| one month |

Sabado ng araw na iyon nang maisipan kong e-chat ang manliligaw ng kaibigan ko. Napag-tripan ko lamang ito dahil sa nakatunga-nga lamang ako sa loob ng bahay. Nang kunin ko ang cellphone ko sa center table namin ay dinisplay nito ang pangalan ni Ashley na aking nagiisang kaibigan. Hindi ko siya matalik na kaibigan ay dahil naniniwala ako sa kung mayroon kang bestfriend mayroon ka ring best enemy. Dahil ang bestfriend ay magiging best enemy mo. Bakit? Because when it comes to bestfriend you will say all your secrets to her or him. You will trust that person most but you didn't know that person is not worth for. Hindi mo na pala alam ay pinagsasabi niya na ito sa iba. Alam ko namang hindi lahat ay ganitong tao pero alam kong hindi natin ito naiiwasan. Maliit lang sa mga tao ang mapapagkatiwalaan. 


When I read her message nag-reply naman ako sa kaniya.


Me: "Don't worry, Ash makaka-move on din siya."


I'm referring to her "manliligaw" or should I say na hindi talaga siya nito niligawan dahil in person ay tinanong ng lalaki na "pwede ba kitang maging girlfriend?" Hindi ata "panliligaw" ang tawag doon. Because she is just third year high school and the guy is fourth year, hindi siya pumayag. Wala naman din siyang gusto sa lalaki, pero attractive siya. Iyon nga lang hindi mo masasabing binata na ito dahil sa height niyang 4" lang ata? Or 5"? Pero attractive nga or malakas ang dating.


Frank: "How's she?"


Ito na nga nag-reply na siya ng mga ilan pang minuto. Nagisip muna ako kung anong ere-reply ko dahil kung sasabihin kung masaya siya ngayon ay masasaktan naman siya. Tao rin kaya siya, that's my daily line. Or motto I think. Kung sa verse pa ay iyon ang life verse ko. Kung malungkot ay magaalala naman siya. I am an honest type of person so... I'll tell him the truth.


Me: "She grown up beautiful and friendly, Frank. She have a lot of friends."


Wala pang isang minuto ay nag-reply agad siya. Parang bago ko pa lang ata na-sent iyon eh. Kung hindi lang talaga namin siya pinaguusapan ngayon ay naisip ko ng gusto niya akong ka-chat. Ganoon naman tayo 'di ba, girls? Nag-a-assume rin tayo agad na wala pang kasiguradohan o explenasyon. 


Frank: "That's good. Malimit ko rin siyang nakikita... and it's sad na hindi niya ako mapansin man lang. Ni eye contact man nga lang, eh. But it's okay dahil makaka-move on ako paunti-unti."


Me: "I'll tell you frankly na hindi pa ako nakaranas ng ganiyan so that I can't say na makaka-move on ka rin. Pero kung gusto mong makaka-move on nagagawan naman iyan ng paraan."


And we started chatting about her, mga nagustohan niya kay Ashley at sa mga ayaw niya rito. Patawa-tawa nga ako sa ibang chat niya a about lang naman kay Ash. I can say na seryoso siyang tao dahil hindi siya nagbibiro. Parang timang lang siguro akong patawa-tawa kahit hindi naman iyon joke. Like, sabi niya clumsy si Ashley, gusto niya raw ang ganoon. Dahil daw ang cute niya tuwing nadadapa or what. She's showing some emotion, of course. Buti nalang hindi ako clumsy masakit naman kasi ang ganoon, noh!


Frank: "Ayaw ko pang maka-move on sa kaniya pwede bang e-update mo ako sa kaniya?"


Me: "Sure. Kahit anong oras pa :)."


Frank: "Aww thx, Ven."


Sa hindi malamang dahilan na naman ay natawa ako at ngumingiti ng tawagin niya akong Ven. Second name ko kasi ang ginamit ko rito sa facebook na Venice, everyone calls me Arnel. Panlalaki ang Arnel sa pandinig ko kaya second name ang ginamit ko. I can't see it coming! Parang ang saya ko na ewan.


Umabot ng apat na araw nag-chat pa rin kami about sa kaniya, pabiro-biro na nga siya sa mga simpleng bagay. Paminsan-minsan jinojoke niya ako o pinipickup-line. Syempre, hindi nawawala ang pinupuri niya ako sa ibang bagay. Katulad ng screening namin noong isang araw para sa pageant, na-second lang ako dahil nautal-utal ako sa Q and A. Pero maganda ang sagot ko, ah! Sabi pa niya ese-celebrate raw namin iyon! Shocks, sabi ko nalang huwag na siyang mag-abala pa. Chat mate lang naman kasi kami, sa personal hindi kami nagpapansinan. 


Day 8

Me: "Uy buhay ka pa ba?"

Me: "Hala hindi nagcha-chat oh inbox zone ako? Marami pa naman akong baon tungkol sa kaniya."

Me: "Ayaw talaga? Online ka naman. Sige na nga sasabihin ko nalang rito!"

Me: "May nagkagusto kay Ashley sa room namin, ka-close niya 'yung lalaki at... alam mo na parang may chance ata."

Frank: "Can u help me how to move on, please?"

Me: "Ay, nagbago na isip mo? Maganda iyan!"

Me: "Madali lang naman search ka lang sa google kung paano. Marami roon."

Frank: "Hindi ba pwedeng ikaw nalang?"


Day 10

Me: "Sorry na inbox zone ata kita. Pinagisipan ko pa kasi 'yung favor mo."

Frank: "Did you said it to her?"

Me: "Of course. Kaibigan ko siya."

Frank: "May I know her reaction, please?"

Me: "Masaya siya. Sabi pa niya sa akin "ayos lang dahil naka-move on na siya sa akin na hindi nman talaga kami meant to be."

Frank: "It's so sad. I don't know pero masakit pa rin. But you are up right?"

Me: "I am not yet sure, Frank."

Frank: "Pero isang araw mong pinagisipan!"

Me: "TBH, I don't want to pero naaawa ako sa iyo."

Frank: "Then, tapos. Hindi nalang kita gagamitin. E-update mo nalang ako sa kaniya."
Seen


Day 11 and Day 27 nag-chat talaga kami. Araw-araw iyon, ah! Hanggang chat lang kami at hindi video o voice call. Hindi rin naman ako papayag kung sakali, saka siguro ayaw niya rin marinig ang boses at makita ako. Pero sa school palagi ko siyang nakikita. Tuwing sisilip siya sa classroom namin sa isang subject ay nagtatago ako o hindi kaya ay nagiiwas ng tingin sa kanila. Parang ayaw ko magtagpo ang mga mata naming dalawa, napapagkaalaman nga akong may gusto sa mga lalaking sumisilip sa classroom including him. Pero nagsi-ayiiee ang mga kaklase ko kila Ashley att Frank, sasabay sana ako pero alam kung ayaw ni Ashley nito kaya "shh" nalang ako. Napupuno nga ng asaran sa classroom dahil eme-mention nila si Ryker na may gusto sa kaniya. 

Frank became more friendly sa kada-chat namin. Parang sobrang close na kami sa isa't-isa kung ituring niya ako. He sometimes shared his embarrassing moments, naiisip ko nga na ginagawa niya ba ito dahil gusto niya akong mapatawa o mapasaya? But then the back of my mind said: may gusto siya kay Ashley. Impossibleng magustohan ka niya. Totoo naman ito then iiling ko nalang ang ideyang iyon. Impossible talaga.

Day 28 naging sila nila Ryker at Ashley. 

Me: "Uyyy..."

Frank: "Uuuyyyyy musta???"

Me: "Hindi ako okay..."

Frank: "Ha? WHYYY??? AHAHAHHA baka naman hindi ka naka-move on doon. Sumakit ba tiyan mo kakatawa?"

Me: "Hindi iyon hehe."

Frank: "Ahhh something serious ba?

Me: "Yeah at sana hindi ka magagagalit?"

Frank: "K."

Me: "Ryker and Ashley are in a relationship."

Frank: "Why should I?"

Me: "Huh?"

Frank: "Why should I be angry?"

Me: "WAIIIITTTTTT DOES THIS MEAN NAKA-MOVE ON KA NAAAA?"

Frank: "Yes?"

Me: "WAHHHHH am happy so so much for youuuuu."

Frank: "Noong June 21 pa po hehe."

Me: "Bakit hindi ka nagsabi?"

Frank: "Para surprise?"

Me: "Ay gusto mo pala ang mga surprise?"

Frank: "Yep!"


Napaisip ako sa mga oras na iyon na paano kaya kung mag-confess ako sa kaniya? E-confess ko na crush ko siya sa kada-chat namin sa isa't-isa, na-fall na pala ako sa hindi ko alam. Tinanong ko si Ashley kung anong mga signs dahil na-inlove naman kasi siya kay Ryker, tugma ang sa akin. Na-fall na ako kay Frank na hindi ko naman pinagsisihan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Huwag nalang.


Day 30

Frank: "Pa-good luck naman diyan report namin, mamaya."

Me: "Good luck, galingan mo po!"

Frank: "Hala na wrong sent."

Me: "LOL 'di ito naloloko."

Frank: "AHAHAHA alam mo bang wala kaming klase ngayon at mamaya pa? Nakikita kita ritooooo."

Me: "Pwedeng itigil na natin ito, Frank? Tutal naman naka-move on ka na."

Frank:"Oh? But if I or you have a question we can ask each other."

Me: "Sure."


After that day wala na akong reply pero nagcha-chat pa rin siya ng mga kung anu-ano nalang. Hindi na nga ako nago-online para lang iwasan siya. Ako rin, gusto ko rin mag-move on.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top