| maldita |
Noong unang araw pa lamang ng pasukan bilang fourth year high ko. Maraming nakikipagkaibigan sa aking mga babae, I accept their offer naman. Because you know, kailangan ko ng mga friends. And I don't want to be loner. I don't want to be called loner or loser. Just eew. Hindi bagay sa akin.
Meron akong limang kaibigan and I have this classmate named Ash. I don't like him. He always makes me angry! I really don't like him! And one more thing. May isang araw pa na niloko niya ako. Hindi naman sa naging kami. Niloko niya ako na hindi daw ako maganda. Like duhh, ako kaya ang pinakamaganda sa buong School. At isa pa! Ayaw ko sa kaniya dahil may kinakausap siyang mga babae sa kada uuwi siya.
Like eeew he is a playboy! Tsk.
"Katherine, aren't you going to eat?" Alderine, my cousin asks me. And yeah before I forgot. My name is Katherine Olive.
We are here in cafeteria eating our lunch. Kasama ko ang aking pinsan at mga kaibigan ko. Sila ay si: Adele, France, Shia, Brunette and Bridget. Bridget is super maldita. Well I am the most.
"Oh sorry, Alderine. I lost my appetite."
I said when I see Ash walking towards are table. Wala siyang kasama ngunit sa pagkakaalam ko marami siyang friends.
"Hi, Shia... you look beautiful today!" Nang nakalapit siya sa table namin iyon agad ang bungad niya. Nakangiti pa ang unggoy. Habang si Shia naman ngumiti dito at nagpasalamat pero sumingit si Bridget.
"Today lang naman girl. Bukas niyan hindi ka na maganda!" Then she rolled her brown eyes. Na pangiti ako sa sinabi niya habang si Shia nahihiyang tumingin sa akin.
"Ah—I know ikaw ang pinakamaganda Kath. Hindi ko naman iyon matatanggi." Nahihiya pa siyang ngumiti sa akin. At inikutan ko lamang siya ng mga mata. I don't like her. Masyado siyang mabait.
Ngumiti ako ng plastik sa kaniya.
"Oh don't worry, Darling. You are beautiful too. It's just that I am the most beautiful." Mataray kong sagot. Ngumiti siya sa akin at ngumiti na rin ako.
"What brings you here, Ash?" Naagaw ang atensyon ko kay France nang magtanong siya. Nalipat naman ang paningin ko kay Ash nang sumagot ito.
"Gusto ko lang sanang makausap si Katherine, kung maaari?" Napaikot ako ng mga mata. At ano naman ang sadya niya sa akin? Hindi kami close at ayaw kong makipagkaibigan sa kaniya. Ayaw ko ding dumikit sa kaniya! Nakakainis kasi siya!
"Ooohh ayos lang sa akin, Ash. Kath, you can go."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa pinsan ko. Hindi man lang niya ako tinanong kung bakit? What the fudge!
"Tara." Pagaanyaya ni unggoy.
Hinintay ko pa ang sasabihin nilang lahat pero kapwa sila ay ngumiti lamang. I hate them! Ugh!
Tumingin muna ako kay Ash na nasa aking tabi na nakatayo habang nakangiti. I roll my eyes to him and march away from them. Akala ko ba alam nilang ayaw ko sa lalaking ito? Like, you know parati akong nagku-kwento sa kanila na naiinis ako kay Ash dahil palagi niya akong inaasar. But then why now? Where's their brains go?
"Hintay naman diyan, Maldita."
Lumingon ako sa kaniya at huminto ng paglalakad. Habang siya naman nakangisi ng nakakaloko. I really hate when he smile. Habang ako naman nakataas ang isang kilay at pinandidilatan siya ng mga mata. But I know I am still beautiful.
"Don't you ever dare to call me that cheap nickname! Mas ayos na ang maganda." Mataray kong saad sa kaniya. Nagulat ako nang hindi siya sumagot. Nakatitig lamang siya sa akin at wala na ang ngisi sa kaniyang mukha. Naging seryoso na ito.
He is weird. Hindi naman siya ganito dati. Dati pa nga ay binabara niya agad ako sa lahat ng mga sasabihin ko. But now I don not know why he is acting strange. At mas nagulat pa ako nang hilahin niya ako.
Sa mismong kamay niya mismo ako hinawakan, hindi man lang sa braso o palapulsuhan. I don't understand what I feel right now. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako habang hawak-hawak niya ang kamay ko papunta sa rooftop. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.
Mayroong mga estudyante ang naglalakad na napapatingin sa amin. Hindi naman nila kami kilala kaya nagtataka sila. Kung kilala lang nila kami na magkaaway ay baka magiisip sila ng iba. Tsk. I don't like judgemental people. They are trash in this un fair world--oh let me correct it, because the world is un fair becuase of the judgemental people.
Namalayan ko na lamang na nandito na kami sa rooftop. Sinarado pa niya ang pinto. As in ni-lock niya. Ito na siguro 'yun kung bakit ako kinakabahan. Humarap siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Pero sa pagkakataong ito ay iba na. Iba na ang pinapakita niyang ngiti. Parang may halong lungkot, pero bakit naman siya nalulungkot? Masayahin naman siya dahil may marami siyang mga kaibigan. Most of them mga babae pa nga. Naiirita nga ako sa isang babae na ang pangalan ay Juliet, peste kasi siya lumapit lamang ako kay Ash para tanungin kung nakita niya ba yung ball pen ko. Importante kasi iyon sa akin dahil iyon lamang ang nagiisang brand sa mga ballpens ko. At nagtanong ako kay Brunette sabi niya hawak daw iyon ni Ash. Pero sinabihan ako nung Juliet na stay away from him daw. Baka saktan niya ako. Like, duhh. Saan niya po nakuha ang ideya na iyon? Bakit ko naman sasaktan si Ash aber?
"Katherine Olive. I know na maaasahan kita kahit na kaaway mo ang turing sa akin. Naniniwala kasi ako sa quote na love your enemies becuase they are the real friends when you are alone. Katherine, I want to tell a secret to you. Please don't tell this to anyone. Just keep it to yourself when you die."
Seryoso siya sa bawat salita na binibitawan. Gusto kong tumawa at suntukin siya sa balikat para sabihing nagbibiro ba siya. O prank na naman ito tapos may video. Pero hindi eh. Alam kong nagsasabi siya ng totoo.
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat at tanging tango lamang ang sagot ko.
"Please don't tell this to anyone. Kahit sa mga magulang ko pa kung magtatanong sila sa iyo. Please. Just say na wala kang alam."
Kumunot ang noo ko sa kaniyang binitawang mga salita. Napalunok din ako dahil ramdam ko ang tensyon.
"A-Ash ano bang kalokohan ito?" Sa wakas na ilabas ko ito sa aking bibig. Hindi ko talaga siya maintindihan, ano ba itong pinagsasabi niya?
"Katherine, I left a note in my parent's room saying: I will fly to Canada--"
"Eh iyon lang naman pala, Ash! Bakit mo pa ako dinala dito?" Naiirita ako sa kaniya. Eh ang simple-simple lang ng binigay niyang note.
Napabuntong hininga siya at hindi na nagsalita. Mas tumaas ang koryosidad ko sa kaniyang inaasal. Napayuko rin siya. Nakaramdam naman ako ng pagod dahil nakatayo lamang kaming dalawa rito at wala man lang din upuan sa rooftop na ito.
May naisip naman akong ideya para magsalita siya.
"Ash, you know what? I--"
"Stop it!!"
Napataas ng bahagya ang dalawa kong balikat sa kaniyang sigaw. Napaatras tuloy ako ng dalawang hakbang, nakakatakot pala siyang magalit.
"You don't f*ckin understand the life, Katherine! All you understand is to bully or hurt people physically for your own happiness!!"
Napaawang ang aking bibig. Naiintindihan ko ang buhay, Ash. Ang buhay ay hindi patas. Ang buhay ay magulo.
"Kilala mo lang ako sa pagiging maldita. Pero hindi mo pa ako kilalang buo." Malamig kong saad sa kaniya. Dinagdagan ko pa ito,
"Lahat tayong mga tao ay may mga sekretong tinatago. Sekretong ayaw natin ipaalam sa iba, sekretong makakasakit ng iba. Ngunit mayroong mga sekretong nagpapalungkot sa atin araw-araw. Gusto natin sumaya, nagagawa natin ngunit hindi natin matatakasan ang--"
"May ganiyan ka ring experience?" Hindi siya makapaniwala sa aking saad. Ngumiti lamang ako sa kaniya ng tipid.
"Oo. Wala na akong mga magulang. Gusto ko nga magkaroon ngunit anong magagawa ko na hindi naman ito ibibigay ng diyos? Namatay si Mommy noong fourteen years old pa lamang ako. Nagpakamatay siya, dahil iniwan kami ni papa. Habang si papa naman nabalitaan ko na lamang na patay na rin siya dahil inatake siya sa puso. Sa kada uwi ko nga sa bahay magisa lamang ako. Wala akong maids na nagaasikaso sa akin. Tanging ako lamang sa mala-mansion naming bahay nakatira."
Katahimikan ang namamayani sa aming dalawa kaya napagpasyahan kong magsalita.
"Kung may balak kang magpakamatay, Ash. Please huwag mo ng ituloy pa. Just please, Ash no. Sinubukan ko na rin iyan pero binubuhay niya pa rin ako. Ilang beses na akong napunta sa ospital pero waley pa rin. Please, Ash don't suicide."
"Ang hirap na kasi sa araw-araw, Katherine."
Umiling-iling ako sa kaniya at bigla kong naalala ang aking buhay nang mawala sila mama at papa. Palagi lamang ako sa kwarto nagmumukmok. Second year high school palang ako noon. Alam na naman ng mga tito at tita ko pero lahat sila ay mag kaniya kaniyang trabaho kaya magisa lamang ako. Minsan may bumubisita sa bahay na pinsan ko pero malungkot pa rin ako. Hindi pa rin kompleto yung buhay ko. Nag-search pa nga ako sa web isang araw noon kung paano hindi na masaktan pa araw-araw. May nabasa akong blog na move on. Ang iba naman mag-suicide, live normally o hindi na iyon iisipin pa. But hell, mahirap mag move on kaya ang ginawa ko hindi ako kumain ng dalawanf araw, humina ang buo kong katawan at ni hindi na nga ako makakalakad pa. Plus, hindi na ako umiiyak. Hanggang sa naisipan kong lumabas ng bahay namin to end my life. Para isa nalang ang esa-suffer ko. Tumawid ako sa kalsada nang mag green light ang traffic light. Nasagasaan ako ngunit tanging mga pasa lamang ang natamo ko. I am so angry that time, pinagalitan ko pa ang taong tumulong sa akin. May time nga na inutusan ko ang doktor na tuluyan na lamang ako para less na ang trabaho niya at hindi na siya mangamba. Pero hindi pa rin ako nag-succesful.
So noong bakasyon ng third year ko, nagsimula ako ng bagong buhay.
"B--buo na ang desisyon ko."
Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Wala itong emosyon a napakahirap basahin ng isang katulad ko. Umiling-iling ako sa kaniya at napaluha ng tahimik. Kinagat ko ang pangibabang labi ko upang hindi makahikbi.
"All you have to do is... listen to me and do not tell them the truth. Just like that, it is so simple, Katherine."
Kumunot ang noo ko sa kaniya at namalayan ko na lamang ang sarili kong tinulak siya. Gulat ako rumehistro sa kaniyang mukha. Naiinis ako sa kaniya dahil hindi man lang niya iniisip ang mga taong malalapit sa kaniya.
"Ash, you don't know what is the feeling of--"
"Tama ka nga! Hindi ko alam! Dahil naranasan mo na, but, Katherine maswerte ka dahil mayroong nagmamahal sa iyo for what have you done. Ha--habang ako wala." Pumiyok ang kaniyang boses sa kaniyang huling sinabi. Ngunit tila naguguluhan ako.
I always see him with his friends. Mga lalaki niyang kaibigan nasa mga tatlo nga sila. Nagkukwentohan sila at nagtatawanan kaya naguguluhan ako, paanong walang nagmamahal sa kaniya matapos ng trahedyang ginawa niya?
"Hindi kita maintindihan, Ash." Naiiling kong saad. Napayuko ako sa kaniya at tiningnan na lamang ang sapatos kong kulay black.
"I have a girlfriend when I was seventeen years old. Mahal na mahal ko siya na kaya ko pa ngang pumatay ng isang tao para sa kaniya. It was Saturday morning when I received a call coming from her. Ang sabi niya uuwi siya sa kanilang probinsya dahil namimiss niya na ang lola at lolo niya, na siyang bumuhay sa kaniya noon. Matiwasay siyang nakauwi pagka linggo. Ngunit nang magkita kami sa school nang monday she is cold to me. Cold as ice at napakahirap niyang tunawin. Kinausap ko siya pero dinadaanan niya lamang ako. Minsan naman sabi niya magc-cr muna siya. I hate it. Pero hindi ako nagalit sa kaniya. I said sorry kahit hindi ko naman alam kung anong kasalanan ko. And then, a day comes. She is with her boy bestfriend noon sa isang corridor. Sa mga oras na iyon ang lahat nasa klase na kaya wala ng tao sa hallways. Nakita ko ang ginawa ng bestfriend niya sa kaniya. Pinipilit siya nitong makipaghalikan, pero umayaw siya. Sinuntok pa siya nito sa tiyan at doon na ako sumugod... ho--how dare him!"
Rinig na rinig ko ang bawat hikbi ni Ash habang nagku-kwento siya. It is clear that he is hurt. Nasasaktan talaga siya sa trahedyang iyon ngunit ano namang kinalaman nito sa gagawin niyang pagpapakamatay?
"I filed a case matapos ang trahedyang iyon ngunit sa kasamaang palad hindi kami nanalo. Nakulong pa ang mga magulang ng girlfriend ko. Labis akong nalungkot noon. At naisipan kong puntahan ang kaniyang bestfriend. Sakto namang mag-isa ito sa kanilang bahay kaya nagawa ko ang plano ko. Una pinilit ko siyang pinaamin kung may ginawa ba siyang foul play sa korte. Hindi umamin ang gago kaya napili--"
I cut him off.
"Pi--pinatay mo siya?" Hindi makapaniwala kong tanong habang nanlalaki ang mga mata. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang pumatay ng tao.
Ngumisi siya sa akin at tumango. Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya, ganiyan ba talaga kapag may lovelife ka? Pinapatay mo ang mga taong makakasira sa relasyon niyo? Dahil kung ako hindi ko magagawa iyon.
"Ano pa nga bang gawin sa isang taong makasalanan? Edey pinapatay!" May tinding galit at hinanakit niyang bigkas.
Muli na naman akong napayuko dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa mga mata niyang puno ng lungkot at hinanakit.
"Pinatay ko siya, Katherine at nakulong ako sa bilangguan ng limang buwan. At pagkatapos noon kinamuhian na ako ng mga magulang ko. Pati na rin ang buong angkan namin. Hindi raw nila matanggap ang mamamatay tao sa dugo nila. Nakalimutan ata nilang may dinadala akong sakit. Malapit na nga akong matuluyan nang araw na iyon."
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko mula sa kaniya... ibig bang sabihin nito ay may sakit siya, tapos hindi niya na-feel na mahal siya ng mga magulang niya kaya siya magpapakamatay?! Oh god. I can't take this anymore---I really can't.
Itiniaas ko ang aking atensyon sa kaniya at sumalubong sa akin ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Gaya ng dati... puno iyon ng lungkot at hinanakit ngunit nalalamang ang lungkot.
"Ash, naiintindihan na kita ngayon. But I totally disagree your decision, please Ash don't do this. Kung magtatanong ka... pati ako masasaktan kapag mawawala ka. Ako lang naman ang babaeng sinabihan mo nito tapos hindi pa kita mapipigilan? Ash, masakit sa loob iyon. Sa huling pagkakataon nakikiusap ako... huwag mo ng ituloy pa ang binabalak mo. Parang awa mo na."
I tried not to stutter when I was talking. Pinipigilan ko na naman kasi ang sarili kong huwag umiyak sa harapan niya. Naghihintay ako sa magiging sagot niya kaya nakaramdam ako ng kauting pag-asa. Pag-asa na baka pinagiisipan niya pa itong mabuti.
"Mayroon kang mga kaibigan, Ash. Marami pa nga sila eh. May mga babae pa nga napagkakaalaman tuloy kitang playboy." Natatawa kong sambit ngunit sa loob-loob ko malapit na akong bumigay.
"Pinsan sila ng girlfriend ko," walang kagana-gana niyang sambit habang napapikit na ngayon. Naisip ko bigla ang kaniyang girlfriend.
"Nasaan na siya--"
"Ang girlfriend ko? Patay na siya... nagpakamatay siya."
Nanigas ako sa aking kintatayuan sa ikalawang pagkakataon. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya.
"Sila nalang ang bumubo sa buhay ko. Sila na lang ang nagpaparamdam sa akin na kailangan kong maging matatag sa mundong ito. Si--sila na lang ang karamay ko sa araw-araw." Sinabayan niya ito ng hikbi kaya mas nalulungkot pa ako sa kaniya.
"A--"
"Naiintindihan ko ang gusto mong ipahiwatig, Katherine "Maldita" Olive. But you can't stop me from doing this. I am sorry."
Huli na ang lahat... hindi ko siya napigilan.
Tumalon siya sa pinakamataas na floor na ito. Hindi ko kayang tumanaw sa baba kaya napaupo na lamang ako sa kinatatayuan ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga butil ng luha mula sa mga mata ko. Hanggang sa napahagulhol na ako sa labis na sakit. Gusto ko ring sumunod sa kaniya para mapagalitan ko siya sa ibang mundo pero nawala ang ideyang iyon nang sunod-sunod ang katok sa pintuan. Nanghihina pa akong napatayo at sa pagbukas ko ng pinto... mukha ni Juliet ang sumalubong sa akin. Akala ko sasampalin niya ako o magagalit siya ngunit niyakap niya lamang ako at humagulhol. Kaya napahagulhol na rin ako.
Maldita nga ako pero madali naman ako nasasaktan kapag patayan na ang usapan. Iyon ang kahinaan ko e, sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Sinasabihan ako nila Juliet at iba pa niyang pinsan na huwag na akong umiyak, hindi ko iyon kasalaan, desisyon iyon ni Ashbian. Pinipigilan na rin daw nila ito sa una umaayon daw ang kanilang plano pero sa araw-araw nahihirapan na sila. Kaya inaasahan na nila na mangyayari ito.
Kung nasaan ka man ngayon, Ashbian Mason. Hope na magiging masaya ka na, dahil ito naman iyong gusto mo. Sana man nasa langit ka ngayon.
-The End-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top