Tagaktak: Simbolo ay Bayani

This poem was my entry during the Spoken Poetry Contest of YAPAK.

*************************

Gaano ka ba katapang bilang isang tao?
Kagaya ba ng mga bayani na nagbuwis ng buhay sa bansa mo?
Paano naman kung kakaibang digmaan ang iyong kaharap?
Salungat sa kanilang napagdaanang sugat?
Kakasa ka ba? o tatangi at magkibit-balikat?

Tayo ngayon ay sumasailalim sa iisang giyera,
Datapwa't dito kalaban natin ay kakaiba.
Hindi nakikita ng hublas na mga mata,
Iba ang gamit nitong bala,
Matutuklasan lamang sa tulong ng teknolohiya at mga tao sa medisina.

POSITIBO, ito ang tawag sa mga natamaan ng bala
Giyera mula sa kakaibang sakit na umaaarangkada
Patuloy sa paghawa,
Hindi madaling mapuksa,
Nakakapanghina.

Mabuti na lamang maraming makabagong bayani ang bayan.
Sila ang mga tao sa unahan ng patuloy na pakikipaglaban,
Nais lamang protektahan ang karamihan,
Upang mundo'y hindi tuluyang masakop ng kadiliman.

Sa kabilang dako, maligayang pagbati sa mga gumaling,
Matagumpay na nakakalas sa tanikala ng dilim.
Matapang na nakipagbakbakan habang nagpapagaling,
Bayaning pasyente sa sarili kung sila'y maituturing.

Marami nang bayani ang naglaan ng buhay,
Sa Corona Virus na nakakamatay.
Karamihan sa kanila ay ang sa pinakaunahan
Mga frontliners kung tawagin,  handang sumugal sa kamatayan.

Isang pagpupugay sa lahat ng mga frontliners sa bawat bansa,
Naghahanap ng solusyon upang virus ay mapuksa.
Handang sumgal sa kamatayan maisalba lang ang karamihan,,
Di alintana ang peligro matulungan lang ang sanlibutan.

Ako'y taas noo,
Bilib ako sa dedikasyon niyo,
Sa bawat tagaktak ng  pawis, bayani ng bansa ang sumisimbolo,
Ako'y saludo.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top