Pamilya
Nasaktan ka nang mawala ang isang simpleng bagay,
P
aano pa kaya kung sila'y mawala sa iyong buhay?
Patuloy mong sinisisid ang kailaliman ng pag-aaral,
Handang sumugal,
Sapagka't isang hangarin ang nais mong makamtan,
Iyon ang maahon ang buhay sa kahirapan,
Kaya pamilya ang iyong karamay at sandigan.
Kung pipili ka sa pagitan ng relasyon at pamilya,
Pagpasensiyahan mo muna ang jowa,
Pamilya ang dapat mong mauna,
Hindi sa binabalewala mo siya,
Ngunit pamilya sa iyo'y dapat na mahalaga.
Ikaw?
Gaano ba talaga kahalaga ang iyong Ina?
Ama?
Ate?
Kuya?
Ang iyong mga pamilyang kadugo?
Silang mga karamay mo kahit saang dako.
Ngunit, naisip mo ba ang kanilang sitwasyon?
Lalo't tayo ay nasailalim ng kakaibang yugto ng panahon?
Krimen, sakuna, giyera, at kakaibang sakit,
Iba't-ibang pangyayari na sobra ang hagupit.
Paano na?
Paano na ang nasimulan?
Kung dahil dito hindi mo na matatapos at pangako'y hindi mapapanindigan,
Masakit!
Nakakapanlumo makita ang bawat pamilya na namimilipit,
Sa sakit na walang lunas kundi tiwalang higit.
Hindi natin alam ang mangyayari,
Kaya habang may pagkakataon mahalin ang pamilya at sarili,
Ipakita sa mundo kung gaano tayo ka-swerte,
Kasama ang pamilya at sa bahay nakapirme.
Ako!
Ikaw!
Tayo!
Ito ang pamilyang tinutukoy ko,
Lahat tayo ay pantay-pantay,
Anumang lahi at kulay,
Pamilya kita,
Tayo ang siyang magiging magkaramay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top