| i'm not her |
Tumatakbo ako para habulin ang nagiisa kong bestfriend na si Nina. Suot-suot ko ang aking kulay ubeng uniporme, at nasa likod ko naman ang aking bagpack na kulay itim. Hiningal na ako sa kakahabol sa kaniya ngunit hindi pa rin tumitigil ang bruha. Pagod na ang mga tuhod ko dahil sa ginagawa niya, pero hindi pa rin siya tumitigil.
"Nina, akin na iyang notebook ko!" Sigaw ko kasabay ang pagtalsik ko sa gilid. Binangga ako ng isang babae kaya napaupo ako sa sementong sahig na kulay pula. Nauna ang aking pwet at kasunod nito ang aking likod na mas nasaktan dahil nadaganan ko ang bag ko. May mga notebook dito at isang libro kaya sakit-sakit dahil matitigas puro. Napapikit ako at tumayo ng dahan-dahan pero ang tuhod ko ay nanginginig kaya napahiga ako. May kamay naman na lumahad sa harapan ko, pagtingin ko yung babae pala. Nakangiti siya ngayon at napansin ko na may dumi ng juice ang kaniyang polo blouse.
Tinanggap ko ang kamay niyang may pagaanlinlangan. Nang makatayo ako ay inalalayan niya pa akong huwag matumba. Nahihiya naman akong napatingin sa kaniya pero ngumiti lamang siya sa akin.
"Pasinsya na po hindi ko po sinasadyang banggain kayo," ang cute ng boses niya at second year high school pa pala siya. Nakilala ko kaagad ito dahil sa i.d niya na kulay yellow. Ngumiti ako sa kaniya at napahakbang paatras ng isang hakbang. Tumingin ako sa likuran niya kung huminto ba si Nina, oo nga huminto ito pero nakatalikod naman sa akin. Bruha nga siya hindi ako tinulungan. Kainis!
"A--ayos na ako. Pwede ka ng umalis. Mukhang nagmamadali ka ata." sagot ko naman. Ngiti at tango lamang ang tugon niya at kumaripas na nga siya ng takbo.
Habang ako, inayos ko ang uniporme kong nagusot pati na rin ang saya ko. Buti nalang two inches below the knee ang saya namin kundi ay nasilipan na ako kanina na napahiga pa ako sa sahig. Pero ang sakit talaga ng likod ko.
Lumapit ako kay Nina na bestfriend ko noong fourth year high school ako hanggang ngayong first year college. Nakatayo lamang siya at hindi gumagalaw kaya pagkakataon ko na ito, kinuha ko dali-dali ang sa kaniyang kamay ang notebook ko na kulay mint green. Plain mint green lang talaga ito at walang ka-design design. Agad ko naman itong nilagay sa bag ko at humarap sa kaniya. Napatawa na lamang ako ng malakas para asarin siya dahil nakuha ko ang notebook ko.
Importante ang notebook na ito dahil nandito lahat ang mga hinanakit ko or mga tinatagong sekreto na hindi ko nasasabi sa iba. Mga random lang naman ang nasusulat ko, well if talking about crush. Wala. Wala akong crush, pero mga naga-gwapuhan na mga lalaki meron si... Zarry. First year college ko palang talaga siya nakilala. Marami rin namang mga babae ang hinahangaan siya o di kaya ay nagwa-gwapohan... matalino rin siya iyon ang sabi ng iba. Hindi kami magka-klase kaya hindi ako sigurado. At isa pa magkaiba kami ng korso. Siya Engineering ako naman HRM.
Kinalabit ko si Nina at tumingin sa kaniya. Nakanga-nga ang bibig niya pero sakto lang naman ito na hindi mapapasukan ng langaw. Siguro, kanina pa siya dito kaya tinulak ko siya para magising sa imahinasyon siyang walang patutunguhan. Nagising nga siya or should I say nabalik siya sa reyalidad. Nagalit pa siya kung bakit ko daw iyon ginawa habang ako tinawanan lamang siya at inasar-asar pa.
"Ang pangit ng mukha mo kanina," sinabayan ko pa ng tawa na mas iirita sa kaniya. Bakit kasi pinahabol niya ako ng napakalayo tapos nabangga ako at ito masakit ang likod ko. Hindi niya nalang sana ginawa iyon para hindi ko siya maaasar ngayon. Wahahaha nasa akin parin ang huling halakhak.
Pero napatigil ako dahil sa kaniyang sagot;
"Nginitian ako ni Zarry!" Tumili siya at pinalo-palo ako sa balikat. Hindi pa ako nakagalaw pero nang masakit na ang palo niya ay ngumiti nalang ako ng pilit sa kaniya.
"Ma-Mabuti naman at napansin ka na ng crush mo." You read it right. Crush niya si Zarry at nakaramdam ako ng kaunting selos. Pero sinantabi ko na lamang ito dahil nangingibabaw ang saya ko para sa kaniya.
"Oo nga, Grace. Hehehe kenekeleg eke!!" parang timang pa siyang ngumiti-ngiti. Tinawanan ko na lamang siya para maitago ang nararamdaman kong pagkaselos.
"Tara na, girl baka mahuli pa tayo sa last period natin," pagiiba ko sa kaniya ng topic para naman maka-move on na siya.
---
Uwian na namin ngayon at heto ako nanunuod sa dalawang naguusap. Parang nasa sine ako ngayon na nakatingin sa kanila. Nasa labas kami ng room at may mga estudyante na binabati ako at ang iba ay nagpapaalam. Mga kakilala ko iyon sa high school pa ako, habang ang iba ay kaklase ko sa ibang subjects. Nginitian ko lang sila puro at minsan pa wave-wave rin. Being friendly lang ganern, hindi naman ako famous. And I don't want to.
"Ako pala si Zarry Martin. Ikaw ano palang pangalan mo?", napakurap pa ako para siguraduhin ang sarili ko na ako pala ang kinakausap niya ngayon. Oo nga ako nga--kinusot ko pa ang pisngi ko at napangiwi nalang ako sa sakit. Tinitigan ko naman ang nakalahad niyang palad hindi nga ako nanaginip ako nga!!
Tinanggap ko iyon at ngumiti,
"Ako si Grace Gultian. N-nice to meet you." He smiled sweetly that every girls will melt. Jusko pati ako unti-unting nalalanay. Pero hindi ako ice cream, tao ako. Kinurot ko muna 'yung palad niya at napagalamang malambot ito hayss ang sarap hawak-hawakan palagi. Saka ko naman iyon binitiwan. Malandi ako ng unti, but at least sa isipan ko lang hindi sa katawan.
"Ikaw pala ang matalik na kaibigan ni Nina Reyes. Hi." Napaka-awkward talaga halos gusto ko ng himatayin nang ngumiti na naman siya. Sa pagkakataong ito labas na ang ngipin niyang kasing puti ng perlas. Pantay na pantay pa ang mga ngipin niya na sobrang nakakainggit. Grabeng blessing ang binigay sa kaniya sa pisikal na anyo ah.
"Kung ayos lang ba sa iyo ay sumabay ako sa inyo sa paguwi? Sabi kasi ni Nina ay magkapit bahay lang tayo ng street." Wika niya. Napaisip naman ako saglit. Pagkakataon ko ng masilayan ang gwapo niyang mukha sa paguwi at may chance pa na makausap ko siya kahit saglit lang. Pero ito na rin ang chance na makasama ni Nina ang kaniyang hinahangaang lalaki. After all si Nina naman ang sadya ni Zarry at hindi ako.
"Ahh hindi may kasabay naman ako." Tumingin ako kay Nina na ngayon ay nakakunot ang noo. Alam niya wala akong kamag-anak dito sa school na sasabyan 'pag uwi pero hindi niya alam na meron akong ka-m.u noon na naging bakla na ngayon na nag-aaral dito. Hindi rin naman ako palakwentong tao. "Ayos lang, Nina para naman...," lumapit ako sa kaniya para bumulong, "... ma-solo mo siya." Kumindat ako rito pagkatapos ay tumakbo papaalis. Hindi na ako nagaksayang magpaalam pa.
Pumunta ako sa building ng baklang iyon na nasa second floor pa. Habang nilalakad ko ang pasilyo ay isang alaala ang pumasok sa isipan ko. Naka-m.u ko siya noong third year high school ako. Patay na patay talaga ako sa kaniya noon dahil sa mga biro niyang nabighani ng puso ko inaamin ko namang madali lang talaga akong mahulong sa isang tao. Sa mga simpleng ngiti nito o mga sweet gestures. Naalala ko noong christmas party namin ay wala akong natanggap na regalo. Umiyak ako ng mga oras na iyon dahil napaka-un fair naman kasi. Third year high school ako noon. Malaking halaga kasi ang pinagusapan tapos wala palang akin? Lumapit nalang siya bigla at tinanong ako kung bakit ako umiyak sagot ko naman na wala akong natanggap na regalo and then kinomfort niya ako. Which is pulang-pula na talaga ako noon, crush na crush ko kasi siya. And then nag-confess nalang siya bigla. Nanlaki yung mga mata ko tapos wala akong masabi.
Pero inamin ko rin kalaunan sa kaniya na crush ko siya. Ayon m.u kami pero hindi naman niya ako niligawan ayos na raw iyon, at least may mutual din palang nararamdaman ang isang babae raw sa kaniya. And then now, grabe bakla na siya. I can't believe it.
Huminto ako nang nandito na pala ako sa classroom nila. May mga estudyanteng nasa hallway naguusap, nagse-cellphone at isa na roon si Carlo. Hinding-hindi mo masasabi sa physical appearance niya na bakla siya dahil makisig ang katawan at lalaking-lalaki ang hair cut. Ang kasuotan niya rin ay panlalaki. Hayss sayang na sayang talaga~
Lumapit ako sa kanila na kausap niya pala ang dalawang babae parang nagbabangayan sila sa kung saan sila pupunta. Ang dalawang babae ay kapwa matataas ang mga buhok na kulot.
"Oh, c'mon girls, sumama nalang tayo kila Henry. You know marami siyang pinsan doong mga lalaki!! hihi," bungis-ngis ng isang babae at napakapit ito sa braso ni Carlo. Umaksyon naman ang isang babae, sinabunotan niya ang isa pang babae... uh ganiyan ba talaga sila magusap?
"No! Ayaw kong makita si Henry, that guy!! Arghh! He broke my heart on my party!" She made a angry face at napa-face palm na lamang sila Carlo, sakto namang lumingon-lingon ito at nakita ako. Nagtaka naman siya pero kalaunan ay lumapit din. Tumikhim siya at parang binabago ang boses pero inawat ko na, magiging mahirap lang iyon sa kaniya, dahil mukhang nasanay na itong mag binabae.
"You can talk the normal, Carlo."
"Awww ang sweet mo naman, girl pero hindi Carlo ang name ko Carol na." Tumawa ako ng bahagya. Pati pala pangalan nito binago. Nagkibit-balikat na lamang ako.
"Bakit ka pala nandito? Hindi niyo naman building ito diba?"
"Hmm hindi nga at gusto sana kita yayain na sabay na umuwi pero mukhang--" pinutol niya ako dahil mukhang nagmamadali siya.
"Oo, girl eh, I am so sorry. Siguro bukas sabay tayo? Pinangakuan ko kasi ang dalawang kaibigan kong mag-bonding kami kaya sorry." kumapit ito sa braso ko at nag-puppy eyes which I found gross. But yeah, he's a gay so dapat masanay na ako roon.
"Hindi ayos lang, sige mauna na ako." Nagpapaalam na ako sa kaniya at umalis. Narinig ko pang nagtalo ang tatlo kaya dali-dali na akong umalis baka madawit pa ako rito.
#
Days passed by at ganoon pa rin ang setting namin, sabay silang umuwi ni Zarry at ako ay magisang umuwi. Tsk nakakalimutan na ako ni Nina unti-unti. Minsan naman silang dalawa ni Zarry ang sabay na kumain, sabay pumunta sa isang lugar, minsan nagbo-bonding or date silang dalawa, like, nagseselos din kaya ako. Hindi kay Zarry kundi kay Nina, bestfriend ko siya okay? Hindi na rin kami nakakapagusap sa telepono tuwing Sunday's kung anong nangyayari sa Saturday's namin. Sa classroom naman patago siyang nagte-text. Like, kating-kati na akong isumbong siya para mapansin niya ako pero wala eh. Hindi ko iyon magagawa.
"Gultian, may nangyayari roon sa covered court at involve ang bestfriend mo." Napatayo naman agad ako sa sigaw ng isa kong kaklase. Alam nila na bestfriend ko si Nina dahil close na close kami sa isa't-isa na parang tuko. Kasalukuyan kong sinasagutan ang Math equation namin nang sumigaw ito, pinapaalam ako.
Agad-agad akong tumakbo papalabas sa classroom at pumunta sa covered court pero ang inaasahan ko ay hindi pala. Masakit pala sa damdamin na makita ang hindi mo inaasahan ano? Buong akala ko pa naman ay wala talaga akong gusto kay Zarry pero sa araw-araw na nakikita ko siyang sinusundo si Nina sa classroom ay naiinggit ako at doon ko na-realize na hindi pala ako naiinggit dahil walang sumusndo rin sa akin kundi ay unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Unti-unti akong humahanga sa gentelman niya sa katawan. Sa pagiging sweet, sa telepono. Nababasa ko kasi ito sa telepono ni Nina, I just take a peek at yeah masakit talaga.
Ngayon, nakikita ko silang dalawa na nakangiti sa isa't-isa habang sinisigaw ng mga tao ang salitang 'kiss' at 'ayiee'. Nagpro-pose nalang naman si Zarry kay Nina at sinagot ito ng kaibigan ko. May dala-dalang bulaklak si Nina, bigla nalang niyakap ni Zarry ang kasinatahan na ngayon at nag 'ayieee' ang mga tao. Nasa gitna talaga sila ng covered court.
Agaw pansin sila sa lahat ng mga estudyanteng inosenteng naglalakad lamang. Maraming nakatingin sa kanila kaya napagpasyahan ko nalang na umalis. Sa paglalakad ko ay nagsigawan ang mga tao at nag si'wooh' sila at nagpalakpakan. Hindi ko na nakayanan pa ang nararamdaman ko kaya hindi ko namalayan ang pag agos ng luha mula sa aking mga mata patungo sa pisngi ko. Dali-dali akong napatakbo papalayo sa kanila, papalayo sa mga nagkakasiyahang mga tao.
Hindi naman kasi ako katulad niya, maganda siya, mayaman at mabait kaya siguardong magugustohan siya sa crush nito. Iba kasi ako sa kaniya. Well, I am accept my fate na hindi talaga ako gusto ng crush ko. Well, happiness can only exist in acceptance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top