsara ko nito ay kumapit sa braso ko si Carla na umiiyak na pala. Lumambot ng sandali ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Parang gusto ko na rin umiyak... ngunit hindi pwede, kailangan kong maging matatag para mailigtas si Carol ngayon. Babatukan ko siya agad kapag nagkita kami.
"Ate delikado na sa labas ang mga pulis nalang ang bahala sa kaniya."
Hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa braso ko at pumilit ng ngiti sa mga labi.
"Hindi maaaring umasa tayo sa mga pulis, Carla makakalakad din naman ako kaya makakatulong din ako sa paghahanap. Ikaw ang magbantay dito sa bahay... kapag bumalik na si Carol na malusog ay tawagan mo kaagad ako at ang mga pulis. Maliwanag ba?"
Dahan-dahan kong inaalis ang kamay niya para makalabas na ako ng kwarto at magsimulang maghanap sa kapatid ko. Sinasayang ko lang ang natitirang oras na ito, kailangan hinahanap ko na siya. Baka napano na ang babaeng iyon. Inosente pa naman sa lahat ng bagay ang dalagang iyon.
"Ngunit ate b--baka ikaw din ang mawawala?" Puno ng pagaalalang wika ni Carla.
"Hinding-hindi iyan mangyayari, Carla. Tandaan mong malakas ang ate mo sa lahat ng bagay," nakangiti kong saad.
Tumango siya at siya na mismo ang bumitaw. Ngumiti naman ko ng may buhay, nagsasabi ng paalam. Pero syempre babalik din ako.
Tinanungan ko na ang lahat ng mga tindera sa lugar namin at halos pare-pareho lamang sila ng mga sagot. May isang tindera na binilhan ni Carol ng pagkain ang sabi nito ay: "Nakita kong papauwi na ito, wala naman akong nakitang kahina-hinala. Kanina pa iyon alas singko." Nag-aalala na talaga ako ng lubusan sa kaniya ngayon. Malapit na akong mawalan ng pag-asa ngunit hindi maaari. Alas nwebe sais na at wala pa rin akong balitang natanggap kay Carla. Mas tumaas ang kaba ko na wala na si Carol... baka binaboy na siya ng masasamang loob ngayon. Huwag naman po, panginoon. Kahit inosente iyon sa mga bagay-bagay ay mabait po siya.
Naglalakad ako papunta sa kawalan ngayon, maganda naman ang panahon kaya hindi ko na pinoproblema ang payong kung uulan man. Hindi ko alam kung saan ako pupunta upang hanapin siya, basta ang nakatatak sa isipan ko ay maglakad at tumingin-tingin sa paligid, nagbabasakaling nandiyan lang siya nakaupo at kumakain. O hindi kaya may kakwentuhang kaibigan.
Naalala ko si Vince magpa-plano sana ako sa kaniya kung paano ko siya kilalanin. Mga tindahan pa naman ang napuntahan ko kaya... pupunta muna ako ngayon ng simbahan, baka nandoon si Carol. Ngunit naisip ko rin bakit naman siya pupunta roon? Pero baka nga nandoon siya dahil sa isang lugar na hindi pamilyar sa iyo pumupunta ang biktima o doon pinapatay ito.
Tila may bumuhay sa kinaloob-looban ko ang pumunta roon, marahil nga tama ako. Agad akong tumakbo nang mabilis. Sabik na sabik na akong makita si Carol kung nandoon man siya. At isa pa ang sabi ng tindera sa kaniya, papauwi na raw siya kaya naman baka may nakita siyang nagpainteres sa kaniya kaya sinundan niya ito. Bingo! Ganoon na talaga siya... napaka-inosente at nasa puntong hindi na nag-iisip. Ngunit... baka ang isang bagay na ito ay hindi mo madaling masasabing masama ba. Maaari kayang tao ito?
Nakikita ko na ang simbahang una kong nakita si Vince, naalala ko bigla ang pagmamasid ko sa kaniya noon. Ang pagluhod niya sa harapan ng altar habang may mga matang nakasunod sa kaniya... kahit isang beses pa lamang ay hindi kami nagka-eye contact. Pero siguro napansin niya na ako. Nang tuluyan akong makapasok ay tahimik na loob ang tumambad sa akin. Simoy ng malamig ng hangin at walang ni anong tunog ang maririnig mo.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nanayo ang mga balahibo ko sa braso, lalong-lalo na sa batok. Parang may nakamasid sa akin... lumingon ako sa bahaging iyon ngunit wala namang tao o anuman. Nagsimula na akong matakot ngunit iniisip kong maging matatag. Kailangan ko pang makita si Carol at maiuwi.
May narinig ako ng mahinang kaluskos sa likuran ko kaya naman agad akong lumingon dito ngunit pinagsisihan ko ito ng lubos.
Nagtataka ang mukha niyang nakatitig sa akin. Habang ako naman ay nanlalaki ang mga mata at napanga-nga sa nakikita. Nangingilid na rin ang mga luha ko sa mga mata at isang tapik mo na lang sa akin ay iiyak na talaga ako.
"V--Vince," nauutal kong tawag sa pangalan niya.
Napalitan ng kasiyahan ang mukha niya. Ngumiti sya sa akin at nagtanong.
"Kilala mo pala ako, sino ka pala? Sinunusundan mo rin kaya ako?"
Hindi kaya ay sinundan siya ni Carol hanggang dito? Ngunit bakit naman niya iyon gagawin? Wala naman siyang gusto rito. Mukhang siya nga lang ang walang gusto sa kaniya rito sa bayan, eh. Ano kayang nagpa-interes sa kaniya kaya niya ito sinundan?
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon, parang namanhid ang buo kong katawan sa nakikita. Ang maamong mukha ni Vince na diretsong nakatingin sa mga mata ko at ang dala-dala niyang ulo. Ulo ni Carol.
Napapikit ako dala na rin sa sakit ng dibdib, hindi ko kayang makita ng ganito ang kapatid ko. Tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko at wala akong balak punasan ito.
Narinig kong bumuntong-hininga si Vince at kasabay nito ang pagtapik niya sa aking braso. Nanayo ang balahibo ko sa katawan nang gawin niya iyon, napapikit ako nang madiin. Ayaw kong makita ng mukha niya... mamamatay tao siya. Natatakot ako. Bakit ko pa ba siya nadatnan dito? Sana hindi nalang, bakit siya pa ang pumatay sa kapatid ko?
"Ahh... ikaw siguro si Ate Carrel."
Naamoy ko ang mainit niyang hininga na malapit lamang sa mukha ko. Hindi ko maipagkakailang sobrang natatakot na talaga ako. Malapit na nga akong maihi rito.
"Huwag kang matakot wala naman akong rason para patayin ka," mahina niyang wika.
Dahil doon napabukas ako ng mga mata, napaisip ako na may rason siyang patayin si Carol? Pero bakit naman? Mabait at inosente ang kapatid kong 'yon. Wala nga iyong mga kaaway.
Bakit?
Ngumiti siya ng matamis sa akin saka sinakop ng dalawa niyang mga kamay ang pisngi ko... hindi na naman ako makagalaw sa mga ginagawa niya ngayon. May gusto ako sa kaniya kaya hindi ko pigilang kiligin, may gusto rin kaya siya sa akin?
"Gusto mo bang malaman ang mga sekreto ko, Ate Carrel?"
"A-anong sekreto?"
At nagsimula siyang isalaysay ang kaniyang buhay. Namatay na pala siya ngunit muling nabuhay, hindi katulad sa mga nobela na nabubuhay sila dahil may mission ang sa kaniya ay sinumpa siya ng mga magulang niya. Noong nabubuhay pa lamang siya ay hindi siya tanggap ng mga ito, sinabi nilang sana namatay nalang siya. Natupad nga ito ngunit ang sa puso ni Vince ay gustong maghigante sa may gawa non sa kaniya. Nabuhay siyang muli ngunit hindi na siya mamamatay pa. Pinatay niya ang lahat ng pamilya niya at ang pumatay sa kaniya. Nang pumasok siya sa paaralan nang isang araw ay may sumuntok sa kaniya sa panga at sinabing ayaw nito sa kaniya dahil sobrang yabang. Pinatay niya rin ito kinabukasan.
Lumipat sya sa lugar naming ito at nagsimulang magbagong buhay, para sa kaniya ay napapagod na siya sa araw-araw. Paulit-ulit na lang daw. Ngunit sadiyang mapaglaro ang tadhana dahil may pinatay na naman siyang babae, iyon ang babaeng hinalikan niya sa noo na nakita ni Carol. Gustong-gusto siya ng babae ngunit ang sinabi niya lamang ay hindi ito pasok sa panlasa niya, pokpok kasi ang babaeng iyon. Sinampal siya ng babae at sinabing ang yabang-yabang niya. Nag-init ang ulo niya sa narinig at may naisip na paraan. Kinuha niya ang numero ng babae at uto-uto naman agad ito para ibigay sa kaniya. At pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo. Ngiting umalis ang babae.
Alas tres tinawagan niya ang babae na magkita sila dito sa simbahan dahil may gagawin silang masaya. Laking tuwa ng babae at pumayag. Nang makarating ito sa simbahan agad niyang ginitlian ang leeg, naglupasaya ito sa sahig. At ang kay Carol ay sinundan pala siya nito dahil naisip ng kapatid ko kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya. Sobrang inosente niya talaga sarap sapakin. Hindi nagiisip na gabi na, eh. Kainis niya ah. Nakita ito ni Carol at sinabing isusumbong niya raw sa akin. At doon pinatay niya rin ito.
Bata pa pala siya nang mamatay, akalain mo iyon 13 years old pa lamang siya ngunit ngayon ay mukha na syang 21. Ganito na raw siya habambuhay. Hindi na raw siya mababago kaya hindi na siya naghahangad pa.
The next day, rumors spread that two girls died because they talked Vince in the middle of the night. Group of people killed them and those people are Vince's fan girls/boys.
The rumors weren't true but people keeps on believing it. Because looks always deceive people.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top